Hopefully Ngayong Nandito Ka sa Blog ko, Hindi Ka Nawawala. ^_^

Please don't forget to subscribe to my blog para pag may post ako automatic makikita nyo. Feel free to share my blog sa Facebook, Twitter, Google+ or any other social media.

Salamas!
Showing posts with label simpleng komento. Show all posts
Showing posts with label simpleng komento. Show all posts

Tuesday, October 22, 2013

Traydor

Sa dinami dami ng nagbibigay praise sa'kin sa mga posts ko dito sa blog at sa FB page ko, I wonder kung ilang tao ang tunay na natutuwa sa mga pinaglalalagay ko. Eto yung nakakatakot sa dumadami sa followers and mga kaibigan kuno sa FB..

Hindi lahat nagsasabi ng totoo. 

Haha.. Wala e. Part na rin yun ng pagiging tao siguro. Ta-traydurin ka rin ng iba. 

Pero kahit ganun, hindi pa rin ako nasasanay. Sino ba dito ang sanay na? Mahirap iwasan ang isang bagay na alam mong darating din. 

Yung mga traydor nand'yan lang sila sa tabi tabi.. 

Naghihintay lang tumalikod ka.

Ang hirap ng mag-ingat ngayon.

Sunday, August 18, 2013

Monsters

May pa-homework si Sir! Kopya sa internet!

Kagabi, nakuha kong matapos ang pagchecheck sa pina-homework ko sa isang class. The homework is very simple, a 6-page reaction paper lang sa SONA ni Pnoy. I asked them to think critically sa issue since everyone is affected. 

Nauna ko ng pinagawa ang isang 3-page report but I wasn't happy with the results. They simply didn't exert too much effort. Pina-revise ko na lang gawa nila with examples ng pwede nilang sabihin.

And guess what, 5 out of 45 students made their homework. About 70% copied each others work. Yung iba, parehong pareho ang mga unang paragraph. Hindi ko alam kung puro tanga lang sila or iniisip nilang ako ang tanga. Sabagay, I saw a co-faculty once na nagchecheck na papel. She simply put a big check sa lahat ng essay papers ng students. Hindi man lang niya binasa. Perhaps walang ibang dapat sisihin kundi kami ring mga teachers. 

Honestly, binabasa kang buung buo ang papers ng students as long as pinaghirapan nila ito. I only browse lang sa umpisa para i-check kung may signs ng plagiarism. Dahil kung titignan mo na lang ang gobyerno, ayaw kong gayahin nila ang bobong si Tito Sotto. 

Ayaw ko silang ma-BOBO. 

Sometimes I reminisce the days na walang internet. Yung tipong magreresearch ka talaga para sa homework mo. I remember the days na nangangalap talaga ako sa library at nag-iinterview ng mga matatalino para lang may masulat ako sa homework ko. Ngayon, putanginang copy paste na lang ginagawa ng iba. To make things worse, may mga teacher na chechekan ang mga papel nila at bibigyan sila ng magandang grade. 

Sabagay, sabi nga ng ibang teacher... business daw ang isang school. Haha.. Putanginang yan. Kaya dumarami ang mga private schools na sobra kung maningil ng tuition dahil sa ilusyonadang mga magulang. Ie-enrol nila ang anak dun sa school na matataas ang nakukuha nilang grade at maraming achievement ang binibigay. Hindi kaya nila naiisip minsan na bakit kaya lahat ng bata may achievement? Bakit kaya lahat ng bata matataas ang grade? SPED ba sila? SSC ba sila? Wahehehe.. Kung sabagay, may magulang din namang kaya ie-enrol ang anak dun para ipagyabang ang anak hindi para matuto.  

So sinu sino ang at fault? Sadly.. It's us teachers, the school, the parents and these spoiled students who have learned to make themselves stupid. 

We created monsters.. Nakakahiya na kay Jose Rizal. 

Look at our pag-asa ng bayan...  



MONSTERS.

Wednesday, April 3, 2013

Kabutihang Dulot ng Pagkamakulit

Sige Tumawid Ka Tangina Ka!
While working for a bank in Central Luzon, I found a customer na nangungulit ng employees dito sa bank. Ang ingay nung customer and admittedly, naiirita ako nung una. She was asking for a loan and gusto niya ng mas mababang rate. E ang problema, hindi nga siya consistent magbayad. She even had the guts to ask to see our chairman and president. 

But come to think of it, persistence will get you somewhere on some circumstances eh. I realized you can apply what she does to get what you want.

I was looking for a tablet yesterday so I decided to put her style into practice. I have been eyeing to get the Asus MeMo Pad for quite a while now. I was torn kung kukunin ko yun o hindi eh. It boiled down sa 50:50. Sabi ko kasi, kung maa-approve yung application ko ng Citibank Rewards Card, bibili ako ng tablet. Sayang kasi yung promo nila na libreng Rudy Project watch worth Php 2,500. Kailangan ko lang bumili ng accumulated amount na Php 5,000 using the credit card within 60-days na makukuha ko yung card. 

So ayun, okay na'ko na bilhin yung tab. Ang problem na lang is this, kung bibilhin ko siya ng cash Php 6,999 lang siya versus Php 2,899 for three months o Php 7, 787 kung outright payment sa credit card. Tanginang shit! I was willing to pay it in cash naman kaso sayang talaga yung Rudy Project watch di ba? 

What did I do?

The first thing you have to do is look for a deal breaker. While on the computer supplies shop in SM Pampanga, I looked for the boss looking person. Wag na wag kang bibili sa mababa ang posisyon. Bumili ka sa boss. Kasi ang empleyado, kailangan pang magpaalam sa boss kung hihingi ka ng discount. Ang boss, mas madaling kausap. Lalo na kapag Chinese. Ang rule of thumb ng mga Chinese, "konting kita, maraming benta." What I did to identify the boss was to look for a person na umiikot ikot lang ng pwesto sa shop and then either iba ang suot na uniform o totally wala talagang uniform. In my case, wala siyang uniform. 

I immediately told him about my dilemma. I told him I'm willing to pay it outright naman talaga pero I needed to use my credit card to get a reward. I told him masyadong malayo ang difference ng 6,999 sa 7,787. What he did was this, he calculated the lowest amount he could give (he can't give 6,999 kasi may patong pa for the credit card company). He gave the figure at 7,285, 3 months to pay. That's only 2428.33 per month! Aw, ang gaan na lang tuloy ng payment scheme! That's the deal breaker! I can  use the money na mase-save ko to invest in stocks! Lalo na ngayong papalapit ang mahal na araw, mababa ang bentahan sa stocks kaya saktong sakto talaga ito! 

