Hopefully Ngayong Nandito Ka sa Blog ko, Hindi Ka Nawawala. ^_^

Please don't forget to subscribe to my blog para pag may post ako automatic makikita nyo. Feel free to share my blog sa Facebook, Twitter, Google+ or any other social media.

Salamas!
Showing posts with label simpleng buhay. Show all posts
Showing posts with label simpleng buhay. Show all posts

Monday, January 2, 2017

Inggit

Nung bata ako, kung anong meron ang mga kaibigan ko na wala ako.. kinaiinggitan ko. May kakaiba silang laruan, naiinggit ako. Mas maganda ang mga laruan ko, original . 'Yung kanila, fake. Pero naiinggit pa din ako. May sungki ang friend ko, inggit ako. Kahit ano na lang kinaiinggitan ko. Kahit na I almost always had something better, it felt like my friends were always happier. 

Pero ngayong tumanda na'ko at nag-mature (ng konti), hindi na'ko naiinggit kung meron man ang kaibigan ko. Naisip ko na siguro hindi sapat ang meron ka para maging masaya. Nasa iyo lang talaga kung paano ka magiging masaya. Kapag successful ang kaibigan ko sa trabaho niya, natutuwa ako para sa kanya. Kapag lumalago ang business ng kaibigan ko, masaya ako. Tapos na'ko sa stage na kapag meron ang iba ng mga bagay na wala ako, gusto ko na rin ng ganun. Finally, I realized na hindi ko kailangang magkaroon ng kung ano mang meron ang iba. Natuto na'kong makuntento. 

Dati habang tinatanong kami isa isa ng mga boss naming Amerikano kung saan namin gustong makapag travel. Merong nagsabi ng Alaska, tumawa sila. Wala naman daw meron dun kung hindi snow. Merong nagsabi ng mga lugar sa US, tumawa sila. Hindi naman daw ganun kaganda sa US. Merong nagsabi sa Paris, ayun! Maganda daw dun. Merong nagsabi sa Canada, tumawa sila. Ganun din, puro snow lang daw sa Canada. Sobrang lamig daw. Nagcomment sila sa mga gusto nilang mapuntahan someday kasi daw sobrang ganda, sobrang saya, sobrang kung anu anong shit. May mga lugar na hindi sila nag agree sa isa't isa. Pagdating sa'kin wala akong masagot. Sabi ko I haven't thought about travelling at all. Sabi ko happy na'ko sa Pilipinas. 

Lalo silang tumawa. 

Pag naiisip ko na ang nangyari dati natatawa na lang ako. 

Tinatawanan nila ako dahil wala akong pangarap na mapuntahan. Tinatawanan ko sila dahil it seems like, kahit kelan hindi sila magiging masaya. 

Saturday, July 5, 2014

Trabaho

Gagawa ka na rin lang ng desisyon, gawin mo ng tama sa umpisa pa lang.

May taong naghahanap ng kahit anong trabaho para sa sweldo. 

Hindi ako yun. 


Oo, inaamin ko natagalan ako sa paghahanap ng trabaho. Hindi naman sa tamad o maarte ako. In truth, madali lang makakuha ng trabaho. Ang dami dami ngang job opening e. Pero wag na wag naman sanang isipin ng iba na hindi ako naghahanap. Lalung lalo namang hindi ako tambay. 

Hindi lahat ng walang trabaho tamad. Meron ding naghihintay lang muna. 

To tell you honestly. Gusto kong magtrabaho sa Gobyerno. Kaya nga hindi ako nag-abroad para gamitin ko yung skills ko dito sa bansa ko. Ayaw kong magtrabaho sa ibang bansa. Gusto ko yung lahat ng tax ko napupunta sa sambayanang Pilipinas. Gusto ko, yung goods na binibili ko hanggat maari, galing ng Pinas. Gusto ko, manilbihan ako. 

Yun lang, it's either matagal tumawag ang mga ahensya ng Gobyerno, walang bakante o may kamag-anak na silang pinasok bago pa ako (Tangina this!).

Yep. Nakakainis. 

Pero hindi yun dahilan para tanggapin ko ang kahit anong trabaho. Namimili din ako ng papasuakn ko. Kahit na sabihin na nating naghihirap na'ko. 

