Hopefully Ngayong Nandito Ka sa Blog ko, Hindi Ka Nawawala. ^_^

Please don't forget to subscribe to my blog para pag may post ako automatic makikita nyo. Feel free to share my blog sa Facebook, Twitter, Google+ or any other social media.

Salamas!

Wednesday, January 18, 2012

First Blood

(Note: Last week ko pa nasulat to. Last January 14, 2012 ang first day of class ko)

Ngayong araw ang unang first day ng class ko ulit sa skul. At kagaya ng lahat ng first day after ng Christmas vacation, nakakatamad (except kung may gf kang looking forward kang makita). 

Kaso, lahat ng first ay importante. Sa DOTA, hindi baleng matalo ang team nyo huwag ka lang ma-first blood. Dahil ang unang mamamatay ang magse-set ng takbo ng laro. Sa basketball, importante ang first blood din. Parang swerte kasi ang una. Parang pag nagregla ka lang, first blood din yun, sasabihin ng tao, DALAGA ka na. Parang unang jerjer din. First blood din yun. Swerte yung lalakeng nakauna sa'yo.


Sa skul ko may kunsintidor na teacher, magchecheck lang ng attendance tapos dismiss na. Ayos yun! Kung wala kang kasunod na subject. Kaso hindi eh, kelangan mong maghintay sa susunod na subject pa. Ang masakit pa dun, pag malas malas ka, yung susunod na subject, yun yung teacher na magtuturo talaga. ^_^ Awts.

But then again, dahil nga first day at ito ang magseset ng tone ng trimester ko. Papasok ako. Natural akong tamad. Pero pag ayos ang prof ko kahit ilang oras pa siyang magturo ayos lang. Hindi ako aantukin. Ako kasi ang tipo ng estudyante na gustong nakaupo lang sa apat na sulok ng silid aralan. Gusto ko nasa labas nag-aaral. Nakikisalamuha sa tunay na buhay. Kaya, kapag ang teacher old school, by the book (as in bibliya ang book) at wala siyang sariling opinyon, i-expect mo ng pipilitin ko lang maging polite at papasok araw araw. 

Ako naging estudyante at teacher ako kaya gusto ko rin ng pagbabago. Kaya nung nagtuturo ako sa PWU pinakiusap ko talagang magklase ako sa labas ng skul. Buti na lang pumayag ang skul. Hindi ko magagawa yun sa ibang eskwelahan. Kaya nga rin ako nangangarap na magkasariling business ulit at magkaroon ng mataas na posisyon sa trabaho, para mashare ko talaga ang alam ko sa tunay na buhay. Ayaw kong magturo sa skul pagkagraduate ko ng Master's Degree at magturo ng isang subject na wala akong alam talaga. Ayaw kong mapunta sa point na teacher nga ako pero lahat ng tinuturo ko ay galing lang sa book. ^_^ Kung magtuturo lang din lang ako na galing lang sa libro ang knowledge ko, bakit hindi ko na lang ipabasa sa mga students ko yung libro at bahala na silang mag-aral? Kaya andaming teacher mahilig magpareport eh. Either hindi talaga nila alam ang subject or tamad lang yan. 


But then again, hindi lahat ng first blood eh nagiging maganda ang kinahihinatnan. Di ba dati ang gusto mong first kiss mo eh siya rin ang magiging asawa mo sa future? Di ba ang gusto mong maka-jerjer na una eh sinabi mo rin sa sarili mo eh magiging asawa mo rin sa future? Nakailang halik at jerjer ka na hindi ka pa rin nag-aasawa. ^_^

But then again, lahat ng first blood eh memorable. Minsan, pag maaalala mo ang unang dugo, matatawa ka na lang. Kahit gaano pa kapalpak ang unang beses, it becomes a good memory kung nakuha mong matuto in the end. At, yung ang importante. 

Ang matuto at magmove-on. 

Kaya yun.. Ang first day ng isang bagay, gaano pa nakakatamad ay magseset ng pace mo. Kung alam mong magiging mabuti ang kahihinatnan, magpapa-banjing banjing ka pa ba?

The future becomes clearer kung ikaw mismo ang magdidikta kung ano ang mangyayari sa'yo. 

FIRST BLOOD!!!

Monday, January 16, 2012

Anong Feeling ang Pinakamasakit?

