Hopefully Ngayong Nandito Ka sa Blog ko, Hindi Ka Nawawala. ^_^

Please don't forget to subscribe to my blog para pag may post ako automatic makikita nyo. Feel free to share my blog sa Facebook, Twitter, Google+ or any other social media.

Salamas!

Tuesday, December 27, 2011

2012: End of the World?

Mayan Calendar
Namiss ko na yung kawork ko dati na sobrang convicted na end of the world na daw next year, 2012. I'm a fan of doomsday movies but I really haven't seen the movie 2012 too. Kailangan ko bang panoorin yun para maniwala akong end of the world na sa 2012?


San nga ba nanggaling yung prophecy na yun? Nagbasa basa ako sa internet kanina. Galing daw sa Mayan Calendar. Kasi daw, yung kalendaryo nila hanggang December 21, 2012 lang. Wahehehehe.. Tanging this! Porke ba hanggang dun lang calendar nila, END OF THE WORLD na?

Going back dun sa kawork ko na itago na lang natin sa pangalang "Lily," pag nakita mo siya and tinanong mo kung end of the world na next year, ang siguardong isasagot niya ay "Oo!" at magkukwento siya ng kung anu anong shit about the end of the world. At, sasabihin niyang kailangan niya ng magbago dahil nga malapit na ang ARAW NG PAGHUHUKOM. 

Wala namang masama na isiping end of the world na sa 2012. Sa'kin ayus lang yun. Inisip ko rin naman dati na end of the world na nung year 2000. This year twice nangyari na nagsilabasan ang mga billboard na end of the world na. Magkano kaya ginastos ng mga mokong para sabihing end of the world na? Ilang tao ang nagbenta at pinamigay mga ari-arian nila para lang magising isang araw na mahirap pa sila sa daga? 

Yun kasi ang mahirap sa tao. Kapag malapit ng mamatay dun palang nagsisisi. Yun yung mali sa atin. Bakit kailangan pang magkaroon ng end of the world para lang bumait mga tao? 

As always, I am an advocate of change for good. Hindi mo kailangan ng end of the world sa kahit anong taon para magbago. Ang pagbabago ay nasa iyo. Ikaw magdedecide nun. Hindi yung prediction na mamamatay ka na. Malay mo, wala pang 2012 dedz ka na. Edi naudlot yung pagbabago mo and ang gigreet sa'yo sa gates of hell e si Lucifer?






Sa maniwala kayo at sa hindi na sa 2012 na ang end of the world. Huwag sana nating kakalimutan na pwede kang magbago kahit kelan mo gusto. Kung gusto mo talagang pumunta ng langit, ang pagbabago ay pwedeng magsimula...



NGAYON. 

2012 Movie

Wednesday, December 14, 2011

Payaman Tips

Kung may tips ako sa pagtitipid, dapat may tips din ako sa pagpapayaman. Kasi, kahit anong gawin mong pagtitipid, kung hindi mo rin alam san dadalhin pera mo, wala ka ring mapapala di ba? Ang pera ay mas lalaki kung i-invest mo ito.

At para sa unang tip ko. Siguradong lalago pera mo. Walang kaso ito. Fufu lang ang maniniwala na sobrang delikado neto. 



Ano bang tinutukoy ko? 






A few months ago, nagdecide ang college barkada ko na magtrade ng stocks. Ops, ang regular na notion sa stock trading eh sugal. Pwede ka daw ma-bankrupt dahil sa kaka-trade ng stocks. 

Totoo ba yun?



Sabi ko nga, ang buhay ay simple lang. Kung pupunta ka sa giyera ng may baril pero wala namang bala, mamamatay ka lang.  

Unless chikas ka na super hot.. Mare-rape ka muna bago ka papatayin. 

Magana ang Market Today


Oo. Pwede kang mabankrupt kung shushunga shunga ka. Yun lang un. 


Bakit ko sinasabing mag-invest ka sa stocks?

For 5 months, ang combined pera naming 70k pesos, naging 100k pesos! Imagine that, 70k to 100k ilang buwan lang. 42.86% ang tinaas ng pera namin. Ibig sabihin, kung meron akong 10,000 pesos na perang ininvest, naging 14, 286 pesos na ito ngayon. Kung binangko mo lang ang ipon mong 10,000 pesos magkano kikitain mo? Wala mang 1% ang kita sa bangko sa loob ng isang taon. Sabihin nating 0.05% ang kita sa isang taon. Sa 10,000 pesos mo. Kikitain mo lang eh 50 pesos sa isang taon! Samin, 4,286 pesos 5 months lang! San ka pa?

Kuya, pa'no ba kami magstart dyan? Sali mo naman kami!

Ops, hindi porke malaki ang kinita namin susunod ka na.



May catch to. 




Waaa! Sabi ko na nga ba. May catch eh. Too good to be true!




Stock Trading Explained:

Let's say bibili tayo ng stock ng Jollibee for 100 pesos. Bibili tayo ng isang stock. And then, kinabukasan ang presyo niya sa market eh naging 80 pesos. Magkano na lang ang pera mo? 

80 pesos? 

Mali. 

Ang value ng Jollibee stock mo eh 80 pesos. Oo. Pero, hanggat hindi mo binebenta ang Jollibee stock, wala ka pa ring lugi. Dahil pwede ka namang magbenta kapag ang stock mo eh 110 na ang presyo di ba? Wala namang expiration date ang stocks eh. 

So ang sinasabi ko kaninang kita namin, in paper yun. Hangga't di namin binebenta stocks, wala pa rin kaming kita. 

Mga Stocks Na Binabantayan


So ang best strategy eh magbenta ng stocks kapag mahal ang presyo. At, bumili ng stocks kapag mababa ang presyo. That's why ang mga mayayaman talaga, hindi sila nalulungkot kapag bagsak ang stock market. Mga companies oo malungkot. Pero ang traders, masaya sila kapag mahina stock market, mas masaya sila kapag tumaas ang stock market. Ganun din kami. ^_^

Kaso lang, pa'no mo malalaman kung mataas presyo, o mababa?







Secret. 


Mas maganda magpursigi ka mag-research mag-isa. Iba ang pakiramdam pag nagpursigi ka di ba?

Here's a quick tip though. Ang tendency lagi ng stocks eh pataas. Pwedeng mag-invest ka sa isang blue collar stock (siguradong tataas, matatag, subok na) like Jollibee, PLDT, SM etc. Mga stocks na yan siguradong tataas presyo. Yun nga lang, hindi ka aabot ng 40% kita like what we had. Konti 5%-10% siguro pwede. 5%-10% is better than 0.05% ng bangko di ba?







Think about it. 

