Hopefully Ngayong Nandito Ka sa Blog ko, Hindi Ka Nawawala. ^_^

Please don't forget to subscribe to my blog para pag may post ako automatic makikita nyo. Feel free to share my blog sa Facebook, Twitter, Google+ or any other social media.

Salamas!

Monday, January 2, 2017

Inggit

Nung bata ako, kung anong meron ang mga kaibigan ko na wala ako.. kinaiinggitan ko. May kakaiba silang laruan, naiinggit ako. Mas maganda ang mga laruan ko, original . 'Yung kanila, fake. Pero naiinggit pa din ako. May sungki ang friend ko, inggit ako. Kahit ano na lang kinaiinggitan ko. Kahit na I almost always had something better, it felt like my friends were always happier. 

Pero ngayong tumanda na'ko at nag-mature (ng konti), hindi na'ko naiinggit kung meron man ang kaibigan ko. Naisip ko na siguro hindi sapat ang meron ka para maging masaya. Nasa iyo lang talaga kung paano ka magiging masaya. Kapag successful ang kaibigan ko sa trabaho niya, natutuwa ako para sa kanya. Kapag lumalago ang business ng kaibigan ko, masaya ako. Tapos na'ko sa stage na kapag meron ang iba ng mga bagay na wala ako, gusto ko na rin ng ganun. Finally, I realized na hindi ko kailangang magkaroon ng kung ano mang meron ang iba. Natuto na'kong makuntento. 

Dati habang tinatanong kami isa isa ng mga boss naming Amerikano kung saan namin gustong makapag travel. Merong nagsabi ng Alaska, tumawa sila. Wala naman daw meron dun kung hindi snow. Merong nagsabi ng mga lugar sa US, tumawa sila. Hindi naman daw ganun kaganda sa US. Merong nagsabi sa Paris, ayun! Maganda daw dun. Merong nagsabi sa Canada, tumawa sila. Ganun din, puro snow lang daw sa Canada. Sobrang lamig daw. Nagcomment sila sa mga gusto nilang mapuntahan someday kasi daw sobrang ganda, sobrang saya, sobrang kung anu anong shit. May mga lugar na hindi sila nag agree sa isa't isa. Pagdating sa'kin wala akong masagot. Sabi ko I haven't thought about travelling at all. Sabi ko happy na'ko sa Pilipinas. 

Lalo silang tumawa. 

Pag naiisip ko na ang nangyari dati natatawa na lang ako. 

Tinatawanan nila ako dahil wala akong pangarap na mapuntahan. Tinatawanan ko sila dahil it seems like, kahit kelan hindi sila magiging masaya. 

Friday, August 26, 2016

Night Run

Night Run sa Highway


Minsan, bigla na lang pumapasok sa isip ko kung ano ang gusto kong gawin. Minsan wala sa oras.. Parang kani-kanina lang, naisipan kong mag-jogging. Bandang 10pm ko naisip 'yun. Kaso Kumain ako ng 9:30pm at naparami ang kain ko so I decided na tatakbo na lang ako ng 11:30pm. 

Yep, pinagbigyan ko ang scumbag brain ko na tumakbo ng ganung ka-late. But then again, it's not that bad na tumakbo ka sa gabi. Marami din naman reasons kung bakit mas prefer kong tumakbo sa gabi. Mailista nga:

1. Around 9pm onwards, konti lang ang tumatakbo. Walang haharang harang sa dinadaanan mo. Hindi masisira ang momentum. Less din ang sasakyan (I partially jog sa tabi ng highway), less din ang pollution na malalanghap mo. Generally, mas mabilis nga lang ang takbo ng mga sasakyan so please be careful sa pagtakbo. Ideally, against the traffic ang pagtakbo. 

2. Hirap akong bumangon ng maaga lately dahil madaling araw na akong natutulog. Less pressure na gumising ng maaga. Medyo malamig rin naman ang gabi. Hindi ka rin iitim kung sensitive ka sa araw. ^_^

3. Mas tahimik. Mas nakakapag isip isip ako. And then nagkakaroon pa ako ng runner's high. Sa mga nagtataka kung ano ang runner's high. 'Yun 'yung moment sa pagtakbo mo na bigla ka lang masaya kahit medyo pagod ka na. Plus, inspired ka na lang bigla. So kung hirap kang mag-isip, it helps a bit kung tumakbo ka kahit ilang minuto lang. Wala namang mawawala but you have everything to gain. 

4. You get fit. Lumalakas endurance, nagagamit muscles mo, papayat ka, masaya ka pa. 

5. It's a totally different experience. I can't explain it talaga all too well. Try it. Okay naman ang tumakbo ng maaga. You get to appreciate nature kasi nakikita mo. For me, ang night run makes me appreciate myself more dahil na rin siguro obviously hindi ko makita ang nature ng maayos kapag gabi. So I can only notice myself. 

