Hopefully Ngayong Nandito Ka sa Blog ko, Hindi Ka Nawawala. ^_^

Please don't forget to subscribe to my blog para pag may post ako automatic makikita nyo. Feel free to share my blog sa Facebook, Twitter, Google+ or any other social media.

Salamas!

Wednesday, April 18, 2012

26 Lessons (Part 1)

Usually ang mga posts na ito ginagawa kapag birthday. October pa birthday ko but I'm in the mood to share a few lessons na natutuhan ko from my mere 26 years dito sa mundo. Eto na:

1) The more I study, the more I realize na wala akong alam. 
Yep. You might have read this line sa kung saan. Ako rin. Nabasa ko to sa kung saan. And I realize na ganun nga. Kahit gaano karaming libro or articles na basahin ko, andami talagang dapat malaman. Kaya kapag may taong nagmamagaling sa'yo. Akala mo lahat alam niya na, ang tawag dun BOBO. Dahil tumigil na siya sa universal thirst for knowledge. Sabi nga ng prof ko sa Marketing, ang tunay na matalino, hindi sumasagot sa recitation. Tahimik lang siyang nakaupo. Kapag tinanong dun lang siya sasagot. Pero kapag sumagot siya, laging tama ang binibigay niya. Ang tawag ko naman sa laging sumasagot para lang may points sa recitation, EPAL.

2)  Mas masarap makuha ang isang bagay kapag pinaghirapan mo. 
Nung bata ako, iiyak lang ako at ibibigay na kung anong gusto ko. Pero dumating din ang point na hindi na binigay sa'kin ang gusto ko kapag umiiyak. Napapalo pa'ko instead. Kaya kapag may gusto akong laruan, pag-iipunan ko yun. Di ako kakain, magmemeryenda o bibili ng kung anu anong shit. Lahat ng perang maiipon ko, pambibili ko ng kung ano mang gusto ko. At pag nabili ko na ang gusto ko. HEAVEN. Same thing sa ibang bagay. 

3) Maraming mabait na tao sa mundo. Pero mababait lang sila. Hindi mabuting tao. Pwedeng mabait si Kwan sa'yo ngayon pero pagtalikod mo sinisiraan ka na pala. Pwedeng malugod sa'yo si Kwan pero bukas makalawa, siya na ang mortal mong kaaway. 

4) When you decide to do something, stick to it no matter what. 
Tawag dun pride. Pero mpre, ang desisyon matagal pag-isipan. By the time na gagawin mo na yun, dapat ready ka na rin sa lahat ng consequences. Tandaan, kung nasaan man ang kinatatayuan mo ngayon, based yan sa lahat ng ginawa mong choices sa buhay. 

5) Maraming problema sa mundo. Huwag mo ng dagdagan ang problema ng iba. Kung wala ka ring magagawa, move on na lang. It's better mag move-on in advance kesa magmove-on after mong magmukmok, magpuyat, mag-inom, maubusan ng pera, magmukhang tanga. Sa huli magtataka ka rin ba't mo ginawa yun. Again, move-on in advance. 

6) Seize the moment. You get stuck with someone na mahal mo na ng ages. Takot kang umamin kasi baka masira friendship n'yo. Common, aminin mo na. It's better masira ang friendship kesa habang buhay kang nag-iisip ng "what if." Kung hindi man maging kayo, you deserve it coz she/he never liked you anyway. Kung andun ka na, might as well seize the moment. 

7) Hindi mo kailangang sumabay sa agos. Kung mahilig sa iphone lahat ng tao kailangan ba mag-iphone din ako? Tuwing may makakakita na 1208 at 1280 ang celphone ko laging pinagtatawanan. Ayos lang sa'kin. Lagi ko kasing nababagsak, naiiwan sa kung saan, nababasa ang mga phone ko. Pag nabagsak phone nila, sinong iiyak? At lagi akong may load. My phone is not for show. Pang text or call yun. Shit. 

8) Walang puwang ang inggit sa masayang tao. Kapag yumaman si ganito o napromote si ganyan, huwag kang maiinggit. Dahil ang inggit ay pinagmumulan ng kung anu anong negatibong shit. Baka makapatay ka pa, magnakaw ka pa, or whatever. Kung may ibang taong umaangat, matuwa ka para sa kanila. Kung ano mang meron sila, subukan mo ring abutin. Hindi yung kung anu ano ang sinasabi mo. Kaya wala sa'yo ang meron sila, puro inggit lang ginagawa mo. Pagpaguran mo naman ang sarili mong pangarap. 

9) Ayos lang magkamali. Madalang lang na magagawa mo ng tama ang isang bagay sa unang beses. Madalas, magkakamali ka bago ka matuto. Pero yun nga ang point dun, gagawin at gagawin mo muna ang isang bagay bago ka tuluyang matuto. Pag nag-quit ka, hindi ka na matututo. 

10) If you give everything to someone. Be ready to lose everything. 

O ayan. Sampu muna. Masyadong mahaba post kapag 26 agad. ^_^

2 comments:

  1. Sana mabasa toh nung classmate kong GC na walang sense ang sinasabi pag recitation. Yung tipong memorize niya every word ng definition sa book pero ni hindi nia mapaliwanag nang simple mga sinasabi nia. Isa siang malaking shit! GC na Bobo. Yabang pa man din. Over magreview pero tindi mangopya. Hahanapin pa checker niya para palitan mga mali niang sagot! Perfect tuloy sia! MAgaling!!!

    PS. di nia pala mababasa toh dahil wala siang hilig sa mga ganito. Kawawa.

    ReplyDelete
  2. Wahehehe.. Malay mo.

    Sana matuto rin siya along the way.

    ReplyDelete