Ba't ganun dito sa Pinas, pag may natapos kang course na kakaibang pakinggan sasabihin ng mga tao "wow." Or nakatapos ka ng isang kurso and pumasa ka sa board, qualified ka ng matawag na "matalino." Ano nga ba ang meaning ng word na matalino? Kasi ako, pag nalalaman ng mga taong nag-aral ako sa UP may comment agad silang "...ahh matalino." Porke ba nag-aral ako sa No. 1 University sa Pilipinas qualified na akong matawag na "matalino?"
Honestly, maraming tatanga tanga sa UP. Meron ding bobo. That's in terms of understanding sa subject with the person giving effort ha. Kasi meron talagang student na matalino talaga pero tamad mag-aral. So, bagsak ang grade niya pero it doesn't necessarily mean na bobo siya.
Ba't ganun dito sa Pinas, pag may nagperform at natapos na performance, required kang pumapakpak ng malakas. Kapag kakilala mo dapat mas malakas palakpak. Pag may pagnanasa ka lalong lalakas pa kahit na boplaks naman ang ginawa? Parang pelikulang Pilipino lang na halatang ginaya lang ang concept sa ibang foreign movie, super papupurihan ng majority tapos ile-label ng ORIGINAL... Naalala ko yung pelikulang Kokey. State-of-the art daw ang graphics. Mas gusto ko pa nga ung old school Star Wars movies. Mas astig ang graphics ng Star Wars movies nung 70s kesa sa last Kokey movie.
Parang palabas lang na Showtime. Puro sayawan na lang din palabas.. Nung una maganda siya. Kaso nung huli naging nakakatamad na. Sa PGT sigurado pagkanta ang taleng ng nananalo. At banong bano naman tayo kapag maganda nga naman ang boses.Parang sa
Parang sa pulitika lang. Si Mayor Kumag nagpagawa ng daan pupurihin na agad siya ng madlang pipol. Watdapak. Ba't ko siya pupurihin eh trabaho naman talaga niya yun?! Buti pa sana if he went the extra mile. Kunwari kinuha niya pera galing sa isang proyekto ng bayan na siya mismo nag-organisa. Tipong wala talaga silang ginastos... Meron bang ganun? Sample lang naman. ^_^
A few days ago, meron nanay na nagsabing maganda daw pag-aralin ang mga anak sa private school with matching explanation na "mataas" daw ang grades ng anak niya. Honestly, pwede namang sinasadyang maging mataas ang mga grades ng mga bata. Pang-attract ba sa mga uto utong magulong. Pwede ring mababa standards nila of grading. Hindi porke tumaas grade ng anak mo sa private school ibig sabihin tumalino na siya Ate. May possibility kasi na dun sa public school na dating pinapasukan ng anak mo eh mataas ang standards. Parang nung college lang ako. May subjects na 2.25 lang grade ko pero hindi na makapaniwala ang classmates kong nakuha ko ang grade na yun. Minsan kasi, yun na highest na nabibigay nilang grade.
Ba't ba ang hilig natin sa "pwede na?" Ako, kahit natapos na ako sa UP ng BS Business Management hindi pa rin ako nakukuntento. Wala pa akong napoprove... Nakaka-ilang units na rin ako sa Master of Management Program. Pagtapos ko dun, wala pa rin akong ipagyayabang. Hangga't hindi ako nakaka-iwan ng marka para sa Pilipinas hindi ako titigil. Hindi naman sa hindi ako marunong makuntento. Ayaw ko lang yung, matapos ko ang kung anu ano tapos matatawag na akong magaling. Gusto kong marecognize ako dahil malaki ang kontribusyon ko sa society. So far napapasaya ko palang eh 18 followers sa blog ko, girlfriend at nanay ko.
That's not enough.
Hindi porke may nagsabi sa'yong "magaling" ka, lalaki na ulo mo.
Challenge yourself.
Yun ginagawa ng mga sumisikat at tunay na MAY NARARATING.
No comments:
Post a Comment