Ang walang kakwenta kwentang view kapag gabi. ^_^


That's all I can think of right now. I'll prolly update this later on. Pero for now, gusto ko ng quick post sa blog ko. Been a while na rin since my last post. Haha. 

I miss blogging. Na-inspire siguro akong magsulat ulit dahil sa midnight run ko. 

O ha!

Monday, June 20, 2016

Sinungaling

Note: This blogpost was taken from my FB Page


I was out last Sunday to help friends for a photoshoot. Ako kasi 'yung nag-introduce ng model sa budding photographer. Nag-ikot kami sa Clark to look for a nice place to shoot and we decided na dumaan ng Picnic Grounds. 

Then, there's this old lady na nagtitinda ng mga flute tsaka maliliit na pana. The same stuff na binebenta ng mga kapatid nating mga Aeta. She didn't look like one but she definitely caught my heart. She looked old na din and pagod. She also kept asking us to buy from her. Pandagdag daw baon sa mga anak niyang hindi pa din makapasok ng school. 

As usual. Mahina ang puso ko sa mga matatanda. Lalung lalo na 'yung mga nagtatrabaho. Soft spot ko talaga 'yung makakita ng matandang may panindang hindi ko naman kailangan. Bumibili ako ng kahit ano lang. It makes me feel better na nakakatulong ako. At least nagtatrabaho sila 'di ba?

Well, kahit nanlilimos naaawa pa rin ako sa mga matatanda. I always worry na wala ng mag-aalaga sa kanila.. 

So 'yun. I asked how much her little flutes cost. She told me mura lang. 35 daw isa, 3 for 100. Then she offered 30 each. Lugi na daw siya 'pag bumaba sa 30. She also warned us not to buy dun sa lalake niyang kasama kasi daw mahal 'yung paninda niya. So I decided to buy at 3 for 100 na lang para medyo mas kumita siya. It wasn't that much siguro but a little goes a long way minsan 'di ba? I bought the flutes happy knowing na natulungan ko si Ate. 

Later on, nilapitan 'din kami nung mamang nagtitinda din ng flute. 20 pesos lang daw.. 

PUTANGINA NAMAN! 

Naawa na nga ako dun sa matandang babae. Tutulong naman ako. Bibili naman ako kahit magkano 'yun. Kahit hindi ko kailangan. Pero hindi siya dapat manloko at manira ng kapwa. Nakakabwisit si Ate. Hindi ko alam kung gaano kalaki pangangailangan ni Ate pero hindi siya dapat sinungaling. 

Si Kuya, hindi man ako tumatawad 20 pesos lang ang benta. Tapos paniwalang paniwala pa'ko na mahal ang paninda niya. I'm sorry Kuya! Next time madadaan ako sa Picnic Grounds bibili talaga ako sa'yo. 

Sa mga makakakita kay Ateng sinungaling, bahala na kayo kung bibili kayo sa kanya o hindi. She might use the same line sa inyo. At least, bibigyan ko na kayo agad ng fair warning.

Some people will take advantage of you even when you only have good intentions for them... Dati nga may nagsabi sa'kin magbabago na daw siya... pakasalan ko daw siya.

Sunday, June 19, 2016

Buntis



Note: This post was taken from my Facebook Page
A month after our marriage, pumasok siya sa kwarto ng umiiyak. I took her in my arms, hugged her tight and kissed her forehead. She was still sobbing when I asked her kung napano siya. She told me hindi pa din daw siya buntis..

Medyo natawa ako sa kanya. Hindi naman kami gaanong nagkakantutan ba't siya mag-eexpect na mabuntis? Anyway, inintindi ko na lang siya kasi period niya. Ganun naman talaga mga babae 'di ba? Moody kapag meron.

So I hugged her tighter, hiniga ko siya sa kama and kissed her lips. I told her "Sige, gagawa na tayo ng baby." To be honest, hindi pa'ko ready na magka-baby at that time. Sa usapan namin, we will wait 1 or 2 years bago kami mag-baby. We wanted to enjoy our married life muna. We wanted to travel. Pero mukhang desidido na siyang mag-baby.. Mahal ko siya and I wanted her to be happy. I wanted us to be happy.

I had doubts sa plano naming magka-baby. We still had 6-digits na ipon pero I didn't have a job at that time. I was looking around for a nice job na "pang pamilya." It's easy for me to get a job. Kaso this time, may pamilya na'kong bubuhayin. I couldn't just get any other job. It should be a stable one. I had a bit of money in stocks kaso pabagsak ang stock market nung time na 'yun. I invested some of it sa LPG business and then some of it sa isa pang venture na nag-fail. 'Yung natitira naming pera, mabilis lang maubos 'yun dahil nagbibigay din ako sa bahay.. But you know what? God is good. All the time. And God is a good provider. I did have doubts sa sarili ko pero naalala ko na hindi naman ako pinabayaan ni God kahit kelan. So it cemented our goal to have a baby.