Gusto Mo Stocks Mo Laging Tumataas ang Value

Friday, December 9, 2011

Tipid Tips

You know what guys? Since marami ang nagrerequest ng blogposts kung pa'no magtipid, naisipan kong gumawa ng maraming posts sa pagtitipid. ^_^

Sa lahat ng bagay though, sa kahit anong laban, you have to be prepared. At sa case ng pagtitipid, wala kang ibang kalaban kundi ang sarili. 

Bakit?


Dahil kung magtitipid ka, ibig sabihin nun ide-deprive mo ang sarili mo ng isang bagay na nakasanayan mo dahil makapaglaan ka ng sapat na pera para makuha mo ang isa pang bagay na gusto mo. 

O.. Malamang hindi ko na kailangang sabihin sa'yo na kailangan mong magmenor sa "unnecessary" stuff. Ano ba ang mga ito? In my case, softdrinks, chichirya, collectibles, laruan.. Ano pa? Wala rin akong bisyo dahil para sa'kin ang laking gastos ng sigarilyo, alak, gimik at higit sa lahat mga chikas. Pinagkamagastos ang maraming chikas (ndi ko maverify to kasi hindi naman ako machiks.. ^_^). 

Siguro nagtataka ka kanina kung bakit  Piknik ang picture d'yan. At, nung mabanggit kong kasali sa unnecessary stuff ang chichirya siguro naisip mo rin na yun ang nasasabi ko (Kung di mo naisip yun, siguro fan lang talaga kita at kahit anong isulat ko babasahin mo).

Bigla ko kasing naisip na magkaroon ng isang special na alkansya. Binutasan ko yung pulang cover ng piknik para siya yung special alkansya ko!

Kesa gumastos pa for alkansya (which is actually very cheap naman), I decided na sa lalagyan na lang ng Piknik. Kesa itapon yun, sayang naman. Pwedeng lagyan ng kung anu anong stuff ang lalagyan ng Piknik. Matibay siya at gawa sa aluminum, ndi kinakalawang! Nakatulong ka pa sa mother earth. 





Bakit special?


Kasi meron nakong existing alkansya eh. Hehehehe.. Sa unang alkansya, dun ko nilalagay ang 10% ng sweldo ko. Basta pag nagkasweldo ako ng kinsenas, agad agad, drop ko dun pera. 

Etong pangalawang alkansya ang purpose nya eh lalagyan ng sobrang barya. 

Naranasan mo na ba yun? Pag titingin ka sa coin purse mo, unconsciously you have an idea magkano talaga laman nun. And dahil alam mo magkano natitirang pera mo sa coin purse, nagiging kampante ka sa pagbili ng kung anu anong shit. 


Magkano ang nilalagay ko? 

For starters, basta lahat ng natirang barya sa coin purse, diretso sa special alkansya. And then, pag weekend, any barya, bente, at singkwenta pesos, babagsak sa coin purse. 

Bakit?

Kilala ko ang sarili ko. Pag ang halaga ng bagay na gusto kong bilhin ay bente pesos at ang pera ko ay isang daan, ayaw ko siyang gastusin. Kaya in a way, inuutakan ko ang sarili ko by overiding my system at finoforce ko ang pera ko palaging buong 100 petot. Hehehehe.. 


Opcors, hindi realistic kung sasabihin kong hindi na talaga ako bumibili ng kung anu anong shit. May times pa rin na bumibili ako ng kung anu anong maliliit na bagay like chichirya, softdrinks etc. Pero very minimal talaga. 


Ano bang bibilhin ko bakit ako nagtitipid?

Honestly, hindi ko pa alam. I'm thorn between buying a digicam yung mura lang (around 5k) or Nintendo 3DS. Gusto ko ng digicam para hindi nako pumupulot sa Google ng mga picture! Matagal ko ng gustong magkaroon ng Nintendo 3DS eh. ^_^ Pero likely rin na iipunin ko na lang yan at ilalagay ko sa stocks. Naglalaro ang barkada ko sa stock market. Which brings me to another topic. Pero next post na siguro yan. 

Thursday, November 24, 2011

Simleng Buhay: Paano Magdahilan?

Ano ang dahilan mo kanina?

First off, nagpost ako last time about pag-gastos para makatipid. Hindi natuloy ang lagnat ko. Nawala rin ang sipon ko dahil sa Smart C. ^_^ 

Nalipat rin ako ng company pala. Hindi na'ko writer sa isang SEO firm. Corporate Writer na'ko ngayon sa isang green energy company at kaka-promote ko lang din as IT Coordinator. Temporarily, hawak ko rin ang SEO Department. 
At, lately, laging nalelate yung mga bata ko sa SEO Department. Natatawa ako kasi kung anu-anong dahilan na lang naririnig ko sa kanila. 

Paano nga ba dapat magdahilan?

Kung magdadahilan ka, make sure na ang taong kausap mo eh kilalang kilala mo ang ugali. May tipo ng taong madaling kausap. May tipo ng taong mahirap paniwalain. May tipo ng taong concerned. Kapag kilala mo ang ugali ng taong magdadahilan ka hindi ka mahihirapan o maguguilty. 
Sample

Nung high school days ko. Lagi akong naglalakwatsa. Kung 4pm labas ko ng school, uuwi ako ng bandang 8pm. At ang laging tanong ni Mama eh ang usual na "Saan ka nanggaling?!"
Dahilan

Kung anu-ano na rin ang nasabi kong dahilan dati. Until naisip ko ang perfect excuse!
Mama: San ka nanggaling? Gabing gabi na. Kanina pa kita hinihintay!
Elnel: San ako nanggaling?!
Mama: Baka uminom ka?
Elnel: Umiinom ba ako?!
Mama: Baka nagsisigarilyo ka?
Elnel: Nagsisigarilyo ba ako?!
Mama: Baka nagdadrugs ka?
Elnel: Mukha ba akong nagda-drugs?!
Tuwing magtatanong si Mama, mas nilalakasan ko ang sagot ko. Dapat papakita mo na naiinsulto ka. And then start your litanya.

Elnel: Ma, umiinom ba ako?
Mama: Hindi.
Elnel: Naninagarilyo ba ako?
Mama: Hindi..
Elnel: Nagda-drugs ba ako?
Mama: Hindi...

By this time nakokonsensya na dapag kausap mo and then follow-up mo ng finishing blow...
Elnel: O, wala akong bisyo! Hindi ako umiinom, hindi ako naninigarilyo, hindi ako nagdadrugs! Ang ibang bata nga d'yan nasira na ang buhay! Ako naglakwatsa lang ako! Kasama ko ang mababait kong mga kaibigan! 



Mama: ...sorry... :'c





Ayan po. Yan ang classic scene namin ni Mama. Gamitin ang utak para makapagdahilan ng mabuti. Tandaan, in any argument dapat ready ka. Ang kalaban mo ay prepared! And way para talunin siya ay mag maging prepared at mas maging mautak. 

