Hopefully Ngayong Nandito Ka sa Blog ko, Hindi Ka Nawawala. ^_^

Please don't forget to subscribe to my blog para pag may post ako automatic makikita nyo. Feel free to share my blog sa Facebook, Twitter, Google+ or any other social media.

Salamas!

Saturday, December 8, 2012

Learning to Let Go

picture courtesy of http://lavistachurchofchrist.org

Not long ago, nagpaseminar ang company ko about risk management. Medyo napalihis ng topic yung resource speaker at nabanggit niya ang 70-20-10 rules sa personal finance. According kay Tito Wikipedia, ang personal finance ay: 


Personal finance refers to the financial decisions which an individual or a family unit is required to make to obtain, budget, save, and spend monetary resources over time, taking into account various financial risks and future life events. When planning personal finances the individual would consider the suitability to his or her needs of a range of banking products (checking, savings accounts, credit cards and consumer loans) or investment (stock market, bonds, mutual funds) and insurance (life insurance, health insurance, disability insurance) products or participation and monitoring of individual- or employer-sponsored retirement plans, social security benefits, and income tax management.

Sa 70-20-10 rule, 70% ng kinikita mo ang ilalaan mo sa pang-araw araw mong gastos, 20% ilalaan sa savings at 10% ay ido-donate. Kung mapapansin n'yo, si Tito Wikipedia walang binanggit na pamimigay mo yung pera mo. Puro management ng sarili mong pera. 

Ang sabi ng resource speaker namin, kaya daw merong 10% d'yan, pwera pa sa based din yan sa bible eh dahil we must learn to let go of money. Dahil, kung puro ko take ng pera at hindi ka marunong magbigay, nagiging alipin ka ng pera. Which is, may sense nga naman. 

Sa limited time ko dito sa mundo (27 years so far), napansin ko na tama yung kasabihang "The more you give, the more you receive." Case in point, nung magkaroon ako ng pagkakataong magtrabaho, kapag nag-sisimba, ang binibigay ko palagi ay 20 petot lang. Pero nung magbago na ang trabaho ko at tumaas ang sweldo ko, tinaas ko ng tinaas ang binibigay ko sa simbahan. At everytime na nagkaroon ako ng pagkakataon ng itaas ang binibigay, ambait ni Lord at binibigyan niya ako lagi ng mas marami pang pera! ^_^

Opcors, huwag ka namang magbigay para lang bigyan ka lalo ng mas maraming biyaya. Ang pagbibigay ay isang bagay na kusa. Parang pag-ibig lang yan. Hindi lahat may pagkakataong makapagtipid ng pera. Kung nakakapaglaan ka ng pera para sa sarili, siguro naman kaya mo ring maglaan ng konting bahagi nun para sa iba. 

Hindi ko tatapusin ang blogpost na'to sa kung anu anong shit. Tatapusin ko siya sa isang bible passage na sa tuwing babasahin ko, nanliliit ako. 


Luke 21: As Jesus looked up, he saw the rich putting their gifts into the temple treasury.  He also saw a poor widow put in two very small copper coins.  “Truly I tell you,” he said, “this poor widow has put in more than all the others.  All these people gave their gifts out of their wealth; but she out of her poverty put in all she had to live on.”

Tuesday, November 6, 2012

Never Say Never

Note: Hindi ko idol si Justin Bieber ha. Yak.

Right after graduating from college, I told myself I'll never work in a bank. I can't imagine myself doing the same stuff over and over again. Ayaw kong maging teller kasi I'm really clumsy rin paminsan. Baka ma-short ako. Ayaw ko ring nakatambay sa bangko, parang hospital ang dating. Tahimik ang atmosphere. Bawal ding magtext. At kahit hindi uso ang holdapan ng bangko sa Pampanga, takot pa rin akong maholdap. 

Look where I am now. I work in Rural Bank of Florida now. Opcors, yung mga iniimagine ko eh hindi naman nangyari. Sa executive office ako kaya I don't feel monotonous. Oo nga naman. Kapag sinabing bangko, syempre meron din namang executive office dapat yan na namamahala sa operations ng lahat ng branches. 



