Hopefully Ngayong Nandito Ka sa Blog ko, Hindi Ka Nawawala. ^_^

Please don't forget to subscribe to my blog para pag may post ako automatic makikita nyo. Feel free to share my blog sa Facebook, Twitter, Google+ or any other social media.

Salamas!

Thursday, October 24, 2013

Kelan Ba Dapat Mag-asawa?

photo taken from www.pendoreilleco.org

I just turned 28 this October 2013. And, lately napadalas ang tanong sa'kin na "Bakit hindi ka pa nag-aasawa?" Alam naman nilang walang akong girlfriend. 

At bilib din ako sa dahilan ng iba kung bakit dapat mag-asawa ng maaga. Kasi daw baka hindi mo na abutang gumraduate ang mga anak mo. Wala naman akong pakialam kung ga-graduate o hindi ang anak ko. Ang importante maging mabuti siyang tao and maging masaya siya. Wala rin akong pakialam kung matanda na'ko pagka-graduate niya. Basta naging mabuti siyang tao, I won't be prouder. 

Sa society na sobrang taas ang pagtingin sa mga graduate or sa mga taong matataas ng grade, I find happiness in simply knowing I am not one of them. Kaya hindi ko rin alam kung maiinis ako sa mga school na nagsasamantala sa mga tatanga tangang magulang by giving students sky high grades. Perhaps they'll earn a lot of money ne? But then again, baka nagpapakatanga lang din ang mga magulang para lang maipagmalaki lang nila na ang anak nila e matataas ang grade. In the end, kaya nila inenroll ang mga anak dun hindi para matuto ang bata pero para maipagmalaki nila sa iba na magaling ang anak nila dahil manang mana sila sa magulang. 

But then, there are also people who tell me dapat mag-enjoy ako sa pagiging single at inggit sila sa'kin kasi nagagawa ko ang gusto ko. Dahil kapag nag-asawa daw, hinding hindi ko na pwedeng gawin ang mga bagay na nagagawa ko ng malaya. 

Going back sa topic.. Bakit wala pa akong narinig na advise sakin na huwag muna akong mag-asawa kasi dapat ko pang hanapin ang taong magmamahal sa'kin? Where am I living na? Why is society so eager to dictate na mag-asawa ka just to see your children graduate? Ayaw kong mag-asawa for the sake of mag-aasawa ako para may mag-aalaga sa'kin pagtanda. Although may obligasyon tayong humayo at magpakarami, marami rin tayong ibang obligasyon other than that. I do not want to be compelled to marry for the sake of magpaparami lang. Sana marami na'ko ginawang baby kasi madali lang naman yun.

Gusto kong mag-asawa dahil mahal ko ang isang tao at nakikita kong kasama ko siya pang-habambuhay. Yun lang.. Ganun lang kadali.

Yun nga lang.. Mahirap gawin.

 

No comments:

Post a Comment