Hopefully Ngayong Nandito Ka sa Blog ko, Hindi Ka Nawawala. ^_^

Please don't forget to subscribe to my blog para pag may post ako automatic makikita nyo. Feel free to share my blog sa Facebook, Twitter, Google+ or any other social media.

Salamas!
Showing posts with label simpleng pagpapayaman. Show all posts
Showing posts with label simpleng pagpapayaman. Show all posts

Saturday, August 2, 2014

Paano Yumaman: Conversations with a Millionaire Uncle

Nung isang araw, nagsabi si Muti-Millionaire Uncle na dadaan siya ng bahay. Nagrequest siya ng beer. And, kami namang masunurin, bumili kami ng beer. Alam ko specifics na gusto ni Muti-Millionaire Uncle. Anim na malamig na malamig na San Mig Light. Very particular si Uncle. Kapag umaga, dapat meron siyang kape galing McDo. Kapag makikipagkita ka sa kanya, magbaon ka dapat ng either brewed coffeee ng McDo or San Mig Light. Anyway, kapag bumili ka ng beer, 'mpre dapat bumili ka na rin ng pulutan. Bumili kami ng tatlong klase ng pulutan. Kung magse-serve man kami kay Muti-Millionaire Uncle, dapat lubus lubos na. 

Pero hindi kami super serve kay Uncle dahil lang mayaman siya. Sobrang laki ng utang na loob namin sa kanya. Siya ang takbuhan namin kapag nangangailangan kami ng pera. Nung ma-operahan si Lolo and Uncle ko, sa kanya kami tumakbo para umutang. Hindi siya nagtanong kung kelan kami magbabayad, ang tanong niya lang ay "Magkano?" at "Sapat na nga ba yan?" Ang liit na pabor 'yung bibili kami ng beer, kape o pulutan. Medyo natatagalan din ang bayad namin sa utang. And tuwing magbabayad kami, nagugulat siya kasi nakalimutan niya na daw 'yun. Madalas ayaw niya ng tanggapin ang bayad. Kapag nag-iinsist kami, kalahati na lang kinukuha niya. Swerte niya daw yung pagtulong sa'min. Masaya siya kapag tinutulungan niya kami.

Siya din nagbigay ng kotse sa'kin dati. 

Simple lang si Muti-Millionaire Uncle. Ang lagi niyang suot e plain white t-shirt na Hanes, shorts at tsinelas. Tapos may dala siyang white towel palagi. Dati "Good Morning" lang tatak nun. Ngayon naka "Lacoste" na siya. Regalo daw sa kanya.. Natatawa ako sa tuwing ikukwento ng driver niya na pinagkakamalan daw siya ng boss at driver si uncle. 

Just to give you an idea kung gaano siya kayaman. Na-share niya (nung medyo lasing na) na ang kinikita niya buwan buwan ay nasa dalawang milyon na. Galing daw sa renta ng properties niya. Sa properties niya yun ha, hindi yun ang main business niya. Ang business niya ay sa construction.. So, ang kinikita niya 2M, ON THE SIDE palang yun. 


Nakakatuwa kwentuhan nila nina Mama. Nakwento ni Muti-Millionaire Uncle nung bata pa sila. Kung anu ano daw nire-repack nila para mabenta sa Maynila. Ang pagkain, isang pirasong scrambled egg na hinati sa apat. Tag-isa silang magkakapatid. Tawang tawa ako habang kinukumpas ni Uncle ang kamay, ginagaya kung paano hatiin ng nanay niya ang scrambled egg. Dinaan nila sa sipag at tyaga ang pagyaman daw. 

Pero sa susunod kong sasabihin dun talaga ako napaisip. Tingin ko yumaman si uncle dahil dito..

Nun daw high school si Uncle, niyaya siyang magtanan nung girlfriend niya. Yun o. Chance na sa unli jerjer. Kapag high school ka sobrang mapusok ka pa di ba? But guess what, tinanggihan siya ni Uncle. Sabi ni Uncle "Paano na kinabukasan natin? Hindi na dapat maranasan mga magiging anak natin ang dinanas nating kahirapan." 

