Hopefully Ngayong Nandito Ka sa Blog ko, Hindi Ka Nawawala. ^_^

Please don't forget to subscribe to my blog para pag may post ako automatic makikita nyo. Feel free to share my blog sa Facebook, Twitter, Google+ or any other social media.

Salamas!

Tuesday, September 6, 2011

Sawa Ka Na Ba Sa Trabaho Mo?

Often times, pag ulit ulit na lang ginagawa natin sa araw araw nagsasawa tayo. Siguro naka program talaga mga tao na magsawa. Kaya siguro maraming relasyon din ang nasisira. Kaya rin siguro nagsasawa sa paulit ulit mong trabaho. 

Ano ang sagot sa pagsasawa?

Merong mga taong dinadaan sa sipag. Tingin nila sa trabaho ay "buhay." Mabuting ng pagod kesa walang trabaho. Dahil tama nga naman. Sa panahon ngayon, mahirap na rin maghanap ng trabaho. Sila ang tipo ng mga tao na gagawin kahit ano dahil alam nilang may mga taong nakasalalay sa kanila. Often times, sila rin ang hindi na-aappreciate ng mga taong nakapaligid sa kanila. Sa pamilya, sa trabaho, mga kaibigan. 

Tignan mo na lang mga janitor na walang ginawa kundi maglinis. Kita mo naman mga street sweeper na walis lang ng walis sa patuloy na dinudumihang daan, o mga security guard na 12-oras kung magduty. O si kumag at makulit mong workmate na nagtitinda pati panty at bra ng Avon may mapakain lang sa pamilya. 

Si nanay na 24-oras ang duty.

We meet people na kahit hindi "best job in the world" ang ginagawa, sige pa rin sila ng sige. Sa kanila mo makikita ang word na "tyaga."

Meron din namang mga tao na masaya sa trabaho nila. Oftentimes, sila ang may pinatutunguhan. 

Sawa ka na ba sa trabaho?

Sample! Sample! Sample!

Today ayaw kong magbigay ng real life example na nagawa na nila. What the hell am I claiming kung sigurado na nga silang naging successful di ba? When I claim it's true, I support what I heart says all the way. 


Ang sample ko ngayon ay wala pa sa tuktok ng tagumpay.


Nung nagtatrabaho pa ako sa Makati, may nakatrabaho akong lalake, si Tito Devi Dayanghirang. Medyo pogi rin tulad ko. Pero mas pogi akong konti. Isa siya sa mga kasama ko sa kalokohan. Myembro siya ng isang banda (Circa ang named ng band). I think astig yun kase I've always wanted to be a member of a band. Kaso ni isang musical instrument wala akong alam i-play. Ni kumanta at sumayaw di rin ako marunong. 

Sadyang pang-romansa lang ata talaga ang katawan ko...

Moving forward, umalis sa trabaho si Tito Devi. Sawa rin naman kami nun sa trabaho sa call center. Super toxic at paksyet ang Team Leader (TL). Bading kasi siya at hindi namin siya pinapansin. Tapos ang hilig pang magturo ng "unethical practice" na opcors, hindi ko naman sinunod. Tapos, puro sarili lang iniisip. Ang TL namin nun ang epitomy ng mga corrupt sa lipunan ng Pinas. Sila yung tipong gagamitin ang iba para sa kapakanan ng sarili. Masaya siya sa trabaho dahil kumikita siya ng malaki. Guys, kung pwede sana wag nating tularan yon. Kung magiging masaya ka man, wag kang tatapak ng kapwa.

Going back sa topic, madalas kaming mag-usap nun ni Tito Devi about sa banda nila. Natutuwa ako tuwing may napaparinig siyang bagong tune nila sa mga gig. Natutuwa ako sa tuwing ikukwento niya na may nakakagig na silang big bands dito sa Pinas. Nasabi na yata niya lahat ng bands.. Parokya, Cueshet, Kamikazee, Sponge Cola, Rivermaya etc.. Pag nagkukwento ng tagumpay ang isang kaibigan, natutuwa ako. Feeling ko andun na rin ako kasama ang banda nila. ^_^ Di ba ganun naman talaga dapat mga magkaibigan? Natutuwa para sa isa't isa. Hindi nagkakainggitan. 

