Hopefully Ngayong Nandito Ka sa Blog ko, Hindi Ka Nawawala. ^_^

Please don't forget to subscribe to my blog para pag may post ako automatic makikita nyo. Feel free to share my blog sa Facebook, Twitter, Google+ or any other social media.

Salamas!

Wednesday, October 28, 2015

Birthdays and Missed Goals

Mintis!


Kaka-30 ko lang nung October 9. Wahehehe. It's amazing how a number can make people think you're old. Pakyu sila. I still feel like 21. Ever since umapak ako sa 21, tuwing tatanungin ako sa age ko, napapaisip ako kung ilang taon na nga ba ako. I guess mag-iiba na ngayong umapak na ako sa line of 3. Haha. 

Anyway, tandang tanda ko pa nung nasa 20's pa lang ako. Very clear ang goals ko pagdating ng 30th birthday ko. Shine-share ko sa students ko kung ano ang mga gusto kong mangyari. Eto 'yung part ng list: 

- Magkaroon ng ipon na at least 1 million
- Magkaroon ng business
- Magkaroon ng bahay
- Magkaroon ng kotse
- Makakuha ng Master's Degree
- Start thinking about building a family

But then again, unti unti kong nakalimutan ang mga goal ko. Nagkaroon ako ng several startup businesses, iniwan ko din. Meron akong bahay pero bigay yun ni Daddy. Hindi rin ako tumitira dun kasi malayo sa sibilisasyon. Nagkaroon ako ng kotse, binenta ko din. Konti lang ipon ko, malayong malayo sa isang milyon. Meron na'kong Master's Degree. And well, 5 months pagkatapos kong ikasal.. Iniwan ako ng asawa ko. 

So yeah. Hindi ko sure kung anong nangyari pero wala naman akong dapat sisihing iba kundi ang sarili ko. But I guess I should still be happy kasi healthy pa din ako (siguro) and relatively, kaya ko pa naman ma-reach lahat ng naging goals ko. All I can do is to start all over. 

When I think about it, it was in my mid 20's nung marealize kong kaya kong ma-achieve lahat ng goals ko. Naging kampante ako hanggang makalimutan ko na kung ano talaga ang gusto ko. Akala ko, mag-automate na lang lahat. 

Hindi pala. 

Meron akong konting ipon. Meron akong LPG business ngayon. Konti pa lang mga suki ko pero dumarami naman sila. Yung kotse kaya ko binenta, sirain. It was a money drain kaya I decided to let go of it. I still have my motorcycle na super tipid. It goes for about 60+ kilometers per liter ng gas. Yung bahay ko, bahay pa din naman. Di'ko lang tinitirhan ngayon. Baka in the future pag marami ng establishments dun, pwede na'kong lumipat. Tapos na'ko sa graduate school, Master of Management. Nag-asawa na'ko nung March. But then, nilayasan ako ng asawa ko. Sakto buntis din siya and I don't know what to do about it.

So.. Yeah.. I need to start over. Medyo hirap ako ngayon dahil naubos pera ko sa kasal and pag-start ng negosyo. But at least I still have stuff. 'Yung iba diyan nagsisimula sa wala talaga. I'm thankful I still have some. 


Never forget what your goals are and do your best para ma-achieve mo yun. 
Please lang, huwag niyo akong pamarisan.You will meet adversity. Kahit saan naman merong hirap. Sabi nga ng Parokya ni Edgar "Wala naman nagsabi na malabo ang mundo.."

I better start thinking of new goals.. 

How about you?

No comments:

Post a Comment