Hopefully Ngayong Nandito Ka sa Blog ko, Hindi Ka Nawawala. ^_^

Please don't forget to subscribe to my blog para pag may post ako automatic makikita nyo. Feel free to share my blog sa Facebook, Twitter, Google+ or any other social media.

Salamas!

Monday, September 5, 2011

Paano Pumasok ng Hindi Nalelate?

Ang hirap labanan ng katamaran kasi nga nakakatamad. 

Nagising ka na ba ng alarm clock tapos ayaw mo paring tumayo? Papatayin mo ang alarm clock, set mo ng 10 minutes, alarm, set 10 minutes, alarm, set 10 minutes... zzzzZZZZZZ!

Worse case, alarm, patay alarm clock, tulog!

Aba kuya, aba ate, gumising ka na. Anong petsa na? 

Guilty rin naman ako sa scenario na'to. May araw kasing nakakatamad talaga. Pero alam ko na ang perfect solution sa problema mo. 

Unang una, bakit ka nga ba puyat? Alamin mo ang rason kung bakit ka puyat at gumawa ka ng paraan kung paano mo ito maiiwasan. 

Nanood ka na naman ng bold? Nakipag-inuman ka? Jerjer? 

A lot of times, ang main reason ba't ka tinatamad bumangon ay dahil inaantok ka pa. Ang simleng solusyon d'yan ay, huwag kang magpuyat. 

Kung mahilig ka lang talagang manood ng bold sa youjizz, araw araw ka na lang magdownload in advance ng gusto mong panoorin, para pag-uwi mo, nakaready na. Hindi mo na kailangang tignan ang word na "buffering." Panira yun. Nakakabitin.

Kung makikipag-inuman ka. Uminom ka ng konti tsaka ka umuwi. Hindi porke hindi ka uminom ibig sabihin hindi ka na maranunong makisama. Paminsan, dapat sila naman ang makisama sa'yo. Kung di mo maiwasan uminom, magschedule ka ng araw na wala kang pasok kinabukasan. 

Kung jerjer ang dahilan kung bat ka napuyat tsaka nalate ok lang yon. Understandable yon. Basta pagdating mo sa office tapos tinanong ka ng boss mo ba't ka nalate. Wag kang magsisinungaling. Sabihin mo nagjerjer ka. Sigurado ako maiintindihan ka niya. Very reasonable naman yun. 

Pangalawa, kung may lakad ka bago magtrabaho, matuto kang magbudget ng oras. Kung alam mong sasakto ka lang pagpasok, wag mo ng lakarin. Dahil 90% of the time, kung lagi ka lang nagpapasakto sa oras, lagi ka talagang nalelate. Tayong mga Pinoy, mahilig tayong mangarap. Kagaya ng mangarap na ang jip na sasakyan mo ay hindi matakaw. Kagaya ng pangarap na hindi ka matatraffic on the way sa trabaho. 

Maging realistic ka sa pag-estima ng oras. Kung di mo kayang i-estima, maglaan ng extra oras pa. 

Pangatlo, walang pangatlo. Simpleng buhay to. Simple lang ang tips ko. Hindi ako OC na dapat 1 to 3, 1 to 5, 1 to 10 ang listahan. Pang noob lang yon. 
Concrete, real life, doable example:

Ang sample na ito ay base sa real life routine ko:

Ang pasok ko ay 3pm to 12 midnight araw araw. Magcocommute ako mula Sindalan hanggang Hensonville sa loob ng 30-55 minutes. Tama, highly variable ang byahe based so obserbasyon ko. 30 minutes lang pag swerte. 55 minutes pag natyetyempo ako sa mga tanginang matatakaw sa pasahero. 

Ang teknik ay nagsisimula sa oras ng pag-uwi. Hindi sa oras ng paggising. Pag-uwi, diretso uwi. May araw na nagkakayayaan mag-"Hacienda" (local disco sa Angeles City). Sige sasama ako. Uwi ako around 1am to 1:30am. Counted na yun as pakikisama. Besides, ayaw ko naman talaga dun. Masaya ako kasama ko mga kawork ko pero hindi talaga ako mahilig uminom, magsayaw, kumanta, etc. Di ko rin trip makipagbonding sa ganung lugar kasi hindi ko maintindihan kausap ko dahil sobrang ingay.

Uwi ako in say 1 hour, shower for 10 minutes max then tulog atad by 2-2:30. Gising ako ng 8:30am. Kape, net, gawa ng kung anu ano. Tulog ulit ng 12 hanggang 1pm. 

Aha, tulog ulit! Ang pagtulog ulit bago pumasok ay isang secret teknik. Ginagamit ko itong paraan para gising na gising pa rin ang pagdating sa trabaho. Try mo man. Ako nagturo nyan kya Naruto tska Rock Lee kaya lagi silang hyperactive. Tanong nyo man sa kanila. 

Gising ako ng 1pm, tunganga for 5 minutes, nakahiga lang. 1:05, babanggitin ko ang aking mantra. Importante ang mantra. Ito ang magseset ng mood ng buong araw mo.

"Ang pogi pogi ko talaga. Ang pogi pogi ko talaga. Ang pogi pogi ko talagaaaa..."

1 minute lang yon. Nakabudget lang oras ko eh. Si Brad Pitt tsaka Tom Cruise buong araw silang nagsasabi niyan eh. Ako lang din nagturo sa kanila ng secret teknik na yan. Nasobrahan na ata sila. 

1:07pm hanggang 1:30pm, kain and toothbrush. Tapos 10 minutes sa pagtae (matagal kasi mahilig akong magbasa habang tumatae) then another 15 minutes sa pagligo and pagbihis. 

1:55pm nakaalis na ako sa bahay para maglakad papuntang kanto.

By 2pm nakasakay na ako ng jeep papuntang work.

Ganyan lang my friends, relatives and fans. At hinding hindi na kayo malelate papuntang work. Yan ha, alam mo na paano pumasok on time!

Unless end of the world na.

Tandaan, hanapin ang cause ng puyat, solusyonan. Mag-estimate ng oras pero maging realistic.

Ang jerjer ay valid reason.

Secret lang natin yan ha! ^_^

4 comments:

  1. entertaining.. di complicated.. daling intindihin, pati yung the rest of the entries sa blog.. live up to its name.. SIMPLE.. :-) thanks for the fun read.. :-)

    ReplyDelete
  2. O my oh wow! Thanks po Mr and Ms. Anonymous. Hope kilala kita talaga para mapasalamatan pa kita ng maayos. Cheers!

    ReplyDelete