So far, masaya ako sa trabaho. Checkout our website: Bank of Florida website Okay ang sweldo, okaya din ang benefits. Ang dami ko ngang bagong natutuhan dito sa rural bank. Ang interest rate ng rural banks e mas mataas kesa sa commercial banks! Ang company ko ay majority owned ng isang family, and although magkakapatid at magkakamag-anak mga nakakasalamuha ko dito, very professional naman sila. Ang popular notion na "LAHAT BOSS" kapag magkakapatid ang boss mo e hindi totoo sa company ko. Hindi rin monotonous ang buhay ko dito. Araw araw merong bago. Nabubusog ako sa mga seminar. Ang dami kong natutuhan. Nakakaputi rin kasi hindi ko na kailangang pumasok ng 1 or 2pm. Hehehe.

Very simple lang blogpost ko today. Kasi napa-humble ako ng kasaraduhan ng isip ko dati. Baka ma-apply din ito sa buhay n'yo. 

So iun. 

Ang lesson for today ay "Never say never."  


Tuesday, June 26, 2012

School

Tomorrow, I start a new day again as an instructor sa isang sikat na university sa Pampanga. It's been a while na rin since last akong nagblog at ewan ko lang kung nasabi ko na'to o hindi pero magbibigay ako ulit ng points ko sa teaching career.

Hindi ako naging mabuting estudyante dati dahil I failed to connect the subject sa tunay na buhay. For example, hanggang ngayon, hindi ko pa rin naa-apply ang factorial sa tunay na buhay. Hindi ko pa rin nagagamit ang pagkuha ng area ng cone. Easy pa yung mga yan. Yung mahihirap talagang kinalimutan ko na. 

Hindi rin ako naging mabuting estudyante dahil muntik akong mapatay ng ibang teacher ko sa pagkaboring. Merong di marunong magturo, merong di marunong magjoke, merong sobrang labo kausap, merong di lang talaga marunong. But opcors, now that I've grown up na, hindi ko na masasabing dapat aasa ako sa teacher. Hindi na kasalanan ng teacher yung fufu siya. Sabagay, paminsan wala din namang pakialam ang teacher kung fufu tingin sa kanya.



Reasons kung bakit marami akong natutuhan sa isang subject:


1) Gusto ko talaga ang subject.

2) Gusto ko talaga ang teacher. Either crush ko siya or magaling talaga siyang magturo. Ang tunay na magaling na teacher, matatandaan mo ang lesson niya dahil... a) Praktikal ang turo niya. Hindi mo makakalimutan hanggang tumanda or nagka-amnesia ka. b) Matagal mo ng pinag-aaralan ang isang bagay at siya lang ang nakapagpaliwanag ng topic. Magaling siya magturo for short. c) Alam mong magagamit mo ang turo niya sa tunay na buhay. 

Yun lang ang reasons ba't ako natuto. Ang unang reason, wala akong kontrol dun. I can try to influence a student para mahalin n'ya ang subject. Pero kadalasan, pag di mo talaga hilig ang subject, wala talaga unless masipag kang mag-aral. 

Sa pangalawang reason ako magbabangko. ^_^ I think a lot of teachers fail to realize it minsan and focus on just discussing what's in the book. 

Yun ang tamang daan. 

Monday, June 4, 2012

Stars

She left me for a guy who promised her the stars.

Once upon a time, I loved a girl so much. 

I gave her everything she wanted...

As long as I can. 



One day, she looked up and saw how beautiful stars are. 

She asked for a STAR. 

I told her I can never afford to give her a star. 



She left me for a guy who promised her the stars.

I would've given her everything I had.

Including me.

Instead she chose the STARS.

I would never be able to understand her.

STARS ARE JUST BIG  BALLS OF FIRE...

Tuesday, May 8, 2012

Lumang Bayani

Sino ang bayani?

Sabi nila ang mga bagong bayani daw ay ang mga OFW na nagsasakripisyo mag-abroad, lalayo sa pamilya, makikipagsapalaran para umahon sa kahirapan. Hindi na bago sa'kin makarinig ng pangarap na "Gusto kong mag-abroad at kumita ng malaki." It seems most ng mga kapitbahay ko eh nag-aabroad ang isa sa mag-anak at isa isa niyang isasama ang mga kapatid para umahon din sila sa kahirapan? Hhmmm.. Kung ganun, karamihan sa mga kapitbahay ko ay puro mga bayani. My question now is, "Sino ba ang lumang bayani?"

