Hopefully Ngayong Nandito Ka sa Blog ko, Hindi Ka Nawawala. ^_^

Please don't forget to subscribe to my blog para pag may post ako automatic makikita nyo. Feel free to share my blog sa Facebook, Twitter, Google+ or any other social media.

Salamas!

Saturday, December 8, 2012

Learning to Let Go

picture courtesy of http://lavistachurchofchrist.org

Not long ago, nagpaseminar ang company ko about risk management. Medyo napalihis ng topic yung resource speaker at nabanggit niya ang 70-20-10 rules sa personal finance. According kay Tito Wikipedia, ang personal finance ay: 


Personal finance refers to the financial decisions which an individual or a family unit is required to make to obtain, budget, save, and spend monetary resources over time, taking into account various financial risks and future life events. When planning personal finances the individual would consider the suitability to his or her needs of a range of banking products (checking, savings accounts, credit cards and consumer loans) or investment (stock market, bonds, mutual funds) and insurance (life insurance, health insurance, disability insurance) products or participation and monitoring of individual- or employer-sponsored retirement plans, social security benefits, and income tax management.

Sa 70-20-10 rule, 70% ng kinikita mo ang ilalaan mo sa pang-araw araw mong gastos, 20% ilalaan sa savings at 10% ay ido-donate. Kung mapapansin n'yo, si Tito Wikipedia walang binanggit na pamimigay mo yung pera mo. Puro management ng sarili mong pera. 

Ang sabi ng resource speaker namin, kaya daw merong 10% d'yan, pwera pa sa based din yan sa bible eh dahil we must learn to let go of money. Dahil, kung puro ko take ng pera at hindi ka marunong magbigay, nagiging alipin ka ng pera. Which is, may sense nga naman. 

Sa limited time ko dito sa mundo (27 years so far), napansin ko na tama yung kasabihang "The more you give, the more you receive." Case in point, nung magkaroon ako ng pagkakataong magtrabaho, kapag nag-sisimba, ang binibigay ko palagi ay 20 petot lang. Pero nung magbago na ang trabaho ko at tumaas ang sweldo ko, tinaas ko ng tinaas ang binibigay ko sa simbahan. At everytime na nagkaroon ako ng pagkakataon ng itaas ang binibigay, ambait ni Lord at binibigyan niya ako lagi ng mas marami pang pera! ^_^

Opcors, huwag ka namang magbigay para lang bigyan ka lalo ng mas maraming biyaya. Ang pagbibigay ay isang bagay na kusa. Parang pag-ibig lang yan. Hindi lahat may pagkakataong makapagtipid ng pera. Kung nakakapaglaan ka ng pera para sa sarili, siguro naman kaya mo ring maglaan ng konting bahagi nun para sa iba. 

Hindi ko tatapusin ang blogpost na'to sa kung anu anong shit. Tatapusin ko siya sa isang bible passage na sa tuwing babasahin ko, nanliliit ako. 


Luke 21: As Jesus looked up, he saw the rich putting their gifts into the temple treasury.  He also saw a poor widow put in two very small copper coins.  “Truly I tell you,” he said, “this poor widow has put in more than all the others.  All these people gave their gifts out of their wealth; but she out of her poverty put in all she had to live on.”

Tuesday, November 6, 2012

Never Say Never

Note: Hindi ko idol si Justin Bieber ha. Yak.

Right after graduating from college, I told myself I'll never work in a bank. I can't imagine myself doing the same stuff over and over again. Ayaw kong maging teller kasi I'm really clumsy rin paminsan. Baka ma-short ako. Ayaw ko ring nakatambay sa bangko, parang hospital ang dating. Tahimik ang atmosphere. Bawal ding magtext. At kahit hindi uso ang holdapan ng bangko sa Pampanga, takot pa rin akong maholdap. 

Look where I am now. I work in Rural Bank of Florida now. Opcors, yung mga iniimagine ko eh hindi naman nangyari. Sa executive office ako kaya I don't feel monotonous. Oo nga naman. Kapag sinabing bangko, syempre meron din namang executive office dapat yan na namamahala sa operations ng lahat ng branches. 



So far, masaya ako sa trabaho. Checkout our website: Bank of Florida website Okay ang sweldo, okaya din ang benefits. Ang dami ko ngang bagong natutuhan dito sa rural bank. Ang interest rate ng rural banks e mas mataas kesa sa commercial banks! Ang company ko ay majority owned ng isang family, and although magkakapatid at magkakamag-anak mga nakakasalamuha ko dito, very professional naman sila. Ang popular notion na "LAHAT BOSS" kapag magkakapatid ang boss mo e hindi totoo sa company ko. Hindi rin monotonous ang buhay ko dito. Araw araw merong bago. Nabubusog ako sa mga seminar. Ang dami kong natutuhan. Nakakaputi rin kasi hindi ko na kailangang pumasok ng 1 or 2pm. Hehehe.

Very simple lang blogpost ko today. Kasi napa-humble ako ng kasaraduhan ng isip ko dati. Baka ma-apply din ito sa buhay n'yo. 

So iun. 

Ang lesson for today ay "Never say never."  


Tuesday, June 26, 2012

School

Tomorrow, I start a new day again as an instructor sa isang sikat na university sa Pampanga. It's been a while na rin since last akong nagblog at ewan ko lang kung nasabi ko na'to o hindi pero magbibigay ako ulit ng points ko sa teaching career.

Hindi ako naging mabuting estudyante dati dahil I failed to connect the subject sa tunay na buhay. For example, hanggang ngayon, hindi ko pa rin naa-apply ang factorial sa tunay na buhay. Hindi ko pa rin nagagamit ang pagkuha ng area ng cone. Easy pa yung mga yan. Yung mahihirap talagang kinalimutan ko na. 

Hindi rin ako naging mabuting estudyante dahil muntik akong mapatay ng ibang teacher ko sa pagkaboring. Merong di marunong magturo, merong di marunong magjoke, merong sobrang labo kausap, merong di lang talaga marunong. But opcors, now that I've grown up na, hindi ko na masasabing dapat aasa ako sa teacher. Hindi na kasalanan ng teacher yung fufu siya. Sabagay, paminsan wala din namang pakialam ang teacher kung fufu tingin sa kanya.



Reasons kung bakit marami akong natutuhan sa isang subject:


1) Gusto ko talaga ang subject.

2) Gusto ko talaga ang teacher. Either crush ko siya or magaling talaga siyang magturo. Ang tunay na magaling na teacher, matatandaan mo ang lesson niya dahil... a) Praktikal ang turo niya. Hindi mo makakalimutan hanggang tumanda or nagka-amnesia ka. b) Matagal mo ng pinag-aaralan ang isang bagay at siya lang ang nakapagpaliwanag ng topic. Magaling siya magturo for short. c) Alam mong magagamit mo ang turo niya sa tunay na buhay. 

Yun lang ang reasons ba't ako natuto. Ang unang reason, wala akong kontrol dun. I can try to influence a student para mahalin n'ya ang subject. Pero kadalasan, pag di mo talaga hilig ang subject, wala talaga unless masipag kang mag-aral. 

Sa pangalawang reason ako magbabangko. ^_^ I think a lot of teachers fail to realize it minsan and focus on just discussing what's in the book. 

Yun ang tamang daan. 

Monday, June 4, 2012

Stars

She left me for a guy who promised her the stars.

Once upon a time, I loved a girl so much. 

I gave her everything she wanted...

As long as I can. 



One day, she looked up and saw how beautiful stars are. 

She asked for a STAR. 

I told her I can never afford to give her a star. 



She left me for a guy who promised her the stars.

I would've given her everything I had.

Including me.

Instead she chose the STARS.

I would never be able to understand her.

STARS ARE JUST BIG  BALLS OF FIRE...

Tuesday, May 8, 2012

Lumang Bayani

Sino ang bayani?

