May nabasa ako recently na para daw makapag-reflect ka, sulatan mo ang sarili mo today sa perspective na sarili mo half of your age now. 28 na ako ngayon so that makes my 14 year old self the writer ng unang letter. And then, magrereply ang 28 year old me kay 14-year old na ako. It did make me both sad and happy sa mga nagawa ko sa buhay. I hope you guys do the same thing. It enlightened me. Here goes my own letters!
Dear Elnel,
Ang hirap mag-isip kung ano ang itatawag ko sa'yo. Ang mga kaclose natin "Noy" ang tawag sa'tin, yung sa school "Elnel," yung ibang nabubulol sa Elnel ang tawag nila sa'tin "Andrew." Pero minsan nahihiya ako sa pangalang "Noy" kasi parang jologs. Paglaki ko kaya mahihiya pa rin ako? Gusto kong magkaroon ng maraming maraming kaibigan!
Andami nating pangarap. Sana maging doctor nga ako/tayo. Gusto ko ring yumaman. Gusto kong magkaroon ng magandang trabaho para makatulong sa mahihirap. Sana, marami ring magkagustong babae sa'kin. Sana ang una kong girlfriend siya na rin ang huli. Gagawin ko siyang prinsesa. Siya lang ang magiging babae sa buhay ko (well, siyempre iba yung love kay Mama). Gusto kong mabili lahat ng gusto ko. Ang liit kasi ng baon ko. Sana makahanap ng magandang trabaho si mama para tumaas baon ko.
May mga crush akong girls kaso hindi ko sila maligawan kasi mahirap lang ako. Ang mga babae gusto nila mga gift kasi tingin nila sweet 'yun. Gusto kong maging sweet. I'll have to stick with niloloko na lang sila para pansinin nila ako. Shy type kasi ako e. Dana.. I wonder how it feels like to get the first kiss. ^_^ Palagi na lang pantasya..
Gusto kong matutong tumugtog ng musical instrument. Nakakabana ang marunong tumugtog. Tapos ang lakas din sa chix. Hehe.
I'm starting to like not studying at all. Pinudpod ako ni Mama and Tita sa pag-aaral nung elementary. Now I hate studying. I love copying homework. Badtrip pag palagi kang may homework, kumokopya lang mga kaklase. Mga asa sila. Parang mas masaya ang ikaw ang umaasa. Mukha silang walang problema sa buhay eh. Masaya rin pala ang mag-cutting classes. Siguro nga ang pinakamasayang part ng school life e high school life. I love Pampanga High School!
Ang sarap makipagkopyahan sa quiz at exam. Hindi ko na kailangang mag-aral ng pagkadami dami. Pag sinasabi naming magrereview kami, nanonood lang kami ng bold. Ang sarap manood ng bold. Naiinggit ako sa mga kaklase ko kasi may mga VHS player sila tapos naka-cable tv pa. Hindi ako gaanong makarelate sa mga kinukwento nilang mga palabas. Buti na lang mabait sila at fine-friend pa rin nila ako.
Kahit most of my classmates are good friends. Yung best friend ko nung 1st year high school iniwasan niya na ako. Sabi niya mayabang kasi ako at lagi akong naghahanap ng fault sa iba. Narealize ko tama siya. Nung elementary kasi, para matanggap ako ng mga kaklase ko, pinagtitripan ko ang ibang tao para mas magmukha akong nakatataas sa iba. Sad ako kasi nawala best friend ko. Happy ako kasi may natutuhan akong bago. Susubukan kong magbago.
Ang hirap gawing straight ng buhok. Naiinggit ako sa mga classmates kong Keempee ang hair. Tae, ba't kasi pinanganak akong kulot? Medyo nalalagas na rin buhok ko ata. Natatakot akong maging kamukha ni Papa. Matabang kalbo.
Ang galing pumorma ng mga kaklase ko. Nung isang araw pinagtawanan ako kasi maiksi ang pantalon ko. Kasali na siguro yun sa mga most embarrassing moments ko. Ba't kasi nakikinig ako kay mama about sa kung ano dapat isuot. Sana paglaki ko, magaling na'kong pumorma. Para hindi ako pagtatawanan..
Sana mag-aral ako sa UP Diliman. Dun nag-aral si Tito. Idol ko yun e. Halimaw sa talino. Andaming kwento ni Mama about kay Tito. Si Tito ang hero ko. Sana maging magaling din ako. Siguro kapag dun ako nag-aral malaki sweldo ko pagka-graduate.
Sana yumaman ako.
Regards,
Elnel
Dear Noy,
Huwag ka ng mag-alala kung anong itatawag sa'yo ng iba. Ang mahalaga, nirerespeto ka nila. Paglaki mo, "Noy" pa rin ang itatawag ng mga malalapit sa'yo. Madadagdagan pa ang mga nickname mo like Papa Noy, chikinito, Playboy etc. Magiging teacher ka rin kaya kung anu ano rin itatawag sa'yo ng mga estudyante mo. Huwag kang mangarap ng maraming kaibigan. Minsan, ang mga tao tatawagin ka nilang "kaibigan" pero tatraydurin ka rin. Humanap ka na lang ng konting kaibigan at ituring mo silang lahat ng mabuti. Yun lang ang kailangan mo. Hindi mo kailangan ng marami, mauubusan kang oras para tratuhin sila ng mabuti tapos tatraydurin ka pa ng iba. Focus sa konti. Quality over quantity.
