Grabe ang bago, sinlaki ng Pilipinas!!! |
Alas tres pa naman ang trabaho ko kaya wala namang kaso sakin kung maulan.
Kaso lang 9am palang wala ng kuryente. Usually, mabilis rumesponde ang electric company sa amin kaso lang sobrang lakas talaga ng hangin. Hindi ko sila masisi kung bakit hindi agad nagkakuryente.
On the other hand, dahil walang magawa sa bahay hindi ako nagmukmok kagaya ng mga losers. Only losers make mukmok the whole day.
Nagmukmok ka lang ba kahapon?
Productive Day MUNI MUNI:
Hindi na bago ang mga bagyo sa atin. Once a year nagkakaroon naman lagi ng malakas na bagyo. Yun nga lang, paminsan, pag natyempuhan mo ang malas talagang kakainin ka ng bagyo.
Noong elementary ako, welcome na welcome ang mga bagyo. Pag may bagyo sigurado, walang pasok. Walking distance lang ang school. Sarap ng walang pasok, pwedeng pwedeng makipaglaro na lang sa kaklase kung di rin lang ganun kalakas. Sarap maglaro sa ulan. Okya magbangka bangkaan sa sapa. Ang lakas pa naman ng agos ng sapa. Nakakatakot pero may thrill! Tapos jijingle ka sa sapa patagalan umihi. Oo yak yun pero bata ka palang naman.
Pagbigyan.
Pagdating ng high school, pag may bagyo, siguradong lubog school namin. Ang Pampanga High School (PHS) ang isa sa mga lumulubog sa mapa kapag maulan. Mahilig nun akong magtapon ng basura sa tamang lalagyan pero minsan sinasadya kong itapon sa estero ng PHS para pag umulan babaha. Freshie at Sophomore pa'ko nun. Pagdating ng Junior at Senior High, hindi na talaga ako nagtatapos sa mga kanal para lang magwish na walang pasok. Hindi na lang ako pumapasok.
Hindi ko alam sa inyo, pero ang high school life ang pinakamasayang mga araw ko sa skul. Ang high school life ang nagmulat sa'kin sa kung anu-anong mga bagay.
Sa Pampanga High School lang ako nakakita ng every Friday may gang war. Dun lang ako nakaranas na may nangikil sa'kin. Napagkamalan na rin akong nambugbog sa isang gang member. Dun ko unang naranasan ang mag-cutting classes, maglakwatsa, mangopya, mandaya, mandoktor, magdahilan, tumakas, magcamping, at higit sa lahat, manood ng bold.
Going back to the topic, pag bumabagyo usually hanggang tuhod ang baha sa PHS. Yun yung mahina pa. Kawawang mga freshie, lagi silang biktima ng mga kanal sa side ng daan. Nakakalimutan nilang isang metro ang lalim ng mga kanal at nakaopen. ^_^ It's always a sight to behold.
Natulog lang din ako buong araw.
Moving forward.
Natulog lang ako for the day. Nung magtatrabaho na sana, nung palakad ako papuntang kanto namin para sumakay ng jeep, ilang steps pa lang ng bahay binugahan ako ni Pedring ng malakas na hangin. Gamit ko nun yung pianakamalaki namin payong. Ayun, nasira lang naman. Uwi, kuha bagong payong. Pagdating ko ng kanto, 5 minutes na lakad lang basang basa na'ko sa ulan at hangin. Sira ulit payong. Naghintay akong extra 15 minutes wala akong masakyan! Konti na nga lang ang bumibyaheng mga jeepney, tapos hindi pa sila tumitigil sa kanto namin dahil ang laki ng baha. Iniisip siguro nila walang sasakay.
Nagpaalam na lang tuloy ako sa boss ko na hindi na lang ako papasok. Ayun. bawas sweldo na lang inabot ko.
Oh well, inevitable yung nangyari. Hindi naman ako nagsisisi hindi ako pumasok. Sure ako kung sumabak pa'ko sa ulan sinisipon or worse nilalagnat na'ko ngayon. Tae yang si Pedring eh.
Ngayong sinusulat ko itong blogpost na'to 16 na namamatay at libu libong tao na ang nasalanta ng bagyo. Si Pedring, act of nature. Walang magagawa. Hopefully tama na ang casualties.
For us, gawin lang natin ang usual nating ginagawa. We have to eh.
Move on.
P.S. Congrats sa mga walang pasok. ^_^
Move forward.