Ang una kong nameet na ka-banda niya ay ang super cute, super ganda, super sexy at super bait niyang girlfriend na super crush ko naman ay si Em Tolentino. Ang ganda ng boses niya kapag suma-sample, lalo pa siyang gumaganda kapag on-stage. 

Em Tolentino of Circa Band at University of the Assumption, City of San Fernando, Pampanga


Nagconcert sila minsan dito sa Pampanga, sa University of the Assumption, kasama nila nung magconcert sina Princess Velasco at ang Sponge Cola. Ang galing mag-work ng crowd ni Circa. Ambilis mainlove sa kanila ng mga Kapampangan. Dinala pa nga ako sa backstage. Ang saya pala sa backstage dahil makikita mo dun mga celebrity. Hehehe. Pwede pang magpapicture picture. Sobrang ganda at sobrang puti ni Princess. Tangina lang kasi nung magpapapicture na sana ako kasama siya eh bigla turn niya ng magkanta. Amputa. 

Ayaw ko namang magpa-pic kasama Spongecola. So gay.

Devi Dayanghirang, Bhel Alba, me, Em Tolentino


Super down to earth ang Circa. Lahat sila sa banda, pati mga manager nila may trabaho outside ng pagbabanda. Bilib ako sa kanila dahil kahit may trabaho silang iba, nakukuha pa nilang pumunta sa mga gig para gawin ang isang bagay na mahal nila. Ang musika. Kahit pumunta ka man sa fan page nila, active ang mga members sa pagpopromote ng kanilang music. Pati na rin ang music ng ibang banda. Hindi sila sakim. 

Sa kanila ko nakikita ang word na "dedication." At pag nakita ko ang word na "dedication" sa isang tao o grupo laging may kaakibat yun na "respect." 

Nakailang guesting na rin ang Circa sa radyo at TV. Malaki ang bet ko na sisikat ang bandang ito. 
Music Uplate Live
Simple lang naman yan. Ang dedikasyon sa isang bagay, gaano man kahirap ay nag-eevolve rin. Dahil habang lalong pinagpapaguran mo ang isang bagay, in a way, nilalagay mo rin ang isang bahagi mo at unti unti rin itong magiging sa'yo.

Ang simpleng bagay katulad ng dedikasyon nag-eevolve maging "PAG-IBIG."

Parang Pokemon lang. Napakasimple. 



Kung sawa ka na talaga sa trabaho, umalis ka na d'yan. Maghanap ka ng bagay na mapagtutuunan mo ng dedikasyon. Dun ka lalago. Kung wala kang makita, hindi ka marunong makuntento. Kahit anong hanap mo, tatamarin at tatamarin ka rin. 

Minsan, kailangan mo lang ma-appreciate ang sarili mong gawa. And that is all that matters. 


You can join "Circa" sa facebook at http://www.facebook.com/groups/circabanda/ 

Don't forget to subscribe to my blog if you like my posts! Thanks for visiting my simple blog! Cheers!

8 comments:

  1. Hey, Your Blog is awesome!

    I can relate though I'm
    still studying i find this line very interesting.

    "Ang dedikasyon sa isang bagay, gaano man kahirap ay nag-eevolve rin."

    God Bless,Man!

    ReplyDelete
  2. God bless din Anonymous. ^_^ Good luck din sa studies! Kaya mo yan!

    Ako rin aral ulitz. Ang sakit sa bulsa pero sulit naman.

    Thanks for reading my blog. Hope mashare mo rin sa friends mo po pag may gusto kang post.

    ReplyDelete
  3. cool! cool band too, circa! (=

    -rhia

    ReplyDelete
  4. Thanks for reading and posting Rhia. ^_^

    ReplyDelete
  5. Kilala ko yang TL na yan ha! Hahaha! Astig ang blog mo pre, keep it up!

    ReplyDelete
  6. Timeout sino kaw? ^_^ Thanks for reading!

    ReplyDelete
  7. pag monotonous kasi work mo, u feel alienated, lalo na sa work. u dont have time freedom kaya mgsasawa tlga.

    ReplyDelete
  8. Sometimes, the inevitable happens. If talagang sawa ka na, no one is forcing you not to resign. You are the commander of your own, that includes happiness.

    ReplyDelete