Hopefully Ngayong Nandito Ka sa Blog ko, Hindi Ka Nawawala. ^_^

Please don't forget to subscribe to my blog para pag may post ako automatic makikita nyo. Feel free to share my blog sa Facebook, Twitter, Google+ or any other social media.

Salamas!

Thursday, April 11, 2013

Be Thankful for Adversity

magpupunas ka ba o hindi?
Kelan ba masarap tumae? Palagi. Pero ang the best moment na tumae eh yung tiniis mo muna because of some inconvenient reason. Parang nung nag-aaral kapa sa elementary school, nahihiya kang tumae sa school kaya tinitiis mo muna hanggang uwian. 

Kelan masarap maligo? Kapag mainit? Kapag matagal ka ng hindi naliligo, pawis na pawis ka at isang kalabit mo lang sa balat mo, andami mo ng libag na nakukuha. 

I remember my great lolo Simeon V. Nagoy narrating with pride his hardships sa panahon ng Hapon. Lolo Simeon talked about how they ate kamote for months kasi kinukuha ng mga Hapon lahat ng pananim pwera lang kamote. Parang fresh pa sa'kin yung time na kinwento niya ang takot nila nung binobomba ang San Fernando ng mga Hapon, kung pa'no sila nagtago sa mga puno at kung paano sila natuwa ng dumating ang mga Amerikano at naghuhulog ng pagkain para sa mga Pilipino. Nakakatakot pero there was always a part of me na nagsasabing "could've been a great experience." 

Siguro na kay Lolo Simeon na rin ang sagot. Ang madalas pa nga niyang i-kwento ay time na tinali sila ng pinsan niya ng mga Hapon sa kamay, binitin ng patiwarik at ginawang target practice. Laking takot nila ng bigla silang pagbabarilin. Buti na lang daw at lasing ang mga Hapon at nadaplisan lang sa kili kili ang pinsan niya. Si Lolo, walang tama. Kung ako yun baka naihin na ako sa salawal. 

May isang part na naiyak ako sa kwento ni Lolo. Diabetic ang tatay niya nun, may sakit pero walang makuhang gamot dahil sa giyera. May na-stuck na pagkain sa lalamunan ng tatay niya at kinailangan ipasok ni Lolo Simeon ang kamay niya sa loob ng bibig ng tatay para hugutin ang nagbara. To no avail, nawalan ng hininga ang tatay niya. Nilibing nila sa ang tatay nila sa ilalim ng mga kawayan. Hanggang ngayon, hindi na nila nakuha ulit ang labi ng ama. 

Kung buhay pa si Lolo hindi ako magsasawa sa kwento niya. Hindi naman makulit si Lolo. How I wish buhay pa siya. 

It doesn't stop sa kwento eh. Si Lolo, dahil marami na siyang hirap na dinanas, nakuha niyang maging tigasin. Walang problema si Lolo kahit walang pera (kesa mawalan ng mahal sa buhay). Walang problema si Lolo kung hindi masarap ang ulam (kesa puro kamote ang pagkain). Walang problema kay Lolo kung manakawan (kesa gawing target practice ng lasing na Hapon).

Ikaw? Anong problema mo ngayon?

Embrace it. 


2 comments:

  1. This is real.. nung pinanood ko ung doumentary ng panahon ng giyera,may mga pinoy na nagaabot ng kamote habang sinakay at pinagsisikan ang mga veterano natin sa train... at sa dami nila unahan sa pagkuha ng kamote.... Salute for your Lolo Simeon!

    ReplyDelete
  2. I'm pretty sure may malayo kang kamag-anak who did the same thing. ^_^ Thanks po!

    ReplyDelete