After a month of trying, saktong birthday ni Mama. June 16, 2015.. bumalik siya sa kwarto after niyang jumingle.. She had the widest smile in the world and I knew what it meant. She was pregnant and I was going to be a father. We will finally have a baby in the house. It was the perfect birthday gift kay Mama. They have been wishing for a baby for a long time na since ako pa ang kahuli hulihang baby sa bahay..
Hahaha.

Naisip ko agad that I should be the best DAD in the world.

Fast forward after 1 year. Birthday ni Mama. Wala ang asawa at anak ko sa bahay. They're probably happy now doing stuff that I won't know about. Baka pinapakain na rin ang anak ko ng galing sa nakaw ng lola niya sa mother's side na corrupt at mandurugas. Yep, they're probably happy at the expense of my family and all of my relatives and friends.

And here I am typing on my shitty computer writing this story para hindi niyo ako pamarisan.
Damn, I can't even look at my mother straight in the eye and greet her "Ma, Happy Birthday!"

Friday, December 25, 2015

Paano Pumayat?

I lost 24 lbs. in 3 months ng walang special na ginagawa! Sino ba yang chubby na nasa kaliwa? Wahehehe.


Around 3 months akong nagpapayat at 24 lbs. na ang nababawas sa'kin.  Wala akong secret diet o secret exercise na ginawa. Wala ding extra special na preparation. Sobrang dali lang ng ginawa ko na kayang kaya rin itong gawin ng ibang tao.So ano nga ba ang pwedeng gawin para pumayat?

One of the problems habang tumatanda e kumokonti ang fats na nabuburn ng katawan. Nagiging less active na rin dahil siguro pagod sa trabaho, stress o tamad na lang sa buhay. I can attest to d'yan. Ever since umapak ako sa late 20's at ngayon sa early 30's ko, ambilis ko ng tumaba. Kaya kailangan na ring mag-ayos buhay. I hope makatulong ang post ko na ito sa inyo. 

Simple lang ang formula para pumayat. Kung gusto mong pumayat, bawasan mo lang ang normal na dami ng kinakain mo araw araw. That's it. Wala ng pahirap pahirap pa. Walang laktaw laktaw ng putanginang meal. 'Pag naglaktaw ka ng meal, magugutom ka lang tapos mapapalamon ka sa susunod na kain. Wala ka ring ginawa.. Pinahirapan mo lang ang sarili mo. 

Pero merong paraan para mas lalo kang papayat. Samahan mo ang diet mo ng exercise para exponential ang pagpayat. Anong klaseng exercise? Bahala ka. As long as magpapawis ka for at least 15 minutes. Sigurado akong papayat ka. 

Ano bang ginawa ko para pumayat ng 24 lbs. sa loob lang ng tatlong buwan?

Unang una, ang diet ko is oat meal sa umaga. Consistent for 5-6 days a week na oat meal lang kinakain ko tuwing agahan. Pag merong prutas, sinasamahan ko nun. May kasamang gatas ang oat meal ko para may lasa pa rin. Nauumay ako kung oatmeal lang. Nagugutom ba'ko kasi walang kanin at ulam? Oo. Kumakain ako ng breakfast bandang 8 o 8:30am. Bandang 11 am nagugutom na'ko. Ang ginagawa ko, umiinom na lang ako ng tubig. Pag di matiis, nag Sky Flakes na lang ako. Lunch ko nun would be at 12:30 pm. 1-2 days a week, cheat day ko. Kumakain ako ng sinangag. Kasi masarap ang putanginang fried rice na maraming maraming bawang. 


Around 69 pesos lang may lasa na ang oatmeal mo. Nasa 64 pesos 'yung plain. Edi dun nako sa may lasa. ^_^


Next, lahat ng meal ko as long as binabawasan ko ang usual serving okay na. So kung dati, dalawang kanin kinakain ko, either isa or isa't kalahating cups na lang ng rice. Same din sa ulam. May times, hindi rin ako makatiis pag sobrang sarap ng ulam, napapadagdag ang kain. I make sure na lang na sa susunod na meal e babawi ako. 

Sa exercise, nung unang dalawang buwan.. Tumatakbo ako ng isang oras sa isang araw 3x a week. Matagal na rin akong tumatakbo kaya hindi rin advisable sa mga newbies na tumakbo ng ganun katagal. What you can do is mag-exercise ng sobrang nakakapagod for at least 15 minutes. Meron akong isang set ng dumbbell sa bahay. Check ka ng 15-minute workout sa YouTube tapos sundan mo lang. Gawin mo un ng 3-4x a week para pagpawisan ka at magdevelop muscles mo. Ay, tiyak kong papayat ka in no time. 

