Hopefully Ngayong Nandito Ka sa Blog ko, Hindi Ka Nawawala. ^_^

Please don't forget to subscribe to my blog para pag may post ako automatic makikita nyo. Feel free to share my blog sa Facebook, Twitter, Google+ or any other social media.

Salamas!

Tuesday, April 27, 2021

Investment Update: Gains on Stocks at Crypto!

Last post lugi pa lahat ng investments ko. Haha. This week finally, nagka-gain na pareho. 

Cryptocurrencies:

Minalas ako nung pagkabili ko ng crypto biglang may bad news from abroad habang tulog. So ang binili kong ETH at XRP parehong bagsak. Actually, last week, bagsak halos lahat ng crptocurrencies. This week may recovery na so here's my gain which is sobrang baba pa. Masaya lang ako kasi green na ang portfolio. 



As you can see, nasa $408 na ang pera from about $192 initial money. Magkahati diyan is ETH tsaka XRP, 50:50. 

Stocks

Sa stocks naman, lugi talaga initial investment ko sa Union Bank. Hindi pa nagpickup hanggang ngayon despite strong gains nila sa income this year. BDO is pretty strong. Pero up and down pa siya. I'm very bullish with BDO though. URC is our main bagger. Very resilient sa pandemic since 'ung goods nila binibili ng mga nagtitipid. So far, siya 'ung huli kong nabili pero URC talaga ang pinagkakakitaan ko. I still like Union Bank and BDO pero next top up, kung mura ang URC, bibili pa ako. I might go with MEG din and or SMPH. 


Savings


Nahulog phone ko nung isang araw. Mapipilitan akong bumili ng new phone. Nagcrack screen ko. Can't afford akong mawalang ng celphone for now since most ng trabaho ko dito nanggagaling. 

I have about 37k+ sa bank + about 3k cash on hand. I might use 15k for the new phone. Hintayin ko ang 5.5 sale sa Lazada at Shopee. I hope makahanap ako ng maganda gandang phone na 5G. 

Bukas sweldo ko sa Upwork. Happy Days. ^_^




Sunday, April 18, 2021

Investments Update

A lot of things happened these past few weeks. Sorry I haven't been updating at all. Sabagay wala pa naman din yata akong readers. Haha.

Anyway, update ko lang din kayo sa mga nangyari. 

Current Work:

- I have 3 clients. 

- 1 full time digital marketing job, 1 Facebook Group moderator, 1 part-time digital marketing job

- All in all ang su-swelduhin ko is between 80-85k every month.

I'm not sure magkano mase-save ko monthly since bagu bago lang 'ung isang client. Medyo tahimik din 'ung main source ko ng funds kinakabahan akong masibak. Sana busy lang mga boss ko.😅 If they decide to let me go, I'll understand. Mag-partner kasi sila and lilipat daw ng ibang state 'ung isa. I would get it if they would dissolve the partnership. It happens a lot so kailangan tyagaan lang talaga. 

'Yung new client ko, 1 week pa lang ako. Tahimik din. So hindi ko alam kung sisibakin din ako o hindi. I'm hoping hindi. Haha. Chat ako ng chat, 'ndi ako gaanong rinereplyan. 

Ang hirap mag freelancing. 


Savings and Investment Portfolio:

Savings: Nasa Php 29k sa bank. 

Stocks: Kulang kulang Php 20k invested in BDO and Unionbank. Php 10k balance iinvest ko sa URC. 

Cryptocurrency: I just bought kulang kulang worth Php 10k Ethereum kanina. 

So far, lugi lahat ng investments ko. Haha. I'm not that concerned pa since lahat ng 'yan short term pa lang naman. Hindi ko ineexpect na bigla akong magkakaroon ng gain for now. 


I still work pagkagising ko ng 7-8ish nag umaga. Hanggang 12-2am ng madaling araw. I juggled my work sa hours na 'yan depende sa energy. I do take regular breaks, eat and take naps in between. I am able to do this kase work from home and wala naman din akong balak maglalalabas. Lumalabas lang ako kapag may kailangang bilhin. 

Other things I do to keep energy, kape, exercise and vitamins. That's it. Tapusin lang natin ang April tapos bigyan ko kayo ng update sa kita at gastos. 


Kayo ba mga Tsong at Tsang? Ano mga sidehustles niyo>?

Share niyo naman. Baka may matutuhan ako o 'ung ibang readers!