I think that explains everything. Inuna ni Muti-Millionaire Uncle ang future niya kesa sa present. Fast forward ngayon, nag-high school reunion daw sila and nakita niya ang ex niya. Losyang na at sobrang taba. Si Uncle, hindi pa rin daw tumatanda sabi ng ex niya. Kwento ni Uncle, hindi niya ma-imagine na magiging asawa niya yung ex niya sa lagay niya ngayon. Sobrang taba daw talaga e. 

Magsakripisyo muna ngayon, magfocus sa career.. 'Pag mayaman ka na, dun mo na gawin lahat ng gusto mo. 

Tama ang ginawa ni Muti-Millionaire Uncle dahil priority niya ang pagpapayaman. 

But what if pinili niyang makipagtanan? Mali ba 'yun? Siguro kasi hindi niya priority ang love life. But who knows? Baka lalo siyang nagpursigi para sa pamilya niya. 

Etong huli kong girlfriend, siya yung kaisa isang girlfriend na nakonsider kong pakasalan at maging nanay ng mga magiging anak ko. Last week, na excite pa nga ako kasi delayed siya ng 2 weeks. Akala ko magiging tatay na'ko. Nagregla na siya a few days ago.   

Kaka-break lang namin ng girlfriend ko kanina due to some major differences. I wonder kung tama ang nangyari. Hindi ko na priority ang pagpapayaman. Gusto ko lang ng masaya at simpleng pamilya. 

Putanginang pag-ibig yan.   

Wednesday, April 10, 2013

Paano Yumaman: Mangutang Para Yumaman

 
Nung high school ako, laking tawa ko nung makaipon ang kaibigan kong si Aldwin ng 3990. At, dahil kulang ng sampung piso ang pera niya para maging 4,000, nanghiram siya ng sampung piso. ^_^

Wahehe.. 

Now I know mahirap ang ganung sitwasyon na meron kang false sense of accomplishment. Hindi ko na idi-discuss kung bakit.

Maibalik ko lang sa totoong topic ng blogpost ko ngayon. Paano ka nga naman ba mangutang para yumaman? Sa mga businessmen, mani na ito kaya hindi na nila ito kailangang basahin pa. 

Pero sa common na Pinoy, madalas tayong takot mangutang (opcors hindi nawawala ang mga tanginang shit na ang kakapal ng muks na utang ng utang). Ayaw na ayaw nating may utang tayo sa ibang tao. Ako rin ganun. Pero may dawalang point lang ako kung bakit tayo dapat umutang. Una, kailangang kailangan mo ang pera pero wala kang cash ngayon. Pangalawa, kaya ka uutang ay mapapalago mo pa ang perang hihiramin mo. 

Ang pangalawang reason ang dahilan kung bakit mayaman ang iba niyong mga kakilala. Hindi lang sila marunong magpaikot ng pera, marunong silang gumamit ng pera ng ibang tao. Parang buhay lang natin yan, pinahiram ni Lord kaya dapat pagyamanin. It's the same thing sa pangungutang. 

Ang tatay ko ay dealer ng LPG. Kasama siya sa top 5 na nagpapa-refill sa isang station sa Magalang. Nagsimula lang siya sa 5 tangke ng LPG. Nangutang siya ng pamuhunan at pinaikot niya ng pinaikot ang pera. Pagkatapos umutang ng pera, gagamitin niya ito para magparami ng tangke ng LPG. Ang una niyang service ng LPG ay isang motorsiklo lang. And then, nakabili siya ng maliit ng truck and then bumili na naman ng bagong motorsiklo at ang huli, isang mas malaking truck. Meron na sigurong 500 na tangke si daddy after 3 years ng pangungutang at pagpapaikot ng pera. Nakuha niya sa sipag at tyaga pati na rin lakas ng loob sa pag-utang. 

Ang hirap kasi, tayong mga Pinoy nasanay na takot tayo mga utang. We should put away with that thought. Kung alam mong kikita ka naman, edi dapat wala kang ikakatakot. Di ba? Di ba? 

