Hopefully Ngayong Nandito Ka sa Blog ko, Hindi Ka Nawawala. ^_^

Please don't forget to subscribe to my blog para pag may post ako automatic makikita nyo. Feel free to share my blog sa Facebook, Twitter, Google+ or any other social media.

Salamas!
Showing posts with label tipid tips. Show all posts
Showing posts with label tipid tips. Show all posts

Monday, February 22, 2021

Tipid Tips: Look for Alternatives

Part ng pag-iipon at pagpapayaman is pag-aalaga ng health natin mga Tsong at Tsang. Kailangan nating kumain ng tama at mag-exercise. Hindi naman kailangang nakakwenta lahat ng kakainin o iinumin. Pwede na 'yung everything in moderation ika nga. As for me, nagja-jogging ako 3x every week plus konting push ups here and there. Nagstart ako sa 165 lbs. (75 kg) to 150 lbs. (68 kg). I'm 5'11" kaya ngayon ampayat payat kong tignan. I need to gain more weight in the form of muscles. 

So ano ang gameplan ko for that? Wala namang drastic. Dadagdagan ko lang ng protein ang kinakain ko. Saan nakukuha ang protein? Usually sa karne, itlog, mani at gatas. Now every time mag-jog ako bumibili ako ng Vitamilk which is around Php 30 sa convenience store (part ng evening routine ko ang maglakad lakad at bumili sa 7 11). Medyo pricey for me para sa isang bote lang ng soy milk. So ang ginawa ko ngayon, bumili ako ng Birch Tree Fortified Milk.😅 

Wahehehe. Nasa 200+ lang sa Alfamart. Tinignan ko protein content ng lahat ng major gatas like Bear Brand, Alaska at Nido, Birch Tree ang may pinakamataas na protein content. I can tell you, hindi siya masarap, hindi rin naman panget ang lasa. Pwede na. Pero hindi ko naman binili ito para sa lasa. Pasa sa PROTEIN. Tapos makakailang mug na ako nito pero hindi pa rin mauubos. Umiinom ako araw araw. Balitaan ko kayo kung makakailang timpla ako para ma-compare ko ang gastos. 😀

So un. Kung namamahalan ka, always look for alternatives. I will get more protein dito sa Birch Tree, mas tipid pa. Lakad na lang talaga ako lagi kapag gabi. Bawasan pa ang gastos. Haha. 





Monday, April 8, 2013

Tipid Tip No. 3: Magtanim ay Magandang Bisyo

 
pic taken from http://dc181.4shared.com/doc/pF_o6qbl/preview.html
Ang lolo ko ay naging isang magsasaka. We used to have all kinds of trees sa bahay. Meron kaming buko, guyabano, atis, bayabas, papaya, saging, avocado, malunggay etc. Hindi ganoon kalaki ang lupa namin pero sure ako kung mas malaki mas marami kaming mga puno. Nagtanim din si lolo ng mga kamote, ube, talbos ng kamote, pako, pandan, sili, kalabasa. 

Nung isang araw, may nanghingi sa amin ng dahon pandan. Meron kami kasing katabing bagong tayong karinderya. Ayun, bumalik sa amin may dalang ulam for giving them pandan. 

Hindi naman mahirap magtanim ng halaman. Contrary sa popular belief na mahirap maghalaman, may mga halaman ang hindi kailangan ng sobrang tinding maintenance. Tulad na lang nung pandan, wala man kaming ginagawa sa pandan. Basta palaging nadidilig sila okay na yun! 

But wait, kung dinidiligan ang mga pandan, edi ma-trabaho?

Hindi rin. Ang tubig sa lababo namin, walang drainage na pinupuntahan. Diretso ang tubig na yun papunta sa backyard. Papunta sa mga pandan. ^_^ The same thing goes sa mga sili, at mga pako. 

Ang sarap kaya ng kanin na may pandan! Masarap ang kain kapag mabango ang pagkain. 

Ang iba naming mga halaman, dinidilig using pinagbanlawan ng damit. Sayang nga gusto ko sana ng mangga sa backyard kaso masyadong malaki yun. Hindi kayang palakihin. ^_^

Significantly nabawas ng marami ang mga puno at halaman namin. How I wish buhay pa ang lolo ko. Namimiss ko ng kumain ng mga tanim nya. Nevertheless, meron pa rin kaming tanim na automatic na nakakain. 

For everything else na matitipid, put it in a bank or in an investment vehicle.  