Kung nangulit ako or kumausap ako ng maayos sa mga salesmen dun, wala akong mapapala. Pero dahil ang kinausap ko ay yung boss at inexplain ko kung anong sitwasyon ko ng maayos nakakuha ako ng magandang deal. Wahehehe.. Thanks dun sa nakakainis na babae sa office, nagamit ko yung style niya to my advantage. 

Minsan, yung nakakainis, magagawa mong mabuti. May mapupulot din pala sa pakshet. Palaging umisip ng paraan para maging oportunidad ang isang bagay. 

Tuesday, April 2, 2013

Hudas

Taking of Christ by Michaelangelo Merisi da Caravaggio
Kahit tapos na ang mahal na araw, hindi nawawala sa uso si Hudas. Ang cute nga ng homily ng pari sa misa last Sunday. Nung Saturday mass kasi, sinabi niyang hudas tayong lahat kay Hesus. Kaya pagdating nung time na papuputukin si Hudas sa pasko ng pagkabuhay, gumawi ang mga paputok papunta sa mga tao. ^_^ Wahehehe.. Ang saya siguro nun. 

Anyway, ganun na lang kalaki ang galit natin kay Hudas kasi nga binenta niya si Hesus sa halagang tatlumpung pirasong pilak. Yep, pagkatapos makakita ng mga milagro ni Hudas galing kay Hesus, nakuha pa rin niyang magtraydor. 

Pero hindi lang naman si Hudas ang nagtraydor kay Hesus di ba? Sa 12 na apostles, si Judas binenta si Hesus at ang remaining 11 tumakbo nung dumating ang awtoridad para kunin si Hesus. Si San Pedro, tatlong beses itinanggi si Hesus. Pero ang pinakamalaking pagkakaiba ni Hudas sa lahat ay ito. Si Hudas, nagsisi sa ginawa pero kinitil ang sariling buhay. Yung natitirang 11, nagsisi at itinama ang mali. Si San Pedro, itinuloy ang salita ni Hesus at naging unang pope. ^_^ Sa isip ko kasi, Si San Pedro ang 2nd kay Hudas sa mga nagtaksil kay Hesus. Grabe din naman kasi, dahil sa takot, tatlong beses niyang dineny na kilala niya si Hesu Kristo. 

This brings me sa panghihinayang para kay Hudas. Kung sanang gumawa siya ng paraan para itama ang pagkakamali baka naging isang Santo rin siya. Sana, naging inspirasyon din siya sa karamihan. 

Habang lumalaki ang kasalanan, lalong lumalaki ang oportunidad para maging mabuti tao. Kapag lumalaki ang kasalanan, lalong lalaki rin ang pagsisisi. Ang kulang na lang ay pagtatama ng mali. 

Tayong lahat binigyan  ng oportunidad para maging mabuti. Yun lang naman ang kailangan nating gawin. 

Sayang, sana hindi na negative ang katagang "Hudas Ka!" Wahehehe.. 
Pero okay ding pakinggan ang "Halik ni Hudas" no? Andami ko kasing sasabihan ng ganun. 
Alam ko kayo rin. 

Tuesday, November 6, 2012

Never Say Never

Note: Hindi ko idol si Justin Bieber ha. Yak.

Right after graduating from college, I told myself I'll never work in a bank. I can't imagine myself doing the same stuff over and over again. Ayaw kong maging teller kasi I'm really clumsy rin paminsan. Baka ma-short ako. Ayaw ko ring nakatambay sa bangko, parang hospital ang dating. Tahimik ang atmosphere. Bawal ding magtext. At kahit hindi uso ang holdapan ng bangko sa Pampanga, takot pa rin akong maholdap. 

Look where I am now. I work in Rural Bank of Florida now. Opcors, yung mga iniimagine ko eh hindi naman nangyari. Sa executive office ako kaya I don't feel monotonous. Oo nga naman. Kapag sinabing bangko, syempre meron din namang executive office dapat yan na namamahala sa operations ng lahat ng branches. 



So far, masaya ako sa trabaho. Checkout our website: Bank of Florida website Okay ang sweldo, okaya din ang benefits. Ang dami ko ngang bagong natutuhan dito sa rural bank. Ang interest rate ng rural banks e mas mataas kesa sa commercial banks! Ang company ko ay majority owned ng isang family, and although magkakapatid at magkakamag-anak mga nakakasalamuha ko dito, very professional naman sila. Ang popular notion na "LAHAT BOSS" kapag magkakapatid ang boss mo e hindi totoo sa company ko. Hindi rin monotonous ang buhay ko dito. Araw araw merong bago. Nabubusog ako sa mga seminar. Ang dami kong natutuhan. Nakakaputi rin kasi hindi ko na kailangang pumasok ng 1 or 2pm. Hehehe.

Very simple lang blogpost ko today. Kasi napa-humble ako ng kasaraduhan ng isip ko dati. Baka ma-apply din ito sa buhay n'yo. 

So iun. 

Ang lesson for today ay "Never say never."  


Tuesday, June 26, 2012

School

Tomorrow, I start a new day again as an instructor sa isang sikat na university sa Pampanga. It's been a while na rin since last akong nagblog at ewan ko lang kung nasabi ko na'to o hindi pero magbibigay ako ulit ng points ko sa teaching career.

Hindi ako naging mabuting estudyante dati dahil I failed to connect the subject sa tunay na buhay. For example, hanggang ngayon, hindi ko pa rin naa-apply ang factorial sa tunay na buhay. Hindi ko pa rin nagagamit ang pagkuha ng area ng cone. Easy pa yung mga yan. Yung mahihirap talagang kinalimutan ko na. 

Hindi rin ako naging mabuting estudyante dahil muntik akong mapatay ng ibang teacher ko sa pagkaboring. Merong di marunong magturo, merong di marunong magjoke, merong sobrang labo kausap, merong di lang talaga marunong. But opcors, now that I've grown up na, hindi ko na masasabing dapat aasa ako sa teacher. Hindi na kasalanan ng teacher yung fufu siya. Sabagay, paminsan wala din namang pakialam ang teacher kung fufu tingin sa kanya.



Reasons kung bakit marami akong natutuhan sa isang subject:


1) Gusto ko talaga ang subject.

2) Gusto ko talaga ang teacher. Either crush ko siya or magaling talaga siyang magturo. Ang tunay na magaling na teacher, matatandaan mo ang lesson niya dahil... a) Praktikal ang turo niya. Hindi mo makakalimutan hanggang tumanda or nagka-amnesia ka. b) Matagal mo ng pinag-aaralan ang isang bagay at siya lang ang nakapagpaliwanag ng topic. Magaling siya magturo for short. c) Alam mong magagamit mo ang turo niya sa tunay na buhay. 

Yun lang ang reasons ba't ako natuto. Ang unang reason, wala akong kontrol dun. I can try to influence a student para mahalin n'ya ang subject. Pero kadalasan, pag di mo talaga hilig ang subject, wala talaga unless masipag kang mag-aral. 