Sample

Nung college ako. May prof akong galit na galit sa mga late. Nung araw na yun, apat kaming late dumating at first day pa naman namin siyang na-meet. 


Prof: Ikaw bakit ka na-late student 1?
Student 1: Sumakit po ulo ko.
Prof: Student 2?
Student 2: Si po ako agad nagising.
Prof: Student 3?
Student 3: Na-traffic po ako.
Prof: Elnel?
Elnel: Wala po akong dahilan. Late lang talaga ako. 


Pinalabas yung tatlo. 



Paminsan, sawang sawa na mga prof o mga boss sa mga usual na dahilan. Dahil sa huli, kaya ka nalate eh dahil na rin sa sarili mo. Wala naman talagang dahilan kung bakit ka nale-late. 



Never lie because people aren't stupid. Kung nakalusot ka man dahil nagsinungaling ka sana maisip mo rin na baka kaya ka pinalagpas ng amo or teacher mo eh dahil he or she cares for you. Bibigyan ka n'ya ng chance. Baka sa susunod, hindi ka na magsisinungaling. 

O baka gusto lang nyang malaman ang totoo para hindi siya mag-aalala para sa'yo.

Thursday, November 17, 2011

Kapag ang Dagdag na Gastos ay Nagiging Tipid

Tama ang nababasa mo. Minsan, ang extra gastos na ginagawa ko, nagiging tipid. 

Nabasa ako kahapon ng ulan. Sinipon ako today. Hate ko pa naman ang sinisipon. Masama ang pakiramdam ko at parang lalagnatin ako. 

Bumili ako ng juice drink na mataas sa Vitaminc C para ma-prevent ko ang paglala pa ng sakit. Ministop ang pinakamalapit ng tindahan. Sa lahat ng juice drink dun "Smart C" ang nakita kong pinaka mura at pinakamataas ang Vitamin C content. Sa halagang 23 petot, meron nakong 320% worth ng Vitamin C para gamot sa sipon. 

Kuripot ako kaya kung tutuusin, nanghihinayang ako sa 23 petot na gastos. Pero, kung hinayaan ko na lang lumala ang sipon, baka lalo pakong magastos. Kung nilagnat ako bukas, makakaltasan sigurado ako ng sweldo! Wala pa'kong sick leave! 2 weeks pa lang ako sa trabaho. 

The best pa rin ang prevention kesa sa cure. 

P.S. May payong naman ako nung umulan kaso sa sobrang lakas ng hangin nabasa pa rin ako.

Thursday, November 10, 2011

Assholes


Naranasanan mo na siguro yung may asshole sa paligid? Kalat kalat ang mga yan. Nasa office sila, sa school, sa barkada... Kahit sa simbahan. Nakatira tayo sa lugar na maraming assholes. Nasa Pilipinas ka eh. Wala ka sa heaven.

Naranasan mo na siguro ang officemate na wala ng ginawa kundi makipag-chikahan lang sa office. Pero kapag evaluation ng supervisor siya pinakasipsip at sasabihin nyang lagi siyang pagod at overworked

Excuse me, pero mas magiging productive ang company kung wala ka. 

Naranasan mo na rin siguro yung annoying classmate sa school na tanong ng tanong sa teacher pero alam mo namang alam niya na ang sagot. Nagtatanong lang for the sake of asking and pretending to be interested sa subject. 

Excuse me pero kung walang kwenta ang tanong mo tsong, wag mo na lang sabihin. Epal ka!

Naranasan mo na siguro yung paimportante sa barkada. Yung tipong nagpepretend na best friend mo pero sa totoo lang eh dinudura ka na kapag nakatalikod. Siya yung bad influence sa inyo... Pero wala ka rin namang magawa kasi part na siya ng barkada. 

Hanap ka na lang ng bagong barkada gago. 

Nakakita ka na ba ng magulang na nagdadala ng anak sa simbahan. Tapos yung anak niya, naglalaro at nag-iingay lang habang nagmimisa na nakakadistract na sa mga tao at pari pero hindi pa rin niya sinusuway? 

Ate, hindi ko alam kung ikaw ang papaluin ko o yung bata.

Madalas yan yung nasasabi ko sa isip ko eh. Sa isip ko lang ha! Pero sa isang banda, kung susumahin mo, lahat ng bagay merong kabilang banda.

Di ba't ang coins merong "head" at ang kabilang side ang tawag nila "tail" kahit wala namang tail. Nasa iyo lang kung paano mo titignan.

heads or tails? wait, asan ang tail???


Minsan nagjoke ako dun sa friend ko. Sabi ko gusto ko siyang kasama kasi every time na nakikita ko siya, natutuwa ako. Sabi ko, marami siyang bisyo, malakas siyang manigarilyo, malakas siyang uminom, babaero siya. Sabi ko, siya ang epitomy ng taong AYAW KONG MAGING. 



Nagtawanan kami. 




Joke lang yun pero in a way. Ayaw ko talagang maging ganun. 

Ang mga taong ayaw mong maging, okay sila. Eto ang mga taong reminder mo sa sarili mo na di ka dapat maging ganun. Dapat, hindi natin sila kinaiinisan, kinasusuklaman. Dapat nga palibutan natin ang ating mga sarili ng mga ganitong tao at matuwa tayo sa ating mga sarili na hindi tayo ganun. Kung di mo sila kayang ipluwensyahin na magbago, matuwa ka nalang para sa sarili mo na hindi ka ganun.




Sabi sa inyo eh. Ang buhay ay simple lang. Huwag maging part ng problema. Ikaw ang dapat maging solusyon.

Wednesday, November 9, 2011

Isip Bata


Bata palang tayo sinanay na tayo ng matatanda na gayahin sila. Gayahin mo si ganito gayahin mo si ganyan. Sila yung nasa taas. Huwag mong gayahin si ganito. Huwag mong gayahin si ganyan.

Ngayon medyo tumanda na rin ako (pero pogi pa rin), nag-ibang ihip na pag-iisip ko. Ginulo lang ng sistema ang pag-iisip ko. Ginawang kumplikado. Dapat gawing simple na ulit pag-iisip para hindi sumasakit ang ulo. Eto formula:

Gayahin ang kabataan. Ang mga bata.. Kapag may kasalanan sila sa isa't isa, marunong silang magsorry. At naguguilty talaga sila kapag may ginawang hindi mabuti!

Kapag nag-sorry sila, totoo yun. 

Madali lang mapasaya ang bata. Kahit ano lang ibigay mo matutuwa na. Marunong silang maka-appreciate.