Tuesday, January 3, 2012

Tipid Tip No. 2

Habang tumatanda ka, lalong lumalaki ang hawak mong pera. At habang lumalaki ang hawak mong pera lalong lumalaki rin ang gastos. Does that mean lalaki rin ang matitipid mo? Kung hindi lumalaki ang natitipid mo, may mali sa'yo. Ikaw ay magiging isa sa milyong taong fufu. Tumaas nga ang kita, tumaas din gastos. Tapos magrereklamo wala daw siyang pera. 

Paksyet.

Anyway, hindi yun ang tipid tip ko today. Ang tipid tip ko ngayong araw ay kailangan mo lang tandaan lahat ng ginagastos mo. Para malaman mo kung saan napupunta ang pera mo. Anong bagay ang kailangan mong i-give up dahil hindi mo naman talaga ito kailangan. 

Yun lang.

Pa'no mo naman ito magagawa?

Two years ago, may nagbigay sakin ng kapirasong papel. Akala ko kung ano yun, punuin ko daw yun para makakakuha ako ng magandang Starbuck's Planner. Tatlong sticker na lang ang kailangan nung papel. Opcors pinuno ko agad yun and in no time, I had my very first Starbuck's Planner. 

Desidido akong magtipid nun ang mag-ipon para sa kung ano mang luho ko. Hehehe.. Gusto ko na ring magpayaman kaya gagamitin ko sana ang pera para ipang puhunan. Kaya yun, araw araw, sinusulat ko lahat ng gastos ko araw araw. 


Starbucks Planner 2010 and 2011


Araw araw ilista mo lang lahat ng gastos. Tapos, ipag-add mo weekly gastos, monthly gastos.. at grand total ng gastos mo sa taon. Magugulat ka sigurado.


At ang sabi ko nga kanina, gagawin mo ito para ma-track mo kung san napupunta ang pera mo. Makikita mo rin kung anu anong pinagkakagastusan mo ng hindi mo naman pala kailangan. Eto nakita ko, mahilig akong gumasta sa chichirya. I consume isang balot ng chichirya around 4x a week. Mahilig ako sa bottled drinks, C2, softdrinks, etc. Kapag sweldo nililibre ko sarili ko ng kung anu anong shit. 

At all the while akala ko matipid na ako. Dahil ang mga katrabaho ko kung makabili sa mga tindahan ay pagkadami dami. After nun once a week na lang ako kumain ng chichirya, once a week na lang ako ngsoftdrinks at kung anu anong bottled drinks at inaamoy ko na lang ang pera kapag sweldo. Mas masaya kasi ang amoy ng pera kesa pagkain. Ang pagkain nagiging tae. Gusto mo bang inaamoy yun? Ang pera mabaho pero masarap pa rin ang amoy. Bakit? Kasi pera yun. 

Bakit di'ko tigilan ang softdrinks at chichirya forever? 

Kasi nagtitipid lang ako. Eh gusto ko talaga lasa ng chichirya eh. Yung softdrinks, ndi ko naman talaga gusto lasa, ok lang siya. Gusto ko lang uminom once a week. ^_^ I don't have to deprive myself of something na gusto ko naman talaga just to have a few more bucks. 

You can use the planner as a tool to track yung gastos. As an upgrade, pwede mo rin siyang gawin listahan ng mga pera mo. Para at least nakikita mo pa talaga kung nasan na ang total ng pera mo. Hindi ko nga lang ginawa to kasi pakialamera si mama. Ayaw kong nakikita niya kung magkano lahat lahat ang pera ko. Ok lang makita niyang may nakalistang motel na pinagcheck-inan ko sa gastos pero ayaw na ayaw kong makita niyang may savings ako. Hehehehe... ^_^ 

Daily Gastos


O di ba? Simple lang ang tipid tip ngayon. Hindi siya direktang pagtitipid pero malaking malaki maitutulong niya for you. Simple lang ang buhay. Kailangan mo lang imulat ang mata mo. Mag-isip isip ka lang okaya, basahin mo ang blog ko. ^_^

Subscribe ka na sa blog ko! 

P.S. Wala akong Starbucks Planner 2012 dahil napakaliit ng space na pagsusulatan! Hindi sulit!


Friday, December 9, 2011

Tipid Tips

You know what guys? Since marami ang nagrerequest ng blogposts kung pa'no magtipid, naisipan kong gumawa ng maraming posts sa pagtitipid. ^_^

Sa lahat ng bagay though, sa kahit anong laban, you have to be prepared. At sa case ng pagtitipid, wala kang ibang kalaban kundi ang sarili. 

Bakit?


Dahil kung magtitipid ka, ibig sabihin nun ide-deprive mo ang sarili mo ng isang bagay na nakasanayan mo dahil makapaglaan ka ng sapat na pera para makuha mo ang isa pang bagay na gusto mo. 