Also, try to make it a point na lagi kang kumikilos. Kahit may elevator, gumagamit ako lagi ng stairs. Kahit may sasakyan, lagi kong nilalakad ang grocery store sa kanto. Basta masingit ang exercise, sinisingit ko. It doesn't matter kung konti o malaki ang effort. Basta masingit ang exercise, sinisingit ko. Lakad is lakad. Nadidisappoint nga ako sa mga naka-hoverboard. But then again, choice nila yun e. Haha. Lilipas din ang pagkauso ng hoverboard. Iba pa rin ang lakad. 

Un lang, napasobra ang pagpapapayat ko. Yung mga pantalon ko, baggy na. Yung sinturon ko, from ikatlong butas ang pinagla-lock, naging unang una na. Ganun kalaki ang nawala sa tiyan ko. Buti, may nag-tag sa'kin ng pic namin at narealize kong sobrang payat ko na pala. Ang next project ko nito e magkalaman. Hehehe. 

So baka ang next post ko is "Paano Tumaba?"




Wednesday, October 28, 2015

Birthdays and Missed Goals

Mintis!


Kaka-30 ko lang nung October 9. Wahehehe. It's amazing how a number can make people think you're old. Pakyu sila. I still feel like 21. Ever since umapak ako sa 21, tuwing tatanungin ako sa age ko, napapaisip ako kung ilang taon na nga ba ako. I guess mag-iiba na ngayong umapak na ako sa line of 3. Haha. 

Anyway, tandang tanda ko pa nung nasa 20's pa lang ako. Very clear ang goals ko pagdating ng 30th birthday ko. Shine-share ko sa students ko kung ano ang mga gusto kong mangyari. Eto 'yung part ng list: 

- Magkaroon ng ipon na at least 1 million
- Magkaroon ng business
- Magkaroon ng bahay
- Magkaroon ng kotse
- Makakuha ng Master's Degree
- Start thinking about building a family

But then again, unti unti kong nakalimutan ang mga goal ko. Nagkaroon ako ng several startup businesses, iniwan ko din. Meron akong bahay pero bigay yun ni Daddy. Hindi rin ako tumitira dun kasi malayo sa sibilisasyon. Nagkaroon ako ng kotse, binenta ko din. Konti lang ipon ko, malayong malayo sa isang milyon. Meron na'kong Master's Degree. And well, 5 months pagkatapos kong ikasal.. Iniwan ako ng asawa ko. 

So yeah. Hindi ko sure kung anong nangyari pero wala naman akong dapat sisihing iba kundi ang sarili ko. But I guess I should still be happy kasi healthy pa din ako (siguro) and relatively, kaya ko pa naman ma-reach lahat ng naging goals ko. All I can do is to start all over. 

When I think about it, it was in my mid 20's nung marealize kong kaya kong ma-achieve lahat ng goals ko. Naging kampante ako hanggang makalimutan ko na kung ano talaga ang gusto ko. Akala ko, mag-automate na lang lahat. 

Hindi pala. 

Meron akong konting ipon. Meron akong LPG business ngayon. Konti pa lang mga suki ko pero dumarami naman sila. Yung kotse kaya ko binenta, sirain. It was a money drain kaya I decided to let go of it. I still have my motorcycle na super tipid. It goes for about 60+ kilometers per liter ng gas. Yung bahay ko, bahay pa din naman. Di'ko lang tinitirhan ngayon. Baka in the future pag marami ng establishments dun, pwede na'kong lumipat. Tapos na'ko sa graduate school, Master of Management. Nag-asawa na'ko nung March. But then, nilayasan ako ng asawa ko. Sakto buntis din siya and I don't know what to do about it.

So.. Yeah.. I need to start over. Medyo hirap ako ngayon dahil naubos pera ko sa kasal and pag-start ng negosyo. But at least I still have stuff. 'Yung iba diyan nagsisimula sa wala talaga. I'm thankful I still have some. 


Never forget what your goals are and do your best para ma-achieve mo yun. 
Please lang, huwag niyo akong pamarisan.You will meet adversity. Kahit saan naman merong hirap. Sabi nga ng Parokya ni Edgar "Wala naman nagsabi na malabo ang mundo.."

I better start thinking of new goals.. 

How about you?