Bakit? Kasi gusto kong magtrabaho sa isang kumpanyang mamahalin ko. Gusto kong mapunta sa isang trabahong gigising ako araw araw ng masaya. 

Ayaw kong gumaya dun sa mga taong araw araw parang parusa ang trabaho nila. 

Ayaw kong gumaya dun sa mga taong ang daming dada wala namang gawa. 
Ayaw kong gumaya dun sa mga taong tinitiis pagmumukha ng putanginang amo nila dahil wala na silang maisip na ibang trabaho.

Hindi ko naman sinasabing mali sila.

Ang sinasabi ko lang, gusto kong mapunta sa isang lugar na hindi ko pagsisisihan. 

Ang hirap kasi nung hinusgahan ako na kesyo wala akong trabaho wala na akong pangarap sa buhay.
Ang hirap sa inyo ang dali niyong maghusga. Ang gagaling niyo kasi e.  

Mali ba yung naghintay ako para piliin ko yung trabahong mamahalin ko?

May trabaho na ako ngayon at masaya ako. 

Hindi ako tinatablan ng Monday sickness. Nuff said.



 
Siya na ang happy.

Monday, November 4, 2013

Paano Mag-Reflect?

May nabasa ako recently na para daw makapag-reflect ka, sulatan mo ang sarili mo today sa perspective na sarili mo half of your age now. 28 na ako ngayon so that makes my 14 year old self the writer ng unang letter. And then, magrereply ang 28 year old me kay 14-year old na ako. It did make me both sad and happy sa mga nagawa ko sa buhay. I hope you guys do the same thing. It enlightened me. Here goes my own letters!
 
 
Dear Elnel,

Ang hirap mag-isip kung ano ang itatawag ko sa'yo. Ang mga kaclose natin "Noy" ang tawag sa'tin, yung sa school "Elnel," yung ibang nabubulol sa Elnel ang tawag nila sa'tin "Andrew." Pero minsan nahihiya ako sa pangalang "Noy" kasi parang jologs. Paglaki ko kaya mahihiya pa rin ako? Gusto kong magkaroon ng maraming maraming kaibigan!

Andami nating pangarap. Sana maging doctor nga ako/tayo. Gusto ko ring yumaman. Gusto kong magkaroon ng magandang trabaho para makatulong sa mahihirap. Sana, marami ring magkagustong babae sa'kin. Sana ang una kong girlfriend siya na rin ang huli. Gagawin ko siyang prinsesa. Siya lang ang magiging babae sa buhay ko (well, siyempre iba yung love kay Mama). Gusto kong mabili lahat ng gusto ko. Ang liit kasi ng baon ko. Sana makahanap ng magandang trabaho si mama para tumaas baon ko. 

May mga crush akong girls kaso hindi ko sila maligawan kasi mahirap lang ako. Ang mga babae gusto nila mga gift kasi tingin nila sweet 'yun. Gusto kong maging sweet. I'll have to stick with niloloko na lang sila para pansinin nila ako. Shy type kasi ako e. Dana.. I wonder how it feels like to get the first kiss. ^_^ Palagi na lang pantasya..

Gusto kong matutong tumugtog ng musical instrument. Nakakabana ang marunong tumugtog. Tapos ang lakas din sa chix. Hehe.

I'm starting to like not studying at all. Pinudpod ako ni Mama and Tita sa pag-aaral nung elementary. Now I hate studying. I love copying homework. Badtrip pag palagi kang may homework, kumokopya lang mga kaklase. Mga asa sila. Parang mas masaya ang ikaw ang umaasa. Mukha silang walang problema sa buhay eh. Masaya rin pala ang mag-cutting classes. Siguro nga ang pinakamasayang part ng school life e high school life. I love Pampanga High School!

Ang sarap makipagkopyahan sa quiz at exam. Hindi ko na kailangang mag-aral ng pagkadami dami. Pag sinasabi naming magrereview kami, nanonood lang kami ng bold. Ang sarap manood ng bold. Naiinggit ako sa mga kaklase ko kasi may mga VHS player sila tapos naka-cable tv pa. Hindi ako gaanong makarelate sa mga kinukwento nilang mga palabas. Buti na lang mabait sila at fine-friend pa rin nila ako. 

