Gagawa ka na rin lang ng desisyon, gawin mo ng tama sa umpisa pa lang. |
May taong naghahanap ng kahit anong trabaho para sa sweldo.
Hindi ako yun.
Oo, inaamin ko natagalan ako sa paghahanap ng trabaho. Hindi naman sa tamad o maarte ako. In truth, madali lang makakuha ng trabaho. Ang dami dami ngang job opening e. Pero wag na wag naman sanang isipin ng iba na hindi ako naghahanap. Lalung lalo namang hindi ako tambay.
Hindi lahat ng walang trabaho tamad. Meron ding naghihintay lang muna.
To tell you honestly. Gusto kong magtrabaho sa Gobyerno. Kaya nga hindi ako nag-abroad para gamitin ko yung skills ko dito sa bansa ko. Ayaw kong magtrabaho sa ibang bansa. Gusto ko yung lahat ng tax ko napupunta sa sambayanang Pilipinas. Gusto ko, yung goods na binibili ko hanggat maari, galing ng Pinas. Gusto ko, manilbihan ako.
Yun lang, it's either matagal tumawag ang mga ahensya ng Gobyerno, walang bakante o may kamag-anak na silang pinasok bago pa ako (Tangina this!).
Yep. Nakakainis.
Pero hindi yun dahilan para tanggapin ko ang kahit anong trabaho. Namimili din ako ng papasuakn ko. Kahit na sabihin na nating naghihirap na'ko.
Bakit? Kasi gusto kong magtrabaho sa isang kumpanyang mamahalin ko. Gusto kong mapunta sa isang trabahong gigising ako araw araw ng masaya.
Ayaw kong gumaya dun sa mga taong araw araw parang parusa ang trabaho nila.
Ayaw kong gumaya dun sa mga taong ang daming dada wala namang gawa.
Ayaw kong gumaya dun sa mga taong tinitiis pagmumukha ng putanginang amo nila dahil wala na silang maisip na ibang trabaho.
Hindi ko naman sinasabing mali sila.
Ang sinasabi ko lang, gusto kong mapunta sa isang lugar na hindi ko pagsisisihan.
Ang hirap kasi nung hinusgahan ako na kesyo wala akong trabaho wala na akong pangarap sa buhay.
Ang hirap sa inyo ang dali niyong maghusga. Ang gagaling niyo kasi e.
Mali ba yung naghintay ako para piliin ko yung trabahong mamahalin ko?
May trabaho na ako ngayon at masaya ako.
Hindi ako tinatablan ng Monday sickness. Nuff said.
Siya na ang happy.
No comments:
Post a Comment