Sa pangalawang reason ako magbabangko. ^_^ I think a lot of teachers fail to realize it minsan and focus on just discussing what's in the book. 

Yun ang tamang daan. 

Monday, June 4, 2012

Stars

She left me for a guy who promised her the stars.

Once upon a time, I loved a girl so much. 

I gave her everything she wanted...

As long as I can. 



One day, she looked up and saw how beautiful stars are. 

She asked for a STAR. 

I told her I can never afford to give her a star. 



She left me for a guy who promised her the stars.

I would've given her everything I had.

Including me.

Instead she chose the STARS.

I would never be able to understand her.

STARS ARE JUST BIG  BALLS OF FIRE...

Tuesday, May 8, 2012

Lumang Bayani

Sino ang bayani?

Sabi nila ang mga bagong bayani daw ay ang mga OFW na nagsasakripisyo mag-abroad, lalayo sa pamilya, makikipagsapalaran para umahon sa kahirapan. Hindi na bago sa'kin makarinig ng pangarap na "Gusto kong mag-abroad at kumita ng malaki." It seems most ng mga kapitbahay ko eh nag-aabroad ang isa sa mag-anak at isa isa niyang isasama ang mga kapatid para umahon din sila sa kahirapan? Hhmmm.. Kung ganun, karamihan sa mga kapitbahay ko ay puro mga bayani. My question now is, "Sino ba ang lumang bayani?"

I've always thought na ang mga teachers ko mula prep hanggang college eh mga bayani. I've always thought na ang mga naiiwan sa Pinas at hindi nangarap mag-abroad ay bayani. I've always thought na ang pagsasakripisyo kapalit ng yaman ay maganda para sa pamilya. Pero ang pagsasakripisyo ng malaking sweldo sa abroad para magtrabaho dito at magbigay ng karangalan sa bansa ay higit na malaking karangalan. Ganun na lang ang taas ng pagtingin ko sa mga mamaw teacher ko. Lalung lalo na nung college. Halos lahat UP Grad at cum laude pataas nung matapos sa pag-aaral pero pinili pa rin nilang magturo sa UP. Watdapak, kung tutuusin kayang kaya nilang magtrabaho sa ibang kumpanya at kikita sila ng higit na malaki. Lipat nga lang sila ng ibang skul mas malaki na agad ang kita... Pero hindi e. Karangalang makapagturo at maglingkod sa bayan muna iniisip nila bago ang sarili o kahit pa man ang pamilya.


And I choose to stay here in the Philippines kahit mabulok na ako dito.


Ayaw kong mag-abroad. Ayaw kong isakripisyo ang oras ko sa pamilya. Basta sama sama kami masaya na'ko. Hindi ako naniniwala sa ipon lang ng konti, bili ng bahay at lupa at kung anu anong shit and then after umuwi babalik din naman dun. Minsan, pag mas madali ang buhay sa ibang bansa, magmimigrate na sila. Hindi naman sa nambabasag ako ng trip. Yun gusto nila eh. Ang akin lang,kaya lang ba mag-aabroad para lang gumanda ang buhay? Yun na yun? Ang pangarap mo ba ay nananatiling para sa sarili lamang? Para sa pamilya mo lang? Wala para sa bayan? 

Maraming maraming salamat sa mga taong marunong tumanaw ng utang na loob. Yung mga balikbayan na naisipang mag-ipon lang ng pera, magbusiness at tumira na lang ulit sa Pinas. Silang mga hindi kumalimot sa bayan. Kayo talaga ang mga bagong bayani. 

Pero para sa mga bayaning Pinoy na nananatili sa bansa sa kakarampot na sweldo, maraming maraming salamat po. Kayo po ang lumang bayani. Pero hindi lumiliit ang pagtingin ko sa inyo. Lalo pang tumataas. At kayo ang aking pamamarisan...

Friday, February 24, 2012

Pride


Sabi nila dapat daw tanggalin ang pride. Sabi nila dapat lagi ka daw marunong magpakumbaba. Dahil ang pride hindi nakakain. 

Fuck that.


Hindi rin naman ako makakakain ng mabuti kung wala ako ng kahit konting pride man lang. Pride is what keeps you going. Pride is what keeps me standing kahit anong malas na makuha ko (kahapon nawalan ako 1k nag-abono pa'ko sa food dahil nakalimutang ipang-order ang isang tao). 

Kelan ba yung huling beses na nadapa ka and then you had to get up and pretend it didn't hurt kahit na maraming tao ang nakakita sa'yo? If you're still a kid and a sore loser iiyak ka na lang ba? Natatawa ako every time kinukwento nung friend ko na nung bata pa siya at pinapabakunahan sila ng kuya n'ya. He had to pretend hindi masakit para lang hindi siya pagtawanan ng kuya n'ya. He's the man!

Natatandaan ko pa yung time na pinapakopya ako ng girlfriend ko at hindi ako tumingin sa mga sagot niya sa Accounting. Hindi ko talaga forte ang Accounting eh. Kaso may pride din ako. Basta pasado masaya na ako sa grade ko. Pati yun pinag-awayan namin. Ang galing niya kasi sa kahit anong subject. Lagi siyang UNO. Kaso I have to live by my own standards. I don't have to cheat just to get nice grades. Kung ano ang nasa class card ko, yun talaga ang grade ko (unless type ako ng teacher or dabarkads ko siya). In the end excempted siya sa finals at ako, na saktong pasado lang sa exam ay nagfinals. ^_^ 


Who cares?


At least, hindi ko niloloko sarili ko at ibang tao. Kahit na magalit pa sa'kin ang girlfriend ko o kung sino mang shit. 

And I don't need nice grades just to tell myself I'm intelligent.  

Pride ang nagpapatakbo sa'kin nung tinry kong mag fun run. Nagregister kami ng kaibigan ko sa 3k run. Tangina this! Kaya pala tawa ng tawa yung nagreregister, PAMBATA pala ang 3k run! Tangina this! Pagod na pagod ako sa pagtakbo kahit na nangangalahati pa lang ako nun sa course. Kaso nakikita ko ang ibang mga bata siguro mga 10, 11, 12 takbo pa rin ng takbo. 25 na ako nun.. Pag naunahan ako nung mga batang yung nakakahiya. Buti may pride ako tinakbo ko talaga kahit tipong lalabas na ang puso ko sa pagod. 

This year gaganti ako. Sasali ako sa 10k run para naman makabawi ako sa sarili ko. ^_^

See what pride makes? Next year 21k naman. Pero for now, I'll go and try 10k.