Sabi nila ang mga bagong bayani daw ay ang mga OFW na nagsasakripisyo mag-abroad, lalayo sa pamilya, makikipagsapalaran para umahon sa kahirapan. Hindi na bago sa'kin makarinig ng pangarap na "Gusto kong mag-abroad at kumita ng malaki." It seems most ng mga kapitbahay ko eh nag-aabroad ang isa sa mag-anak at isa isa niyang isasama ang mga kapatid para umahon din sila sa kahirapan? Hhmmm.. Kung ganun, karamihan sa mga kapitbahay ko ay puro mga bayani. My question now is, "Sino ba ang lumang bayani?"

I've always thought na ang mga teachers ko mula prep hanggang college eh mga bayani. I've always thought na ang mga naiiwan sa Pinas at hindi nangarap mag-abroad ay bayani. I've always thought na ang pagsasakripisyo kapalit ng yaman ay maganda para sa pamilya. Pero ang pagsasakripisyo ng malaking sweldo sa abroad para magtrabaho dito at magbigay ng karangalan sa bansa ay higit na malaking karangalan. Ganun na lang ang taas ng pagtingin ko sa mga mamaw teacher ko. Lalung lalo na nung college. Halos lahat UP Grad at cum laude pataas nung matapos sa pag-aaral pero pinili pa rin nilang magturo sa UP. Watdapak, kung tutuusin kayang kaya nilang magtrabaho sa ibang kumpanya at kikita sila ng higit na malaki. Lipat nga lang sila ng ibang skul mas malaki na agad ang kita... Pero hindi e. Karangalang makapagturo at maglingkod sa bayan muna iniisip nila bago ang sarili o kahit pa man ang pamilya.


And I choose to stay here in the Philippines kahit mabulok na ako dito.


Ayaw kong mag-abroad. Ayaw kong isakripisyo ang oras ko sa pamilya. Basta sama sama kami masaya na'ko. Hindi ako naniniwala sa ipon lang ng konti, bili ng bahay at lupa at kung anu anong shit and then after umuwi babalik din naman dun. Minsan, pag mas madali ang buhay sa ibang bansa, magmimigrate na sila. Hindi naman sa nambabasag ako ng trip. Yun gusto nila eh. Ang akin lang,kaya lang ba mag-aabroad para lang gumanda ang buhay? Yun na yun? Ang pangarap mo ba ay nananatiling para sa sarili lamang? Para sa pamilya mo lang? Wala para sa bayan? 

Maraming maraming salamat sa mga taong marunong tumanaw ng utang na loob. Yung mga balikbayan na naisipang mag-ipon lang ng pera, magbusiness at tumira na lang ulit sa Pinas. Silang mga hindi kumalimot sa bayan. Kayo talaga ang mga bagong bayani. 

Pero para sa mga bayaning Pinoy na nananatili sa bansa sa kakarampot na sweldo, maraming maraming salamat po. Kayo po ang lumang bayani. Pero hindi lumiliit ang pagtingin ko sa inyo. Lalo pang tumataas. At kayo ang aking pamamarisan...

Wednesday, April 18, 2012

26 Lessons (Part 1)

Usually ang mga posts na ito ginagawa kapag birthday. October pa birthday ko but I'm in the mood to share a few lessons na natutuhan ko from my mere 26 years dito sa mundo. Eto na:

1) The more I study, the more I realize na wala akong alam. 
Yep. You might have read this line sa kung saan. Ako rin. Nabasa ko to sa kung saan. And I realize na ganun nga. Kahit gaano karaming libro or articles na basahin ko, andami talagang dapat malaman. Kaya kapag may taong nagmamagaling sa'yo. Akala mo lahat alam niya na, ang tawag dun BOBO. Dahil tumigil na siya sa universal thirst for knowledge. Sabi nga ng prof ko sa Marketing, ang tunay na matalino, hindi sumasagot sa recitation. Tahimik lang siyang nakaupo. Kapag tinanong dun lang siya sasagot. Pero kapag sumagot siya, laging tama ang binibigay niya. Ang tawag ko naman sa laging sumasagot para lang may points sa recitation, EPAL.

2)  Mas masarap makuha ang isang bagay kapag pinaghirapan mo. 
Nung bata ako, iiyak lang ako at ibibigay na kung anong gusto ko. Pero dumating din ang point na hindi na binigay sa'kin ang gusto ko kapag umiiyak. Napapalo pa'ko instead. Kaya kapag may gusto akong laruan, pag-iipunan ko yun. Di ako kakain, magmemeryenda o bibili ng kung anu anong shit. Lahat ng perang maiipon ko, pambibili ko ng kung ano mang gusto ko. At pag nabili ko na ang gusto ko. HEAVEN. Same thing sa ibang bagay. 

3) Maraming mabait na tao sa mundo. Pero mababait lang sila. Hindi mabuting tao. Pwedeng mabait si Kwan sa'yo ngayon pero pagtalikod mo sinisiraan ka na pala. Pwedeng malugod sa'yo si Kwan pero bukas makalawa, siya na ang mortal mong kaaway. 

4) When you decide to do something, stick to it no matter what. 
Tawag dun pride. Pero mpre, ang desisyon matagal pag-isipan. By the time na gagawin mo na yun, dapat ready ka na rin sa lahat ng consequences. Tandaan, kung nasaan man ang kinatatayuan mo ngayon, based yan sa lahat ng ginawa mong choices sa buhay. 

5) Maraming problema sa mundo. Huwag mo ng dagdagan ang problema ng iba. Kung wala ka ring magagawa, move on na lang. It's better mag move-on in advance kesa magmove-on after mong magmukmok, magpuyat, mag-inom, maubusan ng pera, magmukhang tanga. Sa huli magtataka ka rin ba't mo ginawa yun. Again, move-on in advance. 

6) Seize the moment. You get stuck with someone na mahal mo na ng ages. Takot kang umamin kasi baka masira friendship n'yo. Common, aminin mo na. It's better masira ang friendship kesa habang buhay kang nag-iisip ng "what if." Kung hindi man maging kayo, you deserve it coz she/he never liked you anyway. Kung andun ka na, might as well seize the moment. 

7) Hindi mo kailangang sumabay sa agos. Kung mahilig sa iphone lahat ng tao kailangan ba mag-iphone din ako? Tuwing may makakakita na 1208 at 1280 ang celphone ko laging pinagtatawanan. Ayos lang sa'kin. Lagi ko kasing nababagsak, naiiwan sa kung saan, nababasa ang mga phone ko. Pag nabagsak phone nila, sinong iiyak? At lagi akong may load. My phone is not for show. Pang text or call yun. Shit. 

8) Walang puwang ang inggit sa masayang tao. Kapag yumaman si ganito o napromote si ganyan, huwag kang maiinggit. Dahil ang inggit ay pinagmumulan ng kung anu anong negatibong shit. Baka makapatay ka pa, magnakaw ka pa, or whatever. Kung may ibang taong umaangat, matuwa ka para sa kanila. Kung ano mang meron sila, subukan mo ring abutin. Hindi yung kung anu ano ang sinasabi mo. Kaya wala sa'yo ang meron sila, puro inggit lang ginagawa mo. Pagpaguran mo naman ang sarili mong pangarap. 

9) Ayos lang magkamali. Madalang lang na magagawa mo ng tama ang isang bagay sa unang beses. Madalas, magkakamali ka bago ka matuto. Pero yun nga ang point dun, gagawin at gagawin mo muna ang isang bagay bago ka tuluyang matuto. Pag nag-quit ka, hindi ka na matututo. 

10) If you give everything to someone. Be ready to lose everything. 

O ayan. Sampu muna. Masyadong mahaba post kapag 26 agad. ^_^

Wednesday, March 21, 2012

Pag-ibig: Paano Napapatagal ang Isang Relasyon?

I've been in a few relationships na rin and a lot of people always ask "Paano napapatagal ang isang relasyon?" I'd like to emphasize ang word na "few" relationship kasi iilan pa lang naging girlfriend ko talaga. Not because I'm fufu sa pag-ibig pero relatively, nagtagal kami ng mga naging girlfriend ko.

A few on my list are already obvious but most of the time neglected. 