Just a few days ago pumasok na naman ang question na "Anong feeling ang pinakamasakit?" Eto yung mga araw ng kung anu-ano na naman naiisip ko at naghahanap ako ng sagot sa tanong ko. Eto rin yung araw na madalas tulala lang ako at busying nag-iisip para masagot ko ang sarili kong tanong. 

Madalas ganun ako. ^_^ Kaya minsan, kahit tawagin mo pa ako ng tawagin, hindi kita mapapansin dahil nag-iisip ako. Sori na. Bingi na nga ako tapos lagi pa ako ng nag-iisip. Kung kakilala kita huwag mo sanang sabihing SUPLADO ako. Tanga lang po. 

In no particular order eto ang nasa top ng list ko:

SELOS

Eto ang isa sa pinakamasakit na feeling. Pag may nililigawan ka at may pinagseselosan kang iba. Sobrang sakit ng feeling na'to at ito yung isa sa pinaka ayaw kong nararanasan. Ang mas masakit na selos eh yung, nagbreak na kayo at meron na siyang iba. Yung tipong malungkot ka na nga, break na kayo tapos makikita mo pa siyang masaya na may kasamang iba. Tapos, lalo ka pang masasaktan dahil dadaanan ka niya as if hindi ka niya kakilala. Tangina lang. 

HOPELESSNESS

Naranasan mo na ba yung gusto mong tulungan yung mahal mo tapos wala kang magawa? Tae yun. Bwiset ang kawalan ng powers para tumulong. Lam mo kung ano pang mas masakit dun? Yung time na may kakayahan kang tumulong pero ayaw niyang magpatulong sa'yo. At kapag tinanong mo siya. Wala siyang dahilan. 

Uhm! Sapul!

TULI

Oo. Masakit nung tinuli ako. 6x ata na-injection ang etits ko sa laser ek ek procedure. Sulit naman. Pero ayaw ko ng ma-inject ulit etits ko. Kahit saan na lang huwag lang etits. Masakit talaga yun. Tapos ilang linggo ko rin hinintay para maghilom yung sugat. Yun pa naman yung time na napakasensitive ng titi. Makakita ka lang ng legs parang titigas na agad. Awts yun!

Sulit naman magpatuli. Buti na lang once lang kailangang magpatuli. 

Di na ako supot. 

IN YOUR FACE BANAT

You go out a lot, you hold each other's hands tightly, you hug, you kiss... And then magugulat ka na lang. Isang araw makikita mo siya sa isang mall may kasamang iba. You talk to her and ask her why she's dating another guy at sasabihin niya sa'yong... 


"BAKIT? TAYO BA."

Nganga!

LOGIC

Mahal nyo ang isa't isa. Tapos biglang may mayamang lalake na hindi man niya type. May kotse, maraming bahay at merong business. Yun ang pipiliin niya. Kasi daw nagpapaka-praktikal lang siya. 

Putanginang praktikal yan. Tapos magdadasal dasal sila ng isang lalakeng magmamahal sa kanila ng tunay. 

Yung mayamang yan ni hindi mo man nasabing mahal ka niya. Lolokohin ka lang niyan katulad ng ibang babaeng nasilaw niya sa pera. Magsama kayo bwiset kang mukhang pera. Tutal nagpapaka praktikal ka lang sa'yo na ang pera. 

Hindi lahat ng materyal na bagay GINTO. 

WHAT IF

Sinabi na niya lahat ng magagandang bagay sa'yo. Ikaw na perfect guy, pogi ka, macho ka, meron kang paninindigan, gentleman ka, wala kang bisyo, mabuting tao ka, ikaw na. Sana hindi na kita pinakawalan. Sana hindi na kita pinakawalan. Sana masaya ako sa'yo ngayon. Sana masaya tayo ngayon. Sana tayo pa. 

And then o-offeran mo siyang maging kayo ulit. 

Tatanggi siya.

Ndi ko gets. 

Tangina This!





Pero ang pinaka-masakit na feeling na naramdaman ko sa buong buhay ko eh...

SELF-PITY

Ayaw na ayaw ko ang feeling ng naaawa ako sa sarili ko. Minsan kahit naaawa na ibang tao sa'kin natatawa na lang ako. Naaawa sila kasi sobrang pudpod na keypad ng celphone ko. Naaawa sila dahil masakit ang loob ko. Naaawa sila dahil heart broken ako. Naaawa sila dahil broke ako. 

