Hopefully Ngayong Nandito Ka sa Blog ko, Hindi Ka Nawawala. ^_^

Please don't forget to subscribe to my blog para pag may post ako automatic makikita nyo. Feel free to share my blog sa Facebook, Twitter, Google+ or any other social media.

Salamas!

Tuesday, August 30, 2011

Paano Makakatipid Sa Pamasahe?

Gusto kong makatipid sa pamasahe. Kung habang buhay tataas ang gas, habang buhay ring tataas ang pamasahe. Araw araw, kung magcocommute ang laki ng naibabawas nito sa budget ko. Kakain pa'ko, bibili pa'ko ng kung anu-ano, may darating pang unexpected na gastos.




Heto ang breakdown ng gastos sa pamasahe sa isang tipikal ng workday ko:
Papunta:
14 pesos Angeles
8 pesos Villa Pampang
8 pesos Hensonville

Pabalik:
8 pesos Checkpoint
15 pesos Sindalan

Total = 53 pesos

Di pa ako nagtatricycle nyan. Sa isang Linggo, ang gastos ko for pamasahe sa work eh tumataginting 265 pesos! Kung sanang malapit lang ako tulad ng iba kong katrabaho.

Isa pang problema ko ay oras. 3pm ang trabaho ko, kailangan kong umalis ng bahay in advance dahil kulang kulang isang oras ang byahe. Pag-uwi naman, minsan umaabot ako ng isa't kalahating oras para makauwi. Ang daming matatakaw na jeep kasi kapag madaling araw. Hindi ko naman sila masisi kasi konti lang din ang pasahero.

Buti na lang, binili ako ng tatay ko ng motor.

Ang motor ko ay isang SYM Bonus X. Hindi siya sikat na motor at brand. Nagresearch na rin ako sa reliability ng brand na'to. Matibay naman pala siya, gawang Taiwan. Di siya China or Philippine made. May estudyante kasi ako dati, nasunog na lang daw bigla ang motor niya na ang tatak ay "Motorstar."
Ang tatak "Racal" naman delikado kasi may pending case sila sa pagkopya ng disenyo ng ibang motorcycle companies.

Hindi pa definite ang tantya ko sa gastos ko sa gas. Tinitignan ko pa kung magkano talaga gastos ko per liter. Uupdate ko kayo kapag nagbago na ang current estimate ko. Pero sa ngayon ang takbo ko per liter ng premium unleaded eh 45 kms.

Ang regular na ruta ko sa trabaho ay 20 kms. papunta at pabalik. Araw araw ako rin namamalengke kaya umuuwing nasa less than 150 pesos ang gastos ko sa isang Linggo.

265 pesos (commute) - 150 pesos (gas) = 115 pesos natitipid ko kada Linggo sa pamasahe. Simpleng estimate nga lang to dahil kailangan kong idiskwento ang ginagastos ko rin sa maintenance ng sasakyan kagaya ng paglilinis at pagpapachange oil. Very minimal naman ang mga ito kaya ikokonsidera ko na ang mga 'to na "negligible."


Pero ang pinakamalaking natitipid ko sa pagmomotor ay oras. Kung nakamotor ako, it only takes 30 minutes max ang byahe. Kung susumuhain, nakakatipid ako ng isang oras na pwede kong gamitin para sa ibang bagay tulad ng pagtulog, pag-internet, pagnood ng bold (oh common, wag magreact ng violent, paminsan minsan lang naman), pagtunganga okya chill chill lang.

Ang laking tulong ng motor talaga. Ang catch lang dito ay, ang motor ay 38,000 pesos kung cash at 1,650 pesos per buwan kung huhulugan ng 3 taon. Hindi rin ako makakatipid sa pera kung maghuhulog ako buwan buwan. Ang matitipid ko lang ay oras. Ang 38,000 pesos magagamit ko rin bilang investment sa ibang bagay tulad ng stock trading okya gumawa ng bagong business. Pero 'mpre ibang topic na yon at irereserba ko sa ibang araw.

Buti na lang may tatay akong mabait para ibili ako ng motor.

Dahil sa kanya, nakakatipid ako sa pamasahe at oras.

3 comments:

  1. Nadamay pa talaga ang naincinerate kong sasakyan ah.. nice one ^^ haha..

    ReplyDelete
  2. Gudlak pag ndisgrasya k mas malaking gastos yan.

    ReplyDelete