I've always thought na ang mga teachers ko mula prep hanggang college eh mga bayani. I've always thought na ang mga naiiwan sa Pinas at hindi nangarap mag-abroad ay bayani. I've always thought na ang pagsasakripisyo kapalit ng yaman ay maganda para sa pamilya. Pero ang pagsasakripisyo ng malaking sweldo sa abroad para magtrabaho dito at magbigay ng karangalan sa bansa ay higit na malaking karangalan. Ganun na lang ang taas ng pagtingin ko sa mga mamaw teacher ko. Lalung lalo na nung college. Halos lahat UP Grad at cum laude pataas nung matapos sa pag-aaral pero pinili pa rin nilang magturo sa UP. Watdapak, kung tutuusin kayang kaya nilang magtrabaho sa ibang kumpanya at kikita sila ng higit na malaki. Lipat nga lang sila ng ibang skul mas malaki na agad ang kita... Pero hindi e. Karangalang makapagturo at maglingkod sa bayan muna iniisip nila bago ang sarili o kahit pa man ang pamilya.


And I choose to stay here in the Philippines kahit mabulok na ako dito.


Ayaw kong mag-abroad. Ayaw kong isakripisyo ang oras ko sa pamilya. Basta sama sama kami masaya na'ko. Hindi ako naniniwala sa ipon lang ng konti, bili ng bahay at lupa at kung anu anong shit and then after umuwi babalik din naman dun. Minsan, pag mas madali ang buhay sa ibang bansa, magmimigrate na sila. Hindi naman sa nambabasag ako ng trip. Yun gusto nila eh. Ang akin lang,kaya lang ba mag-aabroad para lang gumanda ang buhay? Yun na yun? Ang pangarap mo ba ay nananatiling para sa sarili lamang? Para sa pamilya mo lang? Wala para sa bayan? 

Maraming maraming salamat sa mga taong marunong tumanaw ng utang na loob. Yung mga balikbayan na naisipang mag-ipon lang ng pera, magbusiness at tumira na lang ulit sa Pinas. Silang mga hindi kumalimot sa bayan. Kayo talaga ang mga bagong bayani. 

Pero para sa mga bayaning Pinoy na nananatili sa bansa sa kakarampot na sweldo, maraming maraming salamat po. Kayo po ang lumang bayani. Pero hindi lumiliit ang pagtingin ko sa inyo. Lalo pang tumataas. At kayo ang aking pamamarisan...

Wednesday, April 18, 2012

26 Lessons (Part 1)

Usually ang mga posts na ito ginagawa kapag birthday. October pa birthday ko but I'm in the mood to share a few lessons na natutuhan ko from my mere 26 years dito sa mundo. Eto na:

1) The more I study, the more I realize na wala akong alam. 
Yep. You might have read this line sa kung saan. Ako rin. Nabasa ko to sa kung saan. And I realize na ganun nga. Kahit gaano karaming libro or articles na basahin ko, andami talagang dapat malaman. Kaya kapag may taong nagmamagaling sa'yo. Akala mo lahat alam niya na, ang tawag dun BOBO. Dahil tumigil na siya sa universal thirst for knowledge. Sabi nga ng prof ko sa Marketing, ang tunay na matalino, hindi sumasagot sa recitation. Tahimik lang siyang nakaupo. Kapag tinanong dun lang siya sasagot. Pero kapag sumagot siya, laging tama ang binibigay niya. Ang tawag ko naman sa laging sumasagot para lang may points sa recitation, EPAL.

2)  Mas masarap makuha ang isang bagay kapag pinaghirapan mo. 
Nung bata ako, iiyak lang ako at ibibigay na kung anong gusto ko. Pero dumating din ang point na hindi na binigay sa'kin ang gusto ko kapag umiiyak. Napapalo pa'ko instead. Kaya kapag may gusto akong laruan, pag-iipunan ko yun. Di ako kakain, magmemeryenda o bibili ng kung anu anong shit. Lahat ng perang maiipon ko, pambibili ko ng kung ano mang gusto ko. At pag nabili ko na ang gusto ko. HEAVEN. Same thing sa ibang bagay. 

3) Maraming mabait na tao sa mundo. Pero mababait lang sila. Hindi mabuting tao. Pwedeng mabait si Kwan sa'yo ngayon pero pagtalikod mo sinisiraan ka na pala. Pwedeng malugod sa'yo si Kwan pero bukas makalawa, siya na ang mortal mong kaaway. 