Ang mga bata, honest. Kapag nagtanong ka, diretsong sagot. Hindi yung magsasabi ng kung anu anong shit. 

Kapag hindi ka gusto ng isang bata, hindi ka nya kakausapin. Tawag nila dun "di ka nila bati." Hindi katulad sa mga matatanda, nagpa-PLASTIKAN. 

Mas malambing ang mga bata. 

Masayang kasama mga bata.



Ang bata, iiyak kapag malungkot ka. Tatawa kapag masaya ka. Dadamayan ka talaga.



Ang bata, kapag sinabing namimiss ka, totoo yun. Dahil sa oras na tumalikod ka palang, umiiyak na mga yan at humahabol sa'yo. Kahit sa kabilang bahay ka lang nakatira.


Kaya tuwing may nagsasabing isip bata ako, natatawa na lang ako.

Mababaw lang ako eh. ^_^


Ay sayang bawal ako dito. Isip bata ako eh. ^_^


Wednesday, October 19, 2011

A Love Letter to the Person I Don't Love

It's been years since we last talked. That last time wasn't good right? I will never forget that day as I know you won't too.

But, do you still remember those days when we were still happy?

I remember the day my friend Riza introduced me to you. It took a few seconds for me to converse with you, I turned to stone. But when you were no longer around, you should have seen me grin.

Do you remember that time when we first talked outside the school? It was in a jeepney at the San Fernando intersection. You said I always smiled. I wish I said it was because of you. I can't remember the times when I smiled just by looking at you. It would have equaled the times I smiled just thinking of you. I can still remember the feeling.

You were the prettiest girl in school. Do you still remember that time at SM Pamapanga when there were four of us trying to court you? Your friends asked for all kinds of favors to the others, my competitors just to separate you from them. Your friend Popcee took your hand and he then gave you to me. I appreciated your friends for that. They were the kindest bunch. I still wonder why they helped me.

What about the number of times some kids would think bagay na bagay tayo. The funniest one was on the jeep going to UP. I won't be posting what they told us here. But if you still remember, you'll certainly laugh.

Do you remember that time when we went to my high school? You looked for my ex. I was so embarrassed to even show you her face. You just smiled and thought my ex looked sexy from afar.

Do you remember our first Valentine's Day in UP? I gave you a gift and I confessed I had feelings for you. You laughed at how directly I said it. It somehow made more calm. That was one of the scariest moments of my life.

I remember the very first movie we went to. I took your hand and put it into mine. That was our first date, right? And in the middle of the movie, I just couldn't contain my feelings, so I kissed you. You smiled so I assumed you liked it.

You were always angry with at me whenever someone else tried to get your attention. You didn't want other men to court you. For that, I thank you. There was a time that you told me I was really nice and that a lot of people loved me. I asked you if you were one of those people who loved me and you said "Yes." You said were in love with me. I may have jumped a hundred times, I really can't remember. That was one of the my happiest nights. 

Do you recall our swimming party in Arayat? You didn't bring extra clothes. I was asleep by the pool but you were teasing me and kept splashing water at me. So I went where you were and splashed water on you too. We both fell in the pool. I felt so sorry for accidentally getting you out of balance. Everyone thought it was very sweet. I still can't figure out why.

Whenever I had an opportunity, I would kiss you. I wanted to kiss you a million times. I even promised giving you a million love letters. Each day I gave you more than one. I wrote a letter every time I waited for you to go home. Whether it meant waiting for an hour or 6, I didn't mind. I just waited patiently, like a puppy. That was how much I have loved you. I'm pretty sure I was able to kiss you a thousand times. Although I'm pretty sure I it  wasn't close to a hundred thousand. That's toofar from a million. But if I had the opportunity, I would've done it. But it in my heart, I knew the longer we stayed together, little by little, you were falling away from me. I can't recall the happiest time I was with you. Because every time I was with you, I was contented. 


Plain and simple.


I hope you weren't bored of the times I was just hugging or kissing you. I was just savoring every moment we had. Because that every moment  was what made me happy. And it was all that mattered. Even those hours when you weren't with me, I knew I truly loved you. When I was with you, it grew even stronger. I remember everything. Do you remember anything any of these? I guess we already have our own separate lives now, right? Just a few hours ago, a thought of you came across me again. And, right at that moment, when I was riding my bike at my fastest, I felt nothing for you. Yes, I still care. But finally, finally in my life you aren't that big hole in my heart any longer. I can finally say "I don't love you anymore." And I am happy. You might've recovered a lot earlier than I have. I hope you are still okay. I hope you are also happy.

I wish I could bump into you someday and be able to smile. But please don't smile back at me the way you did back then. I just might fall again. I don't want my heart broken by you again. It took me 5 years to get over you.

Please don't hurt me again.

Monday, October 17, 2011

Paano Nga Ba Yayaman?

Kung anu anong style na ginagawa ko para yumaman. Dalawa lang yan eh. Either pataasin mo pinagkukunan ng pera mo o tipirin mo ang kita mo ngayon. Hindi madalian ang pagyaman. Hindi ako katulad ng wishful thinkers na nagwiwish na "Sana yumaman ako."



Pag wish ka lang ng wish ano ba ang chances na makukuha mo ang gusto mo? 26 na'ko hanggang ngayon hindi pa rin ako nananalo sa lotto. Hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakatsamba ng apat na numero man lang sa lotto. Ano ang chance na yayaman ako sa kakawish lang? Halos zero yung chance na yun. 

Ngayon kung gagawa ako ng paraan, malamang tataas ang chance ko di ba? Sa dalawang paraan na nasabi ko. The best ang una. Mag-isip ng bagay para lumaki ang pinagkukunan ng pera. Pa'no? Pwede kang magbusiness, lipat company sa mas mataas na sweldo, mag-invest etc. Sa lahat ng yan may ginawa na ba ako?

Oo.

So far, nag-iinvest na'ko sa pag-aaral. 2nd semester ko na sa pagma-masters. Matatapos ko ang graduate school sa UP sa loob ng 2-3 years. Masakit sa bulsa pero malaki ang balik pag tapos na. 

Nagbusiness na rin ako. Well, medyo pumalpak kasi hindi na nagawan ng oras at nawalan ng importanteng client. Nagpabanjing banjing. Totally my fault tsaka minalas na rin pati. Wala akong excuse. 

Lipat ng company. Kung sawa ka na sa trabaho. Lagi kang stressed at walang opportunity sa growth ano pa ba natitirang option mo? Either mabubulok ka na lang dun (na kasalanan mo rin kasi di ka umaalis) o sisantehin mo ang boss mo at umalis ka na sa company mo.

Or pwede kang magtipid. ^_^ Ang buhay ng matipid hindi kailangang maging buhay ng miserable. Maging praktikal lang ba. Kailangan ba laging may softdrinks ka pag kakain? Kailangan ba laging bago ang damit? Kailangan ba laging bago ang celphone? 

Sa totoo lang gusto ko ng 3DS, digicam, xperia mini at bagong car. Pero hindi ko naman kailangang kailangan ang lahat ng yan. So for now, I'm foregoing ang mga chance na bibili ako ng mga yan for the chance na yayaman ako through one of the things na nasabi ko na. 

Hanggang ngayon, kung anu anong website pa rin ang binabasa ko para matuto pa'kong yumaman. Kung anu ano na ring libro nabili ko at bibilhin ko pa para mainspire. 

So far, mahirap pa rin ako. 

Malamang mahirap ka rin kaya mo binabasa ang post na ito. O mayaman ka na pero gusto mo pang yumaman. 

I wish you more luck and more blessings. I hope the same goes to me.

Expound ko mga topics na nabanggit ko in the next posts. ^_^





Monday, October 10, 2011

Birthday

To my fans, family, relatives, friends, enemies, ex-girlfriends, acquaintances etc. Thanks for making me the person who I am today. I have all of you around me. I'm happy with my life. It's not perfect but I live a simple life and that's all I need. 

I used to hate birthdays. I still don't like celebrating birthdays. After my grandfather died, my hate toward birthdays lessened.. Just a bit! 

I believe that on every birthdays you thank the people around you. Here's my thank you to all of you:

To my Fans
I've always been blogging. I have had several blogs since college. I love writing stuff and I have always been trying to influence people through blogs. I have had avid readers before. I may have a few now. I thank you for taking some time to read my blog. Some had even printed some posts and shared it to their loved ones. That's very touching. Thank you for re-tweeting or re-posting my blog. That really means a lot to me. 

To my Family
This was the first birthday that we only have 5 people around. It used to be Grandpa Simeon, Grandma Ising, Tito Reino, Mama Elsa, Tita Mheng and me. I used to have birthday cakes with my name on it. I used to have toys for birthdays even if I had to celebrate it on a hospital bed. It was always the 6 of us. I miss Lolo so much. I what to see him some time even if it would only be on a dream. I'm sorry for being "masungit" sometimes. There's just too much in my mind and you guys always have bad timing whenever you talk to me. Can you please talk to me when I'm not busy? 

To my Relatives
I haven't really been a nice relative haven't I? I'm always absent on gatherings and I'm always sitting in a corner whenever I attend one. Maybe mom's just too talkative and whenever I'm around she always says some embarrassing stuff. Don't worry, I'll treat my cousins coffee some time in the future. Thanks for all the support and encouragement even though I've always been a bad student since college. I'm doing my best in my post-graduate studies now. You can send money again if you want to! ^_^

To my Friends
Hi there. I may not text much, nor do I send personal messages through facebook but you are all in my mind. I'm still the same Elnel, Andrew, Kuya Noy, Noy, chikinito, you've always known. I'm still concerned for you guys. I'm still the person who will try to comfort you whenever you are down. Just tell me and I'll do my best to be there. Even if it means me stranded in some location due to bad weather. I'll still do my best to rescue you if it's in the middle of the night and you don't have anyone else to help you out to go home. Just tell me. I'm still the Elnel that would try to call you whenever you are down. Answer the phone when I'm calling. I don't like calling, I only call whenever I need to. If I'm calling you, I know you need me. 

To my Enemies
I only have a few. But whoever you are, I'm still concerned about you guys at times. Sometimes, I pray for you. I'd be happy to be your friend if you change. Sometimes, I do check on you guys just to make sure you are doing good. Maybe some day, we'll all meet and be friends again. 

To Ex-Girlfriends
Well, I hope all of you are doing fine. I try to find time to check on you sometimes. Sorry but usually I'm in a relationship and I don't want my current girlfriend to get jealous or something. My girlfriend should never feel jealous of anyone because when I have one, I'm very loyal. Thank you for being part of my life. Don't worry, if you need me anytime in the future just call or text me. I'll do my best to help you out. We've had some amazing time with each other. We can just forget about the bad memories. What's done is done. 

To my Acquaintances
Well, I hope I can be a friend someday. Sorry if I act too aloof sometimes. I just don't want to be friends with everyone. I believe one should only have a few friends. If you try to be a friend with everyone, sooner or later, you'll get tons of enemies. People will always try to bond with people they look like. If you try to go on both sides, you'll end up with none. You can't live on both worlds. Choose one side over the other. Besides, a "friend" is just a term. You can call me a friend now and then backstab me when I'm not with you. That's not  what a friend is for. Be a real friend yourself. You'll be amazed by how much more fun you'll have. Trust me. That's what I feel now!

To All of You 
Thank you. It had been a great year 2011. It's all because of you!!! I'll be making my own website soon. Sorry for not posting at all for the past two weeks.





Wednesday, September 28, 2011

Ng Dumating si Pedring

Grabe ang bago, sinlaki ng Pilipinas!!!
Kahapon ang gumising sa'kin si Pedring. Sobrang lakas ng hangin niya. Akala ko aalis na siya ng afternoon pero pala. 

Alas tres pa naman ang trabaho ko kaya wala namang kaso sakin kung maulan.


Kaso lang 9am palang wala ng kuryente. Usually, mabilis rumesponde ang electric company sa amin kaso lang sobrang lakas talaga ng hangin. Hindi ko sila masisi kung bakit hindi agad nagkakuryente.

On the other hand, dahil walang magawa sa bahay hindi ako nagmukmok kagaya ng mga losers. Only losers make mukmok the whole day. 

Nagmukmok ka lang ba kahapon?

Productive Day MUNI MUNI:

Hindi na bago ang mga bagyo sa atin. Once a year nagkakaroon naman lagi ng malakas na bagyo. Yun nga lang, paminsan, pag natyempuhan mo ang malas talagang kakainin ka ng bagyo.

Noong elementary ako, welcome na welcome ang mga bagyo. Pag may bagyo sigurado, walang pasok. Walking distance lang ang school. Sarap ng walang pasok, pwedeng pwedeng makipaglaro na lang sa kaklase kung di rin lang ganun kalakas. Sarap maglaro sa ulan. Okya magbangka bangkaan sa sapa. Ang lakas pa naman ng agos ng sapa. Nakakatakot pero may thrill! Tapos jijingle ka sa sapa patagalan umihi. Oo yak yun pero bata ka palang naman. 

Pagbigyan.


Pagdating ng high school, pag may bagyo, siguradong lubog school namin. Ang Pampanga High School (PHS) ang isa sa mga lumulubog sa mapa kapag maulan. Mahilig nun akong magtapon ng basura sa tamang lalagyan pero minsan sinasadya kong itapon sa estero ng PHS para pag umulan babaha. Freshie at Sophomore pa'ko nun. Pagdating ng Junior at Senior High, hindi na talaga ako nagtatapos sa mga kanal para lang magwish na walang pasok. Hindi na lang ako pumapasok. 


