Hopefully Ngayong Nandito Ka sa Blog ko, Hindi Ka Nawawala. ^_^

Please don't forget to subscribe to my blog para pag may post ako automatic makikita nyo. Feel free to share my blog sa Facebook, Twitter, Google+ or any other social media.

Salamas!

Thursday, November 10, 2011

Assholes


Naranasanan mo na siguro yung may asshole sa paligid? Kalat kalat ang mga yan. Nasa office sila, sa school, sa barkada... Kahit sa simbahan. Nakatira tayo sa lugar na maraming assholes. Nasa Pilipinas ka eh. Wala ka sa heaven.

Naranasan mo na siguro ang officemate na wala ng ginawa kundi makipag-chikahan lang sa office. Pero kapag evaluation ng supervisor siya pinakasipsip at sasabihin nyang lagi siyang pagod at overworked

Excuse me, pero mas magiging productive ang company kung wala ka. 

Naranasan mo na rin siguro yung annoying classmate sa school na tanong ng tanong sa teacher pero alam mo namang alam niya na ang sagot. Nagtatanong lang for the sake of asking and pretending to be interested sa subject. 

Excuse me pero kung walang kwenta ang tanong mo tsong, wag mo na lang sabihin. Epal ka!

Naranasan mo na siguro yung paimportante sa barkada. Yung tipong nagpepretend na best friend mo pero sa totoo lang eh dinudura ka na kapag nakatalikod. Siya yung bad influence sa inyo... Pero wala ka rin namang magawa kasi part na siya ng barkada. 

Hanap ka na lang ng bagong barkada gago. 

Nakakita ka na ba ng magulang na nagdadala ng anak sa simbahan. Tapos yung anak niya, naglalaro at nag-iingay lang habang nagmimisa na nakakadistract na sa mga tao at pari pero hindi pa rin niya sinusuway? 

Ate, hindi ko alam kung ikaw ang papaluin ko o yung bata.

Madalas yan yung nasasabi ko sa isip ko eh. Sa isip ko lang ha! Pero sa isang banda, kung susumahin mo, lahat ng bagay merong kabilang banda.

Di ba't ang coins merong "head" at ang kabilang side ang tawag nila "tail" kahit wala namang tail. Nasa iyo lang kung paano mo titignan.

heads or tails? wait, asan ang tail???


Minsan nagjoke ako dun sa friend ko. Sabi ko gusto ko siyang kasama kasi every time na nakikita ko siya, natutuwa ako. Sabi ko, marami siyang bisyo, malakas siyang manigarilyo, malakas siyang uminom, babaero siya. Sabi ko, siya ang epitomy ng taong AYAW KONG MAGING. 



Nagtawanan kami. 




Joke lang yun pero in a way. Ayaw ko talagang maging ganun. 

Ang mga taong ayaw mong maging, okay sila. Eto ang mga taong reminder mo sa sarili mo na di ka dapat maging ganun. Dapat, hindi natin sila kinaiinisan, kinasusuklaman. Dapat nga palibutan natin ang ating mga sarili ng mga ganitong tao at matuwa tayo sa ating mga sarili na hindi tayo ganun. Kung di mo sila kayang ipluwensyahin na magbago, matuwa ka nalang para sa sarili mo na hindi ka ganun.




Sabi sa inyo eh. Ang buhay ay simple lang. Huwag maging part ng problema. Ikaw ang dapat maging solusyon.

2 comments:

  1. Sad to say but true.. maraming a-holes sa mundo. Across the board pa nga levelling at kahit saang sulok ng mundo may clone sila. But, its not because, ganun na sila, no choice, or dala ng panahon? Di siguro! Its their choice of what they have become. Di iyon dala ng panahon, or situation, or influence ng ibang tao. Kasi nobody can make you change unless you choose to. (di nga emo! Lol)-yawn

    ReplyDelete