Btw, after kong mainsulto and malamang hindi pala ako fit. Naging regular routine na sa'kin ang running at exercise. Eron na rin akong 4-pack abs. Wahehehe.. Kulang pako 2 pa. Lalabas din yun. Konting tiis pa. Hehehe.. Hopefully aabot this summer. 

Hindi naman masamang magkaroon ng pride. Gamitin mo lang sa mabuting paraan. Hindi yung nagpapaniwala ka agad sa kung anong shit na sinasabi ng ibang tao. Matutong tumiwalag sa nakararami. Dahil madalas, ang nakararami eh sumusunod lang sa iilan.. Gaya gaya ka ba o hindi?




Show some pride naman...  

Kia Pride ;p





Thursday, February 23, 2012

Papuri


Ba't ganun dito sa Pinas, pag may natapos kang course na kakaibang pakinggan sasabihin ng mga tao "wow." Or nakatapos ka ng isang kurso and pumasa ka sa board, qualified ka ng matawag na "matalino." Ano nga ba ang meaning ng word na matalino? Kasi ako, pag nalalaman ng mga taong nag-aral ako sa UP may comment agad silang "...ahh matalino." Porke ba nag-aral ako sa No. 1 University sa Pilipinas qualified na akong matawag na "matalino?"

Honestly, maraming tatanga tanga sa UP. Meron ding bobo. That's in terms of understanding sa subject with the person giving effort ha. Kasi meron talagang student na matalino talaga pero tamad mag-aral. So, bagsak ang grade niya pero it doesn't necessarily mean na bobo siya.

Ba't ganun dito sa Pinas, pag may nagperform at natapos na performance, required kang pumapakpak ng malakas. Kapag kakilala mo dapat mas malakas palakpak. Pag may pagnanasa ka lalong lalakas pa kahit na boplaks naman ang ginawa? Parang pelikulang Pilipino lang na halatang ginaya lang ang concept sa ibang foreign movie, super papupurihan ng majority tapos ile-label ng ORIGINAL... Naalala ko yung pelikulang Kokey. State-of-the art daw ang graphics. Mas gusto ko pa nga ung old school Star Wars movies. Mas astig ang graphics ng Star Wars movies nung 70s kesa sa last Kokey movie.

Parang palabas lang na Showtime. Puro sayawan na lang din palabas.. Nung una maganda siya. Kaso nung huli naging nakakatamad na. Sa PGT sigurado pagkanta ang taleng ng nananalo. At banong bano naman tayo kapag maganda nga naman ang boses.Parang sa

Parang sa pulitika lang. Si Mayor Kumag nagpagawa ng daan pupurihin na agad siya ng madlang pipol. Watdapak. Ba't ko siya pupurihin eh trabaho naman talaga niya yun?! Buti pa sana if he went the extra mile. Kunwari kinuha niya pera galing sa isang proyekto ng bayan na siya mismo nag-organisa. Tipong wala talaga silang ginastos... Meron bang ganun? Sample lang naman. ^_^

A few days ago, meron nanay na nagsabing maganda daw pag-aralin ang mga anak sa private school with matching explanation na "mataas" daw ang grades ng anak niya. Honestly, pwede namang sinasadyang maging mataas ang mga grades ng mga bata. Pang-attract ba sa mga uto utong magulong. Pwede ring mababa standards nila of grading. Hindi porke tumaas grade ng anak mo sa private school ibig sabihin tumalino na siya Ate. May possibility kasi na dun sa public school na dating pinapasukan ng anak mo eh mataas ang standards. Parang nung college lang ako. May subjects na 2.25 lang grade ko pero hindi na makapaniwala ang classmates kong nakuha ko ang grade na yun. Minsan kasi, yun na highest na nabibigay nilang grade. 

Ba't ba ang hilig natin sa "pwede na?" Ako, kahit natapos na ako sa UP ng BS Business Management hindi pa rin ako nakukuntento. Wala pa akong napoprove... Nakaka-ilang units na rin ako sa Master of Management Program. Pagtapos ko dun, wala pa rin akong ipagyayabang. Hangga't hindi ako nakaka-iwan ng marka para sa Pilipinas hindi ako titigil. Hindi naman sa hindi ako marunong makuntento. Ayaw ko lang yung, matapos ko ang kung anu ano tapos matatawag na akong magaling. Gusto kong marecognize ako dahil malaki ang kontribusyon ko sa society. So far napapasaya ko palang eh 18 followers sa blog ko, girlfriend at nanay ko. 

That's not enough. 



Hindi porke may nagsabi sa'yong "magaling" ka, lalaki na ulo mo. 



Challenge yourself. 


Yun ginagawa ng mga sumisikat at tunay na MAY NARARATING.

Thursday, February 2, 2012

Expectations

Bakit kaya tayong mga tao mahilig tayong mag-expect palagi? Siguro dahil looking forward tayo sa isang  magandang bagay, magandang tanawin (kindat*kindat*), magandang pangyayari (kindat*kindat*)... etc. Pero madalas nadidisappoint lang tayo. 

Parang first day of class lang din yan. Winiwish mong either hot ang teacher mo or magaling magturo. 70% of the time madi-disappoint ka lang. Parang phone pal lang yan noong araw. Kapag maganda ang boses, pangit ang mukha. Kaya nga napapaisip ako kapag may nagsasabing maganda daw ang boses ko. Pangit din kaya ako? T_T


M-W-F ang schedule ko sa pagja-jogging. Laging mag-isa lang akong tumakbo and kapag walang magawa hinahabol ko yung mga nagja-jog na babae to see kung cute sila. ^_^ Well, that was before. Kasi tuwing malapit nako sa jogger, ang ganda ng katawan, amputi, ang kinis, ang ganda buhok.. ampanget. Sino ba naman nagsabing puro magaganda lahat ng mga joggers? At sinong nagsabing dapat maghabol ako ng mga babae? Wala lang trip ko lang. Gusto ko lang makita na may magandang nagja-jog. Wala ako magawa eh. Sa sementeryo ako tumatakbo eh. Ndi naman kasi gumagalaw ang mga puntod para yun na lang panonoorin ko. Besides, ayaw ko talagang gumalaw ang mga puntod o kung ano mang nandun sa mga puntod. ^_^

Parang ideal girl/guy lang yan. Yung expectations mo sky high, but you end up in a relationship with someone not even close to that. And then you say na okay lang that you ended up with someone less but you are very much contented. And then you come up will all kinds of excuses especially the "nobody is perfect" reasoning. 

Bakit kaya hindi na lang tayo mag-eexpect no? Sino ba may kasalanan bakit ang taas lagi ng expectations natin? Siguro dahil sa mga fairy tales noong bata tayo. Siguro sa kakapanood n'yo ng romantic (daw) na pelikulang Pilipino. Yung tipong alam mong hindi nangyayari sa totoong buhay pero gusto mo mangyayari pa rin sa'yo.