Kahit most of my classmates are good friends. Yung best friend ko nung 1st year high school iniwasan niya na ako. Sabi niya mayabang kasi ako at lagi akong naghahanap ng fault sa iba. Narealize ko tama siya. Nung elementary kasi, para matanggap ako ng mga kaklase ko, pinagtitripan ko ang ibang tao para mas magmukha akong nakatataas sa iba. Sad ako kasi nawala best friend ko. Happy ako kasi may natutuhan akong bago. Susubukan kong magbago. 

Ang hirap gawing straight ng buhok. Naiinggit ako sa mga classmates kong Keempee ang hair. Tae, ba't kasi pinanganak akong kulot? Medyo nalalagas na rin buhok ko ata. Natatakot akong maging kamukha ni Papa. Matabang kalbo. 

Ang galing pumorma ng mga kaklase ko. Nung isang araw pinagtawanan ako kasi maiksi ang pantalon ko. Kasali na siguro yun sa mga most embarrassing moments ko. Ba't kasi nakikinig ako kay mama about sa kung ano dapat isuot. Sana paglaki ko, magaling na'kong pumorma. Para hindi ako pagtatawanan..

Sana mag-aral ako sa UP Diliman. Dun nag-aral si Tito. Idol ko yun e. Halimaw sa talino. Andaming kwento ni Mama about kay Tito. Si Tito ang hero ko. Sana maging magaling din ako. Siguro kapag dun ako nag-aral malaki sweldo ko pagka-graduate. 

Sana yumaman ako. 

Regards, 
Elnel




Dear Noy,

Huwag ka ng mag-alala kung anong itatawag sa'yo ng iba. Ang mahalaga, nirerespeto ka nila. Paglaki mo, "Noy" pa rin ang itatawag ng mga malalapit sa'yo. Madadagdagan pa ang mga nickname mo like Papa Noy, chikinito, Playboy etc. Magiging teacher ka rin kaya kung anu ano rin itatawag sa'yo ng mga estudyante mo. Huwag kang mangarap ng maraming kaibigan. Minsan, ang mga tao tatawagin ka nilang "kaibigan" pero tatraydurin ka rin. Humanap ka na lang ng konting kaibigan at ituring mo silang lahat ng mabuti. Yun lang ang kailangan mo. Hindi mo kailangan ng marami, mauubusan kang oras para tratuhin sila ng mabuti tapos tatraydurin ka pa ng iba. Focus sa konti. Quality over quantity. 

Unfortunately hindi ka magiging doktor. Tatalon ka from one work to another. Wala kang pasensya. Marami kang ambisyon. Magbubukas ka rin ng kung anu anong business. So far, wala kapang business na tinagalan. Magiging teacher ka din. Maraming babae ang magkakagusto sa'yo. Puro estudyante. Hahaha. Ngayong high school medyo may mga magkakagusto sa'yo sa 3rd year pero dadami yan sobra pagdating ng 4th year. Buti na lang pumasa ka sa Special Science Class (SSC). Chick magnet ang mga senior high na SSC. Tapos magiging officer ka ng Senior Scout. Chick magnet din mga officers ng Senior Scout. Sinwerte ka lang gago. Malaki ulo mo pagdating ng 4th year. Pagsisisihan mo yun.  

Ang una mong magiging girlfriend hindi mo man lang mahahalikan sa labi ngayong high school. Mahahalikan mo lang yun sa lips n'ya pagdating ng college. Walang mangyayari sa relationship niyo kundi friendship lang. Hindi mo siya mapapakasalana, which is a good thing. Maya't maya kokontakin ka niya pag namimiss ka niya or may problema. Magiging ideal guy ka niya forever pero never din na magiging kayo ulit. Ang una mong mahahalikan sa labi ay isang pokpok. Bobo mo kasi e. Bahala ka ng mag-isip kung paano mo makukuha yun. 

Halos lahat ng magiging girlfriend mo ituturing mong prinsesa. Pero, hindi lahat ng itinuturing na prinsesa, deserving. Tandaan mo yan. Para hindi ka masaktan sobra. Maraming beses kang masasaktan. Actually, kahit today wala pa akong asawa. Hindi ko rin alam baka masyado akong perfectionist o malas lang talaga sa pag-ibig. Lolokohin ka ng mga kaibigan mo, tuwing may okasyon daw, palaging iba pinapakilala mo. 