1) Commitment - No man is an island. Although people can technically have a relationship sa kanyang kanan or kaliwang kamay, iba pa rin kung sariling girlfriend ang hahawak sa kanya. Kapag nakipagrelasyon ka, give your 99.99% of yourself to your partner. Learn to commit. Kapag nakikipagrelasyon dalawa kayong nagbibigay, not one giving more over the other. 

2) Matutong Makuntento - Kung aminado tayong hindi tayo perpekto, matuto ring tanggapin ang pagkukulang ng partner. Hindi lahat ng babae maganda, hindi lahat ng babae sexy, hindi lahat ng babae sweet, hindi lahat ng babae mahinhin, hindi lahat ng babae mapag-aruga, hindi lahat ng babae marunong magluto. Same thing sa mga lalake. Huwag hanapin ang wala. You can ask people to change, if they try changing kunwari nag-attempt matutong magluto, learn how to appreciate. Yung effort ang nakakataba ng puso. Lack of effort, yun yung nakakabwiset. 

3) Be Funny - Matutong magpatawa, makipagbiruan at maging masaya. Ba't ka pa makikipagrelasyon with someone kung hindi ka rin magiging masaya di ba? Or maybe, kaya hindi nagtatagal ang iba dahil hindi na sila masaya. Kaya nga ang mga komedyante eh lapitin ng opposite sex, marunong islang mag-break ng silence. 

4) Give Time - Ang pakikipag relasyon nga ay isang commitment. This means you have to alot a specified time for each other. Kung isasakripisyo mo ang oras n'yo para sa isa't isa, paano na ang relasyon n'yo? Maglaan ng kahit isang araw sa isang Linggo na magkikita kayo. Magdate. Or kahit hindi kayo nagkikita, magtext at mag-email ka. Hindi naman magastos ang komunikasyon ngayon. Swerte nga tayo ngayon halos libre ng ang pakikipag-usap. Learn to say these words:

Hi.
Kumusta ka na.
Miss na kita.
Mahal kita.  

Huwag kang magsawang sabihin ang mga salitang yan. Kahit magsawa pa siya. Pag nawala ka, hahanap hanapin din niya. Ganun naman tayo. Kapag wala na dun nating hinahanap hanap... 

Huwag hayaang sa huli ka magsisisi. Masakit yun. 

5) Maging maunawain - Kapag mainit ulo ng karelasyon, huwag sabayan. Mabuti ng umalis ka na lang at mag-usap na lang kapag parehong malamig na ang ulo niyo. Mag-aaway lang kayo. Unawain na ang tao, may bad hair days paminsan. Parang ako lang. Laging bad hair day. 

6) Stay Sweet- Minsan yun lang naman talaga hinahanap mo minsan. Lambing. 

7) Barkadahin siya - Ituring ang other half na parang isang kabarkada. Wala kang tinatago, lahat alam niya. No pretentions. It should make you very comfy kasama siya. Umutot ka ng malakas, magburp ka ng malakas.. Sigurado magya-yuck siya. But then again, iisipin niya na malaki tiwala mo sa kanya na kahit anong kagaguhang gagawin mo, kaibigan mo pa rin siya kahit anong mangyari. 

8) Kalabitin mo siya - You know what I mean. Sometimes, ang pagkalabit means she's hot, she's beautiful, she's sexy and you want to make love with her. Kalabit. Kalabit. Kalabit. 

9) Magmahal - Siyempre. Ito yung pinaka ovious sa lahat. Pag di mo mahal ang isang tao, di mo tyatyagain yung shortcomings niya. Pag di mo mahal ang isang tao, di mo magagawang magtimpi, mag-unawa, magcommit, tumawa, maglambing, magbarkada at magjerjer. Oo, kung mahal mo ang isang tao mas masarap ang jerjer.

10) Wag kang TANGA - Oo. Ang pinakamalaking pagkakamaling nakikita ko sa isang relasyon eh tatanga tanga ang isa. Halatang halata naman na hindi ka mahal ng isa, ipagpipilitan mo pa sarili mo. Malamang, hindi talaga kayo magtatagal. Mag-isip muna bago magpakaloko sa isang tao. Iba ang pagmamahal sa kahibangan. Magkalapit lang yung dalawang terms pero may isang konkretong linya ang naghahati sa dalawa. Katangahan ang tawag sa linyang yun.

Kung di'mo kayang gawin mga 'to. Wag mo na lang patagalin ang relasyon..

Wednesday, March 7, 2012

Promises

Stop making promises. 

I don't promise. Why? 

One, I'm afraid to break a promise.

Two, it defeats the reasoning "promises are meant to be broken." 

Three, I don't have to. If I say something. I'll do it the best I can. No questions asked. Kung di ko nagawa. It means hindi kaya ng powers o nakalimutan kong gawin. 

Four, there's this huge expectation when you promise something. Parang inherent na sa isip ng tao. At kapag hindi mo nagawa, sobrang galit na nila sa'yo. Pag nagawa mo naman.. Well, wala lang. So, you might as well not promise and do it na lang ne? 

But wait, there's more! If you don't promise and then ginawa mo talaga, ang effect nun sobrang matutuwa yung tao. It's as if nagpromise ka ngang gagawin mo. 

Di ko rin gets bat ganyan dito sa Pilipinas. Pero malayo mararating mo sa simpleng payo kong ito. 

Totoo to. Hindi ako nagpa-promise ha. 




Maniwala ka sa'kin.

Monday, February 27, 2012

Choices


Everyday, we make tons of choices. Pagkagising na pagkagising mo pa lang iisipin mo na kung tatayo ka na o matutulog ka ulit. Tapos iisipin mo pa kung kakain ka o hindi, kung anong isusuot, kung saan dadaan. O kung papasok ka man. 

Marami ka ring choices pagdating sa school o office. Papasok ka ba sa isang subject? Aabsent ka na lang ba? Magsasakit sakitan? Makikipaglampungan? Mahirap ding magdecide eh. Pagdating ng lunch mahirap ding mag-isip minsan kung ano ang kakainin. Pwede ring ikaw ang magpapakain. ^_^

Sa totoo lang, mahirap talagang pumili. Dahil kapag pumili ka na, madalas, hindi ka na pwedeng magpalit pa ng choice. Parang kung nagpakasal ka na sa isang babae. Hindi ka na pwedeng magpalit ng pinili, nakatali ka na (although marami pa rin ang cases ng mga nambababae). Parang kapag first time mong makipagsex, forever ng yun ang taong unang nakavirgin sa'yo. Hindi ka na pwedeng pumili kung sino talaga ang makakavirgin sa'yo. Kaya dapat, pag-isipan mo munang maigi ang lahat ng mga bagay na pipiliin mo. 

Sa mga kaibigan dapat mamili ka rin ng maayos. I have very few friends. I used to have tons of friends. Pero sa 26 years ng buhay ko, kapag susubukan mong maging kaibigan ang lahat, wala kang mapapala. Dahil meron at meron kang taong ituturing mong kaibigan at ang turing niya naman sa'yo ay laruan. Hindi ko alam kung sa Pinas lang ito o sa buong mundo ha, pero natuto na rin akong huwag magtiwala sa lahat ng tao. Dahil mayat maya, may magtatraydor sa'yo. 

It's better to have a trusted few. Less stress, simpler life at hindi mo kailangang makipagplastikan. You can be nice to others but don't make friends with everyone. Hayaan na natin ang mga pari,madre at pulitiko para dun. 





Choices...



 

Meron akong kaibigan na gusto akong nakikita kapag sad siya. Kasi daw laging maaliwalas ang mukha ko. Na mukha daw akong taong walang problema. Siguro nagagwapuhan na rin siya sa'kin tsaka nacucutan pero hindi na lang niya sinabi... Simple lang naman sagot ko dun. 

You have to have a simple life. Mababaw lang naman ako. Sabi ko nga dati isip bata ako. Kung meron akong natatanggap na biyaya, masaya ako. Kapag wala, ayos lang. Wala naman talaga ako in the first place so why get sad? What if bigla akong minalas? Ayos lang din, dalawa lang naman pwedeng mangyari eh sa buhay mo. It's either meron kang kontrol sa nangyayari o wala di ba? Most ng mga nangyayari sa'yo ngayon ay may control ka. Kaya nga sinasabi ko sa'yo paggising mo palang marami ka ng choices. Ikaw ang pipili kung sino ang mga magiging kaibigan mo. Ikaw ang pipili kung sino ang jowa mo. Ikaw rin ang pipili kung trip mong may kalaguyo o ka-one night stand. Ikaw ang pipili kung magnanakaw ka, papatay ka, o kung anu mang karumaldumal na gagawain. Ikaw ang pipili kung anong relihiyon mo, kung magsisimba ka, kung magiging mabuting tao ka. Ikaw ang pipili kung papaimpluwensiya ka.

Kung ikaw nga ang pumipili ng mga yan, ikaw rin ang pipili kung ano ang mangyayari sa'yo. Mag-aral kang mabuti makakakuha ka ng magandang grades (generally speaking). Magtanim ka ng kamatis, ang tutubo kamatis. Magpatuli ka, hindi ka na tatawaging supot. Tumigil ka sa kakapakinig kay Justin Bieber hindi ka tatawaging bading.

Paano kung tumira ka ng pokpok, nagkasakit ka, sino ang may kasalanan? Ang pokpok? Ikaw rin di ba? Hindi mo masasabing wala kang kontrol dun kasi choice mong tumira ng pokpok. Choice mo rin kung magco-condom ka. Umuulan hindi ka nagdala ng payong, nabasa ka, sino may kasalanan? Ikaw rin di ba? Sobrang lamig sa office, nagdress ka, nilalamig ka. Sinong may kasalanan? Aircon? 

Hindi mo kasalanan yung time na maaraw, hindi ka nagdala ng payong tapos biglang umulan. Hindi mo kasalanan yung may naaksidente kaya biglang natraffic, nalate ka sa trabaho. Hindi mo kasalanan yung naflat gulong mo dahil may gagong naglagay ng spikes sa daan. 

Ang dami kong kaibigan akala mo sobrang laki na ng problema nila sa buhay. Ang dami kong kaibigan ang lakas manisi ng ibang tao kung ba't sila nasa ganito o ganyang sitwasyon ngayon. Ang dami kong kaibigan ang dami daming nasasabing kung anu anong shit kapag may problema. 

Honestly, 99.99% of the time wala ka naman dapat sisihin sa problema mo kundi ang sarali mo.




YOU ARE WHAT YOU DESERVE. 


...coz it's your choices that put you there in the first place. 



Friday, February 24, 2012

Pride


Sabi nila dapat daw tanggalin ang pride. Sabi nila dapat lagi ka daw marunong magpakumbaba. Dahil ang pride hindi nakakain. 

Fuck that.


Hindi rin naman ako makakakain ng mabuti kung wala ako ng kahit konting pride man lang. Pride is what keeps you going. Pride is what keeps me standing kahit anong malas na makuha ko (kahapon nawalan ako 1k nag-abono pa'ko sa food dahil nakalimutang ipang-order ang isang tao). 

Kelan ba yung huling beses na nadapa ka and then you had to get up and pretend it didn't hurt kahit na maraming tao ang nakakita sa'yo? If you're still a kid and a sore loser iiyak ka na lang ba? Natatawa ako every time kinukwento nung friend ko na nung bata pa siya at pinapabakunahan sila ng kuya n'ya. He had to pretend hindi masakit para lang hindi siya pagtawanan ng kuya n'ya. He's the man!

Natatandaan ko pa yung time na pinapakopya ako ng girlfriend ko at hindi ako tumingin sa mga sagot niya sa Accounting. Hindi ko talaga forte ang Accounting eh. Kaso may pride din ako. Basta pasado masaya na ako sa grade ko. Pati yun pinag-awayan namin. Ang galing niya kasi sa kahit anong subject. Lagi siyang UNO. Kaso I have to live by my own standards. I don't have to cheat just to get nice grades. Kung ano ang nasa class card ko, yun talaga ang grade ko (unless type ako ng teacher or dabarkads ko siya). In the end excempted siya sa finals at ako, na saktong pasado lang sa exam ay nagfinals. ^_^ 


Who cares?


At least, hindi ko niloloko sarili ko at ibang tao. Kahit na magalit pa sa'kin ang girlfriend ko o kung sino mang shit. 

And I don't need nice grades just to tell myself I'm intelligent.  

Pride ang nagpapatakbo sa'kin nung tinry kong mag fun run. Nagregister kami ng kaibigan ko sa 3k run. Tangina this! Kaya pala tawa ng tawa yung nagreregister, PAMBATA pala ang 3k run! Tangina this! Pagod na pagod ako sa pagtakbo kahit na nangangalahati pa lang ako nun sa course. Kaso nakikita ko ang ibang mga bata siguro mga 10, 11, 12 takbo pa rin ng takbo. 25 na ako nun.. Pag naunahan ako nung mga batang yung nakakahiya. Buti may pride ako tinakbo ko talaga kahit tipong lalabas na ang puso ko sa pagod. 

This year gaganti ako. Sasali ako sa 10k run para naman makabawi ako sa sarili ko. ^_^

See what pride makes? Next year 21k naman. Pero for now, I'll go and try 10k.

Btw, after kong mainsulto and malamang hindi pala ako fit. Naging regular routine na sa'kin ang running at exercise. Eron na rin akong 4-pack abs. Wahehehe.. Kulang pako 2 pa. Lalabas din yun. Konting tiis pa. Hehehe.. Hopefully aabot this summer. 

Hindi naman masamang magkaroon ng pride. Gamitin mo lang sa mabuting paraan. Hindi yung nagpapaniwala ka agad sa kung anong shit na sinasabi ng ibang tao. Matutong tumiwalag sa nakararami. Dahil madalas, ang nakararami eh sumusunod lang sa iilan.. Gaya gaya ka ba o hindi?




Show some pride naman...  

Kia Pride ;p





Thursday, February 23, 2012

Papuri


Ba't ganun dito sa Pinas, pag may natapos kang course na kakaibang pakinggan sasabihin ng mga tao "wow." Or nakatapos ka ng isang kurso and pumasa ka sa board, qualified ka ng matawag na "matalino." Ano nga ba ang meaning ng word na matalino? Kasi ako, pag nalalaman ng mga taong nag-aral ako sa UP may comment agad silang "...ahh matalino." Porke ba nag-aral ako sa No. 1 University sa Pilipinas qualified na akong matawag na "matalino?"

Honestly, maraming tatanga tanga sa UP. Meron ding bobo. That's in terms of understanding sa subject with the person giving effort ha. Kasi meron talagang student na matalino talaga pero tamad mag-aral. So, bagsak ang grade niya pero it doesn't necessarily mean na bobo siya.

Ba't ganun dito sa Pinas, pag may nagperform at natapos na performance, required kang pumapakpak ng malakas. Kapag kakilala mo dapat mas malakas palakpak. Pag may pagnanasa ka lalong lalakas pa kahit na boplaks naman ang ginawa? Parang pelikulang Pilipino lang na halatang ginaya lang ang concept sa ibang foreign movie, super papupurihan ng majority tapos ile-label ng ORIGINAL... Naalala ko yung pelikulang Kokey. State-of-the art daw ang graphics. Mas gusto ko pa nga ung old school Star Wars movies. Mas astig ang graphics ng Star Wars movies nung 70s kesa sa last Kokey movie.