Hindi ko alam sa inyo, pero ang high school life ang pinakamasayang mga araw ko sa skul. Ang high school life ang nagmulat sa'kin sa kung anu-anong mga bagay. 

Sa Pampanga High School lang ako nakakita ng every Friday may gang war. Dun lang ako nakaranas na may nangikil sa'kin. Napagkamalan na rin akong nambugbog sa isang gang member. Dun ko unang naranasan ang mag-cutting classes, maglakwatsa, mangopya, mandaya, mandoktor, magdahilan, tumakas, magcamping, at higit sa lahat, manood ng bold

Going back to the topic, pag bumabagyo usually hanggang tuhod ang baha sa PHS. Yun yung mahina pa. Kawawang mga freshie, lagi silang biktima ng mga kanal sa side ng daan. Nakakalimutan nilang isang metro ang lalim ng mga kanal at nakaopen. ^_^ It's always a sight to behold. 

Natulog lang din ako buong araw. 

Moving forward.

Natulog lang ako for the day. Nung magtatrabaho na sana, nung palakad ako papuntang kanto namin para sumakay ng jeep, ilang steps pa lang ng bahay binugahan ako ni Pedring ng malakas na hangin. Gamit ko nun yung pianakamalaki namin payong. Ayun, nasira lang naman. Uwi, kuha bagong payong. Pagdating ko ng kanto, 5 minutes na lakad lang basang basa na'ko sa ulan at hangin. Sira ulit payong. Naghintay akong extra 15 minutes wala akong masakyan! Konti na nga lang ang bumibyaheng mga jeepney, tapos hindi pa sila tumitigil sa kanto namin dahil ang laki ng baha. Iniisip siguro nila walang sasakay. 

Nagpaalam na lang tuloy ako sa boss ko na hindi na lang ako papasok. Ayun. bawas sweldo na lang inabot ko. 

Oh well, inevitable yung nangyari. Hindi naman ako nagsisisi hindi ako pumasok. Sure ako kung sumabak pa'ko sa ulan sinisipon or worse nilalagnat na'ko ngayon. Tae yang si Pedring eh. 

Ngayong sinusulat ko itong blogpost na'to 16 na namamatay at libu libong tao na ang nasalanta ng bagyo. Si Pedring, act of nature. Walang magagawa. Hopefully tama na ang casualties. 

For us, gawin lang natin ang usual nating ginagawa. We have to eh.




Move on. 



P.S. Congrats sa mga walang pasok. ^_^

Move forward. 


Monday, September 26, 2011

Rally: Perwisyo? o Nakakatulong Ba?

Kahapon muntik akong sumemplang nung pauwi ako galing Magalang. Nawala kasi sa tantya ko na bumigat ako dahil may dala akong sangkatutak na "balot" na padala ni papa. Buti na lang, pangromansa ang katawan ko kaya madali kong nakadyot ang motor to safety. 




Usapang rally at walkout naman tayo ngayon.  

A few days ago may nabasa akong thread opposing mga rally. Sabi sa thread nakakatraffic daw mga rally and wala mang nangyayari sa bayan. Pare-pareho lang. Kahit mag-iba iba man ang mga presidente, uulit at uulit din ang scenario. Hindi pa rin mapapasa ang oil deregulation law, magkakaroon pa rin taun-taon ng education budget cut, marami pa rin ang mahihirap at mayaman pa rin ang mga putanginang mga magnanakaw sa Gobyerno. 

Siguro 9 out of 10 hindi pabor sa mga rally. And somehow, I can't blame them. 

Somehow, back in 2002 nung makapasok ako sa UP, curious din ako bakit rally sila ng rally. I felt weird whenever may mga miyembro ng League of Filipino Students (LFS) tuwing tatanungin kami kung hindi kami busy. It meant kakausapin kami sa kung anu anong topic regarding the government and other institutions. Parang lecture ba. At first medyo nakakatakot silang magsalita dahil lahat ng miyembro pare-pareho ang tono ng pananalita. Pero in fairness sa kanila, lahat ng miyembro, maalam. I had this feeling na kung biglang sabihin ko na subukan kong iba naman maglecture eh parehong pareho lang ang sasabihin nila at walang member ang matatameme at hindi alam ang sasabihin. 

Minsan, nagrerecruit sila ng members. Ayaw kong sumali kasi laging may tsismis pa naman nun na kapag sumali ka ng LFS, isasali ka nila sa NPA after. 

One day, nagkaroon ng isang malawakang invitation sa UP Pampanga. Sali daw kami sa rally for SONA. This is in 2002 pa. Panahon ni Gloria. I felt curious. May pasok nun and sinabihan kami ng ibang professor na may pasok. What the hell, I was always curious kung anong nangyayari sa mga rally lalung lalo na sa isang malawakang rally so I went for it. I knew naman na ang gagawin ko ay di lang para sa UP kundi para sa bayan din. 


Merong mga fufu na nakisabay lang pala sa bus para umuwi ng Maynila. Yung guard namin sa UP sumama para manood. 

Marami rami rin kaming freshman students ang sumali. Isang bus kaming lumahok sa rally. It was very organized. Tinabi kami sa UP Diliman (sa harap) at bumuo kami ng hanay. Sa likod, hindi ko makita ang end ng file sa dami ng mga tao. Punung puno ng banner ang lugar. 

Kabilaan, may mga leader or kung ano na naglelecture sa ginagawa ng gobyerno sa taong bayan. In a way, kapani-paniwala naman sila. It made a lot of sense. Minsan, hamak na magsasaka lang ang magsasalita. Nung andun ako, nawala ang notion ko na bayaran lang talaga ang nagrarally. May umiyak kasing tao, napatay ang asawa niya. Kung nag-aacting lang siya, aba mas magaling pa siya kay Ate Guy, Vilma Santos, Lorna Tolentino, Sharon Cuneta etc. 

May nagsusunog ng mukha ng pandak-nunal


Meron ding nagsisigaw ng chant. Ang amin, may sisigaw ng "Iskolar ng bayan ngayon ay lumalaban." At sasagot kami ng "Ngayon ay lumalaban, iskolar ng bayan." Ang atmosphere tense, puro nakasimangot mga tao except for us freshies na medyo natatakot ng konti. It felt weird kasi puro nakasimangot mga tao pero alam mong masaya silang nandun. Hindi ko mabilang mga tao sa likod sa sobrang dami. Ang usual na suot nila ay itim at pula.

