Hopefully Ngayong Nandito Ka sa Blog ko, Hindi Ka Nawawala. ^_^

Please don't forget to subscribe to my blog para pag may post ako automatic makikita nyo. Feel free to share my blog sa Facebook, Twitter, Google+ or any other social media.

Salamas!

Monday, September 26, 2011

Rally: Perwisyo? o Nakakatulong Ba?

Kahapon muntik akong sumemplang nung pauwi ako galing Magalang. Nawala kasi sa tantya ko na bumigat ako dahil may dala akong sangkatutak na "balot" na padala ni papa. Buti na lang, pangromansa ang katawan ko kaya madali kong nakadyot ang motor to safety. 




Usapang rally at walkout naman tayo ngayon.  

A few days ago may nabasa akong thread opposing mga rally. Sabi sa thread nakakatraffic daw mga rally and wala mang nangyayari sa bayan. Pare-pareho lang. Kahit mag-iba iba man ang mga presidente, uulit at uulit din ang scenario. Hindi pa rin mapapasa ang oil deregulation law, magkakaroon pa rin taun-taon ng education budget cut, marami pa rin ang mahihirap at mayaman pa rin ang mga putanginang mga magnanakaw sa Gobyerno. 

Siguro 9 out of 10 hindi pabor sa mga rally. And somehow, I can't blame them. 

Somehow, back in 2002 nung makapasok ako sa UP, curious din ako bakit rally sila ng rally. I felt weird whenever may mga miyembro ng League of Filipino Students (LFS) tuwing tatanungin kami kung hindi kami busy. It meant kakausapin kami sa kung anu anong topic regarding the government and other institutions. Parang lecture ba. At first medyo nakakatakot silang magsalita dahil lahat ng miyembro pare-pareho ang tono ng pananalita. Pero in fairness sa kanila, lahat ng miyembro, maalam. I had this feeling na kung biglang sabihin ko na subukan kong iba naman maglecture eh parehong pareho lang ang sasabihin nila at walang member ang matatameme at hindi alam ang sasabihin. 

Minsan, nagrerecruit sila ng members. Ayaw kong sumali kasi laging may tsismis pa naman nun na kapag sumali ka ng LFS, isasali ka nila sa NPA after. 

One day, nagkaroon ng isang malawakang invitation sa UP Pampanga. Sali daw kami sa rally for SONA. This is in 2002 pa. Panahon ni Gloria. I felt curious. May pasok nun and sinabihan kami ng ibang professor na may pasok. What the hell, I was always curious kung anong nangyayari sa mga rally lalung lalo na sa isang malawakang rally so I went for it. I knew naman na ang gagawin ko ay di lang para sa UP kundi para sa bayan din. 


Merong mga fufu na nakisabay lang pala sa bus para umuwi ng Maynila. Yung guard namin sa UP sumama para manood. 

Marami rami rin kaming freshman students ang sumali. Isang bus kaming lumahok sa rally. It was very organized. Tinabi kami sa UP Diliman (sa harap) at bumuo kami ng hanay. Sa likod, hindi ko makita ang end ng file sa dami ng mga tao. Punung puno ng banner ang lugar. 

Kabilaan, may mga leader or kung ano na naglelecture sa ginagawa ng gobyerno sa taong bayan. In a way, kapani-paniwala naman sila. It made a lot of sense. Minsan, hamak na magsasaka lang ang magsasalita. Nung andun ako, nawala ang notion ko na bayaran lang talaga ang nagrarally. May umiyak kasing tao, napatay ang asawa niya. Kung nag-aacting lang siya, aba mas magaling pa siya kay Ate Guy, Vilma Santos, Lorna Tolentino, Sharon Cuneta etc. 

May nagsusunog ng mukha ng pandak-nunal


Meron ding nagsisigaw ng chant. Ang amin, may sisigaw ng "Iskolar ng bayan ngayon ay lumalaban." At sasagot kami ng "Ngayon ay lumalaban, iskolar ng bayan." Ang atmosphere tense, puro nakasimangot mga tao except for us freshies na medyo natatakot ng konti. It felt weird kasi puro nakasimangot mga tao pero alam mong masaya silang nandun. Hindi ko mabilang mga tao sa likod sa sobrang dami. Ang usual na suot nila ay itim at pula.

Puro likod lang ang tinitignan ko. Dahil kung haharap ako, nakatutok sa'kin ang putanginang hose ng bumbero. Ba't kasi hindi na lang itutok sa 6'3" kong katabi. 

Stupid Mistake

Nilipat kami ng pwesto para magready sa paglalakad ng kapit bisig. Minove kami a few steps back sa hanay ng UP Diliman. Siguro mga 5 meters away sa front row. Hindi ko alam kung dahil sa kaka-chant ng kung anu ano. O dahil nakakahawa ang mood ng mga tao. Or, I knew in my heart, tama ang ginagawa ko. 