4) When you decide to do something, stick to it no matter what. 
Tawag dun pride. Pero mpre, ang desisyon matagal pag-isipan. By the time na gagawin mo na yun, dapat ready ka na rin sa lahat ng consequences. Tandaan, kung nasaan man ang kinatatayuan mo ngayon, based yan sa lahat ng ginawa mong choices sa buhay. 

5) Maraming problema sa mundo. Huwag mo ng dagdagan ang problema ng iba. Kung wala ka ring magagawa, move on na lang. It's better mag move-on in advance kesa magmove-on after mong magmukmok, magpuyat, mag-inom, maubusan ng pera, magmukhang tanga. Sa huli magtataka ka rin ba't mo ginawa yun. Again, move-on in advance. 

6) Seize the moment. You get stuck with someone na mahal mo na ng ages. Takot kang umamin kasi baka masira friendship n'yo. Common, aminin mo na. It's better masira ang friendship kesa habang buhay kang nag-iisip ng "what if." Kung hindi man maging kayo, you deserve it coz she/he never liked you anyway. Kung andun ka na, might as well seize the moment. 

7) Hindi mo kailangang sumabay sa agos. Kung mahilig sa iphone lahat ng tao kailangan ba mag-iphone din ako? Tuwing may makakakita na 1208 at 1280 ang celphone ko laging pinagtatawanan. Ayos lang sa'kin. Lagi ko kasing nababagsak, naiiwan sa kung saan, nababasa ang mga phone ko. Pag nabagsak phone nila, sinong iiyak? At lagi akong may load. My phone is not for show. Pang text or call yun. Shit. 

8) Walang puwang ang inggit sa masayang tao. Kapag yumaman si ganito o napromote si ganyan, huwag kang maiinggit. Dahil ang inggit ay pinagmumulan ng kung anu anong negatibong shit. Baka makapatay ka pa, magnakaw ka pa, or whatever. Kung may ibang taong umaangat, matuwa ka para sa kanila. Kung ano mang meron sila, subukan mo ring abutin. Hindi yung kung anu ano ang sinasabi mo. Kaya wala sa'yo ang meron sila, puro inggit lang ginagawa mo. Pagpaguran mo naman ang sarili mong pangarap. 

9) Ayos lang magkamali. Madalang lang na magagawa mo ng tama ang isang bagay sa unang beses. Madalas, magkakamali ka bago ka matuto. Pero yun nga ang point dun, gagawin at gagawin mo muna ang isang bagay bago ka tuluyang matuto. Pag nag-quit ka, hindi ka na matututo. 

10) If you give everything to someone. Be ready to lose everything. 

O ayan. Sampu muna. Masyadong mahaba post kapag 26 agad. ^_^

Wednesday, March 21, 2012

Pag-ibig: Paano Napapatagal ang Isang Relasyon?

I've been in a few relationships na rin and a lot of people always ask "Paano napapatagal ang isang relasyon?" I'd like to emphasize ang word na "few" relationship kasi iilan pa lang naging girlfriend ko talaga. Not because I'm fufu sa pag-ibig pero relatively, nagtagal kami ng mga naging girlfriend ko.

A few on my list are already obvious but most of the time neglected. 

1) Commitment - No man is an island. Although people can technically have a relationship sa kanyang kanan or kaliwang kamay, iba pa rin kung sariling girlfriend ang hahawak sa kanya. Kapag nakipagrelasyon ka, give your 99.99% of yourself to your partner. Learn to commit. Kapag nakikipagrelasyon dalawa kayong nagbibigay, not one giving more over the other. 

2) Matutong Makuntento - Kung aminado tayong hindi tayo perpekto, matuto ring tanggapin ang pagkukulang ng partner. Hindi lahat ng babae maganda, hindi lahat ng babae sexy, hindi lahat ng babae sweet, hindi lahat ng babae mahinhin, hindi lahat ng babae mapag-aruga, hindi lahat ng babae marunong magluto. Same thing sa mga lalake. Huwag hanapin ang wala. You can ask people to change, if they try changing kunwari nag-attempt matutong magluto, learn how to appreciate. Yung effort ang nakakataba ng puso. Lack of effort, yun yung nakakabwiset. 