Puro likod lang ang tinitignan ko. Dahil kung haharap ako, nakatutok sa'kin ang putanginang hose ng bumbero. Ba't kasi hindi na lang itutok sa 6'3" kong katabi. 

Stupid Mistake

Nilipat kami ng pwesto para magready sa paglalakad ng kapit bisig. Minove kami a few steps back sa hanay ng UP Diliman. Siguro mga 5 meters away sa front row. Hindi ko alam kung dahil sa kaka-chant ng kung anu ano. O dahil nakakahawa ang mood ng mga tao. Or, I knew in my heart, tama ang ginagawa ko. 

And, in an instant. Wala man kaming ginagawa, natayo lang kami dun ng biglang magpapalo na ang mga pulis. Nagkagulo and naipit ako sa magkabilaang panig. Sa harap, mga pulis na nananakit ng mga nagrarally. Sa likod, mga taong gustong pumunta sa harap at makibaka. Kahit nagkakagulo na, sumisigaw pa rin ang mga leader namin na huwag gaganti sa mga pulis. It felt weird kasi nga naman, parang inaalay lang namin mga ulo namin para mapalo ng batuta o yantok. 

Lahat ng nasaktan tinutulungan naming pumunta sa likod. Masikip ang daan kaya nasasaktan lang sila lalo. Magulo na eh. Lahat tumutulak. Duguan na mga nasa harapan ko. At ang putanginang baklang 6'3" sa likod ko tinutulak hinahawakan lang ako sa balikat to the point na nakayakap na siya. Hindi ko na alam kung minolestiya niya ako o sadyang takot lang talaga. Ang iniisip ko na lang nun susugod ako at makakalusot ako sa hanay ng mga pulis ng hindi ako gumaganti. Sa gulo, natatanggal ang sapatos ko na 1 week old pa lang. Kakabili lang nun ng "Nike Presto Air Max" ko. Tae, bagong bago tapos baka mawala! Nung tumitingin ako sa baba, nakikita ko mga kalat kalat na mga tsinelas, sandals sapatos na naiwan! Wag naman ang sapatos ko! Nahubad ang sapatos ko sa kaliwa buti nakapa ko lang ulit sa paa ko. Nasuot ko pa naman siya ulit.

Isang hanay na lang ng tao at turn ko ng maging duguan. Biglang nagcall pa-atras ang mga leader. Masyado na raw marami ang nasasaktan and opcors, hindi nila deserve ang masaktan kahit wala naman kaming ginawang masama. 

Naligtas ang flawless face ko. 

Nung pauwi kulang na kami sa bus. May isang estudyante duguan ang ulo. Dinala sa hospital. Okay na daw pero kailangan pa ng tests. Si manong guard na nakikiusyoso dinampot daw. Pinagbintangan ng lider. Mga tanga ampucha. Wawa naman si manong guard, nakikiusyoso pa kasi. ^_^

Dalawa sa mga freshie nawalan ng isang tsinelas. At parang Jose Rizal iniwan na din ang kabilang pares. 

Umuwi kami ng masaya. Umuwi ako sa bahay, galit sina mama at huwag ko na daw uulitin yun. Parang wala akong narinig dahil namulat ako sa ibang bagay. Nung matapos ang rally, nag-gain ako ng matinding experience na hindi ko mababayaran kailanman. I felt really good. 

Binuksan ko ang tv para sa balita. Curious din ako kung na-TV ako. Aww. Sure ako na-TV ako kasi nasa harap lang ako eh. Putanginang bumulatlat sa'kin sa balita kami daw naunang manggulo. Wat da pak. Pers taym kong ma-experience na binabaligtad pala talaga ang balita. Hindi ko rin nakita ang peys ko sa tv. Ang lalayo ng kuha eh.

So, let's go back to the question kung nakakatulong nga ang mga rally. 

Oo, nakakatraffic mga rally. Oo, maingay mga rally. Oo, nakakaperwisyo talaga ang mga nagra-rally. 

PERO

Pero, common. Yun bang nira-rally para sa sarili lang? Yung huling transport strike para kanino ba maitutulong? Sa mga tsuper lang ba ng jeep? Hindi di ba? lahat makikinabang. Kaya ang putanginang isang araw na incovenience sana huwag ka ng madada. Bakit? Ikaw ba may ginawa para sa sitwasyon mo ngayon? Wala. Nasa comfort ka lang ng bahay, nagmumukmok, puro salita wala naman sa gawa. Samantalang ang mga nagrarally, nagri-risk sila ng buhay para lang ipagtanggol ang karapatan mo. 

May nangyayari ba?

Paminsan meron. Paminsan wala. Ang point dito, hindi sila nawawalan ng pag-asa. Oras na mawalan ng pag-asa ang taong bayan, wala na. After ng experience ko sa Sona 2002, namimili na'ko ng mga rally na sinasalihan ko. May mga rally talagang may kinukuhang bayaran.

May education at health budget cut na naman. Sana, ayaw n'yo ring bawasan ang karapatan nating mga mamamayan. I hope you are with me sa mga budget cut!

Ang rally ay serbisyo para sa bayan. Hindi para sa iilan. 

http://www.gmanews.tv/story/232990/nation/up-students-stage-walkout-over-budget-cuts

Lesson, huwag magdala ng new shoes sa rally? ^_^ 

It's for you to decide! 



Thursday, September 22, 2011

SM Pampanga Good News and Bad News

Too much love will kill you.

Start tayo sa bad news.

Last September 20, 2011, Martes, may 13-year old na lalake ang namaril sa isang 16-year old na lalake. Nag-iimbestiga pa kung bakit nagkabarilan pero sinasabing magsyota ang dalawa at nagkaselosan lang.

After mangyari ang barilan, on the same day may kumalat na mga story na may ibang gunman sa SM Pampanga. A lot of people posted asking people to stay away from SM Pampanga.  Merong nagsabing may nadamay na babae dahil nagmintis yung baklang 13-year old dahil daw nakapilantik ang daliri niya.  

Napakatsismoso talaga mga Kapampangan. Very imaginative din. There are always stories like this sa amin. Sometimes it funny and weird. Sometimes hindi na nakakatuwa. Mahilig din akong mag-speculate kaya I'm guilty of believing some of the stories nung una.  

It's better to be on the safe side and stay away from SM Pampanga that time di ba? 

A lot of people think it's a tragic story. I do too. But I saw one disturbing comment sa twitter. May nagpost na "kakainggit." Meron ding nagpost ng "wow." 

What the hell are these people thinking? One kid, decided to end someone's life and then took his own and all they can say is they are jealous? What the fuck is this? Telenovela? Movie? Some weird and twisted story that you love watching? If you want to see people getting killed go fuck yourself and then shoot yourself in the head. 




