Ito ang blog ng mga taong gustong maging simple ang buhay. Hindi kailangang maging kumplikado ang lahat. Ang lahat ng bagay ay magagawa mo.. Magpasimple ka lang. ^_^
Hopefully Ngayong Nandito Ka sa Blog ko, Hindi Ka Nawawala. ^_^
Please don't forget to subscribe to my blog para pag may post ako automatic makikita nyo. Feel free to share my blog sa Facebook, Twitter, Google+ or any other social media.
Salamas!
Salamas!
Showing posts with label Kasal. Show all posts
Showing posts with label Kasal. Show all posts
Thursday, June 26, 2014
The Joy of Waiting
A few hours ago, I decided to watch "You've Got Mail." For those of you who haven't watched the movie yet, here's a quick link for the synopsis. This movie stars Tom Hanks and Meg Ryan. It's a pretty old movie and it brought back a lot of great memories.
Nung wala pa ang putanginang Facebook, Twitter, Instagram o whatever we only had e-mail tsaka chat. Oh, how thrilling 'yung may kausap ka from the opposite sex (sa pagkakaalam mo) tapos nagkukwentuhan kayo as friends and even flirt a little. Ang sarap isiping super hot chick ang kausap mo as opposed sa makikita mo agad ang itsura via Facebook, Twitter, Instagram or kung anu anong shit. Haha. Nakakamiss yung anonymous yung kausap mo and then curious ka kung maganda nga siya or mabait or kung magkikita man kayo if ever.
It's like waiting for your favorite song sa FM radio. Magpe-play muna si DJ ng mga lima hanggang sampung songs bago i-play ang paborito mo. Unless, nirequest na siya bago mo pa nabukas ang radyo. And I can also remember listening to the daily vote countdown. Tatalon pa'ko nun kapag no.1 ang paborito kong kanta.
Kaya ako, I barely listen to my playlist na. Whenever nagda-drive ako, I turn on the radio and listen to FM music. Minsan, nakikinig lang talaga ako sa mga dj at mga wala nilang kwentang topic. Nag-eenjoy ako sa debate kung alin dapat ang unang gawin kapag nagtitimpla ng kape, uunahin bang ibuhos ang tubig o maglalagay muna ng kape at asukal. Gusto ko ring naririnig yung mga naghahanap ng pag-ibig. Tatawag si lalake tatawag si babae tapos mag-uusap sila with the DJ. Tapos biglang may tatawag sa pangalan ni babae, amo pala niya at may iuutos. Kaya pala mahina ang boses ni ate, hindi alam ng boss na tumawag siya sa radyo.
I get impatient when I wait for my favorite song. Pero even if I wait for 10 songs and then pinatugtog ang paborito kong kanta, nakakalimutan kong naghintay ako ng sampung kanta para lang marinig ko siya. It's well worth the wait.
Call me outdated pero gusto ko talaga ang mga ganito. I no longer like listening to my playlist because it contains all my favorite songs. Yep, ironic pero hindi ko rin ma-explain ng maayos e. Hahaha. Makikinig na lang siguro ako sa playlist ko kapag nagja-jogging ako.
A few posts ago, I talked about not giving in to the pressure of getting married. Lately, I've been thinking about it a lot and it's building up. Getting married is such a BIG THING and somehow, I'm already looking forward for it. Having a wife you'll wake up to every morning, kids na makulit (kaugali ko), being independent and finally ligal na ang sex.
But I can't get married now. Maybe in the near future. I just have to wait I guess.
I know it'll be all worth it.
Location:
San Fernando, Philippines
Thursday, October 24, 2013
Kelan Ba Dapat Mag-asawa?
![]() |
| photo taken from www.pendoreilleco.org |
I just turned 28 this October 2013. And, lately napadalas ang tanong sa'kin na "Bakit hindi ka pa nag-aasawa?" Alam naman nilang walang akong girlfriend.
At bilib din ako sa dahilan ng iba kung bakit dapat mag-asawa ng maaga. Kasi daw baka hindi mo na abutang gumraduate ang mga anak mo. Wala naman akong pakialam kung ga-graduate o hindi ang anak ko. Ang importante maging mabuti siyang tao and maging masaya siya. Wala rin akong pakialam kung matanda na'ko pagka-graduate niya. Basta naging mabuti siyang tao, I won't be prouder.
Sa society na sobrang taas ang pagtingin sa mga graduate or sa mga taong matataas ng grade, I find happiness in simply knowing I am not one of them. Kaya hindi ko rin alam kung maiinis ako sa mga school na nagsasamantala sa mga tatanga tangang magulang by giving students sky high grades. Perhaps they'll earn a lot of money ne? But then again, baka nagpapakatanga lang din ang mga magulang para lang maipagmalaki lang nila na ang anak nila e matataas ang grade. In the end, kaya nila inenroll ang mga anak dun hindi para matuto ang bata pero para maipagmalaki nila sa iba na magaling ang anak nila dahil manang mana sila sa magulang.
But then, there are also people who tell me dapat mag-enjoy ako sa pagiging single at inggit sila sa'kin kasi nagagawa ko ang gusto ko. Dahil kapag nag-asawa daw, hinding hindi ko na pwedeng gawin ang mga bagay na nagagawa ko ng malaya.
Going back sa topic.. Bakit wala pa akong narinig na advise sakin na huwag muna akong mag-asawa kasi dapat ko pang hanapin ang taong magmamahal sa'kin? Where am I living na? Why is society so eager to dictate na mag-asawa ka just to see your children graduate? Ayaw kong mag-asawa for the sake of mag-aasawa ako para may mag-aalaga sa'kin pagtanda. Although may obligasyon tayong humayo at magpakarami, marami rin tayong ibang obligasyon other than that. I do not want to be compelled to marry for the sake of magpaparami lang. Sana marami na'ko ginawang baby kasi madali lang naman yun.
Gusto kong mag-asawa dahil mahal ko ang isang tao at nakikita kong kasama ko siya pang-habambuhay. Yun lang.. Ganun lang kadali.
Yun nga lang.. Mahirap gawin.
Labels:
Kasal,
simpleng payo
Location:
City of San Fernando, Philippines
Subscribe to:
Posts (Atom)

