Note: Hindi ito pang UP Student or Alumni Post. Gusto ko lang magyabang.. este magplug ng pagkapanalo.
|
Bakit na ba mahirap pumasok kapag Lunes? |
After na umaatikabong tuwa sa pagkapanalo ng UP Grad na si Shamcey Supsup na 3rd Runner Up sa Ms. Universe at ang super clean panalo ng UP Pep Squad sa UAAP Cheerdance Competition ang sasalubong sa'kin ay...
LUNES.
Actually lahat tayo sasalubong na naman sa Lunes. As usual nakakatamad sa Lunes. Wala pa akong taong nakitang nasasabik sa Lunes except sa mga taong magfe-first day sa trabaho, first day of school, first day of whatever.
My friends, lagi namang exciting ang first day.
Pag nagtagal magsasawa at magsasawa ka rin. Unless, ehem, sobrang dynamic ang trabaho or school mo. Or may crush kang ndi pa natitikman. For me, for the past 2 weeks na nagtatrabaho sa isang testing na project, nagustuhan yata ni boss ko ang trabaho, ayaw na atang palitang ang pinapagawa sa'kin. ^_^ So, from my dynamic kind of work, I'm back to the same drawing board. Same old same old stuff.
Kaya, like most people. Tinatamad ako kapag Lunes.
But then again, ano ba ginagawa ko to keep myself motivated and pogi?
You don't have to make Monday a difficult day for yourself. Of course, I know the fact na ang Lunes ay start ng limang araw mong paulit ulit na trabaho. So, alam kong ulit ulit lang gagawin ko, what should I do para mabago yun?
Simple lang. Kapag araw ng Lunes, dahil nga nakakatamad, ang tinatrabaho ko mula Marter hanggang Huwebes ay dinadamihan ko na. Para pagdating ng Biyernes (last day) pachill chill na lang ako. At pagdating ng Lunes, chill chill pa rin ako. Hehehe. Bakit pati Biyernes, nagchichill chill ako? Kasi, naka kundisyon na ang utak ko na ang Biyernes ay rest day din! Ang sarap kasing pakinggan ng last day of the work week ay Friday. Kaya nga TGIF eh.Eler!!! Pero ultimate goal ko d'yan eh gawing magaan ang Lunes para maganda ang start ng buong linggo ko.
It works for me. Would it work for you? Ewan. Might as well try di ba?
Kung nag-aaral ka, pwede kang mag-advance mag-aral para pagdating sa class eh pwede kang mag-escape sa kalagitnaan ng klase. Kunwari mag-CR ka tapos ndi ka na babalik. Pwede kang mag-daydream. Pwedeng tignan mo na lang ang crush mo hanggang maging kayo na. Pwede ka ring magvandal sa upuan o i-drowing mo ang teacher mo. 99% pangit ang drowing mo, pero kunsabagay, 99% of the time ang teacher ng dinodrowing mo eh hate na hate mo rin. Marami kang magagawa kung marunong kang mag-prepare.
Para saan pa ang utak kung dimo rin gagamitin.
Tandaan, ang trabaho mo ay siya ring magpapakain sa'yo. Hindi ang katamaran mo. Kung sawang sawa ka na talaga sa trabaho mo, umalis ka na. Hindi yung ginagawa mong tanga ang sarili mo. Huwag ka ng magdahilan na no choice ka't yan lang ang alam mong gawin o wala ng tatanggap sa'yo. May nakita akong putol ang paa dati, gumawa siyang kung anu anong tali sa wheelchair niya. Ginawa niyang sari sari store ang wheelchair niya para lang kumita. Saludo ako sa kanya. Kaya niyang tumayo sa sarili niyang paa para lang mabuhay.
Woot, wala nga pala siyang paa.
Basta ang point ko, yung taong yun, na malamang walang pinag-aralan, gumawa ng paraan para mabuhay. At never ko siyang narinig na nagreklamo. Dahil ang bawat araw na binigyan siya ng Diyos ng opportunity para mabuhay, masaya siya.
Kahit ulit ulit lang pitong araw sa isang Linggo ang trabaho niya.
Tayong mga empleyado at estudyante na limang araw lang ang trabaho, mas mareklamo pa tayo sa kanila.
Siguro, oras na para magbago...
Ang Lunes ay hindi kailangang maging nakakatamad.
Sana, huwag ka ng mahirapang pumasok tuwing Lunes.
|
Oo. Nakakatamad minsan pero wag ka naman sobrang sipag. |
|