Parang palabas lang na Showtime. Puro sayawan na lang din palabas.. Nung una maganda siya. Kaso nung huli naging nakakatamad na. Sa PGT sigurado pagkanta ang taleng ng nananalo. At banong bano naman tayo kapag maganda nga naman ang boses.Parang sa

Parang sa pulitika lang. Si Mayor Kumag nagpagawa ng daan pupurihin na agad siya ng madlang pipol. Watdapak. Ba't ko siya pupurihin eh trabaho naman talaga niya yun?! Buti pa sana if he went the extra mile. Kunwari kinuha niya pera galing sa isang proyekto ng bayan na siya mismo nag-organisa. Tipong wala talaga silang ginastos... Meron bang ganun? Sample lang naman. ^_^

A few days ago, meron nanay na nagsabing maganda daw pag-aralin ang mga anak sa private school with matching explanation na "mataas" daw ang grades ng anak niya. Honestly, pwede namang sinasadyang maging mataas ang mga grades ng mga bata. Pang-attract ba sa mga uto utong magulong. Pwede ring mababa standards nila of grading. Hindi porke tumaas grade ng anak mo sa private school ibig sabihin tumalino na siya Ate. May possibility kasi na dun sa public school na dating pinapasukan ng anak mo eh mataas ang standards. Parang nung college lang ako. May subjects na 2.25 lang grade ko pero hindi na makapaniwala ang classmates kong nakuha ko ang grade na yun. Minsan kasi, yun na highest na nabibigay nilang grade. 

Ba't ba ang hilig natin sa "pwede na?" Ako, kahit natapos na ako sa UP ng BS Business Management hindi pa rin ako nakukuntento. Wala pa akong napoprove... Nakaka-ilang units na rin ako sa Master of Management Program. Pagtapos ko dun, wala pa rin akong ipagyayabang. Hangga't hindi ako nakaka-iwan ng marka para sa Pilipinas hindi ako titigil. Hindi naman sa hindi ako marunong makuntento. Ayaw ko lang yung, matapos ko ang kung anu ano tapos matatawag na akong magaling. Gusto kong marecognize ako dahil malaki ang kontribusyon ko sa society. So far napapasaya ko palang eh 18 followers sa blog ko, girlfriend at nanay ko. 

That's not enough. 



Hindi porke may nagsabi sa'yong "magaling" ka, lalaki na ulo mo. 



Challenge yourself. 


Yun ginagawa ng mga sumisikat at tunay na MAY NARARATING.

Tuesday, February 21, 2012

Ideal Girlfriend

Lahat naman ng lalake iba iba ang ideal girlfriend. Pero dahil sa bro code, nagkakatugma tugma kaming mga lalake sa gusto naming maging girlfriend. Here's a simple list para sa mga babaeng gustong mag-effort para sa boyfriend o gustong magka-boyfriend:

Ang ideal girlfriend marunong magluto? Well, obvious naman yun. Pero hindi kailangang maging expert sa pagluluto. Ang gusto lang naman naming mga lalake ay simple lang. Gusto lang naman namin may makain. Kesyo pritong itlog yan, scrambled kung di kayang sunny side up pag umaga with matching pandesal and 3 in 1 coffee ok na yun! Hindi kailangan ng pagkaing pang Chef na level. Ang mga lalakeng ay ginawang simple. Magulo lang talaga mag-isip mga babae kaya ginagawa nilang kumplikado. ^_^

Ang ideal girlfriend, hindi mahilig manood at pumilit manood ng corny Filipino sweet kuno movie. Manonood na lang sila ng bakbakan, horror okya bold kasama ang boyfriend. Ang ideal girlfriend nakokornihan sa mga pelikulang hindi naman mangyayari sa tunay na buhay. Hindi siya kinikilig kay Edward o Jacob o kay Justin Bieber. At hinding hindi niya ipagpipilitang lalake si Piolo Pascual. 


Ano to fairy tale? Amf. 


Ang ideal girlfriend astigin. Alam niya kung ano ang DOTA. Alam niya kung ano ang feeling ng FIRST BLOOD. Alam din ng ideal girlfriend na kapag naglaro ang lalake, nakafocus siya sa laro dahil nakasalalay dun ang kanyang dignindad. Alam ng ideal girlfriend na napakalaking kahihiyan ang ma-first blood o hindi makapatay sa laro. Marunong maglaro ang ideal girlfriend. Ang ideal girlfriend, nakakalaro ng boyfriend at combo ang kanilang mga hero.

Ang ideal girlfriend, mahinhin sa ibang tao. Nagtatakip siya ng dibdib at pwet kapag sasakay ng jip. Hindi siya nagsusuot ng sexing damit kapag wala ang boyfriend niya. Hindi siya nakikipaglandian. Ang ideal girlfriend, hindi nagtatanga tangahan at sasabihing friend lang talaga turing sa kanya ng isang paksyet na lalakeng aali-aligid sa kanya. Ang ideal girlfriend, magpacute lang ang isang lalake sa kanya supalpal agad ang inaabot. Hindi bibigyan ng ideal girlfriend ng pagkakataon ang kahit sino mang lalake na sirain ang relasyon nila ng kanyang boyfriend. Hindi siya bitch. Hindi siya mahilig sa papuri ng opposite sex dahil iisa lang tao ang magbibigay sa kanya ng perfect compliment.  

Isang tingin lang ng boyfriend, alam na ni girlfriend na siya na ang pinakamagandang babae sa mundo.

Ang ideal girlfriend marunong magpaubaya. Hindi siya nagagalit kapag kasama ni boyfriend ang kanyang barkada. Kailanman hindi siya magseselos sa mga barkada ni boyfriend. Nakikisama si ideal girlfriend sa barkada. Kung ma-effort siya, magluluto o bibili siya ng pulutan para sa inuman. Hindi siya eepal sa usapan dahil ang usapang lalake ay hindi dapat pinakikinggan ng mga babae.

Ang ideal girlfriend hindi mahilig makipag-away sa public. Hindi siya mahilig magpapansin para lang maawa sa kanya ang mga tao. Ang ideal girlfriend marunong umintindi at dinadaan sa mabuting usapan ang away. Alam niyang kailangan lang ng space ng lalake at hindi niya dapat kulitin ang boyfriend kapag parehong mainit ang ulo nila.

Ang ideal girlfriend malambing. Pinapapak niya ang kanyang boyfriend as if siya na ang huling pagkain sa mundo. Hindi niya binibitawan ang boyfriend kapag natutulog sila. Lagi siyang naka-hug. Tipong ayaw na niyang  bitawan ang boyfriend. Baka mawala.

Ang ideal girlfriend, ipagtatanggol ang lalake sa mga bitch. Mang-aaway siya sa kung sino mang magtatangkang agawin ang boyfriend niya. Dahil ang tipikal na girlfriend, ang aawayin ay boyfriend. Hindi ang babae.
 
Ang ideal girlfriend hindi paiba iba ang isip. Kung sinabi niyang papayat siya, magpapapayat siya. Hindi siya magsasabi ng kung anu anong shit na dahilan after. Kung gusto mong pumayat, wag kang kain ng kain.

Ang ideal girlfriend hindi mahirap kasama magshopping. Hindi niya lilibutin lahat ng tindahan para lang bumili dun sa unang tindahang pinasukan ninyo. Hindi rin siya magsisisi sa pinamili niya. Gusto lang naming mga lalake more quality time magkasama. Ayaw namin sa chechebureche.  

Ang ideal girlfriend marunong mag-drive. Hindi niya aapakan ang gas kapag ang kailangan niyang apakan ay break. Astigin lang talaga ang babaeng hindi galit sa break. Astig din ang babaeng marunong magmotor.

Ang ideal girlfriend marunong dumiskarte. Hahanap at hahanap yan ng paraan para lang makausap, makita o makasama ang boyfriend. Hindi yan magdadahilan ng kung anu anong shit kung bakit hindi siya nagparamdam. Ayaw niyang nag-aalala ang boyfriend. Ayaw naming mga lalake ang kung anu anong rason. Pag gusto mo talaga ang isang bagay gumawa ka ng paraan. 

Ang ideal girlfriend supportive. Matutuwa siya kapag may achievement ka, kahit na minsan may chance na masasacrifice ang time n'yo magkasama. Proud siya sa boyfriend niya.

Ikaw na ang Ideal Girlfriend!












Kung babae ka at marami kang satsat sa mga nasusulat ko. Normal lang yun. Kaya nga hindi ka ideal girlfriend eh.


Wednesday, February 15, 2012

Paano Pumili ng Mamahalin?

Sabi nila kung mahal mo talaga ang isang tao, kahit ano pa siya makukuha mo siyang tanggapin. 

Tingin ko kapaksyetan lang yun. 

Kaya nga nagbe-break mga tao kasi nga hindi sila magkasundo 'di ba? Most people ganyan ang papanaw sa pag-ibig kaya most people end up being heart broken din. You give up everything you have. Titiisin mo ang ugali ng mahal mo and end up being totally wasted and unappreciated hoping na magbabago siya eventually. 

I think it's nice to be kind, loving, and all pero sometimes you have to be selfish yourself. Although love can be one way lang, you can also love yourself din. Don't waste your time on someone who would never change for you. Don't waste your time for someone who never appreciates your efforts. Don't waste your time loving someone who is not worth it. In the end, ang lahat ng pinaghirapan mo wasted lang talaga. Sino sisisihin mo? SIYA? Ate, Kuya gusto kong tinapay.. Walang ibang sisisihin d'yan kundi ikaw. 

Tatanga tanga ka kasi. 

So paano nga ba dapat pumili ng taong dapat mahalin?

First of all, yung taong mai-inlove ka hindi mo napipili yun. Bigla mo na lang mararamdaman. Kung mamahalin mo siya ng lubos, yun na yung choice mo. Ikaw ang humahawak ng sagot nun. Yung gusto kong pag-usapan. 

Simple lang ang sagot ko. Piliin mong mahalin yung taong nakikita mo sa future na kasama mo pa rin. 

26 na'ko at ngayon ko lang narealize yan. Don't waste your time on someone na hindi mo talaga makita ang future mo kasama siya. Huwag mo ipagpilitang kailangan mong magmahal ng isang tao despite ng kung anu anong shit niya. Shit yun. Mahalin mo ang isang tao despite sa mga pagkakamali niya pero magtira ka ng room for improvement. Dahil wala kang mapapala kundi sakit kung hahayaan mo lang siyang maging paksyet forever. 

Pag nakita mo na ang taong nakikita mong kasama mo sa hinaharap.. I-grab mo na opportunity. Madalang lang dumating yun. 


Monday, February 6, 2012

Trust


I don't lie. I'm not saying I've never lied. I've lied tons of times in the past. I'm 26 years old now and I've grown to learn that lying will just put you in deep shit. 

Don't lie.

Ever.

Coz if you don't lie, it makes you a lot more believable. 

When I was a young kid, I told my mom who my crush was. Mom told my aunt who my crush was. They kept on teasing with the girl and I felt so embarrassed. I should have kept my mouth shut. 

When I had another crush. I told my mom who it was again. This time, I told her to keep it as a secret. Stupid me, mom told my aunt who my crush was. They teased me again and from then on, I never trusted my mom with my crushes again.

That's the same thing with other people. If they lie to you once, you can forgive them. If they keep lying, you will never trust them. Trust is a big issue. Especially in love matters. If you can't trust your partner, the relationship would never work. 

Trust me. Been there, done that. 

When you love someone, you are giving that person the power to hurt you too. It's a double edged sword. How can one person make you the happiest person in the world and be the one who can make you the saddest at the same time? 

Ingtegrity is a big issue.





I'M NOT LYING.

Thursday, February 2, 2012

Expectations

Bakit kaya tayong mga tao mahilig tayong mag-expect palagi? Siguro dahil looking forward tayo sa isang  magandang bagay, magandang tanawin (kindat*kindat*), magandang pangyayari (kindat*kindat*)... etc. Pero madalas nadidisappoint lang tayo. 

Parang first day of class lang din yan. Winiwish mong either hot ang teacher mo or magaling magturo. 70% of the time madi-disappoint ka lang. Parang phone pal lang yan noong araw. Kapag maganda ang boses, pangit ang mukha. Kaya nga napapaisip ako kapag may nagsasabing maganda daw ang boses ko. Pangit din kaya ako? T_T


M-W-F ang schedule ko sa pagja-jogging. Laging mag-isa lang akong tumakbo and kapag walang magawa hinahabol ko yung mga nagja-jog na babae to see kung cute sila. ^_^ Well, that was before. Kasi tuwing malapit nako sa jogger, ang ganda ng katawan, amputi, ang kinis, ang ganda buhok.. ampanget. Sino ba naman nagsabing puro magaganda lahat ng mga joggers? At sinong nagsabing dapat maghabol ako ng mga babae? Wala lang trip ko lang. Gusto ko lang makita na may magandang nagja-jog. Wala ako magawa eh. Sa sementeryo ako tumatakbo eh. Ndi naman kasi gumagalaw ang mga puntod para yun na lang panonoorin ko. Besides, ayaw ko talagang gumalaw ang mga puntod o kung ano mang nandun sa mga puntod. ^_^

Parang ideal girl/guy lang yan. Yung expectations mo sky high, but you end up in a relationship with someone not even close to that. And then you say na okay lang that you ended up with someone less but you are very much contented. And then you come up will all kinds of excuses especially the "nobody is perfect" reasoning. 

Bakit kaya hindi na lang tayo mag-eexpect no? Sino ba may kasalanan bakit ang taas lagi ng expectations natin? Siguro dahil sa mga fairy tales noong bata tayo. Siguro sa kakapanood n'yo ng romantic (daw) na pelikulang Pilipino. Yung tipong alam mong hindi nangyayari sa totoong buhay pero gusto mo mangyayari pa rin sa'yo.

Kanya kayang trip lang din siguro no?


Dati ang ideal girl ko maputi, chinita, mahaba buhok, sexy, maganda ang smile, kissable ang lips, cute, pretty, mabait, matalino, matangkad, malambing, maalam sa buhay, alam magtrabahong bahay, mahinhin, loving.. at kung anu-anong pang shit. Nakita ko naman siya. 

Ayun, nanlalake ang puta. 

Ngayon, I just need someone who loves me truly.  

Para hindi ka masaktan sa expectations mo, huwag mo na lang masyadong taasan. Para pag hindi mo nakuha ang gusto mo, hindi ka masasaktan ng lubos. 



Monday, January 30, 2012

Epal

Ang dami daming epal dito sa Pinas. Hindi ko alam kung bakit ganun dito sa'tin. Hindi mo naman kinakausap, bigla kang lalapitan at kung anu ano ang sasabihin.  

Hindi mo naman tinatanong at kung anu ano na ang sinasagot. 

Meron bang taong pinanganak na epal? Kung may magsasabing "oo" maniniwala ako. ^_^

Most of us hate the epal type. The ones who don't mind the epal type eh UTU-UTO. Ganung lang naman yun. 

I'll give you a tip kung kanino maghahanap ng advice. 

Sa gym, there will always be some noob na hindi alam kung saan mag-uumpisa. There will always be a noob na hindi alam gamitin ang mga equipment. At kung saan meron palaging noob. Nandon lagi ang epal guy na walang ginawa sa gym kundi magkwento. Oo, hindi naman talaga siya nagpapalaki ng katawan. Siya yung tipo ng lalake na malaki ang braso, payat ang paa at malaki ang tyan. Siya yung taong hindi pantay ang maskels. Walang kapagurang dumada. Yun yung taong dapat mong iwasan. (not limited sa gym, yan lang unang pumasok sa isip ko)

Ang dapat mong tanungin eh yung taong nananahimik, minding his own business and maganda ang pangangatawan talaga. Siya yung tipo ng tao who works alone and does his job very well. Sadly, eto yung tipo ng taong ndi napopromote sa trabaho minsan dahil ang gusto ng tangang boss eh yung puro dada sa trabaho, taking the credit ng subordinates niya o malaki ang dede. 

Ang rule dito sa'tin eh, kung sino pa yung walang alam, siya pa yung confident sumasat. At kung sino ang may alam, siya pa yung tahimik at nahihiyang magbigay ng advice dahil feeling niya baka mali pa siya. 

Talagang ganyan siguro buhay. Simpleng paksyet lang. 

Oh well, so much for the epal type. Baka natutuwa sila ginawa ko pa silang topic sa blog ko. Mpre feeling nila dahil ang title at laman ng blog ko puro tungkol sa ka-epalan eh sila talaga ang sikat. 

Opcors, hindi para sa mga epal ang blogpost ko na'to. Eler!!! (Kapampangang "Haler!!!")

Thursday, January 26, 2012

Compliments

Hindi ko maintindihan ang mga babae kung bakit gustong gusto nilang magbigay ng compliment sa isa't isa. Kaming mga lalake.. Wala pa akong narinig na nagsabing "Pare ang pogi mo" okaya "Pare ang macho mo." Lalong lalo kong ayaw marinig ang "Pare ang cute mo talaga." Dahil kapag ang isa sa mga yan, sinabi sa'yo ng kapwa lalake. Ibig sabihin, HINDI siya LALAKE.





Ang best na compliment for me is "Pare, hindi ka tumatanda." That already means pogi pa rin ako. Yun na yun. At kapag sinabi yun ng isang lalake sa kapwa lalake, ina-acknowledge ka niya as someone he looks up to. 

Madalas kong makita ang scenariong ito. Si Eba nakita si Maria na matagal niya ng ndi nakikita. Lalapitan nila ang isa't isa habang nakangisi at magbebeso beso. And then, obliged tignan ng babae ang isa't isa mula ulo hanggang paa at maghahanap ng kung anong masasabi para mabigyan ng compliment. "Wow, how nice naman your shoes!" "Wow, you're so sexy!" "Wow, I love your nails!" "Wow, how big are your suso?!" 

Tangina This!

After magbigayan ng compliment, magkukuhaan yan ng number (habang nakangiti, friendly poker face) na hindi naman nila itetext or tatawagan ever. Tapos magpapaalam yan sa isa't isa, sabay talikod simangot. 

And in truth, after ng isang compliment, habang nakangisi, meron ng ibang sinasabi ang babae sa kapwa babae. 

Sample: 

1) Comment:
    "Wow, you're so sexy!"
    Side comment sa utak:
    "Warak naman pepe mo!"

2) Comment:
    "Wow, I love your nails!"
    Side comment sa utak:
    "Mukha ka namang butete. Yan lang maganda sa'yo"

3) Comment:
    "Wow, how big are your suso?!" 
    Side comment sa utak:
    "Lawlaw naman."

Women should learn not to give compliments for the sake of returning the favor. Kung di mo rin lang kaclose talaga huwag mo ng lapitan. Just say "hi" or a smile would do. 

Or pwede n'yo rin kaming gayahing mga lalake. Hindi na bago sa'min dito sa Pampanga na kapag nagkikita ang bati ay "Hoy BUGOK!" sabay ngiti sa isa't isa. Walang tinginan mula ulo hanggang paa. Mata sa mata lang. Pero dapat 1 second lang ha. 2 seconds pasado pa ang mata sa mata. Pag nagtagal iba na yun. 

Takbo ka na.

Ang hirap talagang intindihin ng mga babae... Simple lang ang buhay. Di kailangang magbigay palagi ng compliment. 


Wednesday, January 25, 2012

Past is Past

Hindi ko alam pero lately nagiging kumplikado na masyado buhay ko. Kahapon lang may nalaman akong past ng mahal ko na mahirap masikmura kung pa'no niya nagawa. She was at her most vulnerable moment and I did my best just to be with her. Just to make her feel someone cares kahit na may hurting sa loob looban ko. 

I guess ganun talaga silbi naming mga lalake. We have to stay strong para sa mahal namin sa buhay. I may not be a perfect guy but I do know how to love. 

Kung ano man ang past niya kailangan ko yung tanggapin. All I have is the present and the future and that is all I should care about. 

All women have some sort of dark pasts na mahirap kalimutan. All women are princesses waiting to be rescued from monsters of their pasts. Us men, we may not be all princes but we can always be knights in shining armor. Tutal mga pussy naman ang mga prinsipe. Puro pogi lang yan at porma. Ang tunay na lalake, tigasin, may armor at kayang indain kahit anong sakit. Pero sa loob, we are all flesh and blood, marunong magmahal at magpahalaga ng prinsesa. 

Pagbigyan n'yo na'kong maging corny sa blog ko paminsan. Blog ko naman 'to eh. 

May pinaghuhugutan. 

So, 'yun.. kayong mga lalake, matutong magpakumbaba at intindihin ang mga babae. Sa inyong mga babae, matutong pumili ng lalake. Piliin n'yo yung mamamahalin kayo no matter what. Huwag nyo piliin ang prinsipe, pogi nga bakla naman. 

Tuesday, January 24, 2012

Tamang Pagkakamali!

Tayong mga Pinoy, mahilig tayong maging sigurista. Hindi tayo mahilig gumawa ng mga bagay na may slight chance na pumalpak. Tulad ng business, humanap ka ng business partner at ang tipikal na isasagot niya ay masyadong risky o natatakot siya. Imbes na gumawa na isang bagay na kikita ka panghabang buhay, magkaroon ka lang ng konting ipon ang Pinoy, gagastahin na sa pagbili ng bahay, kotse at kung anu ano pang ari-arian na hindi naman kumikita ng pera.

Hindi ko alam kung bakit takot tayong magkamali. Ako, habang mabata-bata pa ako (pwede pang pagkamalang virgin), gusto kong magkamali ng magkamali. Para sa bawat pagkakamali ko, masasapok at masasapok ko ang ulo ko hanggang matuto ako. Yun naman ang point ng pagkakamali, para matuto. Wala akong mapapala kung hinding hindi ako magkakamali... Dahil hindi rin naman ako matututong gumawa ng isang bagay (not limited sa paggawa ng baby). 

Madalas pinagtatawanan natin ang ibang tao dahil gumagawa sila ng mga bagay na kakaiba, hindi uso at bago lang sa paningin. At hindi hindi rin tayo natutuwa sa kanila hangga't hindi sila napapansin ng ibang tao. Bakit kailangan pang maghintay ng iba para sabihin mo sa sarili mong maganda ang kanilang nagawa? Dahil ayaw mo ring matawag na KUMAG hindi ba? 

Ako, nabibilib ako sa kanila. Tignan mo ang may-ari ng Jollibee. Ginaya lang niya ang McDo pero asan ang Jollibee ngayon? Baka nga Jollibee na ang ginagaya ng McDo sa Pinas. Tignan mo ang Mang Inasal, out of nowhere bigla na lang itong lumaki. At ano bang tinda ng Mang Inasal? Chicken Inasal. Bilib ako sa kanila, napaka common lang ng mga binebenta nila and yet, nakuha pa rin nilang maging profitable. Hindi sila natakot lumabas sa market at magtinda ng ewan. Sigurado ako hindi naging madali sa kanila ang pag-unlad. Sigurado ako marami rin silang naranasang pagkakamali. Sigurado ako, marami din silang natutuhan. Kaya nga nandyan pa rin sila at hindi nalulugi. 

Bakit kaya andaming pangit na lalaki ng super hot ang girlfriend? May malaking chance na dahil mayaman ang sagot. Pero yung iba, pinili sila ng girlfriend nila dahil sila lang ang naglakas loob na manligaw. Ang mga pangit na ito, marunong din silang mag-alaga ng babae. Marunong silang magpahalaga ng kung anong meron sila. Kaya nga nagtatagal sila ng kanilang girlfriend eh. At higit sa lahat, may sense of humor sila. Tignan mo lang sila matatawa ka na. ^_^ 


Note: Hindi ko sinasabing maging pangit ka na lang ha. At hindi ko rin sinasabing humanap ka ng pangit. 







Nag-iisip na naman ako ng bagong raket. Medyo pumalpak ang una kong venture sa t-shirt printing. Pwede ko yung balikan in the future. Pero for now, hindi pala yun ang trip kong business. Hahaha.. At least naranasan ko tumikim ng magka-business at magpasweldo. Yung susunod kong venture baka pumalpak na naman pero sigurado ako may matututuhan ako. Hindi ako natatakot magkamali. ^_^ 


Piliing maging kakaiba. Huwag matakot magmukhang weird. Nabuhay ka ba sa mundo para maging tulad ng iba? Wala ka bang balak hanapin ang misyon mo? Ang mga pagkakamali ay nandyan para matuto ka. Magkakamali at magkakamali ka hanggang matuto ka. Otherwise, kung nagkamali ka ng minsan at sumuko ka agad, LOSER ang tawag dun. Ang nagkamali pero natutong magpursigi at naging henyo, WINNER ang tawag dun. 


Simple lang di ba?

maling pagkakamali


Friday, January 20, 2012

Motivation


I like reading motivational quotes. Here's a few on my list now: 

"I will do what you won't today, So I can do what you can't tomorrow" 
"Pain is temporary, pride is forever"  
"Only the weak attempts to accomplish what he knows he can already achieve."
"You miss 100 percent of the shots you never take."  
"To conquer oneself is a greater task than conquering others." - Gautama Buddha
"Well done is better than well said." - Benjamin Franklin

Here's were I got the quotes:
Pinoy Bodybuilding 

These quotes keep me motivated talaga. Just a few words can make a lot of difference. Parang "I love you" lang yan. Marinig mo lang yun sa isang taong mahal mo buo na ang araw mo. Minsan, kahit "ngat" lang, busog na busog na ang puso mo. 


On March 11, 2012 sasali ako sa annual na Clark Animo Run ng La Salle. My goal is sumali ng 10k run at tapusin ko ito ng hindi naglalakad

Kelan pa ba nauso ang running? Sa sobrang dami ng nakikiuso, nakakatuwa na nakakabwiset at the same time.

It's nice to see people run for fitness or for a cause (usually ang mga fun run my beneficiary). I like that. Kaso, yung iba d'yan, kaya sumasali sa mga fun run para kumuha lang ng singlet (yung sando sa fun run) kasi maganda. Yung iba naman, sasali sa 10k, magrun for 4 kms, lakad for 6 kms tapos ipagmamalaki na nakatapos siya ng 10k. Tangina this! Ba't di ka sumali 21k sigurado naman akong kaya mo ring lakarin yon?

Sino niloloko mo? Ulul.

A lot of Filipinos like talking bullshit. Mahilig kasi tayo mabano sa kung anu anong shit. Mahilig din tayong magpaloko. Dahil tayo mismo, niloloko lang din naman natin ang mga sarili natin.

That's why I choose to be different. 

I don't write what my goal is. I don't need to write my goal just to keep reminding me of what I want to become. If you really want something, why need a piece of paper to remind you? If you write it on a piece of paper, then, you don't want it enough. 

(Opcors kaya ko sinusulat dito ang isa sa mga goal ko eh for the sake of sharing.)

Going back to my topic motivation. What motivates me to reach that goal?

Nope, hindi ito dahil gusto kong magyabang. Finishing 10k would only mean makakapagyabang ako sa finishers ng 5k at 3k run or the general public na nababano sa mga nagfu-fun run. Hindi rin ako makakapagyabang sa mga 10k finishers pataas. At, ayaw ko rin namang magyabang in the first place.

Nope, hindi rin to pangchikas. There are a lot more stuff na pwedeng pang-chikas like kwan or ano.. Although, maraming chikas talaga sa Clark Animo Run.

If I keep myself motivated para mabano sa'kin ang ibang tao, it's okay. A lot of us ganun nga ginagawa. Parang pagpapapayat lang yan. Kaya gusto mong magpapayat kasi naiinis ka na sa sinasabi ng taong mataba ka at gusto mong sabihin ng taong pumayat ka. That's an okay reasoning. 

Bakit kaya maraming dieters ang hindi pumapayat long-term? Papayat silang saglit tapos tataba na naman after a few weeks or months?

But then again, kaya ka ba gumagawa ng isang goal para lang mapasaya ang ibang tao? Do you need other people to tell you "You are doing good?" If you let other people dictate who you should be, then you will never really be happy. Because you are pretending to be someone else. 

If you really want to get motivated, do something for yourself. Dahil ang first step to motivation ay respeto sa sarili. On the way to reaching your goal, tataas lalo ang respeto mo sa sarili and that makes all the difference. No bullshit, no other people involved. Just you and your alter ego. Can you reach your goal for yourself? I don't know. Basta ako. I'll keep on running until I can make that damn 10k finish line.  


Wednesday, January 18, 2012

First Blood

(Note: Last week ko pa nasulat to. Last January 14, 2012 ang first day of class ko)

Ngayong araw ang unang first day ng class ko ulit sa skul. At kagaya ng lahat ng first day after ng Christmas vacation, nakakatamad (except kung may gf kang looking forward kang makita). 

Kaso, lahat ng first ay importante. Sa DOTA, hindi baleng matalo ang team nyo huwag ka lang ma-first blood. Dahil ang unang mamamatay ang magse-set ng takbo ng laro. Sa basketball, importante ang first blood din. Parang swerte kasi ang una. Parang pag nagregla ka lang, first blood din yun, sasabihin ng tao, DALAGA ka na. Parang unang jerjer din. First blood din yun. Swerte yung lalakeng nakauna sa'yo.


Sa skul ko may kunsintidor na teacher, magchecheck lang ng attendance tapos dismiss na. Ayos yun! Kung wala kang kasunod na subject. Kaso hindi eh, kelangan mong maghintay sa susunod na subject pa. Ang masakit pa dun, pag malas malas ka, yung susunod na subject, yun yung teacher na magtuturo talaga. ^_^ Awts.

But then again, dahil nga first day at ito ang magseset ng tone ng trimester ko. Papasok ako. Natural akong tamad. Pero pag ayos ang prof ko kahit ilang oras pa siyang magturo ayos lang. Hindi ako aantukin. Ako kasi ang tipo ng estudyante na gustong nakaupo lang sa apat na sulok ng silid aralan. Gusto ko nasa labas nag-aaral. Nakikisalamuha sa tunay na buhay. Kaya, kapag ang teacher old school, by the book (as in bibliya ang book) at wala siyang sariling opinyon, i-expect mo ng pipilitin ko lang maging polite at papasok araw araw. 

Ako naging estudyante at teacher ako kaya gusto ko rin ng pagbabago. Kaya nung nagtuturo ako sa PWU pinakiusap ko talagang magklase ako sa labas ng skul. Buti na lang pumayag ang skul. Hindi ko magagawa yun sa ibang eskwelahan. Kaya nga rin ako nangangarap na magkasariling business ulit at magkaroon ng mataas na posisyon sa trabaho, para mashare ko talaga ang alam ko sa tunay na buhay. Ayaw kong magturo sa skul pagkagraduate ko ng Master's Degree at magturo ng isang subject na wala akong alam talaga. Ayaw kong mapunta sa point na teacher nga ako pero lahat ng tinuturo ko ay galing lang sa book. ^_^ Kung magtuturo lang din lang ako na galing lang sa libro ang knowledge ko, bakit hindi ko na lang ipabasa sa mga students ko yung libro at bahala na silang mag-aral? Kaya andaming teacher mahilig magpareport eh. Either hindi talaga nila alam ang subject or tamad lang yan. 


But then again, hindi lahat ng first blood eh nagiging maganda ang kinahihinatnan. Di ba dati ang gusto mong first kiss mo eh siya rin ang magiging asawa mo sa future? Di ba ang gusto mong maka-jerjer na una eh sinabi mo rin sa sarili mo eh magiging asawa mo rin sa future? Nakailang halik at jerjer ka na hindi ka pa rin nag-aasawa. ^_^

But then again, lahat ng first blood eh memorable. Minsan, pag maaalala mo ang unang dugo, matatawa ka na lang. Kahit gaano pa kapalpak ang unang beses, it becomes a good memory kung nakuha mong matuto in the end. At, yung ang importante. 

Ang matuto at magmove-on. 

Kaya yun.. Ang first day ng isang bagay, gaano pa nakakatamad ay magseset ng pace mo. Kung alam mong magiging mabuti ang kahihinatnan, magpapa-banjing banjing ka pa ba?

The future becomes clearer kung ikaw mismo ang magdidikta kung ano ang mangyayari sa'yo. 

FIRST BLOOD!!!