Monday, April 8, 2013

Tipid Tip No. 3: Magtanim ay Magandang Bisyo

 
pic taken from http://dc181.4shared.com/doc/pF_o6qbl/preview.html
Ang lolo ko ay naging isang magsasaka. We used to have all kinds of trees sa bahay. Meron kaming buko, guyabano, atis, bayabas, papaya, saging, avocado, malunggay etc. Hindi ganoon kalaki ang lupa namin pero sure ako kung mas malaki mas marami kaming mga puno. Nagtanim din si lolo ng mga kamote, ube, talbos ng kamote, pako, pandan, sili, kalabasa. 

Nung isang araw, may nanghingi sa amin ng dahon pandan. Meron kami kasing katabing bagong tayong karinderya. Ayun, bumalik sa amin may dalang ulam for giving them pandan. 

Hindi naman mahirap magtanim ng halaman. Contrary sa popular belief na mahirap maghalaman, may mga halaman ang hindi kailangan ng sobrang tinding maintenance. Tulad na lang nung pandan, wala man kaming ginagawa sa pandan. Basta palaging nadidilig sila okay na yun! 

But wait, kung dinidiligan ang mga pandan, edi ma-trabaho?

Hindi rin. Ang tubig sa lababo namin, walang drainage na pinupuntahan. Diretso ang tubig na yun papunta sa backyard. Papunta sa mga pandan. ^_^ The same thing goes sa mga sili, at mga pako. 

Ang sarap kaya ng kanin na may pandan! Masarap ang kain kapag mabango ang pagkain. 

Ang iba naming mga halaman, dinidilig using pinagbanlawan ng damit. Sayang nga gusto ko sana ng mangga sa backyard kaso masyadong malaki yun. Hindi kayang palakihin. ^_^

Significantly nabawas ng marami ang mga puno at halaman namin. How I wish buhay pa ang lolo ko. Namimiss ko ng kumain ng mga tanim nya. Nevertheless, meron pa rin kaming tanim na automatic na nakakain. 

For everything else na matitipid, put it in a bank or in an investment vehicle.  

Tuesday, April 2, 2013

Saang Bangko Magandang Mag-ipon ng Pera

Kung gusto mo ng convenience ang pag-uusapan the best talaga ang BPI. Ginagawa nilang simple talaga ang banking. Sa lahat ng commercial banks paborito ko ang BPI dahil kakaiba talaga ang service nila. Hate ko sa BDO. Parang university of pila sa BDO. Highlight ata sa BDO yung pila eh. Hahaha..

Pero kung gusto mo talagang makaipon ng nagdedeposit ka lang sa bangko, huwag ka ng umasa sa mga malalaking bangko. Ang deposito mo, lalaki talaga sa mga rural bank.


At just 100 Pesos, may checking account ka na!


Timeout, rural bank? Nagda-doubt ka ba sa stability ng rural banks dahil marami ng nagsara?

Sa totoo lang, maganda ngang matakot ka kasi ibig sabihin nun nag-iisip ka. Hindi ka pabasta basta pumupunta sa kahit anong malaki ang interes.

Oo, maraming rural bank na ang nagsara at madalas na dahilan ay mismanaged ang mga ito. Sa totoo lang marami na din namang nagsarang malalaking bangko di ba. Kung tutuusin, tingin ko pareho lang ang stability issue ng commercial sa rural bank. Pero para mas safe ka, humanap ka ng rural bank na matagal na.Hindi ko sinasabi ito dahil nagtatrabaho ako sa isang rural bank ha. Pinag-aralan ko rin naman ang bangko ko.

Reasons bakit magandang mag rural bank.

1) Mas malaki ang interes.
2) Mas konti ang pila. Less customers = less pila
3) Mas personal na serbisyo - Ang mga empleyado sa rural bank, hindi naman malalaki ang sweldo. Nagtatrabaho sila based sa dugo and pawis nila dahil gusto talaga nila ang trabaho nila. Sila yung kukumustahin ang araw mo. Sila yung tipong nanonood din ng "Temptation of Wife" or kung ano mang telenovela sa tv shit.

O yan. Ikaw na magdecide. ^_^ Hindi naman ako namimilit pero mas malaki talaga potential sa rural banks as long as mag-iingat ka.


Friday, March 8, 2013

Paano Magtipid?