Ayos lang yun. 

Ang ayaw ko eh mapunta ako sa point na totally drained ako. Ginawa ko na lahat pero meron pa ring kulang. Ayaw ko yung masakit na feeling na naawa na lahat sa'yo at sa sobrang sama na sitwasyon, nakukuha ko ng maawa sa sarili ko. 

Yung feeling na wala kang magawa para sa sarili mo. 

And then you have to wake up everyday knowing you can't do anything about is just cruel. 

Mapapayuko ka na lang dahil sa shit. 

And then you just hope and pray na someday, mapunta ka ulit sa point na pwede ka ng magstart magmove-on. Ang malaking tanong lang eh.. 

Kelan?

Eto ata yung first post ko sa Simpleng Buhay na hindi talaga simple...

Paksyet lang.

Friday, January 13, 2012

Crush, Infatuation and Love

A new friend of mine once asked me "What would I do if I get infatuated with a guy I just met?" Pinag-isipan ko ito ng mabuti for a split second (Henyo ako eh) and then I told her "Get infatuated with him more."

Honestly, if you get interested with someone who is really cool (minsan hindi mo rin alam kung bakit SIYA), why stop your heart from liking that person? Besides, kung bugso lang ng damdamin yan, mas mabuting makita mo ng makita para magsawa ka rin. 


Pero, kung yung crush mo na-infatuate ka na and then napunta ka na sa point of falling for him or her, ano na gagawin mo? 

This gives you more reason to pursue that person. If you are a girl, why be hesitant na makipagclose or even ligawan ang guy? Dahil ba mas sanay ang mga tao na lalaki ang nangliligaw titigil ka na? I think that's just pathetic. If you want someone, you can court that person regardless of gender. If you are a guy, stop being a pussy. Tayong mga lalake, mahilig sa pekpek pero hindi tayo ang pekpek. 


Paano kung may mahal na siyang iba?

Paano kung may bf/gf na siya? Paano kung may asawa na siya? Paano kung taken na siya?


Just recently, I got infatuated with a girl. She's totally pretty and hot but what I like most about her is sobrang bait niya. Hindi rin siya maarte, tingin ko kahit san siya pupunta makakapag-adjust siya. Masipag din siya at maasikaso. She's totally friendly with everyone and she's really sweet. Kahapon lang nagpost ako kung pa'no magstereotype ang mga lalake at kung bakit mahilig sila sa mga bitch. Ang girl na ito, I'd put her under "pambahay." Kung di'ko siya kilala I'd most probably put her under "pangkama" coz she's totally pretty and sexy. She's super hot talaga. ^_^ But I know her more than my eyes could tell me that's why she's "pambahay." 



Ok na sana eh. 






Kaso may boyfriend. ;p








Tangina This!




And I look at her in awe. I enjoy talking to her, texting her sometimes or kahit chat man lang. Alam mo 'yun? I can spend the rest of the day with this person and be myself kahit na madalas nahihiya ako sa kanya sa hindi ko malamang dahilan.

No. I won't say it's love. I've grown experienced na to say na hindi ako dapat pabugsu-bugso. Just like what I told my friend, I'm following my own advice. I'm just getting infatuated with her more. Of course, ayaw kong umepal na lang sa buhay niya dahil nga nakatali siya. Of course, I try to keep my self calm and do my best not to tell her na i-break na lang ang paksyet niyang bf who doesn't treat her right (sometimes di'ko natitiis). That would make me a SULUTERO. And I don't want to be the bad guy. 

But for now, I'm just the guy who is willing to take care of her. I'm the guy who is willing to wait for her. I'm the guy who can be her shoulder to cry on. I'm the guy who can be with her and not be somewhere else. That's all I am. I can wish to be loved in return, but even if she doesn't, andito lang ako.




Besides...






LOVE can be one way. 


I've already accepted the fact na pwedeng she'll never love me in return. Ganun naman talaga pagmamahal. Magmahal ng hindi nag-eexpect na mamahalin ka rin. You have to be unselfish... Which might hurt... A lot.  

And you can't do anything about it. 

That's Love eh. 

T_T

Thursday, January 12, 2012

Grades at Diskarte

Pasukan na naman sa skul sa Sabado. Hindi ko pa nalelet-go ang bakasyon kaya mahirap para sa'kin to accept the fact na may pasok na!