Unfortunately hindi ka magiging doktor. Tatalon ka from one work to another. Wala kang pasensya. Marami kang ambisyon. Magbubukas ka rin ng kung anu anong business. So far, wala kapang business na tinagalan. Magiging teacher ka din. Maraming babae ang magkakagusto sa'yo. Puro estudyante. Hahaha. Ngayong high school medyo may mga magkakagusto sa'yo sa 3rd year pero dadami yan sobra pagdating ng 4th year. Buti na lang pumasa ka sa Special Science Class (SSC). Chick magnet ang mga senior high na SSC. Tapos magiging officer ka ng Senior Scout. Chick magnet din mga officers ng Senior Scout. Sinwerte ka lang gago. Malaki ulo mo pagdating ng 4th year. Pagsisisihan mo yun.
Ang una mong magiging girlfriend hindi mo man lang mahahalikan sa labi ngayong high school. Mahahalikan mo lang yun sa lips n'ya pagdating ng college. Walang mangyayari sa relationship niyo kundi friendship lang. Hindi mo siya mapapakasalana, which is a good thing. Maya't maya kokontakin ka niya pag namimiss ka niya or may problema. Magiging ideal guy ka niya forever pero never din na magiging kayo ulit. Ang una mong mahahalikan sa labi ay isang pokpok. Bobo mo kasi e. Bahala ka ng mag-isip kung paano mo makukuha yun.
Halos lahat ng magiging girlfriend mo ituturing mong prinsesa. Pero, hindi lahat ng itinuturing na prinsesa, deserving. Tandaan mo yan. Para hindi ka masaktan sobra. Maraming beses kang masasaktan. Actually, kahit today wala pa akong asawa. Hindi ko rin alam baka masyado akong perfectionist o malas lang talaga sa pag-ibig. Lolokohin ka ng mga kaibigan mo, tuwing may okasyon daw, palaging iba pinapakilala mo.
Huwag mong isipin masyado na gustong gusto ng mga babae ang mga regalo. Although totoo yun, hindi lang yun ang paraan para mapansin ka nila. Huwag mo na rin silang lokohin palagi, masyado kang obvious bobo. Madali lang magka-girlfriend. Mahirap maghanap ng life partner. Sasabihin mo palagi na easy to get ka. Mag-ingat sa pakikipag relasyon, kung pwede ligawan mo ng matagal. Kapag ang babae madaling nakuha, madali ring mawala.
Bibili ka ng gitara. Pero by the time na bibili ka, bibili ka kasi gusto mo talagang matutong tumugtog. Maraming ibang paraan para magkagusto sa'yo ang isang babae. Huwag kang tumugtog ng dahil lang sa babae.
Aabot kang college na tamad sa pag-aaral. Uunahin mo ang love life. Big mistake.
Pero marami kang magiging tunay na kaibigan dahil sa pagka-cutting at paggawa ng kung anu anong kalokohan. Marami kang makakasalamuha. In a way may maganda ring kalalabasan yan. Yun nga lang hindi mo mababalance ng mabuti. Too late.
Hindi maganda yung ikaw ang umaasa. Pangit ang feeling na at the mercy ka ng ibang tao. Mas maganda ikaw na lang nagbibigay. Ibig sabihin mas pinagpala ka.
Tatanda kang mahilig sa bold. Paglaki mo madali ng makapanood ng bold. Kaso magugulat ka kasi kahit sino pwede ng manood ng bold. Common na lang bold sa panahon ko. Nakakaumay. Magkakaroon din kayo ng cable tv soon, vcd player at land line. Mae-experience mo rin mga yan. Okay din ang magwish paminsan minsan.
Yung iniwasan ka ng best friend mo, isa sa mga best lessons sa buhay mo. Good job for moving forward. Dadalhin mo yun hanggang mamatay ka.
Makakalbo ka kaya huwag ka ng magsuklay na magsuklay ng buhok para magstraight. Hindi ka tataba. So hindi ka magiging kalbong mataba. Kalbo lang. Okay na yun. Cute ka naman. Sometimes.
Hindi ka magiging maporma. In fact, wala ka na ring paki sa suot mo madalas. Maiisip mong kung may magkakagusto man sa'yo, magugustuhan ka nila kasi sa ugali mo. Favorite mong suot ay white t-shirt, shorts at tsinelas. Kung pagtatawanan ka man sa suot mo. Wala kang pakialam sa kanila. Putangina nilang lahat. Puro naman sila porma pero panget naman. Okay na yung pogi pero ndi maporma (sabi ng sariling mong humble pero nagbubuhat ng sariling bangko paminsan).
Mag-aaral ka sa UP Clark. Magco-cross reg ka lang sa UP Diliman. Hindi lahat ng nag-aaral sa UP yumayaman. Wala sa edukasyon ang pagyaman. Pero dahil siguro sa UP, hindi mo ring papangaraping yumaman ng sobra. Mas gugustuhin mo ang simpleng buhay at makatulong sa kapwa. Mas masaya para sa'yo ang makaimpluwensiya ng ibang tao. Kaya ka nga magiging teacher e.
Mag-ingat sa mga kwento ng mga tao. Baka maniwala ka na lang pabasta basta. Maging mausisa sa mga bagay na kwento lang ng iba.
Maraming bagay pa ang mas importante sa pagyaman. Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam lahat ng sagot sa mga gusto mong mangyari. Hanggang ngayon marami pa rin akong hinahanap. I hope 14 years from now, mas maganda na ang mga sagot ko. For now, buhay pa rin tayo at natututo.
Regards,
Noy
photo taken from www.theleaderstable.org |