Tae ka.
Medyo matagal na rin kitang di nakikita. Pero ngayong araw, para kang kabute na sumulpot na lang ulit sa isip ko. Hahaha.. Pero 'lam mo ano? Himpeyrness, puro magagandang ala ala lang pumasok sa'kin.
Siguro nga napatawad na kita.
O baka, mas marami lang talagang magagandang alaala kang iniwan sa'kin?
Hindi ko rin sure e. Naguguluhan ako. Subukan kaya natin ulit? Wanna try?
Joke lang ha. Yep, marunong na rin akong mag-joke sa'yo ngayon. Sineryoso kita dati kung alam mo lang. Akala mo siguro joke lang yon no. Hahaha.. Nakakatawa siguro ang mukha ko.
O baka isa lang akong malaking joke.
Ngayon ako naman magjo-joke.
Hindi rin siguro magtatagal mapupunta na naman tayo sa wala. Kilala kita. At lalong kilala ko naman ang sarili ko.
Kaya siguro magandang ganito na lang tayo palagi. Wala na lang pakialamanan ha. Okay naman ako sa ngayon. I hope happy ka naman.
Salamat sa mga magagandang alaala. Napangiti mo ako. An for a few seconds siguro, I hate to admit this pero..
Namiss yata kita ng konti.
Tae ka.
Ito ang blog ng mga taong gustong maging simple ang buhay. Hindi kailangang maging kumplikado ang lahat. Ang lahat ng bagay ay magagawa mo.. Magpasimple ka lang. ^_^
Hopefully Ngayong Nandito Ka sa Blog ko, Hindi Ka Nawawala. ^_^
Please don't forget to subscribe to my blog para pag may post ako automatic makikita nyo. Feel free to share my blog sa Facebook, Twitter, Google+ or any other social media.
Salamas!
Salamas!
Showing posts with label Ngiti. Show all posts
Showing posts with label Ngiti. Show all posts
Wednesday, June 26, 2013
Ngiti
Labels:
Ngiti
Location:
City of San Fernando, Philippines
Subscribe to:
Posts (Atom)