And, in an instant. Wala man kaming ginagawa, natayo lang kami dun ng biglang magpapalo na ang mga pulis. Nagkagulo and naipit ako sa magkabilaang panig. Sa harap, mga pulis na nananakit ng mga nagrarally. Sa likod, mga taong gustong pumunta sa harap at makibaka. Kahit nagkakagulo na, sumisigaw pa rin ang mga leader namin na huwag gaganti sa mga pulis. It felt weird kasi nga naman, parang inaalay lang namin mga ulo namin para mapalo ng batuta o yantok. 

Lahat ng nasaktan tinutulungan naming pumunta sa likod. Masikip ang daan kaya nasasaktan lang sila lalo. Magulo na eh. Lahat tumutulak. Duguan na mga nasa harapan ko. At ang putanginang baklang 6'3" sa likod ko tinutulak hinahawakan lang ako sa balikat to the point na nakayakap na siya. Hindi ko na alam kung minolestiya niya ako o sadyang takot lang talaga. Ang iniisip ko na lang nun susugod ako at makakalusot ako sa hanay ng mga pulis ng hindi ako gumaganti. Sa gulo, natatanggal ang sapatos ko na 1 week old pa lang. Kakabili lang nun ng "Nike Presto Air Max" ko. Tae, bagong bago tapos baka mawala! Nung tumitingin ako sa baba, nakikita ko mga kalat kalat na mga tsinelas, sandals sapatos na naiwan! Wag naman ang sapatos ko! Nahubad ang sapatos ko sa kaliwa buti nakapa ko lang ulit sa paa ko. Nasuot ko pa naman siya ulit.

Isang hanay na lang ng tao at turn ko ng maging duguan. Biglang nagcall pa-atras ang mga leader. Masyado na raw marami ang nasasaktan and opcors, hindi nila deserve ang masaktan kahit wala naman kaming ginawang masama. 

Naligtas ang flawless face ko. 

Nung pauwi kulang na kami sa bus. May isang estudyante duguan ang ulo. Dinala sa hospital. Okay na daw pero kailangan pa ng tests. Si manong guard na nakikiusyoso dinampot daw. Pinagbintangan ng lider. Mga tanga ampucha. Wawa naman si manong guard, nakikiusyoso pa kasi. ^_^

Dalawa sa mga freshie nawalan ng isang tsinelas. At parang Jose Rizal iniwan na din ang kabilang pares. 

Umuwi kami ng masaya. Umuwi ako sa bahay, galit sina mama at huwag ko na daw uulitin yun. Parang wala akong narinig dahil namulat ako sa ibang bagay. Nung matapos ang rally, nag-gain ako ng matinding experience na hindi ko mababayaran kailanman. I felt really good. 

Binuksan ko ang tv para sa balita. Curious din ako kung na-TV ako. Aww. Sure ako na-TV ako kasi nasa harap lang ako eh. Putanginang bumulatlat sa'kin sa balita kami daw naunang manggulo. Wat da pak. Pers taym kong ma-experience na binabaligtad pala talaga ang balita. Hindi ko rin nakita ang peys ko sa tv. Ang lalayo ng kuha eh.

So, let's go back to the question kung nakakatulong nga ang mga rally. 

Oo, nakakatraffic mga rally. Oo, maingay mga rally. Oo, nakakaperwisyo talaga ang mga nagra-rally. 

PERO

Pero, common. Yun bang nira-rally para sa sarili lang? Yung huling transport strike para kanino ba maitutulong? Sa mga tsuper lang ba ng jeep? Hindi di ba? lahat makikinabang. Kaya ang putanginang isang araw na incovenience sana huwag ka ng madada. Bakit? Ikaw ba may ginawa para sa sitwasyon mo ngayon? Wala. Nasa comfort ka lang ng bahay, nagmumukmok, puro salita wala naman sa gawa. Samantalang ang mga nagrarally, nagri-risk sila ng buhay para lang ipagtanggol ang karapatan mo. 

May nangyayari ba?

Paminsan meron. Paminsan wala. Ang point dito, hindi sila nawawalan ng pag-asa. Oras na mawalan ng pag-asa ang taong bayan, wala na. After ng experience ko sa Sona 2002, namimili na'ko ng mga rally na sinasalihan ko. May mga rally talagang may kinukuhang bayaran.

May education at health budget cut na naman. Sana, ayaw n'yo ring bawasan ang karapatan nating mga mamamayan. I hope you are with me sa mga budget cut!

Ang rally ay serbisyo para sa bayan. Hindi para sa iilan. 

http://www.gmanews.tv/story/232990/nation/up-students-stage-walkout-over-budget-cuts

Lesson, huwag magdala ng new shoes sa rally? ^_^ 

It's for you to decide! 



2 comments: