Nung isang araw, nagsabi si Muti-Millionaire Uncle na dadaan siya ng bahay. Nagrequest siya ng beer. And, kami namang masunurin, bumili kami ng beer. Alam ko specifics na gusto ni Muti-Millionaire Uncle. Anim na malamig na malamig na San Mig Light. Very particular si Uncle. Kapag umaga, dapat meron siyang kape galing McDo. Kapag makikipagkita ka sa kanya, magbaon ka dapat ng either brewed coffeee ng McDo or San Mig Light. Anyway, kapag bumili ka ng beer, 'mpre dapat bumili ka na rin ng pulutan. Bumili kami ng tatlong klase ng pulutan. Kung magse-serve man kami kay Muti-Millionaire Uncle, dapat lubus lubos na.
Pero hindi kami super serve kay Uncle dahil lang mayaman siya. Sobrang laki ng utang na loob namin sa kanya. Siya ang takbuhan namin kapag nangangailangan kami ng pera. Nung ma-operahan si Lolo and Uncle ko, sa kanya kami tumakbo para umutang. Hindi siya nagtanong kung kelan kami magbabayad, ang tanong niya lang ay "Magkano?" at "Sapat na nga ba yan?" Ang liit na pabor 'yung bibili kami ng beer, kape o pulutan. Medyo natatagalan din ang bayad namin sa utang. And tuwing magbabayad kami, nagugulat siya kasi nakalimutan niya na daw 'yun. Madalas ayaw niya ng tanggapin ang bayad. Kapag nag-iinsist kami, kalahati na lang kinukuha niya. Swerte niya daw yung pagtulong sa'min. Masaya siya kapag tinutulungan niya kami.
Siya din nagbigay ng kotse sa'kin dati.
Simple lang si Muti-Millionaire Uncle. Ang lagi niyang suot e plain white t-shirt na Hanes, shorts at tsinelas. Tapos may dala siyang white towel palagi. Dati "Good Morning" lang tatak nun. Ngayon naka "Lacoste" na siya. Regalo daw sa kanya.. Natatawa ako sa tuwing ikukwento ng driver niya na pinagkakamalan daw siya ng boss at driver si uncle.
Just to give you an idea kung gaano siya kayaman. Na-share niya (nung medyo lasing na) na ang kinikita niya buwan buwan ay nasa dalawang milyon na. Galing daw sa renta ng properties niya. Sa properties niya yun ha, hindi yun ang main business niya. Ang business niya ay sa construction.. So, ang kinikita niya 2M, ON THE SIDE palang yun.
Nakakatuwa kwentuhan nila nina Mama. Nakwento ni Muti-Millionaire Uncle nung bata pa sila. Kung anu ano daw nire-repack nila para mabenta sa Maynila. Ang pagkain, isang pirasong scrambled egg na hinati sa apat. Tag-isa silang magkakapatid. Tawang tawa ako habang kinukumpas ni Uncle ang kamay, ginagaya kung paano hatiin ng nanay niya ang scrambled egg. Dinaan nila sa sipag at tyaga ang pagyaman daw.
Pero sa susunod kong sasabihin dun talaga ako napaisip. Tingin ko yumaman si uncle dahil dito..
Nun daw high school si Uncle, niyaya siyang magtanan nung girlfriend niya. Yun o. Chance na sa unli jerjer. Kapag high school ka sobrang mapusok ka pa di ba? But guess what, tinanggihan siya ni Uncle. Sabi ni Uncle "Paano na kinabukasan natin? Hindi na dapat maranasan mga magiging anak natin ang dinanas nating kahirapan."
I think that explains everything. Inuna ni Muti-Millionaire Uncle ang future niya kesa sa present. Fast forward ngayon, nag-high school reunion daw sila and nakita niya ang ex niya. Losyang na at sobrang taba. Si Uncle, hindi pa rin daw tumatanda sabi ng ex niya. Kwento ni Uncle, hindi niya ma-imagine na magiging asawa niya yung ex niya sa lagay niya ngayon. Sobrang taba daw talaga e.
Magsakripisyo muna ngayon, magfocus sa career.. 'Pag mayaman ka na, dun mo na gawin lahat ng gusto mo.
Tama ang ginawa ni Muti-Millionaire Uncle dahil priority niya ang pagpapayaman.
But what if pinili niyang makipagtanan? Mali ba 'yun? Siguro kasi hindi niya priority ang love life. But who knows? Baka lalo siyang nagpursigi para sa pamilya niya.
Etong huli kong girlfriend, siya yung kaisa isang girlfriend na nakonsider kong pakasalan at maging nanay ng mga magiging anak ko. Last week, na excite pa nga ako kasi delayed siya ng 2 weeks. Akala ko magiging tatay na'ko. Nagregla na siya a few days ago.
Kaka-break lang namin ng girlfriend ko kanina due to some major differences. I wonder kung tama ang nangyari. Hindi ko na priority ang pagpapayaman. Gusto ko lang ng masaya at simpleng pamilya.
Putanginang pag-ibig yan.
Ito ang blog ng mga taong gustong maging simple ang buhay. Hindi kailangang maging kumplikado ang lahat. Ang lahat ng bagay ay magagawa mo.. Magpasimple ka lang. ^_^
Hopefully Ngayong Nandito Ka sa Blog ko, Hindi Ka Nawawala. ^_^
Please don't forget to subscribe to my blog para pag may post ako automatic makikita nyo. Feel free to share my blog sa Facebook, Twitter, Google+ or any other social media.
Salamas!
Salamas!
Saturday, August 2, 2014
Paano Yumaman: Conversations with a Millionaire Uncle
Labels:
paano yumaman,
simpleng pagpapayaman
Location:
San Fernando, Philippines
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment