Too much love will kill you. |
Start tayo sa bad news.
Last September 20, 2011, Martes, may 13-year old na lalake ang namaril sa isang 16-year old na lalake. Nag-iimbestiga pa kung bakit nagkabarilan pero sinasabing magsyota ang dalawa at nagkaselosan lang.
After mangyari ang barilan, on the same day may kumalat na mga story na may ibang gunman sa SM Pampanga. A lot of people posted asking people to stay away from SM Pampanga. Merong nagsabing may nadamay na babae dahil nagmintis yung baklang 13-year old dahil daw nakapilantik ang daliri niya.
Napakatsismoso talaga mga Kapampangan. Very imaginative din. There are always stories like this sa amin. Sometimes it funny and weird. Sometimes hindi na nakakatuwa. Mahilig din akong mag-speculate kaya I'm guilty of believing some of the stories nung una.
It's better to be on the safe side and stay away from SM Pampanga that time di ba?
A lot of people think it's a tragic story. I do too. But I saw one disturbing comment sa twitter. May nagpost na "kakainggit." Meron ding nagpost ng "wow."
What the hell are these people thinking? One kid, decided to end someone's life and then took his own and all they can say is they are jealous? What the fuck is this? Telenovela? Movie? Some weird and twisted story that you love watching? If you want to see people getting killed go fuck yourself and then shoot yourself in the head.
Good News
On the other hand, after mamatay ng dalawang biktima. Nadecide ng mga family nila na i-donate ang organs ng mga bata. A few people will be living a little longer and will feel better because of the tragic incident. Of course, wag naman sana ulit mangyari na may magbarilan muna bago may magdonate.
Also, I'm sad dahil may nagbarilan sa mall at nagpakamatay pa. But, I'm also happy na nababalita pa ang mga ganitong story. Not because sadista ako pero it means ang balitang ito ay napakakakaiba kaya pa binabalita.
To expound my explanation further eto pa ang rason ko. Kapag mag-aaral ka ng journalism, ang isa sa age old na ituturo sa'yo ay magbalita ka ng isang bagay na kakaiba. Kung magbabalita ka ng isang bagay na hindi kakaiba, walang magbabasa sa dyaryo mo, walang makikinig sa radyo mo, at walang manonood sa balita mo. Why? Because obviously, hindi naman ito kakaiba. Nangyayari ito araw araw.
Kung si Pedro nakagat ng aso at binalita ito, no one will pay attention except his relatives and friends. Pero, kung si Pedro nangagat ng aso, yun, siguradong ibabalita yon. Dahil wala pang matinong taong nangagat ng aso.
Yan ang pambansang example sa journalism eh.
Going back sa SM Pampanga incident. The fact na nababalita pang may namaril na bata dahil sa selosan at nagpakamatay pa is a rare incident. Ibig sabihin, may pag-asa pa ang kabataan natin. Ibig sabihin majority ng kabataan natin, hindi ginagawa ang ganung bagay. It means, 99.99% hindi nagbabalak mamaril dahil lang sa putang-inang selosan.
At ako, may tiwala pa'ko sa kabataan ng Pinas. May tiwala pa'kong may pag-asa pa ang Pilipinas. Kaya nga never kong inisip na mag-aabroad ako. May pag-asa pa tayo. Matuto sa pagkakamali ng iba. Move on. Make a change.
Simple lang ang buhay. Wag na kung anu-anong satsat.
Ikaw ang pagbabago.
Update: Ilang taong gulang na ba si Justin Bieber? Tsaka sino pwedeng pagselosin siya?
Update: Ilang taong gulang na ba si Justin Bieber? Tsaka sino pwedeng pagselosin siya?
grabe ang pagmamahal nga naman @_@ haha babata pa nila tsk tsk
ReplyDeleteToo much love will kill you nga!
ReplyDeleteEmotionally problem..
ReplyDeleteYep. Emotional problem nga po sa kanila.
ReplyDelete