Hopefully Ngayong Nandito Ka sa Blog ko, Hindi Ka Nawawala. ^_^

Please don't forget to subscribe to my blog para pag may post ako automatic makikita nyo. Feel free to share my blog sa Facebook, Twitter, Google+ or any other social media.

Salamas!

Thursday, September 1, 2011

Paano Mag-ipon ng Pera?

Paano Mag-ipon ng Pera?
Originally naisip ko ang title dapat "Paano Mag-ipon." Thought it should be obvious pero maraming feeling matalino sa Pinas pero tanga naman talaga thus, "Paano Mag-ipon ng Pera?"

Kahit saang blog ka pumunta, kahit anong article sa kahit anong website or libro, magazine, etc. Simple lang ang gagawin mo para makaipon ng pera.

Magtabi ng kahit magkano sa iyong kita (or baon).

That means kung ang sweldo mo ay 10,000 pesos kada buwan, pwede kang magtabi ng kahit tag 1,000 pesos sa bangko or alkansya man lang. Kahit 500 pesos lang pwede rin. Ang point dito, pagkatapos ng buwan, dapat may natitira kang 500 pesos na tinatabi. 

Kung magtatabi ka ng 500 buwan buwan sa loob ng isang taon magkakaroon ka na ng 6,000 pesos. Sa loob ng 10 taon, aabot ito ng 60,000 pesos! Wala pang interes yan. 

60,000 lang??? 10 years? Haler!

Tandaan, 500 lang yan buwan buwan.

What if 1,000 ipon mo kada buwan? Pa'no kung 2,000?

Opcors alam mo na lahat ng kapakshetan na sinasabi ko. Ang tanong, bakit wala ka pa ring ipon? Most likely, may kati kang gumastos sa isang bagay. Worse, may kati kang bumili ng maraming bagay. Madalas yun talaga ang dahilan kung bakit hindi ka makaipon.

Adek ka ba sa sigarilyo? Adek ka ba sa alak? Adek ka ba sa mall at magshopping? Adek ka ba lumabas gabi gabi? Adek ka ba? Kung oo ang sagot mo, malamang dun lang napupunta ang lahat ng pera mo. 

Kung gagamitin mo ang pera mo sa isang bagay tulad ng bagong relo, nililimita mo ang sarili mo sa pagbili ng ibang bagay tulad ng pagkain o damit. Simple lang naman to. Kahit hindi pera yan. Kung pagtutuunan mo ng isang oras ang pakikipagtsismisan, nililimita mo ang isang oras ng buhay mo sa tsismis over sa paggamit nito sa ibang bagay tulad ng oras para sa pamilya, oras para sa girlfriend/boyfriend, oras sa pag-aaral. 

Gets ba?

Eto pa ang example:
Matagal ko ng gustong magkakotse. Ngayong may kotse na'ko, gusto ko itong i-setup. Gusto kong magmukha ang kotse ko ng ganito:

Pangarap Kong Setup ng Kotse


Sobrang gusto kong pormahan ang kotse ko. Natutukso akong unti untiin ang pagsetup sa kanya hanggang magmukha siyang ganyan. Malaki rin kasi gagastahin kung minsanan kong bibilhin lahat ng accessories ng kotse para pumorma siya ng ganyan. Yun nga lang masakit sa bulsa. 
May mga pangarap ako na kailangan kong marealize na hindi ko pa dapat dapat makuha. Oo, sa ngayon kaya ko ng i-setup ang kotse. Pero, gagamitin ko na lang ang pera sa ibang investment. For now, ang perang iniipon ko pinambabayad ko ng tuition sa graduate school. Bakit?

Kasi, magagamit ko ang degree ko in the future para makabili ng pamporma. Kung dati ang rate ko eh 69-100 per hour sa pagtuturo, pag natapos ako ng Masteral magiging 500 per hour na ako. Kung magtuturo ako ng part-time, 4 hours a day, 5 days a week. Kikita ako ng 10,000 pesos sa loob ng isang Linggo! Tapos kikita pa'ko sa existing trabaho ko. Ba, andami ko ng pera nun. Lalo akong popogi! At mapapapogi ko na rin ang kotse ko. 

But then again, 2-3 years pa bago ako matapos sa Masteral ko. Kailangan ko pang pagbutihan ang pag-aaral para matapos. Yung perang iniinvest ko para sa pag-aaral hindi ko magagamit pamporma. 

Okay lang kasi pogi naman ako. 

Lessons: 
Mag-ipon. Huwag gumasta. 
Ipon now, invest, gastos later.

Kahapon may nagsabi kuripot daw ako. Para daw akong Ilokano kung magtipid. Hindi ako kuripot, marunong lang akong magsave para sa GAGASTUSIN ko sa FUTURE.





note: Hindi ko tinuturing na GASTOS ang pag-aaral. Privelege yun. Yung perang napupunta sa pag-aaral ay INVESTMENT. Kahit isang milyon pa babayaran ko tuition sa UP hahanap at hahanap ako ng paraan para makapag-aral dun dahil ang edukasyon ay higit sa kahit ano pang yaman. 


7 comments:

  1. Isang Tip lang po sa pag-iipon ng pera (the topic of this post).

    Sabi nyo sa itaas:

    "Magtabi ng kahit magkano sa iyong kita (or baon).

    That means kung ang sweldo mo ay 10,000 pesos kada buwan, pwede kang magtabi ng kahit tag 1,000 pesos sa bangko or alkansya man lang. Kahit 500 pesos lang pwede rin. Ang point dito, pagkatapos ng buwan, dapat may natitira kang 500 pesos na tinatabi."

    Tama po. Magtabi tayo ng isang halagang kaya natin. Pero gawin natin ito pagkatanggap na pagkatanggap natin ng pera, BAGO pa man tayo gumastos. At kalimutan natin na may itinabi tayo hanggang hindi dumarating ang panahon na pinaglalaanan natin sa ating ipong pera. Bakit po?

    1. Kung hindi natin uunahin ang pagtatabi ng pera bago pa man gumastos, malamang magagastos natin lahat at wala tayong maiipon. Kaya itabi agad ang halagang kayang itabi at pagkasyahin ang natitira. Gumawa ng maayos na "budget" para sa perang gagastusin.

    2. Kalimutan na may itinabing pera hanggang hindi dumarating ang panahon kung saan ito inilalaan. Kung hindi, maraming dahilan para dumukot sa ipong pera at napakadaling bawasan ito. Sa bandang huli, wala kang maiipon.

    Ang lahat pong ito ay natutuhan ko kay Masaganang Pinoy.

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama ka..sa lahat ng nabasa kong libro ay pare pareho ang formula INCOME-SAVINGS=EXPENSES...

      Isa ako sa ganyan mag-isip,pero obserba ko lang habang tumataas ang sahod mo,lumalaki rin ang gastos mo..ibigsabihin nababago ang life style mo..hindi dahil sa gusto mo kundi yun talaga ang nangyayari...parang sa position lang yan sa trabaho..pagna promote ka.iba narin ang magiging trabaho mo...masasabi ko lang...pilitin magtipid kung kaya ng 70% sa sahod ang i save gawin..yun ang natutunan ko sa boss ko before..wag bumili ng hindi kailangan..

      Delete
    2. Once you start saving, habang lumalaki sweldo mo. Lalo ring lumalaki ang gusto mong matipid. ^_^

      Delete
  2. I agree Amy. Pagkakuha mo pa lang ng pera, generally speaking, mas magandang itabi mo na ang dapat mong itabi. Otherwise, you might get tempted to use it.

    ReplyDelete
  3. Galing ty sa info mga ser

    ReplyDelete