Kanya kayang trip lang din siguro no?


Dati ang ideal girl ko maputi, chinita, mahaba buhok, sexy, maganda ang smile, kissable ang lips, cute, pretty, mabait, matalino, matangkad, malambing, maalam sa buhay, alam magtrabahong bahay, mahinhin, loving.. at kung anu-anong pang shit. Nakita ko naman siya. 

Ayun, nanlalake ang puta. 

Ngayon, I just need someone who loves me truly.  

Para hindi ka masaktan sa expectations mo, huwag mo na lang masyadong taasan. Para pag hindi mo nakuha ang gusto mo, hindi ka masasaktan ng lubos. 



Monday, January 30, 2012

Epal

Ang dami daming epal dito sa Pinas. Hindi ko alam kung bakit ganun dito sa'tin. Hindi mo naman kinakausap, bigla kang lalapitan at kung anu ano ang sasabihin.  

Hindi mo naman tinatanong at kung anu ano na ang sinasagot. 

Meron bang taong pinanganak na epal? Kung may magsasabing "oo" maniniwala ako. ^_^

Most of us hate the epal type. The ones who don't mind the epal type eh UTU-UTO. Ganung lang naman yun. 

I'll give you a tip kung kanino maghahanap ng advice. 

Sa gym, there will always be some noob na hindi alam kung saan mag-uumpisa. There will always be a noob na hindi alam gamitin ang mga equipment. At kung saan meron palaging noob. Nandon lagi ang epal guy na walang ginawa sa gym kundi magkwento. Oo, hindi naman talaga siya nagpapalaki ng katawan. Siya yung tipo ng lalake na malaki ang braso, payat ang paa at malaki ang tyan. Siya yung taong hindi pantay ang maskels. Walang kapagurang dumada. Yun yung taong dapat mong iwasan. (not limited sa gym, yan lang unang pumasok sa isip ko)

Ang dapat mong tanungin eh yung taong nananahimik, minding his own business and maganda ang pangangatawan talaga. Siya yung tipo ng tao who works alone and does his job very well. Sadly, eto yung tipo ng taong ndi napopromote sa trabaho minsan dahil ang gusto ng tangang boss eh yung puro dada sa trabaho, taking the credit ng subordinates niya o malaki ang dede. 

Ang rule dito sa'tin eh, kung sino pa yung walang alam, siya pa yung confident sumasat. At kung sino ang may alam, siya pa yung tahimik at nahihiyang magbigay ng advice dahil feeling niya baka mali pa siya. 

Talagang ganyan siguro buhay. Simpleng paksyet lang. 

Oh well, so much for the epal type. Baka natutuwa sila ginawa ko pa silang topic sa blog ko. Mpre feeling nila dahil ang title at laman ng blog ko puro tungkol sa ka-epalan eh sila talaga ang sikat. 

Opcors, hindi para sa mga epal ang blogpost ko na'to. Eler!!! (Kapampangang "Haler!!!")

Thursday, January 26, 2012

Compliments

Hindi ko maintindihan ang mga babae kung bakit gustong gusto nilang magbigay ng compliment sa isa't isa. Kaming mga lalake.. Wala pa akong narinig na nagsabing "Pare ang pogi mo" okaya "Pare ang macho mo." Lalong lalo kong ayaw marinig ang "Pare ang cute mo talaga." Dahil kapag ang isa sa mga yan, sinabi sa'yo ng kapwa lalake. Ibig sabihin, HINDI siya LALAKE.





Ang best na compliment for me is "Pare, hindi ka tumatanda." That already means pogi pa rin ako. Yun na yun. At kapag sinabi yun ng isang lalake sa kapwa lalake, ina-acknowledge ka niya as someone he looks up to. 

Madalas kong makita ang scenariong ito. Si Eba nakita si Maria na matagal niya ng ndi nakikita. Lalapitan nila ang isa't isa habang nakangisi at magbebeso beso. And then, obliged tignan ng babae ang isa't isa mula ulo hanggang paa at maghahanap ng kung anong masasabi para mabigyan ng compliment. "Wow, how nice naman your shoes!" "Wow, you're so sexy!" "Wow, I love your nails!" "Wow, how big are your suso?!" 

Tangina This!

After magbigayan ng compliment, magkukuhaan yan ng number (habang nakangiti, friendly poker face) na hindi naman nila itetext or tatawagan ever. Tapos magpapaalam yan sa isa't isa, sabay talikod simangot. 

And in truth, after ng isang compliment, habang nakangisi, meron ng ibang sinasabi ang babae sa kapwa babae. 

Sample: 

1) Comment:
    "Wow, you're so sexy!"
    Side comment sa utak:
    "Warak naman pepe mo!"

2) Comment:
    "Wow, I love your nails!"
    Side comment sa utak:
    "Mukha ka namang butete. Yan lang maganda sa'yo"

3) Comment:
    "Wow, how big are your suso?!" 
    Side comment sa utak:
    "Lawlaw naman."

Women should learn not to give compliments for the sake of returning the favor. Kung di mo rin lang kaclose talaga huwag mo ng lapitan. Just say "hi" or a smile would do. 

Or pwede n'yo rin kaming gayahing mga lalake. Hindi na bago sa'min dito sa Pampanga na kapag nagkikita ang bati ay "Hoy BUGOK!" sabay ngiti sa isa't isa. Walang tinginan mula ulo hanggang paa. Mata sa mata lang. Pero dapat 1 second lang ha. 2 seconds pasado pa ang mata sa mata. Pag nagtagal iba na yun. 

Takbo ka na.

Ang hirap talagang intindihin ng mga babae... Simple lang ang buhay. Di kailangang magbigay palagi ng compliment. 


Monday, January 16, 2012

Anong Feeling ang Pinakamasakit?

Just a few days ago pumasok na naman ang question na "Anong feeling ang pinakamasakit?" Eto yung mga araw ng kung anu-ano na naman naiisip ko at naghahanap ako ng sagot sa tanong ko. Eto rin yung araw na madalas tulala lang ako at busying nag-iisip para masagot ko ang sarili kong tanong. 

Madalas ganun ako. ^_^ Kaya minsan, kahit tawagin mo pa ako ng tawagin, hindi kita mapapansin dahil nag-iisip ako. Sori na. Bingi na nga ako tapos lagi pa ako ng nag-iisip. Kung kakilala kita huwag mo sanang sabihing SUPLADO ako. Tanga lang po. 

In no particular order eto ang nasa top ng list ko:

SELOS

Eto ang isa sa pinakamasakit na feeling. Pag may nililigawan ka at may pinagseselosan kang iba. Sobrang sakit ng feeling na'to at ito yung isa sa pinaka ayaw kong nararanasan. Ang mas masakit na selos eh yung, nagbreak na kayo at meron na siyang iba. Yung tipong malungkot ka na nga, break na kayo tapos makikita mo pa siyang masaya na may kasamang iba. Tapos, lalo ka pang masasaktan dahil dadaanan ka niya as if hindi ka niya kakilala. Tangina lang. 