Pwede akong umabsent pero I'm too old for that. Haha.. Besides, I might get interested with the subjects naman siguro. Kahit naman ako nung maging teacher ako, tanggap ko naman may subjects akong hawak na gusto ko and may subjects akong hawak na inaamin ko sa sarili ko ng BORING. 'Pag di mo talaga hilig ang isang bagay, you can try to like it but you can't force yourself into liking it. 


Besides, I'm not looking for high grades. I'm done with grades. Simula prep, elementary at high school I though grades ang nagdedetermine sa talino ng tao. Kaya I always wanted to get really nice grades. I didn't want average grades, they had to be above average because lower grades made me feel BOBO. 

'Til I realized, there were people who had average grades but when I was with them, feeling ko ang bobo ko. There were people na hindi man natapos sa pag-aaral pero abot langit ang yaman ngayon. Then I told myself, a grade is just ink in paper. It doesn't determine who you are as a whole. It determines who you are sa mata ng grading system. Pag malas ka, it determines who you are kung gaano ka kagaling mambola at sumipsip ng teacher. Pwede rin chumupa. 

Ang multiple choice, identification, true or false ay para sa taong magaling magmemorize. Ang tunay na matalino sa real life magaling. So the next time na may magcocompare ng grade sa'yo. Huwag kang mahihiyang sabihin ang grade mo. Merong teacher mataas magbigay, merong teacher mababa magbigay. Huwag mong hanapin ang mataas magbigay na teacher, hanapin mo yung kung saan ka maraming matututuhan at maa-apply sa tunay na buhay. Kahit saktong pasado ka lang sa subject, pero busog ka naman sa "real world knowledge." Dahil sa tunay na buhay, hindi ka naman pipili ng a, b, c, true or false, o none of the above at mananalangin ka sa Diyos ng Hula.

Sa tunay na buhay diskarte mo ang magdidikta. 




Simple lang ang buhay. Huwag mo ng gawing kumplikado. 



Wednesday, January 11, 2012

Bakit Mahilig ang mga Lalake sa mga Bitch?


Madalas kong marinig sa mga babae na pare-pareho lang ang mga lalake. Sa dalas nilang sinasabi yun, it makes me think na pare-pareho ang mga babae.

Napaka-simple nga namang mag-isip ng mga lalake. Kunwari may dalawang lalake nakakita ng babae, dalawa lang ang choices nila para mag stereotype e, either "pambahay" o "pangkama." Pero kung ang dalawang babae, may nakitang lalakeng type nila kung anu-ano muna sasabihin bago mag stereotype. Sasabihin n'yan yummy, cutie, pogi, smelly, sexy.. at kung anu ano pang shit na tunog "i" sa huli. Tapos ang category nila sa mga lalake eh marami rin. Merong boyfriend material, asawa material, display material, fuck buddy material at kung anu ano pang shit na "material" ang huling word. Kaya minsan sila sila nagkakagulo gulo na kung saang category mapupunta eh. 

Ang mga lalake, nagkakaisa sa kung anong category mapupunta ang isang babae. Wala pa akong nakitang lalaking nakita na namali sa category. At, sa unang beses kong maririnig na iba sagot ng isang lalake, alam ko na kung ano siya.. 

hindi siya lalake. 

Kapag nag-away, ang lalake, magsusuntukan lang and then oks na. Magkakalimutan na ng atraso ang mga yan. Pero ang babae, pag nag-away, magbabati kunwari pero forever ng magka-away. May pa-hughug at pakiss kiss pang nalalaman. Kaya ang lalake hindi nagkikiss! Bat nga kaya ganun ang mga babae? Kung tatanungin mo sila hindi rin nila ma-explain. 

Sa barkada, ang mga lalake, tight yan. Walang iwanan. Walang trayduran. Napag-uusapan lahat. Ang mga babae, kunwari magkakasama sila at solid, pero ang isang barkada ng babae e gawa sa maliliit pang mga grupo dahil sila sila ay ayaw sa isan't isa. 


Ang babae, sobrang magkakaiba ang tipo ng lalake. Ang lalake, umiikot lang dun sa dalawang category. Most men would likely prefer yung "pambahay" over "pangkama" pero bakit marami pa rin tayong nakikitang mga lalakeng pumapatol sa mga "pangkama?"


A lot of you would point out sa "tawag ng laman." Pero lately, narealize ko kung ano talaga ang dahilan. 

