Hopefully Ngayong Nandito Ka sa Blog ko, Hindi Ka Nawawala. ^_^

Please don't forget to subscribe to my blog para pag may post ako automatic makikita nyo. Feel free to share my blog sa Facebook, Twitter, Google+ or any other social media.

Salamas!

Thursday, September 8, 2011

Badtrip Ka Ba?

Okay, lie low muna ako sa kung anu anong post. Balita muna ako on the other side.

Tapos na po ang poll. Results sa poll na "Pogi ba ako?" ay:
a) Yes 18 (69%)
b) Hindi 5 (19%)
c) Di ko masabi. Post ka pa pictures! 2 (7%)
d) No comment 1 (3%)

All for a total of...
98%! Tanginang blogger di marunong magbilang.

Pero
Sabi ko na nga ba pang-romansa talaga ako. Pati face ko pang-69!

Musta naman kayo?
Kahapon nagpa-carwash ako. Pers taym ko. Akala ko 1-hour lang. Sabi sa'kin ganun. Kaya umalis muna ako para magpagupit. Huuuwaaaatttt??? Nagpagupit? Oo, kahit nakakalbo na ako nagpapagupit pa rin ako. Nagpapakalbo ako malamang. Eler!

Umabot ng dalawang oras ang "complete wash." 170 petot ang carwash. Binigay ko na 30 petot na tip. Wawa naman naglilinis inabot ng lunch sa pagcarwash. Yun nga lang pati ako ginutom. 

Bakit walang nagbibigay ng tip sa'kin?

Pag-uwi
Pagtapos ko sa carwash uwi ako agad dahil tomguts na talaga. At, ang pagkakataon nga naman. 




UMULAN.

Paalis papuntang work
Nung paalis na'ko papuntang work at nagbibihis na'ko sa pangmotor kong outfit. UMULAN ng malakas.  

Nakakabadtrip.


Kung ambon ambon lang magmomotor pa'ko eh. Pero hindi ako nagtake risk. Bawal magkasakit. Baka magslide pako sa dulas ng kalsada. Pag-naka aspalto lang daan sobrang dulas niyan pag nababasa. Parang lubricant. Alam naman lahat natin ano feeling ng lubricant. 
Work
Sa trabaho sobrang bagal ng net. Hindi ako makagawa ng maayos. Goal ko is 50, wala namang quota. Pero 24 ang ideal magawa. On a good day, 100 ang ginagawa ko. Hindi lang ako marunong mag-impok ng pera marunong din akong mag-impok ng trabaho. Kaya imbes na mabadtrip ako ng todo todo dahil wala talaga akong gaanong makita kundi ang "loading" screen, badtrip lang ako. Inantok pa nga ako dahil puro umiikot ang nakikita ko sa mga tabs ko. Nakaka hypnotize. 

Pag nakadate ko si Cristine Reyes dadalhin ko siya sa work ko at papag-internetin ko siya sa laptop ko. 

Dahil nag-impok ako. Hanggang next week na ang nagawa kong trabaho. Kahit chill chill lang muna ako. 

After Work
Nasanay na akong nagmomotor lang ako pauwi. As indicated sa old post ko, it only takes 30 minutes para makauwi ako. Aabutin na naman ako ng siyam siyam kung magcocommute ako pauwi... Kainis no?

Hindi naman totally.

Habang naglalakad kami pauwi ng workmates ko may police car na nakaparada kaming nakita. Medyo may commotion. May naaksidenteng mga sasakyan. Naisip ko na lang, baka ako yung naaksidente. Hindi ko na sasabihin kung ano ang buong detalye ng nakita ko. Nakakatakot.

Labanan ang kabatripan!


Kaya siguro umulan ng malakas bago ako umalis. Thank you Lord. Thank you Mama Mary. Birthday ni Mama Mary tapos siya pa ang may gift sa'kin. The Gift of Life.

Often times nababadtrip tayo sa mga inconvenience ng buhay. Nasasanay tayo sa convenience kagaya ng internet, sariling sasakyan, cellphone, etc. na kapag nawala, parang buong mundo na nagunaw. 

Ang tanong ko sa'yo ngayon...






Badtrip Ka Ba Today?

No comments:

Post a Comment