HOPELESSNESS

Naranasan mo na ba yung gusto mong tulungan yung mahal mo tapos wala kang magawa? Tae yun. Bwiset ang kawalan ng powers para tumulong. Lam mo kung ano pang mas masakit dun? Yung time na may kakayahan kang tumulong pero ayaw niyang magpatulong sa'yo. At kapag tinanong mo siya. Wala siyang dahilan. 

Uhm! Sapul!

TULI

Oo. Masakit nung tinuli ako. 6x ata na-injection ang etits ko sa laser ek ek procedure. Sulit naman. Pero ayaw ko ng ma-inject ulit etits ko. Kahit saan na lang huwag lang etits. Masakit talaga yun. Tapos ilang linggo ko rin hinintay para maghilom yung sugat. Yun pa naman yung time na napakasensitive ng titi. Makakita ka lang ng legs parang titigas na agad. Awts yun!

Sulit naman magpatuli. Buti na lang once lang kailangang magpatuli. 

Di na ako supot. 

IN YOUR FACE BANAT

You go out a lot, you hold each other's hands tightly, you hug, you kiss... And then magugulat ka na lang. Isang araw makikita mo siya sa isang mall may kasamang iba. You talk to her and ask her why she's dating another guy at sasabihin niya sa'yong... 


"BAKIT? TAYO BA."

Nganga!

LOGIC

Mahal nyo ang isa't isa. Tapos biglang may mayamang lalake na hindi man niya type. May kotse, maraming bahay at merong business. Yun ang pipiliin niya. Kasi daw nagpapaka-praktikal lang siya. 

Putanginang praktikal yan. Tapos magdadasal dasal sila ng isang lalakeng magmamahal sa kanila ng tunay. 

Yung mayamang yan ni hindi mo man nasabing mahal ka niya. Lolokohin ka lang niyan katulad ng ibang babaeng nasilaw niya sa pera. Magsama kayo bwiset kang mukhang pera. Tutal nagpapaka praktikal ka lang sa'yo na ang pera. 

Hindi lahat ng materyal na bagay GINTO. 

WHAT IF

Sinabi na niya lahat ng magagandang bagay sa'yo. Ikaw na perfect guy, pogi ka, macho ka, meron kang paninindigan, gentleman ka, wala kang bisyo, mabuting tao ka, ikaw na. Sana hindi na kita pinakawalan. Sana hindi na kita pinakawalan. Sana masaya ako sa'yo ngayon. Sana masaya tayo ngayon. Sana tayo pa. 

And then o-offeran mo siyang maging kayo ulit. 

Tatanggi siya.

Ndi ko gets. 

Tangina This!





Pero ang pinaka-masakit na feeling na naramdaman ko sa buong buhay ko eh...

SELF-PITY

Ayaw na ayaw ko ang feeling ng naaawa ako sa sarili ko. Minsan kahit naaawa na ibang tao sa'kin natatawa na lang ako. Naaawa sila kasi sobrang pudpod na keypad ng celphone ko. Naaawa sila dahil masakit ang loob ko. Naaawa sila dahil heart broken ako. Naaawa sila dahil broke ako. 

Ayos lang yun. 

Ang ayaw ko eh mapunta ako sa point na totally drained ako. Ginawa ko na lahat pero meron pa ring kulang. Ayaw ko yung masakit na feeling na naawa na lahat sa'yo at sa sobrang sama na sitwasyon, nakukuha ko ng maawa sa sarili ko. 

Yung feeling na wala kang magawa para sa sarili mo. 

And then you have to wake up everyday knowing you can't do anything about is just cruel. 

Mapapayuko ka na lang dahil sa shit. 

And then you just hope and pray na someday, mapunta ka ulit sa point na pwede ka ng magstart magmove-on. Ang malaking tanong lang eh.. 

Kelan?

Eto ata yung first post ko sa Simpleng Buhay na hindi talaga simple...

Paksyet lang.

Thursday, January 12, 2012

Grades at Diskarte

Pasukan na naman sa skul sa Sabado. Hindi ko pa nalelet-go ang bakasyon kaya mahirap para sa'kin to accept the fact na may pasok na!

Pwede akong umabsent pero I'm too old for that. Haha.. Besides, I might get interested with the subjects naman siguro. Kahit naman ako nung maging teacher ako, tanggap ko naman may subjects akong hawak na gusto ko and may subjects akong hawak na inaamin ko sa sarili ko ng BORING. 'Pag di mo talaga hilig ang isang bagay, you can try to like it but you can't force yourself into liking it. 


Besides, I'm not looking for high grades. I'm done with grades. Simula prep, elementary at high school I though grades ang nagdedetermine sa talino ng tao. Kaya I always wanted to get really nice grades. I didn't want average grades, they had to be above average because lower grades made me feel BOBO. 

'Til I realized, there were people who had average grades but when I was with them, feeling ko ang bobo ko. There were people na hindi man natapos sa pag-aaral pero abot langit ang yaman ngayon. Then I told myself, a grade is just ink in paper. It doesn't determine who you are as a whole. It determines who you are sa mata ng grading system. Pag malas ka, it determines who you are kung gaano ka kagaling mambola at sumipsip ng teacher. Pwede rin chumupa. 

Ang multiple choice, identification, true or false ay para sa taong magaling magmemorize. Ang tunay na matalino sa real life magaling. So the next time na may magcocompare ng grade sa'yo. Huwag kang mahihiyang sabihin ang grade mo. Merong teacher mataas magbigay, merong teacher mababa magbigay. Huwag mong hanapin ang mataas magbigay na teacher, hanapin mo yung kung saan ka maraming matututuhan at maa-apply sa tunay na buhay. Kahit saktong pasado ka lang sa subject, pero busog ka naman sa "real world knowledge." Dahil sa tunay na buhay, hindi ka naman pipili ng a, b, c, true or false, o none of the above at mananalangin ka sa Diyos ng Hula.

Sa tunay na buhay diskarte mo ang magdidikta. 




Simple lang ang buhay. Huwag mo ng gawing kumplikado. 



Wednesday, January 11, 2012

Bakit Mahilig ang mga Lalake sa mga Bitch?


Madalas kong marinig sa mga babae na pare-pareho lang ang mga lalake. Sa dalas nilang sinasabi yun, it makes me think na pare-pareho ang mga babae.