Kaming mga lalake, gusto namin yung "pambahay" kasi yung type ng girl na yon ay maiuuwi namin sa bahay namin at maipapakilala sa nanay ng buong pagmamalaki. Kasama na rin d'yan yung matino siya, disente magdamit, matalino, mahinhin, marunong sa trabahong bahay.. etc. Si Maria Clara nga daw ang ultimate pambahay na babae sabi ng iba. 

But, at the end of the day, ang lalake, matutukso at matutukso sa "pangkama" dahil si "pambahay" marunong mag-alaga ng bahay pero si "pangkama" marunong mag-alaga ng lalake. 

Minsan, hindi namin kailangan ang sobrang talino ng isang babae. Di naman namin kailangan na mayaman ang babae. Di rin namin kailangang maging miyembro siya ng isang prominenteng pamilya. Di rin namin kailangan ng kung anu-anong shit na ipinagmamalaki ng mga babae.

Ang kailangan namin... LAMBING. 


Kaya kayong mga babae, kung gusto niyong magmalaki sa isang lalake about sa lahat ng achievement niyo sa buhay, tumahimik na lang kayo. Simple lang ang buhay ng isang lalake. Hindi ito kumplikado. Ano mo yung paminsan ikaw yung kakalabit sa kanya? Ano ba naman yung paminsan kakandong ka lang bigla o ikaw naman ang mag-effort na magbigay sa kanya ng surprise. Ano ba naman yung isang araw, tatahimik magpipigil kang magfit ng sapatos at for a change magfifit ka naman ng sexy skirt? Ano ba naman yung isang araw, gawin mo para sa kanya ang gustong gusto niya pero ayaw mong gawin?

(kindat* kindat*)




Ang hinahanap naming pakakasalan eh yung "pambahay" pero paminsan minsan landiin n'yo naman kami. ^_^

Monday, January 9, 2012

Gentleman

Just saw a girl nung isang araw na inis na inis sa kasama nyang lalake. Hindi kasi sila makatawid na kalsada. Well, obviously mukhang natural na takot tumawid yung girl at yung lalake, hindi nakakatulong tumayo sa safe side ng road. Buti naka-kotse ako so I let them pass. At nung nasa kabilang side na sila ng daan, to the girl's dismay, lumipat na naman yung guy ng pwesto at pumunta sa safer side while yung takot na babae sa dangerous side. 

Dami talagang asshole sa mundo. 
You ask someone out, spend the girl's precious time and be a pussy. We men should always try to be gentlemen naman. 

Iilan na lang guys na nagbubukas ng pintuan for a girl. Or kapag bababa ng jeep, you should at least try to get their hand para alalayan sila pababa. Obviously, kaya ng isang babaeng bumaba ng jeep mag-isa niya pero you have to make em feel special. Di kailangang pinopormahan mo yung girl. Kahit friend mo lang.

Ang tunay na lalake, marunong mag-alaga ng babae



Tuesday, January 3, 2012

Tipid Tip No. 2

Habang tumatanda ka, lalong lumalaki ang hawak mong pera. At habang lumalaki ang hawak mong pera lalong lumalaki rin ang gastos. Does that mean lalaki rin ang matitipid mo? Kung hindi lumalaki ang natitipid mo, may mali sa'yo. Ikaw ay magiging isa sa milyong taong fufu. Tumaas nga ang kita, tumaas din gastos. Tapos magrereklamo wala daw siyang pera. 

Paksyet.

Anyway, hindi yun ang tipid tip ko today. Ang tipid tip ko ngayong araw ay kailangan mo lang tandaan lahat ng ginagastos mo. Para malaman mo kung saan napupunta ang pera mo. Anong bagay ang kailangan mong i-give up dahil hindi mo naman talaga ito kailangan. 

Yun lang.

Pa'no mo naman ito magagawa?

Two years ago, may nagbigay sakin ng kapirasong papel. Akala ko kung ano yun, punuin ko daw yun para makakakuha ako ng magandang Starbuck's Planner. Tatlong sticker na lang ang kailangan nung papel. Opcors pinuno ko agad yun and in no time, I had my very first Starbuck's Planner. 

Desidido akong magtipid nun ang mag-ipon para sa kung ano mang luho ko. Hehehe.. Gusto ko na ring magpayaman kaya gagamitin ko sana ang pera para ipang puhunan. Kaya yun, araw araw, sinusulat ko lahat ng gastos ko araw araw. 