Madalas, kapag alam nating meron tayong pera dun tayo nagiging mas magastos. Parang kapag malapit na ang sweldo, unconsciously inuubos mo ang natitirang pera dahil alam mong magkakaroon ka naman ng pera soon. Di ba? Di ba? Parang kapag may napadaan lang cutie sa background ng paningin mo, napapalingon ka na lang bigla. Parang reflex na yan eh. 

Kaya ang magandang paraan kung paano ka magtitipid eh gumawa ka ng paraan para hindi ka gagastos. 

Paano?

Gumawa ka ng estimate ng gagastusin mo sa isang araw. Huwag ka ng magpasobra. Yun lang ang perang dadalhin mo. This way, mapupwersa kang hindi gagastos ng extra. 

Paano kung may emergency?

Iwan ang emergency money sa locker or sa kung saan mang mapagtataguan mo ng pera, pwera sa bulsa.

Besides, ilang beses sa isang buwan ka ba nagkaka-emergency na kailangan mo pala ng extra pera? Kung may emergency na kelangan gastusin, umutang sa friend at bayaran agad kinabukasan (kung mababayad same day mas maganda).

Itabi ang naiipong pera sa isang lugar na tatamarin kang kunin. I-deposit mo sa mga bangko na walang atm. Ibig sabihin, kakailanganin mo pang magwithdraw old school style na pipila ka pa. Pwera pa dun yung pupunta ka pa dun. Hassle yun. Pero kung hirap ka talagang pigilan ang paggasta, epektib ito.  

Kung anu ano na iniisip ko.. Kaya pala, March 8, 2013 na. One week na lang! Malapit na sweldo!

Saturday, December 8, 2012

Learning to Let Go

picture courtesy of http://lavistachurchofchrist.org

Not long ago, nagpaseminar ang company ko about risk management. Medyo napalihis ng topic yung resource speaker at nabanggit niya ang 70-20-10 rules sa personal finance. According kay Tito Wikipedia, ang personal finance ay: 


Personal finance refers to the financial decisions which an individual or a family unit is required to make to obtain, budget, save, and spend monetary resources over time, taking into account various financial risks and future life events. When planning personal finances the individual would consider the suitability to his or her needs of a range of banking products (checking, savings accounts, credit cards and consumer loans) or investment (stock market, bonds, mutual funds) and insurance (life insurance, health insurance, disability insurance) products or participation and monitoring of individual- or employer-sponsored retirement plans, social security benefits, and income tax management.

Sa 70-20-10 rule, 70% ng kinikita mo ang ilalaan mo sa pang-araw araw mong gastos, 20% ilalaan sa savings at 10% ay ido-donate. Kung mapapansin n'yo, si Tito Wikipedia walang binanggit na pamimigay mo yung pera mo. Puro management ng sarili mong pera. 

Ang sabi ng resource speaker namin, kaya daw merong 10% d'yan, pwera pa sa based din yan sa bible eh dahil we must learn to let go of money. Dahil, kung puro ko take ng pera at hindi ka marunong magbigay, nagiging alipin ka ng pera. Which is, may sense nga naman. 

Sa limited time ko dito sa mundo (27 years so far), napansin ko na tama yung kasabihang "The more you give, the more you receive." Case in point, nung magkaroon ako ng pagkakataong magtrabaho, kapag nag-sisimba, ang binibigay ko palagi ay 20 petot lang. Pero nung magbago na ang trabaho ko at tumaas ang sweldo ko, tinaas ko ng tinaas ang binibigay ko sa simbahan. At everytime na nagkaroon ako ng pagkakataon ng itaas ang binibigay, ambait ni Lord at binibigyan niya ako lagi ng mas marami pang pera! ^_^

Opcors, huwag ka namang magbigay para lang bigyan ka lalo ng mas maraming biyaya. Ang pagbibigay ay isang bagay na kusa. Parang pag-ibig lang yan. Hindi lahat may pagkakataong makapagtipid ng pera. Kung nakakapaglaan ka ng pera para sa sarili, siguro naman kaya mo ring maglaan ng konting bahagi nun para sa iba. 

Hindi ko tatapusin ang blogpost na'to sa kung anu anong shit. Tatapusin ko siya sa isang bible passage na sa tuwing babasahin ko, nanliliit ako. 