Saturday, August 2, 2014

Paano Yumaman: Conversations with a Millionaire Uncle

Nung isang araw, nagsabi si Muti-Millionaire Uncle na dadaan siya ng bahay. Nagrequest siya ng beer. And, kami namang masunurin, bumili kami ng beer. Alam ko specifics na gusto ni Muti-Millionaire Uncle. Anim na malamig na malamig na San Mig Light. Very particular si Uncle. Kapag umaga, dapat meron siyang kape galing McDo. Kapag makikipagkita ka sa kanya, magbaon ka dapat ng either brewed coffeee ng McDo or San Mig Light. Anyway, kapag bumili ka ng beer, 'mpre dapat bumili ka na rin ng pulutan. Bumili kami ng tatlong klase ng pulutan. Kung magse-serve man kami kay Muti-Millionaire Uncle, dapat lubus lubos na. 

Pero hindi kami super serve kay Uncle dahil lang mayaman siya. Sobrang laki ng utang na loob namin sa kanya. Siya ang takbuhan namin kapag nangangailangan kami ng pera. Nung ma-operahan si Lolo and Uncle ko, sa kanya kami tumakbo para umutang. Hindi siya nagtanong kung kelan kami magbabayad, ang tanong niya lang ay "Magkano?" at "Sapat na nga ba yan?" Ang liit na pabor 'yung bibili kami ng beer, kape o pulutan. Medyo natatagalan din ang bayad namin sa utang. And tuwing magbabayad kami, nagugulat siya kasi nakalimutan niya na daw 'yun. Madalas ayaw niya ng tanggapin ang bayad. Kapag nag-iinsist kami, kalahati na lang kinukuha niya. Swerte niya daw yung pagtulong sa'min. Masaya siya kapag tinutulungan niya kami.

Siya din nagbigay ng kotse sa'kin dati. 

Simple lang si Muti-Millionaire Uncle. Ang lagi niyang suot e plain white t-shirt na Hanes, shorts at tsinelas. Tapos may dala siyang white towel palagi. Dati "Good Morning" lang tatak nun. Ngayon naka "Lacoste" na siya. Regalo daw sa kanya.. Natatawa ako sa tuwing ikukwento ng driver niya na pinagkakamalan daw siya ng boss at driver si uncle. 

Just to give you an idea kung gaano siya kayaman. Na-share niya (nung medyo lasing na) na ang kinikita niya buwan buwan ay nasa dalawang milyon na. Galing daw sa renta ng properties niya. Sa properties niya yun ha, hindi yun ang main business niya. Ang business niya ay sa construction.. So, ang kinikita niya 2M, ON THE SIDE palang yun. 


Nakakatuwa kwentuhan nila nina Mama. Nakwento ni Muti-Millionaire Uncle nung bata pa sila. Kung anu ano daw nire-repack nila para mabenta sa Maynila. Ang pagkain, isang pirasong scrambled egg na hinati sa apat. Tag-isa silang magkakapatid. Tawang tawa ako habang kinukumpas ni Uncle ang kamay, ginagaya kung paano hatiin ng nanay niya ang scrambled egg. Dinaan nila sa sipag at tyaga ang pagyaman daw. 

Pero sa susunod kong sasabihin dun talaga ako napaisip. Tingin ko yumaman si uncle dahil dito..

Nun daw high school si Uncle, niyaya siyang magtanan nung girlfriend niya. Yun o. Chance na sa unli jerjer. Kapag high school ka sobrang mapusok ka pa di ba? But guess what, tinanggihan siya ni Uncle. Sabi ni Uncle "Paano na kinabukasan natin? Hindi na dapat maranasan mga magiging anak natin ang dinanas nating kahirapan." 

I think that explains everything. Inuna ni Muti-Millionaire Uncle ang future niya kesa sa present. Fast forward ngayon, nag-high school reunion daw sila and nakita niya ang ex niya. Losyang na at sobrang taba. Si Uncle, hindi pa rin daw tumatanda sabi ng ex niya. Kwento ni Uncle, hindi niya ma-imagine na magiging asawa niya yung ex niya sa lagay niya ngayon. Sobrang taba daw talaga e. 

Magsakripisyo muna ngayon, magfocus sa career.. 'Pag mayaman ka na, dun mo na gawin lahat ng gusto mo. 

Tama ang ginawa ni Muti-Millionaire Uncle dahil priority niya ang pagpapayaman. 

But what if pinili niyang makipagtanan? Mali ba 'yun? Siguro kasi hindi niya priority ang love life. But who knows? Baka lalo siyang nagpursigi para sa pamilya niya. 

Etong huli kong girlfriend, siya yung kaisa isang girlfriend na nakonsider kong pakasalan at maging nanay ng mga magiging anak ko. Last week, na excite pa nga ako kasi delayed siya ng 2 weeks. Akala ko magiging tatay na'ko. Nagregla na siya a few days ago.   

Kaka-break lang namin ng girlfriend ko kanina due to some major differences. I wonder kung tama ang nangyari. Hindi ko na priority ang pagpapayaman. Gusto ko lang ng masaya at simpleng pamilya. 

Putanginang pag-ibig yan.   

Saturday, July 5, 2014

Trabaho

Gagawa ka na rin lang ng desisyon, gawin mo ng tama sa umpisa pa lang.

May taong naghahanap ng kahit anong trabaho para sa sweldo. 

Hindi ako yun. 


Oo, inaamin ko natagalan ako sa paghahanap ng trabaho. Hindi naman sa tamad o maarte ako. In truth, madali lang makakuha ng trabaho. Ang dami dami ngang job opening e. Pero wag na wag naman sanang isipin ng iba na hindi ako naghahanap. Lalung lalo namang hindi ako tambay. 

Hindi lahat ng walang trabaho tamad. Meron ding naghihintay lang muna. 

To tell you honestly. Gusto kong magtrabaho sa Gobyerno. Kaya nga hindi ako nag-abroad para gamitin ko yung skills ko dito sa bansa ko. Ayaw kong magtrabaho sa ibang bansa. Gusto ko yung lahat ng tax ko napupunta sa sambayanang Pilipinas. Gusto ko, yung goods na binibili ko hanggat maari, galing ng Pinas. Gusto ko, manilbihan ako. 

Yun lang, it's either matagal tumawag ang mga ahensya ng Gobyerno, walang bakante o may kamag-anak na silang pinasok bago pa ako (Tangina this!).

Yep. Nakakainis. 

Pero hindi yun dahilan para tanggapin ko ang kahit anong trabaho. Namimili din ako ng papasuakn ko. Kahit na sabihin na nating naghihirap na'ko. 

Bakit? Kasi gusto kong magtrabaho sa isang kumpanyang mamahalin ko. Gusto kong mapunta sa isang trabahong gigising ako araw araw ng masaya. 

Ayaw kong gumaya dun sa mga taong araw araw parang parusa ang trabaho nila. 

Ayaw kong gumaya dun sa mga taong ang daming dada wala namang gawa. 
Ayaw kong gumaya dun sa mga taong tinitiis pagmumukha ng putanginang amo nila dahil wala na silang maisip na ibang trabaho.

Hindi ko naman sinasabing mali sila.

Ang sinasabi ko lang, gusto kong mapunta sa isang lugar na hindi ko pagsisisihan. 

Ang hirap kasi nung hinusgahan ako na kesyo wala akong trabaho wala na akong pangarap sa buhay.
Ang hirap sa inyo ang dali niyong maghusga. Ang gagaling niyo kasi e.  

Mali ba yung naghintay ako para piliin ko yung trabahong mamahalin ko?

May trabaho na ako ngayon at masaya ako. 

Hindi ako tinatablan ng Monday sickness. Nuff said.



 
Siya na ang happy.

Thursday, June 26, 2014

The Joy of Waiting


A few hours ago, I decided to watch "You've Got Mail." For those of you who haven't watched the movie yet, here's a quick link for the synopsis. This movie stars Tom Hanks and Meg Ryan. It's a pretty old movie and it brought back a lot of great memories.

Nung wala pa ang putanginang Facebook, Twitter, Instagram o whatever we only had e-mail tsaka chat. Oh, how thrilling 'yung may kausap ka from the opposite sex (sa pagkakaalam mo) tapos nagkukwentuhan kayo as friends and even flirt a little. Ang sarap isiping super hot chick ang kausap mo as opposed sa makikita mo agad ang itsura via Facebook, Twitter, Instagram or kung anu anong shit. Haha. Nakakamiss yung anonymous yung kausap mo and then curious ka kung maganda nga siya or mabait or kung magkikita man kayo if ever.

It's like waiting for your favorite song sa FM radio. Magpe-play muna si DJ ng mga lima hanggang sampung songs bago i-play ang paborito mo. Unless, nirequest na siya bago mo pa nabukas ang radyo. And I can also remember listening to the daily vote countdown. Tatalon pa'ko nun kapag no.1 ang paborito kong kanta.

Kaya ako, I barely listen to my playlist na. Whenever nagda-drive ako, I turn on the radio and listen to FM music. Minsan, nakikinig lang talaga ako sa mga dj at mga wala nilang kwentang topic. Nag-eenjoy ako sa debate kung alin dapat ang unang gawin kapag nagtitimpla ng kape, uunahin bang ibuhos ang tubig o maglalagay muna ng kape at asukal. Gusto ko ring naririnig yung mga naghahanap ng pag-ibig. Tatawag si lalake tatawag si babae tapos mag-uusap sila with the DJ. Tapos biglang may tatawag sa pangalan ni babae, amo pala niya at may iuutos. Kaya pala mahina ang boses ni ate, hindi alam ng boss na tumawag siya sa radyo.

I get impatient when I wait for my favorite song. Pero even if I wait for 10 songs and then pinatugtog ang paborito kong kanta, nakakalimutan kong naghintay ako ng sampung kanta para lang marinig ko siya. It's well worth the wait. 

