Hopefully Ngayong Nandito Ka sa Blog ko, Hindi Ka Nawawala. ^_^

Please don't forget to subscribe to my blog para pag may post ako automatic makikita nyo. Feel free to share my blog sa Facebook, Twitter, Google+ or any other social media.

Salamas!

Monday, September 12, 2011

Gaano Karaming Pera ang Dapat Kong Tinatabi?


Save Na You?
Hindi pwedeng magtipid ka na lang forever. 

Wala kang mapapala kung ilalagay mo lang ang pera mo sa isang tabi. Kaya ka nga nag-iipon para may mapaggagamitan ka nito in the future di ba? Simple lang naman yon.

May gusto ka bang bagong sapatos? Bagong Celphone? Bagong damit? Bagong bag? Bagong laro? Bagong Girlfriend? Bagong Mukha? Gusto mo ng bilhin pero nagdadalawang isip ka pa. Or, gusto mo ng bilhin at bibilhin mo na talaga.

Mag-isip isip ka muna.

Ang tanong kasi eh, "Magkano dapat ang tinitipid? Magkano ang dapat iniipon? Magkano ang dapat ginagastos?"

Ang perang pwede mong gastusin ngayon, maaari mong gamitin sa ibang future gastos. Kung may ginasta ka ngayon, hindi mo na pwede gamitin ang perang pinanggasta mo sa ibang bagay.

Marami rami na rin akong nabasa about sa tamang pag-gasta. Merong nagsasabi, 50% ng kita mo dapat napupunta sa basic needs, 20% pambayad utang, 20% wants at 10% ipon. Syempre, pwede mong iba ibahin yan. Depende na rin kung ano ang goal mo. US setting to. Sa kanila mahilig silang gumamit ng credit card tsaka mga loan. Mga Pinoy takot umutang eh. Usually ang mga mahilig umutang sa'tin di rin mahilig magbayad. ^_^ Okya nakakatikim lang nag credit card, gasta ng gasta hanggang di na kayang bayaran, bigla na lang nawawalang parang bula.

Kung maghahanap hanap kayong article about Henry Sy, nung kabataan niya ang ratio niya ay 10% basic needs 90% ipon. Idol! Sa current situation ko, hindi to magiging posible sa'kin. 

Kung di kayo mahilig magcompute ng ratio, pwede nyong gayahin ang ginagawa ko. Basta na lang ako nagtatabi agad ng pera mula sa sweldo ko every kinsenas. Say 500 or 1000 tapos magtitira lang ako ng sakto hanggang next kinsenas. This way, hindi nako magpapakahirap magcompute pa ng mga ratio para malaman ko kung magkano ang gagastusin ko, magkano iipunin ko etc.

Hindi OC ang style ko. But it works for me. Gusto ko kasi simple lang para hindi ako mahirapan. Pag nahihirapan ka rin kasi minsan, dun yung point na tinatamad ka na. 

Hindi mo kailangang magfocus sa details agad. Kailangan mong magfocus kung paano magtutuluy tuloy ang ginagawa mo. Magsimula ka sa paunti unti. Pag nakakita ka ng style that works for you, improve mo na lang. Hopefully, maseshare mo rin sa iba. Malay mo makakatulong din ito sa kanila.

Then tell me, what works for you.
Save na us!



No comments:

Post a Comment