Napaka-simple nga namang mag-isip ng mga lalake. Kunwari may dalawang lalake nakakita ng babae, dalawa lang ang choices nila para mag stereotype e, either "pambahay" o "pangkama." Pero kung ang dalawang babae, may nakitang lalakeng type nila kung anu-ano muna sasabihin bago mag stereotype. Sasabihin n'yan yummy, cutie, pogi, smelly, sexy.. at kung anu ano pang shit na tunog "i" sa huli. Tapos ang category nila sa mga lalake eh marami rin. Merong boyfriend material, asawa material, display material, fuck buddy material at kung anu ano pang shit na "material" ang huling word. Kaya minsan sila sila nagkakagulo gulo na kung saang category mapupunta eh. 

Ang mga lalake, nagkakaisa sa kung anong category mapupunta ang isang babae. Wala pa akong nakitang lalaking nakita na namali sa category. At, sa unang beses kong maririnig na iba sagot ng isang lalake, alam ko na kung ano siya.. 

hindi siya lalake. 

Kapag nag-away, ang lalake, magsusuntukan lang and then oks na. Magkakalimutan na ng atraso ang mga yan. Pero ang babae, pag nag-away, magbabati kunwari pero forever ng magka-away. May pa-hughug at pakiss kiss pang nalalaman. Kaya ang lalake hindi nagkikiss! Bat nga kaya ganun ang mga babae? Kung tatanungin mo sila hindi rin nila ma-explain. 

Sa barkada, ang mga lalake, tight yan. Walang iwanan. Walang trayduran. Napag-uusapan lahat. Ang mga babae, kunwari magkakasama sila at solid, pero ang isang barkada ng babae e gawa sa maliliit pang mga grupo dahil sila sila ay ayaw sa isan't isa. 


Ang babae, sobrang magkakaiba ang tipo ng lalake. Ang lalake, umiikot lang dun sa dalawang category. Most men would likely prefer yung "pambahay" over "pangkama" pero bakit marami pa rin tayong nakikitang mga lalakeng pumapatol sa mga "pangkama?"


A lot of you would point out sa "tawag ng laman." Pero lately, narealize ko kung ano talaga ang dahilan. 

Kaming mga lalake, gusto namin yung "pambahay" kasi yung type ng girl na yon ay maiuuwi namin sa bahay namin at maipapakilala sa nanay ng buong pagmamalaki. Kasama na rin d'yan yung matino siya, disente magdamit, matalino, mahinhin, marunong sa trabahong bahay.. etc. Si Maria Clara nga daw ang ultimate pambahay na babae sabi ng iba. 

But, at the end of the day, ang lalake, matutukso at matutukso sa "pangkama" dahil si "pambahay" marunong mag-alaga ng bahay pero si "pangkama" marunong mag-alaga ng lalake. 

Minsan, hindi namin kailangan ang sobrang talino ng isang babae. Di naman namin kailangan na mayaman ang babae. Di rin namin kailangang maging miyembro siya ng isang prominenteng pamilya. Di rin namin kailangan ng kung anu-anong shit na ipinagmamalaki ng mga babae.

Ang kailangan namin... LAMBING. 


Kaya kayong mga babae, kung gusto niyong magmalaki sa isang lalake about sa lahat ng achievement niyo sa buhay, tumahimik na lang kayo. Simple lang ang buhay ng isang lalake. Hindi ito kumplikado. Ano mo yung paminsan ikaw yung kakalabit sa kanya? Ano ba naman yung paminsan kakandong ka lang bigla o ikaw naman ang mag-effort na magbigay sa kanya ng surprise. Ano ba naman yung isang araw, tatahimik magpipigil kang magfit ng sapatos at for a change magfifit ka naman ng sexy skirt? Ano ba naman yung isang araw, gawin mo para sa kanya ang gustong gusto niya pero ayaw mong gawin?

(kindat* kindat*)




Ang hinahanap naming pakakasalan eh yung "pambahay" pero paminsan minsan landiin n'yo naman kami. ^_^

Monday, January 2, 2012

2011 Looking Back

Last year sinimulan ko ang blog ko. Looking back, here's a list ng mga paborito kong post. Alam kong iba sa inyo, eto rin ang paborito. ^_^ Para sa mga bago lang po sa pagbabasa ng blog ko eto ang list ng tingin kong pinaka naging makabuluhan (Opcors, lahat ng post ko eh kamunduhan... este makabuluhan pala!).

Be Careful What You Wish For
Isang perspective sa pagwi-wish kay Lord. Mag-ingat sa kung anong hihilingin. Baka magsisi ka bandang huli. 

Paano Pumasok ng Hindi Nale-late?
Para sa mga laging late. O, ikaw ba ito? Kung lagi kang late lagi kang absent, para sa'yo to. Kung hindi ka palaging late at hindi ka palaging absent, hindi para sa'yo to. 

Sawa Ka Na Ba Sa Trabaho Mo? 
Para sa mga sawang sawa na sa mga trabaho nila. Be inspired sa post na ito. 

Isip Bata
Uso daw si Budoy ngayon eh. Masama ba kung makikiuso ka?

Assholes
Ang mundo ay punung puno ng mga paksyet. Isa ka ba sa mga paksyet? Kung ganun. Pakamatay ka na lang. Atlis tataba pa ang mga lupa. Magsama sama kayo ng mga uod gago ka. Kung hindi ka paksyet, basahin mo ito. Makakarelate ka. At makakakuha ka pa ng tips kung pa'no i-handle ang asshole. 

SM Pampanga Good News and Bad News
May dalawang baklang bata ang nagbaril sa sarili sa SM Pampanga. After nun nauso na ang pagpapakamatay sa SM? What's the good news about it? Meron nga ba? Read on. 

Bakit Ba ang Hirap Pumasok Kapag Lunes?
Sabi ng pinsan ko pinaprint pa daw ng katrabaho niya ang post ko na ito. Pinakita nya sa asawa niya. Wahahaha.. Baka it'll change your perspective din? Who knows? Basahin mo na lang kung tamad ka kapag Lunes. 

Badtrip Ka Ba? 
Para sa mga laging nakasimangot. 

Sana etong taong 2012 mas marami pang matuwa sa blog ko. 

Kung may nagustuhan po kayo sa mga post ko. Pwede pa-share na rin sa FB or sa Twitter para mas marami rin ang matuwa? Ako rin matutuwa. ^_^

Thanks po sa lahat ng nagbasa sa blog ko. Labyu Mwah Mwah Tsup Tsup!






Sunday, January 1, 2012

2012 Predictions

New Year na naman at ang pagpasok ng bagong taon ay may kaakibat lagi na mga hula. At ang tipikal na Pinoy lagi rin namang nauuto sa mga hula. Papabola sila sa kung anu anong shit ng mga manghuhula. Kung anong sinabi ng manghuhula, yun din ang susundin ng Pinoy. 

Eh napaka generic naman ng mga hula nila eh. Kahit naman ako kayang kaya kong manghula ng ganun. 




