Hopefully Ngayong Nandito Ka sa Blog ko, Hindi Ka Nawawala. ^_^

Please don't forget to subscribe to my blog para pag may post ako automatic makikita nyo. Feel free to share my blog sa Facebook, Twitter, Google+ or any other social media.

Salamas!

Thursday, September 15, 2011

Luto ng Nanay ang The Best!

Laging masarap ang luto ni Mama. Ba't ba laging ubos ang pagkain kapag si nanay ang nagluto? Bakit ba hinahanap hanap mo ang pagkaing luto ng nanay? Ano nga ba ang sikreto?

Alam ko na. 

May mga bagay, na nasa tabi tabi lang pero di mo napapansin. At kapag nakita mo na, nasasabi mo sa sarili mo na "Ang tanga tanga ko pala. Andyan ka lang pala, hindi ko pa nakikita."

Maybe it's time we people should rethink complicated stuff such as cooking. Kasi, lahat ng bagay pala ay simple lang.

Gigising yun ng 1:30 ng umaga para maghandang mamalengke. 2am darating ang service niya. Madalas late ang service kaya pinapapak siya ng lamok sa labas ng bahay. Adek si mama, ayaw bumaba pag andun na ang service. Ayaw niya kasing may naghihintay.Before 6am makakauwi na siya. Pagod. Hindi siya agad nakakauwi kasi marami silang nagpapa-service sa jeep. 

Gusto ko siyang samahan na lang sa pamamalengke kaso ayaw naman niya. Ayaw niyang masira tulog ko. Para sana maaga rin uwi. Na-try na namin minsan eh. Alas-kwatro pa lang tapos na kami mamalengke. 

Pagkauwi aayusin niya mga pinamili niya sa ref. Itatabi ingredients na iluluto sa araw. Tapos, diretso maglalaba at magbabanlaw. Tambak nilalabhan ni mama. Nagvovolunteer akong ako na lang maglalaba ng damit ko kaso OC si mama. Pag kasi ako naglaba ndi naman ako maarte. Kahit hindi sobrang puti ng damit ko, okay lang. Lalake naman ako.

Sa kakalaba, nagka-scoliosis si mama. Lagi kasi siyang nakayuko.

Paminsan, sa araw ng pamamalantsa, talagang sinisiguro ni mama na diretso at isa lang yung guhit ng tupi ng damit. Maalaga si mama sa damit. Ang mga butas kong pang-araw araw na damit tinatahi ni mama. 

Pati brief ko may tahi! Ano kaya nakakabutas ng brief ko? Ehem ehem ehem..

After lahat ng yan, dun pa lang siya nagluluto. Kung common na tao lang yun tamad ng magluto. Pero si mama, tinatyaga niya pa rin. Minsan, napapaisip ako, ganun ba talaga lahat ng nanay? Kung mag-aasawa ako, gusto ko yung katulad ni mama. 

Pag tinitignan ko si mama wala naman special sa pagluluto niya. Same same lang naman ang pag-gisa niya. Wala ring secret sa ingredients. Takal takal lang ok na siya. Pero sa tuwing kakain ako, napaparami ang kain ko.

Matagal ko ring inisip ba't masarap ang luto niya. And then bigla kong naalala lahat ng ginagawa ni mama bago pa siya magluto. Tama, ang sikreto ng lahat ng bagay ay nag-uumpisa sa preparasyon. 

Hindi, huwag mong isiping pagprepare ng ingredients. Little part pa lang yung ng sinasabi ko. Ang sikreto nasa pagod at puyat ni mama para lang maluto ang kakainin namin. Ang sikreto ay sa ginagawa niya kahit nagkakasakit na.




Ang sikreto ay "LOVE."


Kailangan pa bang i-explain yun?

No comments:

Post a Comment