Luke 21: As Jesus looked up, he saw the rich putting their gifts into the temple treasury.  He also saw a poor widow put in two very small copper coins.  “Truly I tell you,” he said, “this poor widow has put in more than all the others.  All these people gave their gifts out of their wealth; but she out of her poverty put in all she had to live on.”

Tuesday, January 3, 2012

Tipid Tip No. 2

Habang tumatanda ka, lalong lumalaki ang hawak mong pera. At habang lumalaki ang hawak mong pera lalong lumalaki rin ang gastos. Does that mean lalaki rin ang matitipid mo? Kung hindi lumalaki ang natitipid mo, may mali sa'yo. Ikaw ay magiging isa sa milyong taong fufu. Tumaas nga ang kita, tumaas din gastos. Tapos magrereklamo wala daw siyang pera. 

Paksyet.

Anyway, hindi yun ang tipid tip ko today. Ang tipid tip ko ngayong araw ay kailangan mo lang tandaan lahat ng ginagastos mo. Para malaman mo kung saan napupunta ang pera mo. Anong bagay ang kailangan mong i-give up dahil hindi mo naman talaga ito kailangan. 

Yun lang.

Pa'no mo naman ito magagawa?

Two years ago, may nagbigay sakin ng kapirasong papel. Akala ko kung ano yun, punuin ko daw yun para makakakuha ako ng magandang Starbuck's Planner. Tatlong sticker na lang ang kailangan nung papel. Opcors pinuno ko agad yun and in no time, I had my very first Starbuck's Planner. 

Desidido akong magtipid nun ang mag-ipon para sa kung ano mang luho ko. Hehehe.. Gusto ko na ring magpayaman kaya gagamitin ko sana ang pera para ipang puhunan. Kaya yun, araw araw, sinusulat ko lahat ng gastos ko araw araw. 


Starbucks Planner 2010 and 2011


Araw araw ilista mo lang lahat ng gastos. Tapos, ipag-add mo weekly gastos, monthly gastos.. at grand total ng gastos mo sa taon. Magugulat ka sigurado.


At ang sabi ko nga kanina, gagawin mo ito para ma-track mo kung san napupunta ang pera mo. Makikita mo rin kung anu anong pinagkakagastusan mo ng hindi mo naman pala kailangan. Eto nakita ko, mahilig akong gumasta sa chichirya. I consume isang balot ng chichirya around 4x a week. Mahilig ako sa bottled drinks, C2, softdrinks, etc. Kapag sweldo nililibre ko sarili ko ng kung anu anong shit. 

At all the while akala ko matipid na ako. Dahil ang mga katrabaho ko kung makabili sa mga tindahan ay pagkadami dami. After nun once a week na lang ako kumain ng chichirya, once a week na lang ako ngsoftdrinks at kung anu anong bottled drinks at inaamoy ko na lang ang pera kapag sweldo. Mas masaya kasi ang amoy ng pera kesa pagkain. Ang pagkain nagiging tae. Gusto mo bang inaamoy yun? Ang pera mabaho pero masarap pa rin ang amoy. Bakit? Kasi pera yun. 

Bakit di'ko tigilan ang softdrinks at chichirya forever? 

Kasi nagtitipid lang ako. Eh gusto ko talaga lasa ng chichirya eh. Yung softdrinks, ndi ko naman talaga gusto lasa, ok lang siya. Gusto ko lang uminom once a week. ^_^ I don't have to deprive myself of something na gusto ko naman talaga just to have a few more bucks. 

You can use the planner as a tool to track yung gastos. As an upgrade, pwede mo rin siyang gawin listahan ng mga pera mo. Para at least nakikita mo pa talaga kung nasan na ang total ng pera mo. Hindi ko nga lang ginawa to kasi pakialamera si mama. Ayaw kong nakikita niya kung magkano lahat lahat ang pera ko. Ok lang makita niyang may nakalistang motel na pinagcheck-inan ko sa gastos pero ayaw na ayaw kong makita niyang may savings ako. Hehehehe... ^_^ 

Daily Gastos


O di ba? Simple lang ang tipid tip ngayon. Hindi siya direktang pagtitipid pero malaking malaki maitutulong niya for you. Simple lang ang buhay. Kailangan mo lang imulat ang mata mo. Mag-isip isip ka lang okaya, basahin mo ang blog ko. ^_^

Subscribe ka na sa blog ko! 