Call me outdated pero gusto ko talaga ang mga ganito. I no longer like listening to my playlist because it contains all my favorite songs. Yep, ironic pero hindi ko rin ma-explain ng maayos e. Hahaha. Makikinig na lang siguro ako sa playlist ko kapag nagja-jogging ako.

A few posts ago, I talked about not giving in to the pressure of getting married. Lately, I've been thinking about it a lot and it's building up. Getting married is such a BIG THING and somehow, I'm already looking forward for it. Having a wife you'll wake up to every morning, kids na makulit (kaugali ko), being independent and finally ligal na ang sex.

But I can't get married now. Maybe in the near future. I just have to wait I guess.

I know it'll be all worth it. 

Tuesday, March 25, 2014

Tiwala sa Sarili

Kung gaano mo kailangan ng mga taong nagtitiwala sa'yo, ganun din kalaki ang atensyon na pwede mong ibigay sa mga taong hindi nagtitiwala sa'yo.

Matapos mapahiya sa 21k run ko sa 2013 La Salle Animo Run  (natapos ako ng lagpas tatlong oras, wala na yung crowd!), binalak kong sumali ulit sa susunod na taon. 

42k
Yun nga lang, biglang nagkaroon ng 42k run ang Animo Run V (five) 2014 kaya nagdalawang isip akong sumali sa full marathon. 

I've always been a risk taker. Hindi ko rin alam kung makakayanan ko ang full marathon. 42 kilometers un. Ang pinakamahabang natakbo ko is 21 kilometers. Sobrang sakit ng paa ko after ng run ko sa 21k paano pa kaya ang 42? 

Well.. Yun nga ang masaya e. Yung matapos mo ang isang bagay na hindi mo sigurado kung kakayanin mo. Ano bang thrill ng tinatapos mo ang isang bagay na alam mong kaya mo na 'di ba?


Training
Nung bandang December ko binalak mag-training. Kaso lang, inconsistent ako sa pagtakbo. Grabe kasi ang lamig nung December, ang hirap tumayo sa kama sa sobrang lamig. Tapos, pag nakatayo ka naman ng kama, ang hirap namang tumakbo dahil sa sobrang lamig din. Wahehehe.. Nanginging katawan ko, hindi ako makatakbo ng maayos. 

Paano ma-overcome ang katamaran?
Para ma-motivate pa akong mag-training, ang ginawa ko na lang is nag-sign-up na agad ako sa full marathon. Wahehehe.. Putanginang Php 1,500!!! Grabe, kung hindi ko tatapusin ang 42k para ko na ring sinabing pinamigay ko lang ang pera ko. 

By January, naging consistent ang pagtakbo ko. MWF ang training. Morning and night plus isang long run ng Sabado. May mga araw na hindi ako nakatakbo due to unavoidable circumstances, meron ding hindi ako nakatakbo kasi tamad ako. Pero more or less tuluy tuloy ang training ko. 

Sina Mama and Tita, ilang beses akong niremind na kung hindi ko na kaya e sumuko na ako. Ilang beses din akong tinanong kung kaya ko ba talaga.

Etong February, nag-improve na ng malaki ang endurance ko. Bumili ako ng bagong sapatos kasi yung luma kong sapatos masakit na sa paa. Masyadong manipis ang padding. Masakit ipangtakbo kapag matagalan na. Na-cutan din ako sa ad sa dyaryo ng Adidas Duramo 6. Very colorful kasi tska 3k lang. Wahehehe. Tapos nung tumingin ako sa mall, naka-sale pa bigla ng 10% kaya around 2.7k na lang ang shoes. Binili ko agad. ^_^


Start
March 9, 2014. Race day.

Si girlfriend medyo nagwo-worry para sa'kin. I assured her na titigil ako kapag di ko na kaya.Sinisipon kasi ako nun at medyo masama rin ang pakiramdam. Gumising ako ng 1am dahil 3:30 am ang gun start. Kelangang kumain ng maaga dahil mahaba habang takbuhan pa ang gagawin ko. Nauna na'kong pumunta sa start line at pinatulog ko pa ulit si gf. Sumali siya sa 10k run pero 5am pa ang takbo niya. 

Pagdating sa starting line. Nagbigay ng opening remarks ang host, nireview ang mapa. Pinagwarm up kami ng konti tapos binigyan kaming lahat ng glow stick para makita kami ng mga sasakyang dumadaan. In a few minutes tumunog na ang signal for the marathon.
 