  

Monday, March 29, 2021

Saan Magandang Mag-Invest Ngayon?

Since bayad na ako sa utang at nag-start na akong mag-invest ulit, I've started looking into different types of investments kung saan ko ilalagay ang pera. Ayaw kong nakatanga lang ang pera ko sa bangko na halos hindi man magkaka interes. So here's a list na mga gusto kong pasukan: 

  • Buy more local stocks. Sa ngayon, tinitignan ko ang BDO na stock. I think it's undervalued at about 100+ pesos sa dati niyang presyo na 150+. Will have to wait for it to go lower since may biglaang mga lockdown. Kapag patay ang economy, patay din ang BDO dahil maraming businesses and umuutang sa kanila. Makakabawi ang mga banks the moment na mabalik sa free flow ang economy. What's holding me back is may investment na ako sa UnionBank which hindi ko pa pinagkakitaan. An alternative siguro na medyo risky pero mataas din ang reward is buying mining stocks. Nickel siguro. We're the largest nickel exporter sa buong mundo. 
  • Buy foreign stocks. I heared pwede ng mag invest sa foreign stocks using GCash. Hindi ko pa siya inaral though. Meron na akong Gcash. I'll look into it once pumasok 'ung sweldo ko maybe later today or tomorrow. Mas maganda economy sa US ngayon so I'm looking into buying sa kanila. Kung makakabili ako ng ETF sa US using Gcash, this will most likely be my choice. Ok na ako sa S&P 500 nila. Nasa 7% average growth a year. Malaki laki na 'un for automatic na investments. 
  • Buy cryptocurrencies. It's a bit risky pero 'ung reward is malaki din. And since palagi ko siyang naeencounter sa trabaho, I'm thinking maybe I should invest nga sa crypto. Nag-aalangan ako kung mababantayan ko ang fluctuations sa presyo. 24/7 ang crypto trade. 
  • Start my own business. Last week may South Afrigan na nakikipag deal sana sa'kin for his business. Dalawa sana 'ung gusto niya ng tulong. Nag uusap pa rin kami sa pwede naming partnership. Isang collab sa coaching business niya and isang collab sa tshirt biz niya. If it doesn't push through, mag-start ako ulit ng tshirt biz pero ta-try ko sa US ang pagbenta. Tignan ko kung kikita ako. Nag aalangan lang ako kung malulugaran ko sa oras. 

So 'yan mga choices ko. I don't have much money for now. So konti lang talaga budget for the next investment. Siguro around 10-15k muna ulit. Unti untiin ko every sweldo hanggang lumaki ng lumaki. Hintayin ko 'ung feedback nung South African kung ano ang balak niya. Sayang 'ung pera kaya hindi muna ako maghahanap ng ibang raket. 

Gusto ko sanang mag buy and sell kaso very risky for now na lumabas labas. 

Kayo? 

Ano sa tingin niyo ang magandang investan?

Thursday, March 18, 2021

Bayad na!

 

Atat ako magbayad para mawala na sakit ulo ko sa credit card. Haha. Tinawagan na rin ako na tatanggalin na 'yung interest charges which still amounts to about 20k++. Kaso, it will take about 3-4 weeks pa daw. It will take a while. Medyo badtrip pa ako kapag nakikita ko sa online banking account. 

Right now, I have about 13k savings sa bank which I'm torn na ilagay ko sa stocks ulit or I'll try crypto. Medyo bagsak kasi sa stock market sa Pinas. Hindi tayo makasabay sa neighbors natin lalung lalo na din sa Western countries like the US. We used to have better performance under Pnoy. Malayo. Dati nangunguna tayo lagi sa stock market sa Asian neighbors natin. Even when bagsak sila, tayo angat. Ngayon, tayo 'ung laging bagsak kahit na pataas na mga katabi nating bansa. That's what you get with Dutertenomics. 

We'll see. Tinitiis ko pa pero next sweldo definitely mag invest ako ulit. 

Cash on hand ko is 1k+ lang pero abot na'to hanggang sweldo next week. Hindi naman ako magastos e. 

Should have more but I bought mom a new phone. She used to have an old Samsung phone na old school. 'Yung may keypad pa. Napansin ko natutuwa siya lagi kapag may ka video call so I thought ibili ko na nga dapat siya ng new smart phone. 

Nakakataba ng puso na makita ko ang nanay ko na masaya. Lately nakakalimot na siya lagi. Fear ko na baka maging ulyanin na siya in the future. 

'Ung binili kong Union Bank stocks bagsak pa rin hanggang ngayon. I don't worry too much about it for now. Malayu layo pa rin naman ang pasko. I hope makabili na nga ako ng sasakyan by that time para mapasaya ko lalo si Mama. Medyo matagal tagal na rin niyang gusto 'yun. Honestly, hindi ko ganu'n katrip magkakotse ulit dahil hindi naman din ako lumalabas gaano. Plus, kaya na 'un ng motor ko. Haha. 

We'll see what happens in the short-term and the long-term soon enough. 


For now, masaya ako nabayaran ko na ang isang obligasyon ko. 









Friday, March 12, 2021

I Started Investing na Ulit

Sa blogpost na ito, idedetalye ko kung ano ang stock na binili ko at kung ano ang logic kung bakit ako nag-invest sa company na ito. Basahin niyo lang muna itong intro para maintindihan niyo ang philosophy kung bakit ganito akong mag-invest. 

As you'd remember last time, tinabi ko 'yung Php 10,000 sa isa ko pang account as "savings." Kaso after 1 month ni hindi man lang nagka-interest kahit piso so nainip ako. Tutal bagsak ang stock market, it'd be good to start investing na ulit. I'm not sure hanggang kelan bagsak ang stocks pero sure ako babalik din sila sa dating presyo. So yes, a few days ago dineposit ko 'yung Php 10,000 so I can start investing. 

'Itong ginawa ko, hindi siya advisable gawin agad. Dapat talaga, aaralin mo muna ang company na bibilhin mo bago mo bibilhin. Titignan mo ang gross profit nila kung pataas tapos ang expenses pababa. I did this on a whim because may napansin ako na baka hindi napapansin ng iba. Kaya ko lang naman ito napansin kasi nasa sitwasyon ko na makita. 

I'm looking at the banking industry. 

Bakit?

In the past few months, kasama ang mga bank sa mga pinakatinamaan ng patay na negosyo. Since hindi gumagastos ang mga tao, hindi rin lumalabas, maraming physical businesses ang nagsara. At kung umutang lang ng puhunan ang mga business na ito, kawawa rin ang mga bangko. Marami rin ang nawalan ng trabaho. Ang isang tulad ko, nabaon sa utang dahil hindi ko nabayaran ang credit card bill ko ng ilang buwan. 

So lately, napansin kong andaming companies ang tumatawag sa'kin para i-recruit ako. That means nakakabawi na ang mga company kaya hiring na lagi. Minsan nga, hindi man ako nag-apply tumatawag pa sila. Member din ako ng online jobs community sa Pinas, at most ng work dito ay for companies abroad. At, ang choice of payment para sa work na ganito is digital siyempre. So far, overwhelming ang number of votes para sa best bank kung saan magpapadala ang client ng sahod, UNION BANK. 

Kasali kasi ang Union Bank sa mga pioneer ng online payment. At since kasama sila sa mga nauna, pinakamabilis ang payment sa kanila. Patok ito sa mga Pinoy lalung lalo na kapag isang kahig, isang tuka kayo sa bahay. Kahit constant lang naman ang schedule ng sweldo mo, gusto mo nakukuha mo ito ng mabilis. 

BPI ang account ko and nakukuha ko ang sahod ko in 2-3 days pa while kung Union Bank makukuha mo in minutes "daw." Shet, kung nagmamadali ako kahit oras lang ang difference e lilipat na ako sa Union Bank! Haha. Pero hindi naman din kasi ako magastos kaya I'll stay with BPI, FOR NOW. 

Having said that. Hindi ko rin makita ang Union Bank as sikat sa mga loans. Nagtitingin tingin din kasi ako sa mga bentahan ng kotse kung anong bank ang madaling kuhanan ng loan. Hindi ko makita ang Union Bank. Hahaha. At kung hindi madaling utangan ang Union Bank, ibig sabihin e mababa ang lugi nila sa mga hindi nakakabayad ng loan para sa mga kotse. 

So 'un lang po. Haha. Ganu'n lang ang logic. Today nakabili ako na ako ng first few shares ko from the max investment na Php 10,000. Here goes: 


Lagot, lugi agad?

Lugi agad talaga kasi originally nag-bid ako @73 pesos tapos bawasan mo pa 'yan ng commission ng broker so tumaas pa siya to 73.2154. Pero that's okay. I'm in this for the long term naman. Expect na na malikot ang stock market kung pagbabasehan mo lang e minutes, hours, days. Ineexpect ko na tataas 'yan in the next coming weeks to months basta ma-maintain ang momentum ng mga magkakaroon ng work-from-home. 

Next 10k ko siguro is iinvest ko sa BDO so stay tuned lang. Kung meron na kayong pang invest, tell me what companies you're looking into. 

Happy investing everyone!

Thank you sa pagbasa sa blog. Please subscribe sa blog ko para ganahan pa akong mag-share. Labyu!






  


 

Tuesday, March 2, 2021

Almost Bayad na Utang

Just got my paycheck. Since may pambayad na ng utang, medyo masaya na ako. I can finally invest money na ulit. There are a few things I'd like to take note and be wary of. 

'Yung law office na tumawag sa'kin to make a deal na magbayad ng Php 27,500 each month, wala silang written deal with me. Everything is through phone lang. So techincally, when I check my bank account, hindi pa rin nawe-waive ang interest charges. So kung niloko lang pala nila ako, hindi ako sure how to fix it. Umaasa ako na kapag binayad ko 'ung huling amount, magiging okay na ang lahat. I won't know for sure hangga't hindi ko dinedeposit itong pera. 

E bakit hindi mo pa bayaran?

Para mas mataas ang average amount/month ng pera ko sa bank para hindi ako ma-charge for going lower than Php 10,000 sa savings account sa BPI. Iho-hold ko ang pera hanggang March 13, 2021 bago ko bayaran utang. 

Haha. 

Other than that, I'm so excited to invest na ulit at mag side hustle. I've never been this excited ulit na magpayaman ever since ma-depress ako sa buhay. I hope kayo rin kumakayod. 

Please lang, huwag niyo ipa-manage ang pera ninyo sa hindi ninyo kakilala. Minsan nga kamag-anak mo na, lolokohin ka pa. Learn to invest on your own. 

I will detail everything I do soon. Gayahin niyo na lang siguro. 

Thanks and have a good day!








Tuesday, February 23, 2021

Paano Alagaan ang Sarili

 There are 2 ways para alagaan ang sarili. 

1. Physically

2. Emotionally

Sa dalawa, mas madaling i-discuss kung paano alagaan ang sarili physically kasi mas general ang mga paraan para dito. Just eat right, exercise tapos matulog ng tama. That's it. 

Emotionally kasi, iba iba tayo ng trip. Merong masaya na sa simple like me. Hindi naman talaga ako emotionally needy. Meron naman gusto ng atensyon kaya para maalagaan ang sarili nila, they try to get people's attention para maging masaya sila. Gusto nila ng limelight. Meron naman, okay na sa spirituality. Kapag maayos ang religion nila, they feel spiritually happy. Meron pagkain lang sapat na. Pagkain lang sakalam.😂 So ang topic sa emosyon, I'll leave that to you or maybe sa future makapagbigay ako ng tips kung ano ang ginagawa ko. 

Paano alagaan ang sarili physically. 

So to be physically fit as discussed earlier, meron tayong tatlong kailangang i-maintain. 

1. Diet

2. Exercise

3. Tulog

Let's discusss each one by one. 

1. Diet

Maraming klase ng diet. And sa totoo lang, marami sa mga usong diet e pauso lang. It doesn't make sense. Papayat ka nga pero the moment na papayat ka na, you can't go back sa dati mong kinakain kasi nga, pumayat ka dahil drastic ang pagpalit mo sa diet mo. Now wala akong trip na sinusundan na diet. Bakit? Kasi tamad ako. Putangina, ayaw kong bilangin lahat ng calories na kinakain ko. Ayaw kong nakaoras lagi ang pagkain ko. Ayaw ko din na walang lasa ang kinakain ko. And I think, hindi siya feasible sa normal na tao.💪 

So ano ang solution ko?

Simple lang. Try to have a veggie or a fruit every meal. Maintain small portions ng pagkain. Balik na lang para kumuha ng extra kung gutom pa. Magpigil sa junk food. Bawasan ang everything in excess.🍟 

So currently, hindi ako kumakain ng chocolate at candies. Masyadong mataas sa sugar. Kung gusto ko ng matamis, I go for matamis na prutas or kakain ako ng bread na may strawberry jam, mango jam or kung ano mang matamis tamis na palaman. Ang kape ko dati, isa't kalahating kutsarita ang asukal. Unti unti kong tinanggal, ngayon wala na akong linalagay na sugar pati na rin creamer. 'Yung dalawa ang sobrang nakakataba. Mas na-appericiate ko na rin ang lasa ng black coffee. Mas nalalasahan ko ang sarap ng kape. Naging sensitive din ang dila ko sa matatamis. Kahit konting tamis lang, lasang lasa ko na ang sarap. Which is better dahil ngayon, hindi ako naghahanap ng matatamis na pagkain.🍎 

Ideally, lahat ng kakain mo ay lutong bahay. Generally kasi, mas healthy ang lutong bahay since walang linalagay na pampaadik ng pagkain like vetsin or limpak limpak na mantika.😅

Hindi na rin ako nagdadalawang rice. Isa lang every meal. Same thing sa ulam. Konti lang kinukuha ko. I find that mas mabilis akong mapagod kapag chubby ako. I feel good for myself kapag fit ako. Same thing kapag may nagbibigay ng compliment sa akin na hindi ako tumatanda. Kinikiligs ako.😍

2. Exercise

Yay. Quick 30-min run!


Ilang beses na akong nag enroll sa gym. Hindi ko talaga malugaran. Sinubukan kong magkaroon ng gym buddy, kapag tamad gym buddy, tatamarin ka rin. Sinubukan kong mag enroll ng 1 month sa gym para mapilitan akong magsipag, tinamad din ako. 

Hindi ko talaga trip kapag maraming tao tapos hindi mo magamit ang equip na gusto mo. Or minsan may baboy na pupunuin ng pawis ang gym equipment tapos hindi pupunasan. Nawawalan din ako ng gana kapag may baklang nakatitig ng malagkit. Oo, nakakamotivate ang mga sexy na nagwo-workout pero nakakaurat naman 'ung mga nagpapa-cute na lalake na todo ang grunt para kunwari anlalakas nila.😄 Hindi ko rin trip magshower sa gym. Pugad ng bacteria ang mga public shower. 

With that said, trip ko talaga is running as an exercise. 'Di naman kailangang long distance. Gusto ko lang magpapawis. Hindi ko man nga gaanong concern kung gaano kalayo. 30 mins to 1 hour okay na ako. Hindi rin kailangang mabilis. Tapos hahaluan ko lang ng konting body weight exericise, pushups, squats, etc. okay na ako. MWF ang takbo ko with a bit of variance sa sched depende kung may ibang lakad. 

I also do regular walks sa gabi. I use it to relax myself at para makapag isip isip na din. It does wonders lalo na at writer din ako. 

3. Tulog

Sleep hack. ^_^


They say na adults need at least 7-8 hours na tulog every day. Panggabi ako and hindi daw advisable na hindi ka natutulog ng gabi so I tried modifying my sleep. Nag sleep hack ako ika nga. I sleep at least 4-5 hours from 2am to 6am or sometimes 7am gising, work, tapos tulog ulit ng 3-4 hours after lunch kung anong oras man ako datnan ng tulog. I won't recommend the same sleep schedule ha. Nag-eexperiment pa ako. I bought a Mind 5 for this to monitor my sleep, kasama na rin ang heart rate, tsaka step count. Sulit na sulit na rin considering mineameasure din niya kung gaano na kalayo ang natakbo ko. Maybe I should post a product review soon. 

MiBand 5 with Custom Pokemon Face


Ayan, na ang habit ko kung paano ko alagaan sarili ko. It's not complicated and doable for most people I guess. Walang bilang bilang ng kinakain. Inoorasan ang tulog tapos saktong kilos kilos lang.

Sana po makatulong. Kung may iba kayong tips. Please share it in the comments. Thanks!


 




Monday, February 22, 2021

Tipid Tips: Look for Alternatives

Part ng pag-iipon at pagpapayaman is pag-aalaga ng health natin mga Tsong at Tsang. Kailangan nating kumain ng tama at mag-exercise. Hindi naman kailangang nakakwenta lahat ng kakainin o iinumin. Pwede na 'yung everything in moderation ika nga. As for me, nagja-jogging ako 3x every week plus konting push ups here and there. Nagstart ako sa 165 lbs. (75 kg) to 150 lbs. (68 kg). I'm 5'11" kaya ngayon ampayat payat kong tignan. I need to gain more weight in the form of muscles. 

So ano ang gameplan ko for that? Wala namang drastic. Dadagdagan ko lang ng protein ang kinakain ko. Saan nakukuha ang protein? Usually sa karne, itlog, mani at gatas. Now every time mag-jog ako bumibili ako ng Vitamilk which is around Php 30 sa convenience store (part ng evening routine ko ang maglakad lakad at bumili sa 7 11). Medyo pricey for me para sa isang bote lang ng soy milk. So ang ginawa ko ngayon, bumili ako ng Birch Tree Fortified Milk.😅 

Wahehehe. Nasa 200+ lang sa Alfamart. Tinignan ko protein content ng lahat ng major gatas like Bear Brand, Alaska at Nido, Birch Tree ang may pinakamataas na protein content. I can tell you, hindi siya masarap, hindi rin naman panget ang lasa. Pwede na. Pero hindi ko naman binili ito para sa lasa. Pasa sa PROTEIN. Tapos makakailang mug na ako nito pero hindi pa rin mauubos. Umiinom ako araw araw. Balitaan ko kayo kung makakailang timpla ako para ma-compare ko ang gastos. 😀

So un. Kung namamahalan ka, always look for alternatives. I will get more protein dito sa Birch Tree, mas tipid pa. Lakad na lang talaga ako lagi kapag gabi. Bawasan pa ang gastos. Haha. 





Thursday, February 18, 2021

Paano Pababain ang Utang sa Credit Card

As I've discussed sa previous post, meron akong naipong napakalaking utang sa credit card, Php 77,914.84!

Nawalan kasi ako ng trabaho nung March 2020 tapos nahirapan na akong maghanap ng trabaho ulit. Partly, kasi tamad din ako at walang motivation. But that's for another topic. I tried naman to pay monthly hanggang September kaso naubos na budget ko nu'n. 

So ngayon, pinasa na ng bangko ko sa legal office para habulin 'yung utang ko. Tumawag na sila several times kaso sabi ko naghahanap pa talaga ako ng trabaho para makabayad ako. I told them magbabayad talaga ako. I guess that helped and ngayong may work na ulit ako, I can finally pay up na. 

They offered tatanggalin nila lahat ng charges kung magbabayad ako ng one time fee na Php 54,000

Ask for Options

I don't have that amount for now. So ang next best strategy is to ask for more options. 

I negotiated to pay it in 3 months at a reduced rate of  Php 64,302.

Kaso dumating 'yung sweldo ko sa Upwork nung isang araw so I tried to ask how much babayaran ko kung 2 months to pay. Php 55,000 lang pala or Php 27,500 a month!



Since I have enough cash for that, I opted for the 2 months to pay option. Mahigit Php 10,000 din ang difference kung gagawin kong 3 months to pay. Parang tanga. I guess strategy nila 'yun para makapagbayad ako agad. 

Either way, I'm so happy na isang bayaran na lang at I'm free na sa utang. So far so good. Continue lang ang pagtitipid. 

Next payment would be on March 15, 2021.

I still only have a budget na Php 100 a day for food. Since work from home ako, sobra sobra pa 'yun. Other than that, dog food lang ang next major expense ko. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin din inuupgrade to pro 'yung video editing software ko.😅 Tiisin ko pang hindi ako gagastos. 

2 weeks na akong nagke-crave ng Burger King. Kaso tiiis tiis pa.

Gusto ko rin ng chips. Kaso tiis tiis pa. Haha. Iniisip ko na lang, nakapag McDo na ako nung isang araw. Cheeseburger meal, regular lang para saktong Php 100 ang gastos.😆

So ayun, key points dito is:

  1. Sabihin mo sa naniningil lagi na willing kang magbayad. Kapag cooperative ka, magiging mabait sila sa'yo. 
  2. Negotiate terms. Find ways para mabayaran mo sila but at the same time hindi ka magigipit. 
  3. Have multiple streams of income kapag malaki ang utang mo. Diskartehan mo. Any amount would do. Tanginang sideline halos Php 5k lang kinita ko for 1 month dahil sobrang baba ng bid ko sa UpWork. Pero, 5k is 5k mga Tsong at Tsang. Pandagdag din pambayad ng utang. Kapag ikaw ang gipit, you can't be choosy. 
  4. Tipid, tipid, tipid. Learn to reward yourself but don't forget to limit rewards. Nag McDo na ako nung sweldo e. Hindi na pwede 'ung mag Burger King pa ako. Plus may iba pa akong goals 'di ba? Medium at Long term goals pa. Next stop would be to have saving and investments sa stocks. 

Musta na ang payaman journey ninyo? I hope mayaman na kayong lahat. Habol na lang ako ulit. ^_^





Wednesday, February 17, 2021

Paano Mag-Ipon Part 2

I think my most popular post is "Paano Mag-Ipon" and I wrote it way back in 2011. 10 years went past and I went downward. Now I have to start from scratch. 😅 But that's okay. 35 na ako and in a way, galing na ako sa baba. Mas madali ng tumayo ulit.

Actually, madali lang mag-ipon. Magtabi ka lang lagi ng pera sa tuwing may kikitain ka. In can come in the form of sweldo or negosyo. It doesn't matter. Ang key dito is dapat consistent ka. Magkano ang dapat itabi? Ikaw ang bahala. Mas malaking amount, better. Kapag tinabi mo, huwag mo ng gagalawin. Huwag. 

Formula: 

Kita - Gastos = Ipon

Sample:

Kung ang kita mo buwan buwan is Php 10,000. Magtabi ka ng 10% buwan buwan (Php 1,000) so sa loob ng isang taon, meron kang magkano? Php 12,000. 

So:

Kita - Gastos = Ipon

10,000 - 9,000 = 1,000

Simple lang 'di ba? Kaso andaming hindi nakakagawa niyan. Lalung lalo na sa panahon ngayon na uso ang Shopee at Lazada. Naku, paktay na!😂

Kaya maganda, baligtarin mo ang pagtingin mo sa formula. Itabi mo agad ang pera bago mo gastusin. 

Formula: 

Kita - Ipon = Gastos

10,000 - 1,000 = 9,000

Parang tanga naman, binaligtad mo lang formula pero pareho lang 'yan e!

Yes and No. Oo binaligtad ko lang ang formula pero sa totoong buhay, kung tuwing katapusan doon ka pa lang maglalagay ng ipon pagkatapos mong gumasta, baka matukso kang gamitin pa 'ung extra Php 1,000. Kung, itatabi mo agad ang Php 1,000, guaranteed ka ng may savings na Php 1,000 + kung may matitira pang perang hindi mo nagastos.

Gets? 

Pero para mas maganda ang plano, ipapakita ko sa inyo ang plano ko. 

Kaya ka siguro napunta sa blog ko kasi either baon ka sa utang o nagkapera ka ng konti at gusto mong magtabi. Well, hindi tayo nagkakalayo. Haha. 

So currently, dahil sa pandemic at mga maling choice sa buhay e nabaon ako sa utang. 





Paano umabot ng ganyan kalaki utang ko sa credit card? Sabihin na lang nating marami akong pagkakamali sa buhay ever since nawala ako sa goals ko. Ngayon, gusto kong bumawi. 

Paano ako makakapag-ipon?

Para makapag-ipon dapat meron kang goal. Para saan ba ang perang iipunin mo? Ano ang long-term goal mo? Ano ang short-term goal?

Example sa'kin:

Long Term Goal - Makapag start mag-invest ulit 

Short Term Goal - Bayad Utang

Extra Goal - Bumili ng kotse by the end of 2021


Ano ang sa'yo? Ilista mo tapos ilagay mo sa lugar na palagi mong nakikita like tapat ng monitor ng PC mo. O sa reminders mo sa celphone. 

Next, i-break down mo ang goal mo into smaller steps. 

Since hindi ko pwedeng ma-reach 'yung medium at long-term goals ko ng hindi ko naaayos ang short-term goal, 'yun muna ang focus ko. 


How to Achieve my Short Term Goal

1. Makipag negotiate sa amount ng utang. Honestly, nagpile up lang 'yan dahil sa interests and gusto ko naman talagang bayaran pero nawalan ako ng trabaho. Kapag nalaman 'yan ng bank, willing naman silang mag adjust. 

2. Hanap ng multiple streams of income. Currently, meron akong dalawang trabaho. I'm currently a freelancer. Kumukuha ako ng trabaho sa upwork.com at Onlinejobs.ph. 'Yung main client ko, nakuha ko sa onlinejobsph tapos 'ung sideline ko is sa upwork. Kitaan dito is highly varied depende kung magkano na-negotiate niyo pero so far ito ang meron ako: 

Onlinejobs client = $500 every 2 weeks or $1,000/month

Upwork client = $3/ hour

'Ung Upwork ko is limited sa 20 hours a week. Tapos hindi ko rin 'yan nauutilize ng buo. Just to give you an idea, eto ang current status ng kita ko diyan: 


It's not much pero kita is kita and hindi rin naman ganu'n kalaki ang effort ko diyan. Nagma-manage lang ako ng Facebook Group. 

'Yung main kong pinagkakakitaan roughly gives me around Php 24,000 (depende sa exchange rate) every two weeks. 

3. Kwentahin ang mga Gastos + Magtipid

Every two weeks, nagbibigay ako ng panggastos bahay ng Php 4,000.

Every three weeks, bumibili ako ng isang sako ng dog food Php 2,000.

Every day, bumibili ako ng kape or energy drink Php 20-40.

Occasional snack every other day - Php 40. 

Rough daily gastos = Php 100. 

4. Magplano ng Budget or Planuhin ang Gastos and Stick With It

For other people, maganda talaga ang may budget ka para calculated talaga ang gastos. IT DOESN'T WORK FOR ME. Hirap ako magbudget dahil nga magulo isip ko e. Pero ang strategy ko is magtipid talaga without sacrificing my happiness. 

Every day, pinagpapalit ko ang bili ko ng Kopiko 78c at Redbull na nakabote. Minsan, hindi man ako bumibili. Minsan, bibili ako ng extra Vitamilk para sa protein content or pandesal kung gutom. 

I'm using a budgeting app for this to track all of my expenses. "Money Manager" ang pangalan ng app na nakuha ko sa Playstore ng Android. It gives me an overview kung saan napupunta talaga ang pera ko. Which is, hindi ko rin naman talaga kailangang i-track dahil literal na sa pampagising lang napupunta ang budget ko + snacks. Miscellaneous na lang diyan e books, limos, abuloy sa simbahan, gas at grocery shit. 

So currently ganito itsura ng bank account ko after kong mag-abot ng pera para sa bahay: 




I don't expect na gagalawin ko ang pera diyan anytime soon. Tinitiis ko pang hindi mag-upgrade nung video editing software na palagi kong ginagamit for work which is Php 1,150 one time fee. Most likely bibilhin ko 'un pero titiisin ko pa ng konti. Haha. 

5. Planuhin kung kelan mababayaran lahat. 

Ang plano is mabayaran ko lahat ng utang by April para makapagstart na ulit mag-ipon at mag-invest.


Medium Term Ipon

Kaya ko lang gustong magka-kotse ulit is para maging masaya nanay ko. May motor pa rin ako and I'm very content with it. Super tipid sa gas at maintenance. Kaso para makapaglibot na rin si Mama and para nga din sa emergency situation or kapag simpleng maulan e gusto ko na rin magka-kotse ulit. 

Plan for this is mag-ipon ako ng Php 30,000 a month hanggang December (roughly 8 months worth) tapos 'un ang gagamitin kong pambili ng 2nd hand na kotse. Kung ano man ang aabutin ng pera, 'un ang budget. 


Long Term Ipon

Hindi ko muna iniisip ito. Bayad muna ng utang ang priority.😅


So 'un. Samahan niyo ako sa pagbabagong buhay ulit. Ta-try kong mag-share ng knowledge pati mga maling nagawa ko. I hope meron kayong matutuhan sa blog ko and makapag-share din kayo ng experience ninyo. 

Tulong tulong tayo mga Tsong at Tsang.

Payaman tayo. 





Monday, February 15, 2021

Starting Over

Gusto ko lang sabihin na I'm back!😅

Shet, 2017 pa pala ang huling sulat ko dito and yet may mangilan ngilan akong followers. 

It took a while pero babalik din pala ako dito. Haha. I did make my own website pero to tell you the truth 'yung mga payo ko dito hindi ko na nakuhang nasunod. Naging pariwara ako at walang direksyon. Ngayon ngayon lang ako nagbabalik look kaso lumagpak ako. 

Oh well. 

Gusto ko lang simulan ulit ang pagba-blog. Wala man akong topic for today. Gusto ko lang to set the ball rolling ulit. Sa mga followers ko, baka ma-spam ang mga e-mail addresses niyo ng alerts. Sorry. I hope you are all well and buhay na buhay pa. 

Putanginang Covid-19 hindi ako makalabas ng maayos. 

Start tayo ulit.