P.S. Wala akong Starbucks Planner 2012 dahil napakaliit ng space na pagsusulatan! Hindi sulit!


Wednesday, December 14, 2011

Payaman Tips

Kung may tips ako sa pagtitipid, dapat may tips din ako sa pagpapayaman. Kasi, kahit anong gawin mong pagtitipid, kung hindi mo rin alam san dadalhin pera mo, wala ka ring mapapala di ba? Ang pera ay mas lalaki kung i-invest mo ito.

At para sa unang tip ko. Siguradong lalago pera mo. Walang kaso ito. Fufu lang ang maniniwala na sobrang delikado neto. 



Ano bang tinutukoy ko? 






A few months ago, nagdecide ang college barkada ko na magtrade ng stocks. Ops, ang regular na notion sa stock trading eh sugal. Pwede ka daw ma-bankrupt dahil sa kaka-trade ng stocks. 

Totoo ba yun?



Sabi ko nga, ang buhay ay simple lang. Kung pupunta ka sa giyera ng may baril pero wala namang bala, mamamatay ka lang.  

Unless chikas ka na super hot.. Mare-rape ka muna bago ka papatayin. 

Magana ang Market Today


Oo. Pwede kang mabankrupt kung shushunga shunga ka. Yun lang un. 


Bakit ko sinasabing mag-invest ka sa stocks?

For 5 months, ang combined pera naming 70k pesos, naging 100k pesos! Imagine that, 70k to 100k ilang buwan lang. 42.86% ang tinaas ng pera namin. Ibig sabihin, kung meron akong 10,000 pesos na perang ininvest, naging 14, 286 pesos na ito ngayon. Kung binangko mo lang ang ipon mong 10,000 pesos magkano kikitain mo? Wala mang 1% ang kita sa bangko sa loob ng isang taon. Sabihin nating 0.05% ang kita sa isang taon. Sa 10,000 pesos mo. Kikitain mo lang eh 50 pesos sa isang taon! Samin, 4,286 pesos 5 months lang! San ka pa?

Kuya, pa'no ba kami magstart dyan? Sali mo naman kami!

Ops, hindi porke malaki ang kinita namin susunod ka na.



May catch to. 




Waaa! Sabi ko na nga ba. May catch eh. Too good to be true!




Stock Trading Explained:

Let's say bibili tayo ng stock ng Jollibee for 100 pesos. Bibili tayo ng isang stock. And then, kinabukasan ang presyo niya sa market eh naging 80 pesos. Magkano na lang ang pera mo? 

80 pesos? 

Mali. 

Ang value ng Jollibee stock mo eh 80 pesos. Oo. Pero, hanggat hindi mo binebenta ang Jollibee stock, wala ka pa ring lugi. Dahil pwede ka namang magbenta kapag ang stock mo eh 110 na ang presyo di ba? Wala namang expiration date ang stocks eh. 

So ang sinasabi ko kaninang kita namin, in paper yun. Hangga't di namin binebenta stocks, wala pa rin kaming kita. 

Mga Stocks Na Binabantayan


So ang best strategy eh magbenta ng stocks kapag mahal ang presyo. At, bumili ng stocks kapag mababa ang presyo. That's why ang mga mayayaman talaga, hindi sila nalulungkot kapag bagsak ang stock market. Mga companies oo malungkot. Pero ang traders, masaya sila kapag mahina stock market, mas masaya sila kapag tumaas ang stock market. Ganun din kami. ^_^

Kaso lang, pa'no mo malalaman kung mataas presyo, o mababa?







Secret. 


Mas maganda magpursigi ka mag-research mag-isa. Iba ang pakiramdam pag nagpursigi ka di ba?

Here's a quick tip though. Ang tendency lagi ng stocks eh pataas. Pwedeng mag-invest ka sa isang blue collar stock (siguradong tataas, matatag, subok na) like Jollibee, PLDT, SM etc. Mga stocks na yan siguradong tataas presyo. Yun nga lang, hindi ka aabot ng 40% kita like what we had. Konti 5%-10% siguro pwede. 5%-10% is better than 0.05% ng bangko di ba?