Ang start ng takbo 42k e very tense. Walang halos nagsasalita. Lahat halos nagfo-focus lang. Since marami rami na rin akong nasubukang fun run, nasanay na rin ako na dapat e easy lang dapat ang run kapag umpisa. Dapat mag-conserve ng energy hanggang makalahati mo na ang run. Andaming tumakbo ng matulin either dahil matulin nga ang takbo nila o nagyayabang lang sila dahil ayaw nilang magpatalo. ^_^ After 30 minutes ng easy run ko, unti unting bumagal yung mga nakipag-unahan. Isa isa ko silang nilagpasan. 

Kaso, after ng isang oras kong takbo. Ako naman ang nakaramdam ng sakit at pagod. Usually nafi-feel ko un sa unang 2 kilometers ng run. Hindi na bago sa'kin ang ganung feeling. Yung pagod bago mag-adjust ang katawan sa running pace. Kung anu ano ang pumasok sa isip ko habang nasa stage ako na ito. Iniisip ko bakit sumali ako ng 42k e hindi ko naman talaga kaya. Naalala ko yung pinanood ko sa Youtube. Naka dalawang marathon siya nakatapos ng unang marathon niya. Wahehehe.. Ang training ko halos 30 minutes at 1-2 hours lang. Paano pa kaya ang tumakbo lagpas 4 hours?! 

Kelangan ko na bang sumuko?  

Sa pagod ko, isa isa ring naka overtake sa'kin ang iba ibang tao. Dito ko na na-start ang aking super game plan. Run-walk! Since pagod na'ko at alam kong hindi ko kayang i-sustain ang pagtakbo. Pinlano kong mag-alternate ng takbo at lakad. 1 minute lakad then 1 minute takbo. Kapag kaya, 1.5 minute takbo and 1 minute lakad. Pag pagod 1.5 - 2 mins lakad, 1 minute takbo. Eto lang ginawa ko for the rest of the run and it helped a lot.

How?
Andami kong nakitang pinipilit na lang tumakbo kahit pagod na pagod na. Although admirable ang trait na yun, I saw people na pinulikat at na-injury ang paa along the run. Pinilit kasi nila e. Ang buong purpose ng paglakad ko ng 1 minute e para bumwelo para tumakbo ng mas mabilis sa steady pace ko. Kung tama ang tantya ko, ang steady running ko is katumbas lang ng run-walk strategy ko less ang pagod at sobrang sakit na paa. Kapag kasi matagal ka ng tumatakbo, unti unting magmamanhid ang paa mo which iniiwasan ko. 

Sa strategy ko, tinantya ko na matatapos ako between 5 and 6 hours. 

Inspiring
Kapag pare pareho na kayong pagod. Lahat ng kasama mong runners nagiging kaibigan mo na. Hindi ako nagsasawang naririnig ang tanong ng mga kasama ko kung malayo pa ba ang next turning point, next water station, finish line. They all kept going. Bilib pa nga ako dun sa mga matatandang runners. Grabe, puti na ang buhok sumasali pa rin sa marathon. Andami linagpasan lang ako. ^_^ San ka pa?

Meron ding mga nagdarasal habang tumatakbo. Nakakahiya kasi minsan nakakalimot ako kay Lord. I thank these runners kasi dahil sa kanila naaalala ko si Lord. 

Last 10 kilometers
Nung sabihin ng race marshal na last 10 kilometers na lang bigla akong nilakasan ng loob. Kayang kaya kong takbuhin yun! Biglang bumalik lakas ng paa ko. Yung pagod ko wala na rin. Pero I controlled myself and maintained my run-walk strategy. Hindi ko kasi talaga alam ang course. Kaya kong tumakbo ng 10 kilometers straight as long as flat lang ang terrain at fresh pa ako. Alas, 32 kilometers na natakbo ko, nakatirik na ang araw at hindi ko alam ang dadaanan so it was intelligent to just run the last leg ng safe. Baka bumigay paa ko e. 

The first 5 kms I had no trouble doing the run-walk strategy. I struggled sa last 5 kahit na yung terrain e downhill na. One of the runners I passed tinignan ang shoes ko na Adidas tapos biglang nag-comment. Ang sakit na daw ng paa niya kasi Adidas ang shoes niya. Wahehehe.. Biglang sinisi ang sapatos. But I guess that's pretty normal kapag pagod ka na. You find excuses to compensate bakit ang bagal mo. 




 
Finish Line
At the finish line, hinihintay ako ng ever patient kong girlfriend. I saw her malayo pa lang with open arms sa gitna ng finish line. At this point wala na yung pagod at hindi na rin masakit paa ko. I was just so happy to see my girlfriend and the finish line. I felt all the pain gone and was very thankful of that very moment. 

My official time is 05:32:33.193.  



Salamat sa lahat ng taong nagtiwala sa'kin. Dahil sa inyo lumakas ang loob ko.
Salamat sa lahat ng taong hindi nagtiwalang matatapos ko ang mathon, dahil sa inyo..

Lalong lumakas ang loob ko.  
 
Tiwala lang yan sa sarili.