Starbucks Planner 2010 and 2011


Araw araw ilista mo lang lahat ng gastos. Tapos, ipag-add mo weekly gastos, monthly gastos.. at grand total ng gastos mo sa taon. Magugulat ka sigurado.


At ang sabi ko nga kanina, gagawin mo ito para ma-track mo kung san napupunta ang pera mo. Makikita mo rin kung anu anong pinagkakagastusan mo ng hindi mo naman pala kailangan. Eto nakita ko, mahilig akong gumasta sa chichirya. I consume isang balot ng chichirya around 4x a week. Mahilig ako sa bottled drinks, C2, softdrinks, etc. Kapag sweldo nililibre ko sarili ko ng kung anu anong shit. 

At all the while akala ko matipid na ako. Dahil ang mga katrabaho ko kung makabili sa mga tindahan ay pagkadami dami. After nun once a week na lang ako kumain ng chichirya, once a week na lang ako ngsoftdrinks at kung anu anong bottled drinks at inaamoy ko na lang ang pera kapag sweldo. Mas masaya kasi ang amoy ng pera kesa pagkain. Ang pagkain nagiging tae. Gusto mo bang inaamoy yun? Ang pera mabaho pero masarap pa rin ang amoy. Bakit? Kasi pera yun. 

Bakit di'ko tigilan ang softdrinks at chichirya forever? 

Kasi nagtitipid lang ako. Eh gusto ko talaga lasa ng chichirya eh. Yung softdrinks, ndi ko naman talaga gusto lasa, ok lang siya. Gusto ko lang uminom once a week. ^_^ I don't have to deprive myself of something na gusto ko naman talaga just to have a few more bucks. 

You can use the planner as a tool to track yung gastos. As an upgrade, pwede mo rin siyang gawin listahan ng mga pera mo. Para at least nakikita mo pa talaga kung nasan na ang total ng pera mo. Hindi ko nga lang ginawa to kasi pakialamera si mama. Ayaw kong nakikita niya kung magkano lahat lahat ang pera ko. Ok lang makita niyang may nakalistang motel na pinagcheck-inan ko sa gastos pero ayaw na ayaw kong makita niyang may savings ako. Hehehehe... ^_^ 

Daily Gastos


O di ba? Simple lang ang tipid tip ngayon. Hindi siya direktang pagtitipid pero malaking malaki maitutulong niya for you. Simple lang ang buhay. Kailangan mo lang imulat ang mata mo. Mag-isip isip ka lang okaya, basahin mo ang blog ko. ^_^

Subscribe ka na sa blog ko! 

P.S. Wala akong Starbucks Planner 2012 dahil napakaliit ng space na pagsusulatan! Hindi sulit!


Monday, January 2, 2012

2011 Looking Back

Last year sinimulan ko ang blog ko. Looking back, here's a list ng mga paborito kong post. Alam kong iba sa inyo, eto rin ang paborito. ^_^ Para sa mga bago lang po sa pagbabasa ng blog ko eto ang list ng tingin kong pinaka naging makabuluhan (Opcors, lahat ng post ko eh kamunduhan... este makabuluhan pala!).

Be Careful What You Wish For
Isang perspective sa pagwi-wish kay Lord. Mag-ingat sa kung anong hihilingin. Baka magsisi ka bandang huli. 

Paano Pumasok ng Hindi Nale-late?
Para sa mga laging late. O, ikaw ba ito? Kung lagi kang late lagi kang absent, para sa'yo to. Kung hindi ka palaging late at hindi ka palaging absent, hindi para sa'yo to. 

Sawa Ka Na Ba Sa Trabaho Mo? 
Para sa mga sawang sawa na sa mga trabaho nila. Be inspired sa post na ito. 

Isip Bata
Uso daw si Budoy ngayon eh. Masama ba kung makikiuso ka?

Assholes
Ang mundo ay punung puno ng mga paksyet. Isa ka ba sa mga paksyet? Kung ganun. Pakamatay ka na lang. Atlis tataba pa ang mga lupa. Magsama sama kayo ng mga uod gago ka. Kung hindi ka paksyet, basahin mo ito. Makakarelate ka. At makakakuha ka pa ng tips kung pa'no i-handle ang asshole. 

