Kahapon, bago mag bagong taon tinanong ako nung friend ko via text kung ano ang New Year's Resolution ko. Natawa lang ako at nireplayan ko siya ng isang tumataginting na...
"Wala."
While most people ay busy sa pagpapaputok, mapa paputok man yan, baril o titi, ako ay busy ring nakahiga at nagchichill chill lang bago mag New Year. Bakit nga ba tayo nagcecelebrate ng bagong taon?
Ang ibang tao, nagcecelebrate dahil naging mabait ang previous year sa kanila. Naging maswerte sila, pinagpala at generally masaya. Ang ibang tao, nagcecelbrate dahil pwede na nilang kalimutan ang nakaraan. Ang pangit na taon ay pwede mo ng kalimutan. Dahil ang bagong taon ay simbulo ng pagbabago. Kaya nga may New Year's Resolution ka di ba?
Not to be weird or sirain ang saya mo pero, kailangan pa ba talaga ng bagong taon para lang magpasalamat sa biyaya? Kailangan pa bang mag bagong taon muna para magbago at gumawa ng New Year's Resolution?
Ang akin lang kasi, pwede namang magpasalamat araw-araw, oras-oras, minu-minuto.. alam mo na kasunod. At kagaya ng pasasalamat, pwede ring magbago sa kahit anong panahong gusto mo. Hindi mo kailangan ng kung anu ano pang shit.
Parang pasko lang yan. Let's make every day, New Year??!!! Ay wag po, tatanda ako lalo! But then again, tumatanda rin naman pala tayo araw araw kaya pwede rin? ^_^
Mag-isip at magreflect.
May point naman ako di ba?
No comments:
Post a Comment