3) Be Funny - Matutong magpatawa, makipagbiruan at maging masaya. Ba't ka pa makikipagrelasyon with someone kung hindi ka rin magiging masaya di ba? Or maybe, kaya hindi nagtatagal ang iba dahil hindi na sila masaya. Kaya nga ang mga komedyante eh lapitin ng opposite sex, marunong islang mag-break ng silence. 

4) Give Time - Ang pakikipag relasyon nga ay isang commitment. This means you have to alot a specified time for each other. Kung isasakripisyo mo ang oras n'yo para sa isa't isa, paano na ang relasyon n'yo? Maglaan ng kahit isang araw sa isang Linggo na magkikita kayo. Magdate. Or kahit hindi kayo nagkikita, magtext at mag-email ka. Hindi naman magastos ang komunikasyon ngayon. Swerte nga tayo ngayon halos libre ng ang pakikipag-usap. Learn to say these words:

Hi.
Kumusta ka na.
Miss na kita.
Mahal kita.  

Huwag kang magsawang sabihin ang mga salitang yan. Kahit magsawa pa siya. Pag nawala ka, hahanap hanapin din niya. Ganun naman tayo. Kapag wala na dun nating hinahanap hanap... 

Huwag hayaang sa huli ka magsisisi. Masakit yun. 

5) Maging maunawain - Kapag mainit ulo ng karelasyon, huwag sabayan. Mabuti ng umalis ka na lang at mag-usap na lang kapag parehong malamig na ang ulo niyo. Mag-aaway lang kayo. Unawain na ang tao, may bad hair days paminsan. Parang ako lang. Laging bad hair day. 

6) Stay Sweet- Minsan yun lang naman talaga hinahanap mo minsan. Lambing. 

7) Barkadahin siya - Ituring ang other half na parang isang kabarkada. Wala kang tinatago, lahat alam niya. No pretentions. It should make you very comfy kasama siya. Umutot ka ng malakas, magburp ka ng malakas.. Sigurado magya-yuck siya. But then again, iisipin niya na malaki tiwala mo sa kanya na kahit anong kagaguhang gagawin mo, kaibigan mo pa rin siya kahit anong mangyari. 

8) Kalabitin mo siya - You know what I mean. Sometimes, ang pagkalabit means she's hot, she's beautiful, she's sexy and you want to make love with her. Kalabit. Kalabit. Kalabit. 

9) Magmahal - Siyempre. Ito yung pinaka ovious sa lahat. Pag di mo mahal ang isang tao, di mo tyatyagain yung shortcomings niya. Pag di mo mahal ang isang tao, di mo magagawang magtimpi, mag-unawa, magcommit, tumawa, maglambing, magbarkada at magjerjer. Oo, kung mahal mo ang isang tao mas masarap ang jerjer.

10) Wag kang TANGA - Oo. Ang pinakamalaking pagkakamaling nakikita ko sa isang relasyon eh tatanga tanga ang isa. Halatang halata naman na hindi ka mahal ng isa, ipagpipilitan mo pa sarili mo. Malamang, hindi talaga kayo magtatagal. Mag-isip muna bago magpakaloko sa isang tao. Iba ang pagmamahal sa kahibangan. Magkalapit lang yung dalawang terms pero may isang konkretong linya ang naghahati sa dalawa. Katangahan ang tawag sa linyang yun.

Kung di'mo kayang gawin mga 'to. Wag mo na lang patagalin ang relasyon..

Wednesday, March 7, 2012

Promises

Stop making promises. 

I don't promise. Why? 

One, I'm afraid to break a promise.

Two, it defeats the reasoning "promises are meant to be broken." 

Three, I don't have to. If I say something. I'll do it the best I can. No questions asked. Kung di ko nagawa. It means hindi kaya ng powers o nakalimutan kong gawin. 

Four, there's this huge expectation when you promise something. Parang inherent na sa isip ng tao. At kapag hindi mo nagawa, sobrang galit na nila sa'yo. Pag nagawa mo naman.. Well, wala lang. So, you might as well not promise and do it na lang ne? 

But wait, there's more! If you don't promise and then ginawa mo talaga, ang effect nun sobrang matutuwa yung tao. It's as if nagpromise ka ngang gagawin mo. 

Di ko rin gets bat ganyan dito sa Pilipinas. Pero malayo mararating mo sa simpleng payo kong ito. 

Totoo to. Hindi ako nagpa-promise ha. 




Maniwala ka sa'kin.