Think about it. 

Gusto Mo Stocks Mo Laging Tumataas ang Value

Friday, December 9, 2011

Tipid Tips

You know what guys? Since marami ang nagrerequest ng blogposts kung pa'no magtipid, naisipan kong gumawa ng maraming posts sa pagtitipid. ^_^

Sa lahat ng bagay though, sa kahit anong laban, you have to be prepared. At sa case ng pagtitipid, wala kang ibang kalaban kundi ang sarili. 

Bakit?


Dahil kung magtitipid ka, ibig sabihin nun ide-deprive mo ang sarili mo ng isang bagay na nakasanayan mo dahil makapaglaan ka ng sapat na pera para makuha mo ang isa pang bagay na gusto mo. 

O.. Malamang hindi ko na kailangang sabihin sa'yo na kailangan mong magmenor sa "unnecessary" stuff. Ano ba ang mga ito? In my case, softdrinks, chichirya, collectibles, laruan.. Ano pa? Wala rin akong bisyo dahil para sa'kin ang laking gastos ng sigarilyo, alak, gimik at higit sa lahat mga chikas. Pinagkamagastos ang maraming chikas (ndi ko maverify to kasi hindi naman ako machiks.. ^_^). 

Siguro nagtataka ka kanina kung bakit  Piknik ang picture d'yan. At, nung mabanggit kong kasali sa unnecessary stuff ang chichirya siguro naisip mo rin na yun ang nasasabi ko (Kung di mo naisip yun, siguro fan lang talaga kita at kahit anong isulat ko babasahin mo).

Bigla ko kasing naisip na magkaroon ng isang special na alkansya. Binutasan ko yung pulang cover ng piknik para siya yung special alkansya ko!

Kesa gumastos pa for alkansya (which is actually very cheap naman), I decided na sa lalagyan na lang ng Piknik. Kesa itapon yun, sayang naman. Pwedeng lagyan ng kung anu anong stuff ang lalagyan ng Piknik. Matibay siya at gawa sa aluminum, ndi kinakalawang! Nakatulong ka pa sa mother earth. 





Bakit special?


Kasi meron nakong existing alkansya eh. Hehehehe.. Sa unang alkansya, dun ko nilalagay ang 10% ng sweldo ko. Basta pag nagkasweldo ako ng kinsenas, agad agad, drop ko dun pera. 

Etong pangalawang alkansya ang purpose nya eh lalagyan ng sobrang barya. 

Naranasan mo na ba yun? Pag titingin ka sa coin purse mo, unconsciously you have an idea magkano talaga laman nun. And dahil alam mo magkano natitirang pera mo sa coin purse, nagiging kampante ka sa pagbili ng kung anu anong shit. 


Magkano ang nilalagay ko? 

For starters, basta lahat ng natirang barya sa coin purse, diretso sa special alkansya. And then, pag weekend, any barya, bente, at singkwenta pesos, babagsak sa coin purse. 

Bakit?

Kilala ko ang sarili ko. Pag ang halaga ng bagay na gusto kong bilhin ay bente pesos at ang pera ko ay isang daan, ayaw ko siyang gastusin. Kaya in a way, inuutakan ko ang sarili ko by overiding my system at finoforce ko ang pera ko palaging buong 100 petot. Hehehehe.. 


Opcors, hindi realistic kung sasabihin kong hindi na talaga ako bumibili ng kung anu anong shit. May times pa rin na bumibili ako ng kung anu anong maliliit na bagay like chichirya, softdrinks etc. Pero very minimal talaga. 


Ano bang bibilhin ko bakit ako nagtitipid?

Honestly, hindi ko pa alam. I'm thorn between buying a digicam yung mura lang (around 5k) or Nintendo 3DS. Gusto ko ng digicam para hindi nako pumupulot sa Google ng mga picture! Matagal ko ng gustong magkaroon ng Nintendo 3DS eh. ^_^ Pero likely rin na iipunin ko na lang yan at ilalagay ko sa stocks. Naglalaro ang barkada ko sa stock market. Which brings me to another topic. Pero next post na siguro yan. 

Thursday, November 17, 2011

Kapag ang Dagdag na Gastos ay Nagiging Tipid

Tama ang nababasa mo. Minsan, ang extra gastos na ginagawa ko, nagiging tipid. 