Good News


On the other hand, after mamatay ng dalawang biktima. Nadecide ng mga family nila na i-donate ang organs ng mga bata. A few people will be living a little longer and will feel better because of the tragic incident. Of course, wag naman sana ulit mangyari na may magbarilan muna bago may magdonate. 

Also, I'm sad dahil may nagbarilan sa mall at nagpakamatay pa. But, I'm also happy na nababalita pa ang mga ganitong story. Not because sadista ako pero it means ang balitang ito ay napakakakaiba kaya pa binabalita.

To expound my explanation further eto pa ang rason ko. Kapag mag-aaral ka ng journalism, ang isa sa age old na ituturo sa'yo ay magbalita ka ng isang bagay na kakaiba. Kung magbabalita ka ng isang bagay na hindi kakaiba, walang magbabasa sa dyaryo mo, walang makikinig sa radyo mo, at walang manonood sa balita mo. Why? Because obviously, hindi naman ito kakaiba. Nangyayari ito araw araw. 

Kung si Pedro nakagat ng aso at binalita ito, no one will pay attention except his relatives and friends. Pero, kung si Pedro nangagat ng aso, yun, siguradong ibabalita yon. Dahil wala pang matinong taong nangagat ng aso. 

Yan ang pambansang example sa journalism eh. 

Going back sa SM Pampanga incident. The fact na nababalita pang may namaril na bata dahil sa selosan at nagpakamatay pa is a rare incident. Ibig sabihin, may pag-asa pa ang kabataan natin. Ibig sabihin majority ng kabataan natin, hindi ginagawa ang ganung bagay. It means, 99.99% hindi nagbabalak mamaril dahil lang sa putang-inang selosan. 

At ako, may tiwala pa'ko sa kabataan ng Pinas. May tiwala pa'kong may pag-asa pa ang Pilipinas. Kaya nga never kong inisip na mag-aabroad ako. May pag-asa pa tayo. Matuto sa pagkakamali ng iba. Move on. Make a change. 

Simple lang ang buhay. Wag na kung anu-anong satsat. 

Ikaw ang pagbabago.



Update: Ilang taong gulang na ba si Justin Bieber? Tsaka sino pwedeng pagselosin siya?

Sunday, September 18, 2011

Bakit Ba ang Hirap Pumasok Kapag Lunes?

Note: Hindi ito pang UP Student or Alumni Post. Gusto ko lang magyabang.. este magplug ng pagkapanalo.

Bakit na ba mahirap pumasok kapag Lunes?

After na umaatikabong tuwa sa pagkapanalo ng UP Grad na si Shamcey Supsup na 3rd Runner Up sa Ms. Universe at ang super clean panalo ng UP Pep Squad sa UAAP Cheerdance Competition ang sasalubong sa'kin ay...


LUNES.


Actually lahat tayo sasalubong na naman sa Lunes. As usual nakakatamad sa Lunes. Wala pa akong taong nakitang nasasabik sa Lunes except sa mga taong magfe-first day sa trabaho, first day of school, first day of whatever. 

My friends, lagi namang exciting ang first day.

Pag nagtagal magsasawa at magsasawa ka rin. Unless, ehem, sobrang dynamic ang trabaho or school mo. Or may crush kang ndi pa natitikman. For me, for the past 2 weeks na nagtatrabaho sa isang testing na project, nagustuhan yata ni boss ko ang trabaho, ayaw na atang palitang ang pinapagawa sa'kin. ^_^ So, from my dynamic kind of work, I'm back to the same drawing board. Same old same old stuff. 

Kaya, like most people. Tinatamad ako kapag Lunes. 

But then again, ano ba ginagawa ko to keep myself motivated and pogi? 

You don't have to make Monday a difficult day for yourself. Of course, I know the fact na ang Lunes ay start ng limang araw mong paulit ulit na trabaho. So, alam kong ulit ulit lang gagawin ko, what should I do para mabago yun?

Simple lang. Kapag araw ng Lunes, dahil nga nakakatamad, ang tinatrabaho ko mula Marter hanggang Huwebes ay dinadamihan ko na. Para pagdating ng Biyernes (last day) pachill chill na lang ako. At pagdating ng Lunes, chill chill pa rin ako. Hehehe. Bakit pati Biyernes, nagchichill chill ako? Kasi, naka kundisyon na ang utak ko na ang Biyernes ay rest day din! Ang sarap kasing pakinggan ng last day of the work week ay Friday. Kaya nga TGIF eh.Eler!!! Pero ultimate goal ko d'yan eh gawing magaan ang Lunes para maganda ang start ng buong linggo ko. 



It works for me. Would it work for you? Ewan. Might as well try di ba?



Kung nag-aaral ka, pwede kang mag-advance mag-aral para pagdating sa class eh pwede kang mag-escape sa kalagitnaan ng klase. Kunwari mag-CR ka tapos ndi ka na babalik. Pwede kang mag-daydream. Pwedeng tignan mo na lang ang crush mo hanggang maging kayo na. Pwede ka ring magvandal sa upuan o i-drowing mo ang teacher mo. 99% pangit ang drowing mo, pero kunsabagay, 99% of the time ang teacher ng dinodrowing mo eh hate na hate mo rin. Marami kang magagawa kung marunong kang mag-prepare. 

Para saan pa ang utak kung dimo rin gagamitin.

Tandaan, ang trabaho mo ay siya ring magpapakain sa'yo. Hindi ang katamaran mo. Kung sawang sawa ka na talaga sa trabaho mo, umalis ka na. Hindi yung ginagawa mong tanga ang sarili mo. Huwag ka ng magdahilan na no choice ka't yan lang ang alam mong gawin o wala ng tatanggap sa'yo. May nakita akong putol ang paa dati, gumawa siyang kung anu anong tali sa wheelchair niya. Ginawa niyang sari sari store ang wheelchair niya para lang kumita. Saludo ako sa kanya. Kaya niyang tumayo sa sarili niyang paa para lang mabuhay. 



Woot, wala nga pala siyang paa.



Basta ang point ko, yung taong yun, na malamang walang pinag-aralan, gumawa ng paraan para mabuhay. At never ko siyang narinig na nagreklamo. Dahil ang bawat araw na binigyan siya ng Diyos ng opportunity para mabuhay, masaya siya. 
Kahit ulit ulit lang pitong araw sa isang Linggo ang trabaho niya.

Tayong mga empleyado at estudyante na limang araw lang ang trabaho, mas mareklamo pa tayo sa kanila. 


Siguro, oras na para magbago...

Ang Lunes ay hindi kailangang maging nakakatamad. 

Sana, huwag ka ng mahirapang pumasok tuwing Lunes. 
Oo. Nakakatamad minsan pero wag ka naman sobrang sipag.