Monday, February 27, 2012

Choices


Everyday, we make tons of choices. Pagkagising na pagkagising mo pa lang iisipin mo na kung tatayo ka na o matutulog ka ulit. Tapos iisipin mo pa kung kakain ka o hindi, kung anong isusuot, kung saan dadaan. O kung papasok ka man. 

Marami ka ring choices pagdating sa school o office. Papasok ka ba sa isang subject? Aabsent ka na lang ba? Magsasakit sakitan? Makikipaglampungan? Mahirap ding magdecide eh. Pagdating ng lunch mahirap ding mag-isip minsan kung ano ang kakainin. Pwede ring ikaw ang magpapakain. ^_^

Sa totoo lang, mahirap talagang pumili. Dahil kapag pumili ka na, madalas, hindi ka na pwedeng magpalit pa ng choice. Parang kung nagpakasal ka na sa isang babae. Hindi ka na pwedeng magpalit ng pinili, nakatali ka na (although marami pa rin ang cases ng mga nambababae). Parang kapag first time mong makipagsex, forever ng yun ang taong unang nakavirgin sa'yo. Hindi ka na pwedeng pumili kung sino talaga ang makakavirgin sa'yo. Kaya dapat, pag-isipan mo munang maigi ang lahat ng mga bagay na pipiliin mo. 

Sa mga kaibigan dapat mamili ka rin ng maayos. I have very few friends. I used to have tons of friends. Pero sa 26 years ng buhay ko, kapag susubukan mong maging kaibigan ang lahat, wala kang mapapala. Dahil meron at meron kang taong ituturing mong kaibigan at ang turing niya naman sa'yo ay laruan. Hindi ko alam kung sa Pinas lang ito o sa buong mundo ha, pero natuto na rin akong huwag magtiwala sa lahat ng tao. Dahil mayat maya, may magtatraydor sa'yo. 

It's better to have a trusted few. Less stress, simpler life at hindi mo kailangang makipagplastikan. You can be nice to others but don't make friends with everyone. Hayaan na natin ang mga pari,madre at pulitiko para dun. 





Choices...



 

Meron akong kaibigan na gusto akong nakikita kapag sad siya. Kasi daw laging maaliwalas ang mukha ko. Na mukha daw akong taong walang problema. Siguro nagagwapuhan na rin siya sa'kin tsaka nacucutan pero hindi na lang niya sinabi... Simple lang naman sagot ko dun. 

You have to have a simple life. Mababaw lang naman ako. Sabi ko nga dati isip bata ako. Kung meron akong natatanggap na biyaya, masaya ako. Kapag wala, ayos lang. Wala naman talaga ako in the first place so why get sad? What if bigla akong minalas? Ayos lang din, dalawa lang naman pwedeng mangyari eh sa buhay mo. It's either meron kang kontrol sa nangyayari o wala di ba? Most ng mga nangyayari sa'yo ngayon ay may control ka. Kaya nga sinasabi ko sa'yo paggising mo palang marami ka ng choices. Ikaw ang pipili kung sino ang mga magiging kaibigan mo. Ikaw ang pipili kung sino ang jowa mo. Ikaw rin ang pipili kung trip mong may kalaguyo o ka-one night stand. Ikaw ang pipili kung magnanakaw ka, papatay ka, o kung anu mang karumaldumal na gagawain. Ikaw ang pipili kung anong relihiyon mo, kung magsisimba ka, kung magiging mabuting tao ka. Ikaw ang pipili kung papaimpluwensiya ka.

Kung ikaw nga ang pumipili ng mga yan, ikaw rin ang pipili kung ano ang mangyayari sa'yo. Mag-aral kang mabuti makakakuha ka ng magandang grades (generally speaking). Magtanim ka ng kamatis, ang tutubo kamatis. Magpatuli ka, hindi ka na tatawaging supot. Tumigil ka sa kakapakinig kay Justin Bieber hindi ka tatawaging bading.

Paano kung tumira ka ng pokpok, nagkasakit ka, sino ang may kasalanan? Ang pokpok? Ikaw rin di ba? Hindi mo masasabing wala kang kontrol dun kasi choice mong tumira ng pokpok. Choice mo rin kung magco-condom ka. Umuulan hindi ka nagdala ng payong, nabasa ka, sino may kasalanan? Ikaw rin di ba? Sobrang lamig sa office, nagdress ka, nilalamig ka. Sinong may kasalanan? Aircon? 