O.. Malamang hindi ko na kailangang sabihin sa'yo na kailangan mong magmenor sa "unnecessary" stuff. Ano ba ang mga ito? In my case, softdrinks, chichirya, collectibles, laruan.. Ano pa? Wala rin akong bisyo dahil para sa'kin ang laking gastos ng sigarilyo, alak, gimik at higit sa lahat mga chikas. Pinagkamagastos ang maraming chikas (ndi ko maverify to kasi hindi naman ako machiks.. ^_^). 

Siguro nagtataka ka kanina kung bakit  Piknik ang picture d'yan. At, nung mabanggit kong kasali sa unnecessary stuff ang chichirya siguro naisip mo rin na yun ang nasasabi ko (Kung di mo naisip yun, siguro fan lang talaga kita at kahit anong isulat ko babasahin mo).

Bigla ko kasing naisip na magkaroon ng isang special na alkansya. Binutasan ko yung pulang cover ng piknik para siya yung special alkansya ko!

Kesa gumastos pa for alkansya (which is actually very cheap naman), I decided na sa lalagyan na lang ng Piknik. Kesa itapon yun, sayang naman. Pwedeng lagyan ng kung anu anong stuff ang lalagyan ng Piknik. Matibay siya at gawa sa aluminum, ndi kinakalawang! Nakatulong ka pa sa mother earth. 





Bakit special?


Kasi meron nakong existing alkansya eh. Hehehehe.. Sa unang alkansya, dun ko nilalagay ang 10% ng sweldo ko. Basta pag nagkasweldo ako ng kinsenas, agad agad, drop ko dun pera. 

Etong pangalawang alkansya ang purpose nya eh lalagyan ng sobrang barya. 

Naranasan mo na ba yun? Pag titingin ka sa coin purse mo, unconsciously you have an idea magkano talaga laman nun. And dahil alam mo magkano natitirang pera mo sa coin purse, nagiging kampante ka sa pagbili ng kung anu anong shit. 


Magkano ang nilalagay ko? 

For starters, basta lahat ng natirang barya sa coin purse, diretso sa special alkansya. And then, pag weekend, any barya, bente, at singkwenta pesos, babagsak sa coin purse. 

Bakit?

Kilala ko ang sarili ko. Pag ang halaga ng bagay na gusto kong bilhin ay bente pesos at ang pera ko ay isang daan, ayaw ko siyang gastusin. Kaya in a way, inuutakan ko ang sarili ko by overiding my system at finoforce ko ang pera ko palaging buong 100 petot. Hehehehe.. 


Opcors, hindi realistic kung sasabihin kong hindi na talaga ako bumibili ng kung anu anong shit. May times pa rin na bumibili ako ng kung anu anong maliliit na bagay like chichirya, softdrinks etc. Pero very minimal talaga. 


Ano bang bibilhin ko bakit ako nagtitipid?

Honestly, hindi ko pa alam. I'm thorn between buying a digicam yung mura lang (around 5k) or Nintendo 3DS. Gusto ko ng digicam para hindi nako pumupulot sa Google ng mga picture! Matagal ko ng gustong magkaroon ng Nintendo 3DS eh. ^_^ Pero likely rin na iipunin ko na lang yan at ilalagay ko sa stocks. Naglalaro ang barkada ko sa stock market. Which brings me to another topic. Pero next post na siguro yan. 

Thursday, November 17, 2011

Kapag ang Dagdag na Gastos ay Nagiging Tipid

Tama ang nababasa mo. Minsan, ang extra gastos na ginagawa ko, nagiging tipid. 

Nabasa ako kahapon ng ulan. Sinipon ako today. Hate ko pa naman ang sinisipon. Masama ang pakiramdam ko at parang lalagnatin ako. 

Bumili ako ng juice drink na mataas sa Vitaminc C para ma-prevent ko ang paglala pa ng sakit. Ministop ang pinakamalapit ng tindahan. Sa lahat ng juice drink dun "Smart C" ang nakita kong pinaka mura at pinakamataas ang Vitamin C content. Sa halagang 23 petot, meron nakong 320% worth ng Vitamin C para gamot sa sipon. 

Kuripot ako kaya kung tutuusin, nanghihinayang ako sa 23 petot na gastos. Pero, kung hinayaan ko na lang lumala ang sipon, baka lalo pakong magastos. Kung nilagnat ako bukas, makakaltasan sigurado ako ng sweldo! Wala pa'kong sick leave! 2 weeks pa lang ako sa trabaho. 

The best pa rin ang prevention kesa sa cure. 

P.S. May payong naman ako nung umulan kaso sa sobrang lakas ng hangin nabasa pa rin ako.