Huwag mong isipin masyado na gustong gusto ng mga babae ang mga regalo. Although totoo yun, hindi lang yun ang paraan para mapansin ka nila. Huwag mo na rin silang lokohin palagi, masyado kang obvious bobo. Madali lang magka-girlfriend. Mahirap maghanap ng life partner. Sasabihin mo palagi na easy to get ka. Mag-ingat sa pakikipag relasyon, kung pwede ligawan mo ng matagal. Kapag ang babae madaling nakuha, madali ring mawala. 

Bibili ka ng gitara. Pero by the time na bibili ka, bibili ka kasi gusto mo talagang matutong tumugtog. Maraming ibang paraan para magkagusto sa'yo ang isang babae. Huwag kang tumugtog ng dahil lang sa babae. 

Aabot kang college na tamad sa pag-aaral. Uunahin mo ang love life. Big mistake. 
Pero marami kang magiging tunay na kaibigan dahil sa pagka-cutting at paggawa ng kung anu anong kalokohan. Marami kang makakasalamuha. In a way may maganda ring kalalabasan yan. Yun nga lang hindi mo mababalance ng mabuti. Too late. 

Hindi maganda yung ikaw ang umaasa. Pangit ang feeling na at the mercy ka ng ibang tao. Mas maganda ikaw na lang nagbibigay. Ibig sabihin mas pinagpala ka. 

Tatanda kang mahilig sa bold. Paglaki mo madali ng makapanood ng bold. Kaso magugulat ka kasi kahit sino pwede ng manood ng bold. Common na lang bold sa panahon ko. Nakakaumay. Magkakaroon din kayo ng cable tv soon, vcd player at land line. Mae-experience mo rin mga yan. Okay din ang magwish paminsan minsan. 

Yung iniwasan ka ng best friend mo, isa sa mga best lessons sa buhay mo. Good job for moving forward. Dadalhin mo yun hanggang mamatay ka. 

Makakalbo ka kaya huwag ka ng magsuklay na magsuklay ng buhok para magstraight. Hindi ka tataba. So hindi ka magiging kalbong mataba. Kalbo lang. Okay na yun. Cute ka naman. Sometimes. 

Hindi ka magiging maporma. In fact, wala ka na ring paki sa suot mo madalas. Maiisip mong kung may magkakagusto man sa'yo, magugustuhan ka nila kasi sa ugali mo. Favorite mong suot ay white t-shirt, shorts at tsinelas. Kung pagtatawanan ka man sa suot mo. Wala kang pakialam sa kanila. Putangina nilang lahat. Puro naman sila porma pero panget naman. Okay na yung pogi pero ndi maporma (sabi ng sariling mong humble pero nagbubuhat ng sariling bangko paminsan). 

Mag-aaral ka sa UP Clark. Magco-cross reg ka lang sa UP Diliman. Hindi lahat ng nag-aaral sa UP yumayaman. Wala sa edukasyon ang pagyaman. Pero dahil siguro sa UP, hindi mo ring papangaraping yumaman ng sobra. Mas gugustuhin mo ang simpleng buhay at makatulong sa kapwa. Mas masaya para sa'yo ang makaimpluwensiya ng ibang tao. Kaya ka nga magiging teacher e. 

Mag-ingat sa mga kwento ng mga tao. Baka maniwala ka na lang pabasta basta. Maging mausisa sa mga bagay na kwento lang ng iba. 

Maraming bagay pa ang mas importante sa pagyaman. Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam lahat ng sagot sa mga gusto mong mangyari. Hanggang ngayon marami pa rin akong hinahanap. I hope 14 years from now, mas maganda na ang mga sagot ko. For now, buhay pa rin tayo at natututo. 

Regards,
Noy

photo taken from www.theleaderstable.org



Saturday, October 26, 2013

Opposites Attract, Likes Repel

Sabi ni Tita Alanis Morissette ang life daw ay IRONIC. 

Sabi nila "opposites attract" but "likes repel" sa Physics.
Sa tao daw ganun din. I object kasi mas naa-attract ako sa kapareho ko. 

Hindi naman tayo nakakakita ng isang taong halos kaugali at kaisip natin. 
You are my one in a million. 

Ni hindi man nga kita pinapansin dati. 
Makulit ka lang talagang magpa-pansin. 
Natatawa na lang ako sa pagpapapansin mo. 
Ikaw yung tipo ng babae na gumaganda lalo habang tumatagal mong kakilala. 
Kakaiba ka kasi.
Astig ka.

Hindi ka natatakot magshare ng kung anu anong istorya sa buhay mo. 
Kahit puno pa ng katangahan ang mga ginawa mo, nakakatuwa ka.
Kasi it takes courage to do that. 
Yung ibang babae masyadong makwento about kagandahan at mga kabutihan nilang nagagawa. 
Ikaw, kumpleto story mo.
May happy, may sad, may funny, may ewan.. Pati horror meron ka. 
Gago ka, nangilabot ako sa kwento mo. 
May sound effect ka pa ngang nalalaman. 
Ganun din naman ako. 
Pero hindi ako ganun kadalas mag-sound effect. 
Baliw ka kasi. 
Ikaw ang "Queen Baliw." 
Kaso ang tawag mo naman sa'kin "King Baliw."

Sabi mo hinding hindi ka nagsisinungaling sa'kin. 
You've been honest sa'kin simula pa nung umpisa.
Ganun din naman ako. 
Nagkakasundo tayo na sasabihin na lang ang totoo kahit na makakasakit kesa magsabi ng kasinungalingan para masaya. 
Kagaguhan ang saya kung puno naman ng kasinungalingan.

Kung makapag hot sauce ka para kang bagyo. Ang lakas ng taktak. 
Akala ko ako lang ang adik sa hot sauce sa mundo. 
At least wala ng tatawa sa'kin at magtatanong kung nalalasahan ko pa ang pizza. 
Mahirap palang kumain tayo ng pizza sa bahay. 
Mag-aagawan tayo sa paubos na pampa-anghang.

Kung tumawa ka wagas.
Para kang snooze alarm, habang tumatagal ang tawa, lalong lumalakas.
Wala kang paki sa mga taong nasa paligid mo.
Pakialam nga ba nila di ba?
Sa'kin okay lang kasi lalaki naman ako.
Ikaw, ewan ko sa'yo. 
Pero every time na ginagawa mo yun lalo lang akong nacu-cutan sa'yo. 

Ang mahirap pareho tayo ng isip.
Minsan magtinginan lang tayo natatawa na tayo.
Alam mo kung anong iniisip ko, alam ko kung anong iniisp mo.
Minsan hindi na kailangan ng tingin. 
Sabay na lang talaga tayong tatawa. 
Minsan iniisip ko baka baliw lang talaga tayo. 
Baka hindi naman talaga nating naiintindihan ang isa't isa. 
Basta na lang tayo natatawa. 

Mga madalas mong sinasabi, nababanggit ko na rin.
At ikaw, ganun ka rin naman. 
Nakaka-adik ka.
Para karing virus.. masyado kang contagious. 

Kapag hawak mo ang kamay ko, pakiramdam ko ayaw mo ng bumitaw.
Minsan tinanong mo na ako, kung pwede kitang iuwi sa bahay.
Kung pwede lang sana.. Dahil pinaka ayaw kong moment natin e yung part na kelangan ko ng sabihin ang "good bye."

Wala kang paki kung anong tingin sa'yo ng iba. 
Basta wala kang nasasaktan. 
Hahaha.. Ganun din naman ako di ba?
Kaso minsan hindi maiwasan, meron at meron tayong natatapakan.

Sabi mo sa'kin napapasaya kita.
Natutuwa ako na ganun din nararamdaman mo. 
Dahil hindi ko alam kung anong sunod na gagawin.
Relasyon nati'y medyo kakaiba din. 

Gusto ko yung hugs and kisses mo. 
Sabi mo gustong gusto mo rin. 
Gusto kong nakakasama kita ng solo.
Sabi mo parang panaginip lang itong lahat.
Gusto kong sabihin na madali lang mahulog sa'yo.
Kaso naunahan mo na ako.. 
Ay naku.. Pareho pala tayong easy to get. 
Putanginang tadhana 'yan...

Sa dinami dami ng pagkakapareho natin. 
Iisa lang ang alam kong pinagkaiba natin. 
Gusto ko ng commitment..










Ikaw naman ayaw mo.. 






At dahil lang dun, nawalan na ng timbang lahat ng pagkaka-pareho natin.

Siguro wala naman talagang "tayo."

Baka nga totoo yung "likes repel..."
Baka..  

Putanginang Physics yan.

Monday, September 12, 2011

Gaano Karaming Pera ang Dapat Kong Tinatabi?


Save Na You?
Hindi pwedeng magtipid ka na lang forever. 

Wala kang mapapala kung ilalagay mo lang ang pera mo sa isang tabi. Kaya ka nga nag-iipon para may mapaggagamitan ka nito in the future di ba? Simple lang naman yon.

May gusto ka bang bagong sapatos? Bagong Celphone? Bagong damit? Bagong bag? Bagong laro? Bagong Girlfriend? Bagong Mukha? Gusto mo ng bilhin pero nagdadalawang isip ka pa. Or, gusto mo ng bilhin at bibilhin mo na talaga.

Mag-isip isip ka muna.

Ang tanong kasi eh, "Magkano dapat ang tinitipid? Magkano ang dapat iniipon? Magkano ang dapat ginagastos?"

Ang perang pwede mong gastusin ngayon, maaari mong gamitin sa ibang future gastos. Kung may ginasta ka ngayon, hindi mo na pwede gamitin ang perang pinanggasta mo sa ibang bagay.

Marami rami na rin akong nabasa about sa tamang pag-gasta. Merong nagsasabi, 50% ng kita mo dapat napupunta sa basic needs, 20% pambayad utang, 20% wants at 10% ipon. Syempre, pwede mong iba ibahin yan. Depende na rin kung ano ang goal mo. US setting to. Sa kanila mahilig silang gumamit ng credit card tsaka mga loan. Mga Pinoy takot umutang eh. Usually ang mga mahilig umutang sa'tin di rin mahilig magbayad. ^_^ Okya nakakatikim lang nag credit card, gasta ng gasta hanggang di na kayang bayaran, bigla na lang nawawalang parang bula.

Kung maghahanap hanap kayong article about Henry Sy, nung kabataan niya ang ratio niya ay 10% basic needs 90% ipon. Idol! Sa current situation ko, hindi to magiging posible sa'kin. 

Kung di kayo mahilig magcompute ng ratio, pwede nyong gayahin ang ginagawa ko. Basta na lang ako nagtatabi agad ng pera mula sa sweldo ko every kinsenas. Say 500 or 1000 tapos magtitira lang ako ng sakto hanggang next kinsenas. This way, hindi nako magpapakahirap magcompute pa ng mga ratio para malaman ko kung magkano ang gagastusin ko, magkano iipunin ko etc.

Hindi OC ang style ko. But it works for me. Gusto ko kasi simple lang para hindi ako mahirapan. Pag nahihirapan ka rin kasi minsan, dun yung point na tinatamad ka na. 

Hindi mo kailangang magfocus sa details agad. Kailangan mong magfocus kung paano magtutuluy tuloy ang ginagawa mo. Magsimula ka sa paunti unti. Pag nakakita ka ng style that works for you, improve mo na lang. Hopefully, maseshare mo rin sa iba. Malay mo makakatulong din ito sa kanila.

Then tell me, what works for you.
Save na us!



Tuesday, August 30, 2011

Buhay ng Isang Simpleng Tao

Bente singko anyos na ako. Gusto kong mag-stuck na lang ako sa bente singko pero ganun din yung ginusto ko noon disiotso ako at taun taon ganun na ang wish ko. Sa October, tatanda na naman ako ng isang taon. Okay lang, mukha pa rin naman akong 18.

Wala akong bisyo. Hindi ako nagsisigarilyo. Never pa nga akong nag-puff. Hindi rin ako umiinom. In fact, allergic ako sa alak. Sa tuwing sasabihin ko yung part na "allergic" ako sa beer nagsisitawanan ang mga taong hindi pa nakakakilala sa'kin. Akala nila nagjojoke ako.


Joke your face.