Hindi mo kasalanan yung time na maaraw, hindi ka nagdala ng payong tapos biglang umulan. Hindi mo kasalanan yung may naaksidente kaya biglang natraffic, nalate ka sa trabaho. Hindi mo kasalanan yung naflat gulong mo dahil may gagong naglagay ng spikes sa daan. 

Ang dami kong kaibigan akala mo sobrang laki na ng problema nila sa buhay. Ang dami kong kaibigan ang lakas manisi ng ibang tao kung ba't sila nasa ganito o ganyang sitwasyon ngayon. Ang dami kong kaibigan ang dami daming nasasabing kung anu anong shit kapag may problema. 

Honestly, 99.99% of the time wala ka naman dapat sisihin sa problema mo kundi ang sarali mo.




YOU ARE WHAT YOU DESERVE. 


...coz it's your choices that put you there in the first place. 



Friday, February 24, 2012

Pride


Sabi nila dapat daw tanggalin ang pride. Sabi nila dapat lagi ka daw marunong magpakumbaba. Dahil ang pride hindi nakakain. 

Fuck that.


Hindi rin naman ako makakakain ng mabuti kung wala ako ng kahit konting pride man lang. Pride is what keeps you going. Pride is what keeps me standing kahit anong malas na makuha ko (kahapon nawalan ako 1k nag-abono pa'ko sa food dahil nakalimutang ipang-order ang isang tao). 

Kelan ba yung huling beses na nadapa ka and then you had to get up and pretend it didn't hurt kahit na maraming tao ang nakakita sa'yo? If you're still a kid and a sore loser iiyak ka na lang ba? Natatawa ako every time kinukwento nung friend ko na nung bata pa siya at pinapabakunahan sila ng kuya n'ya. He had to pretend hindi masakit para lang hindi siya pagtawanan ng kuya n'ya. He's the man!

Natatandaan ko pa yung time na pinapakopya ako ng girlfriend ko at hindi ako tumingin sa mga sagot niya sa Accounting. Hindi ko talaga forte ang Accounting eh. Kaso may pride din ako. Basta pasado masaya na ako sa grade ko. Pati yun pinag-awayan namin. Ang galing niya kasi sa kahit anong subject. Lagi siyang UNO. Kaso I have to live by my own standards. I don't have to cheat just to get nice grades. Kung ano ang nasa class card ko, yun talaga ang grade ko (unless type ako ng teacher or dabarkads ko siya). In the end excempted siya sa finals at ako, na saktong pasado lang sa exam ay nagfinals. ^_^ 


Who cares?


At least, hindi ko niloloko sarili ko at ibang tao. Kahit na magalit pa sa'kin ang girlfriend ko o kung sino mang shit. 

And I don't need nice grades just to tell myself I'm intelligent.  

Pride ang nagpapatakbo sa'kin nung tinry kong mag fun run. Nagregister kami ng kaibigan ko sa 3k run. Tangina this! Kaya pala tawa ng tawa yung nagreregister, PAMBATA pala ang 3k run! Tangina this! Pagod na pagod ako sa pagtakbo kahit na nangangalahati pa lang ako nun sa course. Kaso nakikita ko ang ibang mga bata siguro mga 10, 11, 12 takbo pa rin ng takbo. 25 na ako nun.. Pag naunahan ako nung mga batang yung nakakahiya. Buti may pride ako tinakbo ko talaga kahit tipong lalabas na ang puso ko sa pagod. 

This year gaganti ako. Sasali ako sa 10k run para naman makabawi ako sa sarili ko. ^_^

See what pride makes? Next year 21k naman. Pero for now, I'll go and try 10k.

Btw, after kong mainsulto and malamang hindi pala ako fit. Naging regular routine na sa'kin ang running at exercise. Eron na rin akong 4-pack abs. Wahehehe.. Kulang pako 2 pa. Lalabas din yun. Konting tiis pa. Hehehe.. Hopefully aabot this summer. 

Hindi naman masamang magkaroon ng pride. Gamitin mo lang sa mabuting paraan. Hindi yung nagpapaniwala ka agad sa kung anong shit na sinasabi ng ibang tao. Matutong tumiwalag sa nakararami. Dahil madalas, ang nakararami eh sumusunod lang sa iilan.. Gaya gaya ka ba o hindi?




Show some pride naman...  

Kia Pride ;p