Kaya heto ang hula ko for the year 2012:
1) May magaganap na malaking disaster sa ibang bansa. Maaaring magiging isa itong form ng bagyo, lindol o tsunami. 

2) May malakas na bagyong sasalanta sa Pinas.

3) May mabubuntis na sikat na artista (as usual.. clue: Hindi si Piolo).

4) May mamamatay na sikat na artista. 

5) Magiging swerte ang 2012 kung magiging masipag ka at magpupursigi. 

6) May magkakagulong bansa. 

7) Ang swerteng kulay ay black. Pag di mo kayang mag-black mag-white ka na lang. Pwede rin red, blue, yellow, green, violet, brown, etc. 

8) Ang swerteng pet ay arowana at pegasus. 

9) Malapit ka ng yumaman, pag di ka pa malapit yumaman, malapit ka ng madedz.

10) Basahin mo ang susunod kong hula next year. 





Ayan po. Sigurado ako lahat n'yan magkakatotoo this year. Next year, basahin n'yo ulit ang post ko na ito at masasabi ninyong isa akong HENYO o matagal na kayong nauuto ng mga manghuhula. 

Simple lang ang buhay. Imulat lang ang mata at ikaw ay makakakita.

Happy New Year! ^_^

Tuesday, December 27, 2011

2012: End of the World?

Mayan Calendar
Namiss ko na yung kawork ko dati na sobrang convicted na end of the world na daw next year, 2012. I'm a fan of doomsday movies but I really haven't seen the movie 2012 too. Kailangan ko bang panoorin yun para maniwala akong end of the world na sa 2012?


San nga ba nanggaling yung prophecy na yun? Nagbasa basa ako sa internet kanina. Galing daw sa Mayan Calendar. Kasi daw, yung kalendaryo nila hanggang December 21, 2012 lang. Wahehehehe.. Tanging this! Porke ba hanggang dun lang calendar nila, END OF THE WORLD na?

Going back dun sa kawork ko na itago na lang natin sa pangalang "Lily," pag nakita mo siya and tinanong mo kung end of the world na next year, ang siguardong isasagot niya ay "Oo!" at magkukwento siya ng kung anu anong shit about the end of the world. At, sasabihin niyang kailangan niya ng magbago dahil nga malapit na ang ARAW NG PAGHUHUKOM. 

Wala namang masama na isiping end of the world na sa 2012. Sa'kin ayus lang yun. Inisip ko rin naman dati na end of the world na nung year 2000. This year twice nangyari na nagsilabasan ang mga billboard na end of the world na. Magkano kaya ginastos ng mga mokong para sabihing end of the world na? Ilang tao ang nagbenta at pinamigay mga ari-arian nila para lang magising isang araw na mahirap pa sila sa daga? 

Yun kasi ang mahirap sa tao. Kapag malapit ng mamatay dun palang nagsisisi. Yun yung mali sa atin. Bakit kailangan pang magkaroon ng end of the world para lang bumait mga tao? 

As always, I am an advocate of change for good. Hindi mo kailangan ng end of the world sa kahit anong taon para magbago. Ang pagbabago ay nasa iyo. Ikaw magdedecide nun. Hindi yung prediction na mamamatay ka na. Malay mo, wala pang 2012 dedz ka na. Edi naudlot yung pagbabago mo and ang gigreet sa'yo sa gates of hell e si Lucifer?






Sa maniwala kayo at sa hindi na sa 2012 na ang end of the world. Huwag sana nating kakalimutan na pwede kang magbago kahit kelan mo gusto. Kung gusto mo talagang pumunta ng langit, ang pagbabago ay pwedeng magsimula...



NGAYON. 

2012 Movie

Thursday, November 10, 2011

Assholes


Naranasanan mo na siguro yung may asshole sa paligid? Kalat kalat ang mga yan. Nasa office sila, sa school, sa barkada... Kahit sa simbahan. Nakatira tayo sa lugar na maraming assholes. Nasa Pilipinas ka eh. Wala ka sa heaven.

Naranasan mo na siguro ang officemate na wala ng ginawa kundi makipag-chikahan lang sa office. Pero kapag evaluation ng supervisor siya pinakasipsip at sasabihin nyang lagi siyang pagod at overworked

Excuse me, pero mas magiging productive ang company kung wala ka. 

Naranasan mo na rin siguro yung annoying classmate sa school na tanong ng tanong sa teacher pero alam mo namang alam niya na ang sagot. Nagtatanong lang for the sake of asking and pretending to be interested sa subject. 

Excuse me pero kung walang kwenta ang tanong mo tsong, wag mo na lang sabihin. Epal ka!

Naranasan mo na siguro yung paimportante sa barkada. Yung tipong nagpepretend na best friend mo pero sa totoo lang eh dinudura ka na kapag nakatalikod. Siya yung bad influence sa inyo... Pero wala ka rin namang magawa kasi part na siya ng barkada. 

Hanap ka na lang ng bagong barkada gago. 

Nakakita ka na ba ng magulang na nagdadala ng anak sa simbahan. Tapos yung anak niya, naglalaro at nag-iingay lang habang nagmimisa na nakakadistract na sa mga tao at pari pero hindi pa rin niya sinusuway? 

Ate, hindi ko alam kung ikaw ang papaluin ko o yung bata.

Madalas yan yung nasasabi ko sa isip ko eh. Sa isip ko lang ha! Pero sa isang banda, kung susumahin mo, lahat ng bagay merong kabilang banda.

Di ba't ang coins merong "head" at ang kabilang side ang tawag nila "tail" kahit wala namang tail. Nasa iyo lang kung paano mo titignan.

heads or tails? wait, asan ang tail???


Minsan nagjoke ako dun sa friend ko. Sabi ko gusto ko siyang kasama kasi every time na nakikita ko siya, natutuwa ako. Sabi ko, marami siyang bisyo, malakas siyang manigarilyo, malakas siyang uminom, babaero siya. Sabi ko, siya ang epitomy ng taong AYAW KONG MAGING. 



Nagtawanan kami. 




Joke lang yun pero in a way. Ayaw ko talagang maging ganun. 

Ang mga taong ayaw mong maging, okay sila. Eto ang mga taong reminder mo sa sarili mo na di ka dapat maging ganun. Dapat, hindi natin sila kinaiinisan, kinasusuklaman. Dapat nga palibutan natin ang ating mga sarili ng mga ganitong tao at matuwa tayo sa ating mga sarili na hindi tayo ganun. Kung di mo sila kayang ipluwensyahin na magbago, matuwa ka nalang para sa sarili mo na hindi ka ganun.




Sabi sa inyo eh. Ang buhay ay simple lang. Huwag maging part ng problema. Ikaw ang dapat maging solusyon.