Hindi ako mayaman. Sa totoo lang marami pa nga akong utang. Sa susunod na Linggo, dadagdag pa ang utang ko kasi enrollment ko na sa Masters. Okay lang umutang, investment ang pag-aaral. Honor na rin yun kasi nag-aaral ako sa number one university ng Pinas, sa
Unibersidad ng Pilipinas! O ha!

Writer ako sa isang SEO company. Araw araw ang pasok. Monday to Friday. Di nga lang 8am-5pm. 3pm to 12 mn ako. Supposedly, panggabi kami. Okay na ang sched ko. Masaya naman kami sa trabaho. Pwede kaming magbreak kahit anong oras namin gusto, kahit ilang beses. Kami kami lang nagluluto ng uulamin kapag lunch (lunch namin eh 7pm). Ako namamalengke. Minsan, ako rin naghuhugas ng plato. Toka toka lang kami sa trabaho.
Sa bahay, mag-isang anak ako.

Nakatira ako sa bahay ng lolo't lola ko. Hiwalay magulang ko, sa nanay ako nakatira. Meron akong Tito at Tita. Si Tito indefinite kung umuwi sa bahay, nagtatrabaho kasi siya sa Maynila, si Tita, umuuwi kapag weekend. Mag-isa rin akong apo.
Ang tipikal na araw ko ay ganito. Gigising ako at ji-jingle. Magtitimpla ng kape pagtapos buksan ang PC. Mag-iinternet ng kung anu anong shit at manonood ng "Face to Face" kapag 10:30 na sa channel 5. Paminsan, nanonood ako ng Eat Bulaga. Nakakatawa kasi eh. The best yan. Kapaksyetan lang ang "Happy Yippie Yehey." Kain ng breakfast habang nood ng tv. Tapos pahinga. Minsan, nagna-nap muna ako bago mag-ayos for work. Inaantok kasi ako minsan pag konti ang tulog. Pag di ako nakatulog, natutulog ako ng 30 minutes after kumain. Pwede naman. Sinasamantala ko rin yung natutulog na naka-aircon. Masarap eh. Walang aircon sa bahay.

Nagmomotor lang ako usually kapag araw ng trabaho. Ang tipid kasi sa gas. Pero ang pinaka malaking naitutulong sakin ng motor eh oras. Kapag nagagamit ko ang motor ko, 30 minutes lang nakakarating na'ko sa trabaho. Max time limit ko pa yun ha. Tapos, nakakauwi rin ako ng maaga. Mahirap kasi ang transpo kapag madaling araw, 24/7 nga ang jip, matatakaw naman. Pag-uwian gusto ng tao, makauwi na't magpahinga. Otherwise, gusto mo lang manood ng bold.

Kapag Sabado nag-aaral ako sa UP Pampanga. Dun ako gumraduate ng college, dun din ako gagraduate ng Masters. Naka-isang sem na ako. Sana maganda ang grades ko. Bago ako magstart mag-Masters sinabi ko sa sarili kong pagbubutihan ko na ang pag-aaral.

As usual, tinamad ako.


Pero
paminsan lang.

Nag-aral din naman ako ng mabuti compared sa performance ko nung college.


Pag Linggo, nagsisimba ako. Hindi ko na maalala ang huling araw na namiss ko ang pagsisimba. Pwera na lang nung sinugod namin si Lolo sa ospital, hindi ko na talaga maalala ang huli namiss ko ang misa. Mahalaga ang pagsisimba. Kung magpapalakas ka man sa isang nilalang, wag sa kurakot, wag sa Government Official, tumakbo ka kay Lord. Hinding hindi ka Niya pababayaan. At siyempre, tatapusin ko ang post ko sa pangarap ng isang simpleng taong katulad ko. Gusto kong yumaman, para makatulong sa ibang tao. Gusto kong magkaroon ng magandang buhay ang future pamilya ko. Ayaw kong magutom sila. Higit sa lahat, gusto kong maging mabuting tao sila.

Yun lang.

Isa na naman ako sa milyong Pinoy na gustong gumanda ang buhay. Pero isa ako sa iilan na gagawa ng paraan para gumanda ang buhay ko ng hindi mag-aabroad dahil "no choice" dun lang ang swerte, na aapak ng kapwa para makuha ang pansariling kapakanan, magpapakasosyal para magkaroon ng "sosyla" friends, na magnanakaw.

May iba pang paraan.