Nabasa ako kahapon ng ulan. Sinipon ako today. Hate ko pa naman ang sinisipon. Masama ang pakiramdam ko at parang lalagnatin ako. 

Bumili ako ng juice drink na mataas sa Vitaminc C para ma-prevent ko ang paglala pa ng sakit. Ministop ang pinakamalapit ng tindahan. Sa lahat ng juice drink dun "Smart C" ang nakita kong pinaka mura at pinakamataas ang Vitamin C content. Sa halagang 23 petot, meron nakong 320% worth ng Vitamin C para gamot sa sipon. 

Kuripot ako kaya kung tutuusin, nanghihinayang ako sa 23 petot na gastos. Pero, kung hinayaan ko na lang lumala ang sipon, baka lalo pakong magastos. Kung nilagnat ako bukas, makakaltasan sigurado ako ng sweldo! Wala pa'kong sick leave! 2 weeks pa lang ako sa trabaho. 

The best pa rin ang prevention kesa sa cure. 

P.S. May payong naman ako nung umulan kaso sa sobrang lakas ng hangin nabasa pa rin ako.

Monday, October 17, 2011

Paano Nga Ba Yayaman?

Kung anu anong style na ginagawa ko para yumaman. Dalawa lang yan eh. Either pataasin mo pinagkukunan ng pera mo o tipirin mo ang kita mo ngayon. Hindi madalian ang pagyaman. Hindi ako katulad ng wishful thinkers na nagwiwish na "Sana yumaman ako."



Pag wish ka lang ng wish ano ba ang chances na makukuha mo ang gusto mo? 26 na'ko hanggang ngayon hindi pa rin ako nananalo sa lotto. Hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakatsamba ng apat na numero man lang sa lotto. Ano ang chance na yayaman ako sa kakawish lang? Halos zero yung chance na yun. 

Ngayon kung gagawa ako ng paraan, malamang tataas ang chance ko di ba? Sa dalawang paraan na nasabi ko. The best ang una. Mag-isip ng bagay para lumaki ang pinagkukunan ng pera. Pa'no? Pwede kang magbusiness, lipat company sa mas mataas na sweldo, mag-invest etc. Sa lahat ng yan may ginawa na ba ako?

Oo.

So far, nag-iinvest na'ko sa pag-aaral. 2nd semester ko na sa pagma-masters. Matatapos ko ang graduate school sa UP sa loob ng 2-3 years. Masakit sa bulsa pero malaki ang balik pag tapos na. 

Nagbusiness na rin ako. Well, medyo pumalpak kasi hindi na nagawan ng oras at nawalan ng importanteng client. Nagpabanjing banjing. Totally my fault tsaka minalas na rin pati. Wala akong excuse. 

Lipat ng company. Kung sawa ka na sa trabaho. Lagi kang stressed at walang opportunity sa growth ano pa ba natitirang option mo? Either mabubulok ka na lang dun (na kasalanan mo rin kasi di ka umaalis) o sisantehin mo ang boss mo at umalis ka na sa company mo.

Or pwede kang magtipid. ^_^ Ang buhay ng matipid hindi kailangang maging buhay ng miserable. Maging praktikal lang ba. Kailangan ba laging may softdrinks ka pag kakain? Kailangan ba laging bago ang damit? Kailangan ba laging bago ang celphone? 

Sa totoo lang gusto ko ng 3DS, digicam, xperia mini at bagong car. Pero hindi ko naman kailangang kailangan ang lahat ng yan. So for now, I'm foregoing ang mga chance na bibili ako ng mga yan for the chance na yayaman ako through one of the things na nasabi ko na. 

Hanggang ngayon, kung anu anong website pa rin ang binabasa ko para matuto pa'kong yumaman. Kung anu ano na ring libro nabili ko at bibilhin ko pa para mainspire. 

So far, mahirap pa rin ako. 

Malamang mahirap ka rin kaya mo binabasa ang post na ito. O mayaman ka na pero gusto mo pang yumaman. 

I wish you more luck and more blessings. I hope the same goes to me.

Expound ko mga topics na nabanggit ko in the next posts. ^_^