SM Pampanga Good News and Bad News
May dalawang baklang bata ang nagbaril sa sarili sa SM Pampanga. After nun nauso na ang pagpapakamatay sa SM? What's the good news about it? Meron nga ba? Read on. 

Bakit Ba ang Hirap Pumasok Kapag Lunes?
Sabi ng pinsan ko pinaprint pa daw ng katrabaho niya ang post ko na ito. Pinakita nya sa asawa niya. Wahahaha.. Baka it'll change your perspective din? Who knows? Basahin mo na lang kung tamad ka kapag Lunes. 

Badtrip Ka Ba? 
Para sa mga laging nakasimangot. 

Sana etong taong 2012 mas marami pang matuwa sa blog ko. 

Kung may nagustuhan po kayo sa mga post ko. Pwede pa-share na rin sa FB or sa Twitter para mas marami rin ang matuwa? Ako rin matutuwa. ^_^

Thanks po sa lahat ng nagbasa sa blog ko. Labyu Mwah Mwah Tsup Tsup!






Sunday, January 1, 2012

2012 New Year's Resolution

Kahapon, bago mag bagong taon tinanong ako nung friend ko via text kung ano ang New Year's Resolution ko. Natawa lang ako at nireplayan ko siya ng isang tumataginting na... 

"Wala."

While most people ay busy sa pagpapaputok, mapa paputok man yan, baril o titi, ako ay busy ring nakahiga at nagchichill chill lang bago mag New Year. Bakit nga ba tayo nagcecelebrate ng bagong taon?

Ang ibang tao, nagcecelebrate dahil naging mabait ang previous year sa kanila. Naging maswerte sila, pinagpala at generally masaya. Ang ibang tao, nagcecelbrate dahil pwede na nilang kalimutan ang nakaraan. Ang pangit na taon ay pwede mo ng kalimutan. Dahil ang bagong taon ay simbulo ng pagbabago. Kaya nga may New Year's Resolution ka di ba?

Not to be weird or sirain ang saya mo pero, kailangan pa ba talaga ng bagong taon para lang magpasalamat sa biyaya? Kailangan pa bang mag bagong taon muna para magbago at gumawa ng New Year's Resolution? 

Ang akin lang kasi, pwede namang magpasalamat araw-araw, oras-oras, minu-minuto.. alam mo na kasunod. At kagaya ng pasasalamat, pwede ring magbago sa kahit anong panahong gusto mo. Hindi mo kailangan ng kung anu ano pang shit. 

Parang pasko lang yan. Let's make every day, New Year??!!! Ay wag po, tatanda ako lalo! But then again, tumatanda rin naman pala tayo araw araw kaya pwede rin? ^_^



Mag-isip at magreflect. 

May point naman ako di ba? 

2012 Predictions

New Year na naman at ang pagpasok ng bagong taon ay may kaakibat lagi na mga hula. At ang tipikal na Pinoy lagi rin namang nauuto sa mga hula. Papabola sila sa kung anu anong shit ng mga manghuhula. Kung anong sinabi ng manghuhula, yun din ang susundin ng Pinoy. 

Eh napaka generic naman ng mga hula nila eh. Kahit naman ako kayang kaya kong manghula ng ganun. 




Kaya heto ang hula ko for the year 2012:
1) May magaganap na malaking disaster sa ibang bansa. Maaaring magiging isa itong form ng bagyo, lindol o tsunami. 

2) May malakas na bagyong sasalanta sa Pinas.

3) May mabubuntis na sikat na artista (as usual.. clue: Hindi si Piolo).

4) May mamamatay na sikat na artista. 

5) Magiging swerte ang 2012 kung magiging masipag ka at magpupursigi. 

6) May magkakagulong bansa. 

7) Ang swerteng kulay ay black. Pag di mo kayang mag-black mag-white ka na lang. Pwede rin red, blue, yellow, green, violet, brown, etc. 

8) Ang swerteng pet ay arowana at pegasus. 

9) Malapit ka ng yumaman, pag di ka pa malapit yumaman, malapit ka ng madedz.

10) Basahin mo ang susunod kong hula next year. 





Ayan po. Sigurado ako lahat n'yan magkakatotoo this year. Next year, basahin n'yo ulit ang post ko na ito at masasabi ninyong isa akong HENYO o matagal na kayong nauuto ng mga manghuhula. 

Simple lang ang buhay. Imulat lang ang mata at ikaw ay makakakita.

Happy New Year! ^_^