Nung isang araw nag "Grandparent's Day" I felt sad kasi wala na si Lolo ko. Kakamatay lang ng champion lolo ng Sindalan and he wasn't here to celebrate his day. Ni hindi man lang siya umabot ng kanyang 90th birthday. And he was always looking forward sa araw na yun...
Sikat si lolo ko dito sa may amin dahil sa age niya, mukha pang mas matanda sa kanya ang ibang 60+ year old na lolo. Siya ang pinakamalakas na lolo na nakita ko. He grew up as a farmer and then naging carpenter nung tumanda.
Siya ang gumawa ng bahay namin. Gawa lang sa kahoy ang bahay. But it's around 50 years old na, and never pa itong nasira. Nababadtrip na siguro mga anay ka kakangatngat ng bahay namin pero wala pa rin.
Sa tanda ni lolo, gusto niya siya pa ring ang nagkukumpuni ng sirang stuff sa bahay. Gusto ni Lolo meron siya laging pinupukpok. Ang dami na niyang ginawang upuan. Marami na rin siyang nagawang mga table. In fairness kay lolo, wala pa ring nasisira ni isa sa mga gawa niya. He's a lot better than most carpenters. Or, maybe hindi siya better. Sadya lang talagang pinapababa ng karpintero quality ng trabaho niya para tatawagin mo siya ulit para magpagawa. Parang Nike shoes lang. After 2 years nasisira na lang bigla.
Nadaanan din ni Lolo ang iba ibang gyera. Ang pinakahate niyang nakalaban ng Pinas ay mga Hapon. Mahirap ang dinanas ng Pampanga dahil sa mga Hapon. Ni-rape kasi nila mga kababaihan natin, kinuha pagkain at mga ari arian. Nakwento rin ni Lolo na nung panahon ng Hapon, hinuli na lang sila ng kanyang pinsan. Tinali ang kamay at isinabit sila. Tapos, pinagbabaril siya ng mga Hapon. Sa awa ng Diyos, hindi siya tinamaan at ang pinsan niya ay nadaplisan sa kili kili.
Now that's what I call "putok." Dapat gawin na nating alamat yun.
Now that's what I call "putok." Dapat gawin na nating alamat yun.
Tumulong siya sa mga Amerikano nung war effort. Nasa Clark siya at gumagawa ng kung anu-anong mautos ng mga Kano. Minsan daw may nagalit sa kanya dahil hindi niya maintindihan ang english. Tinawag siyang "bobo." Putanginang Kano yan, ano eexpect mo sa isang third world country. Si Lolo grade 3 lang natapos at hindi pa uso nun ang english sa pag-aaral. Si G.I. Joe ang tunay na bobo. Magsama sama kayo nina Jayson Soriano.
English kasi language of the learned your shit.
English kasi language of the learned your shit.
Adik si Lolo sa color na sky blue. Kulay ng walls namin sky blue, bubong sky blue, kitchen sky blue, chairs and tables sky blue, banyo sky blue, bike nya sky blue, stairs sky blue... tska white. Ang stairs ang kaisa isang piece na bahay na pinintura niya na may kasamang white. At pinintura niya ito this year. Si lolo talaga ang lakas magjoke, parang sementeryo lang bahay namin. Dapat ata mapadalas pagbisita ko sa memorial park.
Speaking of memorial park, Lolo always wanted na mailibing sa Sindalan Memorial Park. Nanay niya kasi nakalibing sa Calulut, dun sa pang mahirap na libingan. He knows gaano kahirap ang pagmaintain ng place. Every November kasi naglilinis kami ang nagpipintura sa sementeryo. Tuwing uuwi ako, sobrang dumi ko dahil mga paksyet naming neighbors, tinatapon nila ang talahib at kung anu ano pang shit dun sa bakanteng lupa namin! Tapos, susunugin pa pero alam naman nilang basa pa. Kaya it leaves uling na lang at same shit, na ako rin ang maglilinis. Tapos magpipintura ka ng puti, pagdating ng November 1 may mga bakas na ng paa pinintura mo.
Ayaw na ni Lolo na naglilinis ako ng ganun. Matagal ng nagpapabili si Lolo ng lupa sa Sindalan Memorial Park. At nung makabili kami at ma-visit ang lugar, nagjoke na naman si Lolo, "Malapit na lang ako d'yan." Lahat kami tumawa. Ang lakas pa ni Lolo eh.
Lolo, nakakainis ka. Dapat di ka na nagjoke ng ganun.
Miss ko ng nakikita si Lolo na umaakyat ng bubong para kumuha ng bayabas. Natatakot akong mahulog siya pero never naman siyang nahulog. Hindi ko siya binabawalan, si mama na bahala dun. Pero matigas ulo ni Lolo. Pag umakyat si Lolo, lahat ng kapitbahay nabibigyan ng bayabas. Lahat ang ulam "bulanglang."
Miss ko na ring nakikitang nagbabike si Lolo. Madalas sa umaga diretso siya sa nagtitinda ng dyaryo. At, binabasa niya ay mga tabloid. Madalas hawak niya "Tiktik."Kahit matanda na si Lolo, mahilig pa rin. Parang kapag tanghali lang. Ililipat niya ng sa channel 2 okaya 7. Pinapanood niya mga noon time shows kasi nakakatuwa daw. Sabi niya "malaki pekpek." Sayang, Ms. Universe pa naman ngayon Lolo. Dami pekpek today. Pero mas maganda siguro tv mo sa langit no? You already!
In a way, isa si Lolo sa malaking influence sa buhay ko. Nung bata ako, pinapakin niya ako ng sili. Sabi kasi niya, kapag kumain ako ng sili magiging macho ako at popogi ako. Simula nun, lagi nakong bumibili ng mani at lagi kong pinapalagyan ng maraming sili. Pinapapak ko ang sili. Hanggang ngayon mahilig pa rin ako sa maanghang tska.. Mani. Machong macho na'ko ngayon, poging pogi pa.
I don't know about you guys pero ako lumaki ako sa bahay ni Lolo. I've always had a close relationship with him. Nung baby pa'ko, dahil wala akong tatay, sa kanya ako laging sumusunod. Akala nga nila, buntot ako ni Lolo. There we're times na I took him for granted. Sana I spent more time with him ngayong tumanda na ako. I know he's so proud of me and I sa kanya. I just hope he stayed a bit longer para magcelebrate ng 90th birthday niya. Okaya, hinintay niya na sanang magkaroon ako ng anak. Manonood sana kami ng noon time shows at makakakita kami ng "malaking pekpek." Tapos, magpapapak kami ng sili...
Hayz.. I miss my Lolo.
No comments:
Post a Comment