Hopefully Ngayong Nandito Ka sa Blog ko, Hindi Ka Nawawala. ^_^

Please don't forget to subscribe to my blog para pag may post ako automatic makikita nyo. Feel free to share my blog sa Facebook, Twitter, Google+ or any other social media.

Salamas!

Tuesday, August 30, 2011

Buhay ng Isang Simpleng Tao

Bente singko anyos na ako. Gusto kong mag-stuck na lang ako sa bente singko pero ganun din yung ginusto ko noon disiotso ako at taun taon ganun na ang wish ko. Sa October, tatanda na naman ako ng isang taon. Okay lang, mukha pa rin naman akong 18.

Wala akong bisyo. Hindi ako nagsisigarilyo. Never pa nga akong nag-puff. Hindi rin ako umiinom. In fact, allergic ako sa alak. Sa tuwing sasabihin ko yung part na "allergic" ako sa beer nagsisitawanan ang mga taong hindi pa nakakakilala sa'kin. Akala nila nagjojoke ako.


Joke your face.


Hindi ako mayaman. Sa totoo lang marami pa nga akong utang. Sa susunod na Linggo, dadagdag pa ang utang ko kasi enrollment ko na sa Masters. Okay lang umutang, investment ang pag-aaral. Honor na rin yun kasi nag-aaral ako sa number one university ng Pinas, sa
Unibersidad ng Pilipinas! O ha!

Writer ako sa isang SEO company. Araw araw ang pasok. Monday to Friday. Di nga lang 8am-5pm. 3pm to 12 mn ako. Supposedly, panggabi kami. Okay na ang sched ko. Masaya naman kami sa trabaho. Pwede kaming magbreak kahit anong oras namin gusto, kahit ilang beses. Kami kami lang nagluluto ng uulamin kapag lunch (lunch namin eh 7pm). Ako namamalengke. Minsan, ako rin naghuhugas ng plato. Toka toka lang kami sa trabaho.
Sa bahay, mag-isang anak ako.

Nakatira ako sa bahay ng lolo't lola ko. Hiwalay magulang ko, sa nanay ako nakatira. Meron akong Tito at Tita. Si Tito indefinite kung umuwi sa bahay, nagtatrabaho kasi siya sa Maynila, si Tita, umuuwi kapag weekend. Mag-isa rin akong apo.
Ang tipikal na araw ko ay ganito. Gigising ako at ji-jingle. Magtitimpla ng kape pagtapos buksan ang PC. Mag-iinternet ng kung anu anong shit at manonood ng "Face to Face" kapag 10:30 na sa channel 5. Paminsan, nanonood ako ng Eat Bulaga. Nakakatawa kasi eh. The best yan. Kapaksyetan lang ang "Happy Yippie Yehey." Kain ng breakfast habang nood ng tv. Tapos pahinga. Minsan, nagna-nap muna ako bago mag-ayos for work. Inaantok kasi ako minsan pag konti ang tulog. Pag di ako nakatulog, natutulog ako ng 30 minutes after kumain. Pwede naman. Sinasamantala ko rin yung natutulog na naka-aircon. Masarap eh. Walang aircon sa bahay.

Nagmomotor lang ako usually kapag araw ng trabaho. Ang tipid kasi sa gas. Pero ang pinaka malaking naitutulong sakin ng motor eh oras. Kapag nagagamit ko ang motor ko, 30 minutes lang nakakarating na'ko sa trabaho. Max time limit ko pa yun ha. Tapos, nakakauwi rin ako ng maaga. Mahirap kasi ang transpo kapag madaling araw, 24/7 nga ang jip, matatakaw naman. Pag-uwian gusto ng tao, makauwi na't magpahinga. Otherwise, gusto mo lang manood ng bold.

Kapag Sabado nag-aaral ako sa UP Pampanga. Dun ako gumraduate ng college, dun din ako gagraduate ng Masters. Naka-isang sem na ako. Sana maganda ang grades ko. Bago ako magstart mag-Masters sinabi ko sa sarili kong pagbubutihan ko na ang pag-aaral.

As usual, tinamad ako.


Pero
paminsan lang.

Nag-aral din naman ako ng mabuti compared sa performance ko nung college.


Pag Linggo, nagsisimba ako. Hindi ko na maalala ang huling araw na namiss ko ang pagsisimba. Pwera na lang nung sinugod namin si Lolo sa ospital, hindi ko na talaga maalala ang huli namiss ko ang misa. Mahalaga ang pagsisimba. Kung magpapalakas ka man sa isang nilalang, wag sa kurakot, wag sa Government Official, tumakbo ka kay Lord. Hinding hindi ka Niya pababayaan. At siyempre, tatapusin ko ang post ko sa pangarap ng isang simpleng taong katulad ko. Gusto kong yumaman, para makatulong sa ibang tao. Gusto kong magkaroon ng magandang buhay ang future pamilya ko. Ayaw kong magutom sila. Higit sa lahat, gusto kong maging mabuting tao sila.

Yun lang.

Isa na naman ako sa milyong Pinoy na gustong gumanda ang buhay. Pero isa ako sa iilan na gagawa ng paraan para gumanda ang buhay ko ng hindi mag-aabroad dahil "no choice" dun lang ang swerte, na aapak ng kapwa para makuha ang pansariling kapakanan, magpapakasosyal para magkaroon ng "sosyla" friends, na magnanakaw.

May iba pang paraan.


1 comment: