As I've discussed sa previous post, meron akong naipong napakalaking utang sa credit card, Php 77,914.84!
Nawalan kasi ako ng trabaho nung March 2020 tapos nahirapan na akong maghanap ng trabaho ulit. Partly, kasi tamad din ako at walang motivation. But that's for another topic. I tried naman to pay monthly hanggang September kaso naubos na budget ko nu'n.
So ngayon, pinasa na ng bangko ko sa legal office para habulin 'yung utang ko. Tumawag na sila several times kaso sabi ko naghahanap pa talaga ako ng trabaho para makabayad ako. I told them magbabayad talaga ako. I guess that helped and ngayong may work na ulit ako, I can finally pay up na.
They offered tatanggalin nila lahat ng charges kung magbabayad ako ng one time fee na Php 54,000.
Ask for Options
I don't have that amount for now. So ang next best strategy is to ask for more options.
I negotiated to pay it in 3 months at a reduced rate of Php 64,302.
Kaso dumating 'yung sweldo ko sa Upwork nung isang araw so I tried to ask how much babayaran ko kung 2 months to pay. Php 55,000 lang pala or Php 27,500 a month!
Since I have enough cash for that, I opted for the 2 months to pay option. Mahigit Php 10,000 din ang difference kung gagawin kong 3 months to pay. Parang tanga. I guess strategy nila 'yun para makapagbayad ako agad.
Either way, I'm so happy na isang bayaran na lang at I'm free na sa utang. So far so good. Continue lang ang pagtitipid.
Next payment would be on March 15, 2021.
I still only have a budget na Php 100 a day for food. Since work from home ako, sobra sobra pa 'yun. Other than that, dog food lang ang next major expense ko. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin din inuupgrade to pro 'yung video editing software ko.😅 Tiisin ko pang hindi ako gagastos.
2 weeks na akong nagke-crave ng Burger King. Kaso tiiis tiis pa.
Gusto ko rin ng chips. Kaso tiis tiis pa. Haha. Iniisip ko na lang, nakapag McDo na ako nung isang araw. Cheeseburger meal, regular lang para saktong Php 100 ang gastos.😆
So ayun, key points dito is:
- Sabihin mo sa naniningil lagi na willing kang magbayad. Kapag cooperative ka, magiging mabait sila sa'yo.
- Negotiate terms. Find ways para mabayaran mo sila but at the same time hindi ka magigipit.
- Have multiple streams of income kapag malaki ang utang mo. Diskartehan mo. Any amount would do. Tanginang sideline halos Php 5k lang kinita ko for 1 month dahil sobrang baba ng bid ko sa UpWork. Pero, 5k is 5k mga Tsong at Tsang. Pandagdag din pambayad ng utang. Kapag ikaw ang gipit, you can't be choosy.
- Tipid, tipid, tipid. Learn to reward yourself but don't forget to limit rewards. Nag McDo na ako nung sweldo e. Hindi na pwede 'ung mag Burger King pa ako. Plus may iba pa akong goals 'di ba? Medium at Long term goals pa. Next stop would be to have saving and investments sa stocks.
No comments:
Post a Comment