Hopefully Ngayong Nandito Ka sa Blog ko, Hindi Ka Nawawala. ^_^

Please don't forget to subscribe to my blog para pag may post ako automatic makikita nyo. Feel free to share my blog sa Facebook, Twitter, Google+ or any other social media.

Salamas!

Tuesday, April 2, 2013

Hudas

Taking of Christ by Michaelangelo Merisi da Caravaggio
Kahit tapos na ang mahal na araw, hindi nawawala sa uso si Hudas. Ang cute nga ng homily ng pari sa misa last Sunday. Nung Saturday mass kasi, sinabi niyang hudas tayong lahat kay Hesus. Kaya pagdating nung time na papuputukin si Hudas sa pasko ng pagkabuhay, gumawi ang mga paputok papunta sa mga tao. ^_^ Wahehehe.. Ang saya siguro nun. 

Anyway, ganun na lang kalaki ang galit natin kay Hudas kasi nga binenta niya si Hesus sa halagang tatlumpung pirasong pilak. Yep, pagkatapos makakita ng mga milagro ni Hudas galing kay Hesus, nakuha pa rin niyang magtraydor. 

Pero hindi lang naman si Hudas ang nagtraydor kay Hesus di ba? Sa 12 na apostles, si Judas binenta si Hesus at ang remaining 11 tumakbo nung dumating ang awtoridad para kunin si Hesus. Si San Pedro, tatlong beses itinanggi si Hesus. Pero ang pinakamalaking pagkakaiba ni Hudas sa lahat ay ito. Si Hudas, nagsisi sa ginawa pero kinitil ang sariling buhay. Yung natitirang 11, nagsisi at itinama ang mali. Si San Pedro, itinuloy ang salita ni Hesus at naging unang pope. ^_^ Sa isip ko kasi, Si San Pedro ang 2nd kay Hudas sa mga nagtaksil kay Hesus. Grabe din naman kasi, dahil sa takot, tatlong beses niyang dineny na kilala niya si Hesu Kristo. 

This brings me sa panghihinayang para kay Hudas. Kung sanang gumawa siya ng paraan para itama ang pagkakamali baka naging isang Santo rin siya. Sana, naging inspirasyon din siya sa karamihan. 

Habang lumalaki ang kasalanan, lalong lumalaki ang oportunidad para maging mabuti tao. Kapag lumalaki ang kasalanan, lalong lalaki rin ang pagsisisi. Ang kulang na lang ay pagtatama ng mali. 

Tayong lahat binigyan  ng oportunidad para maging mabuti. Yun lang naman ang kailangan nating gawin. 

Sayang, sana hindi na negative ang katagang "Hudas Ka!" Wahehehe.. 
Pero okay ding pakinggan ang "Halik ni Hudas" no? Andami ko kasing sasabihan ng ganun. 
Alam ko kayo rin. 

Saang Bangko Magandang Mag-ipon ng Pera

Kung gusto mo ng convenience ang pag-uusapan the best talaga ang BPI. Ginagawa nilang simple talaga ang banking. Sa lahat ng commercial banks paborito ko ang BPI dahil kakaiba talaga ang service nila. Hate ko sa BDO. Parang university of pila sa BDO. Highlight ata sa BDO yung pila eh. Hahaha..

Pero kung gusto mo talagang makaipon ng nagdedeposit ka lang sa bangko, huwag ka ng umasa sa mga malalaking bangko. Ang deposito mo, lalaki talaga sa mga rural bank.


At just 100 Pesos, may checking account ka na!


Timeout, rural bank? Nagda-doubt ka ba sa stability ng rural banks dahil marami ng nagsara?

Sa totoo lang, maganda ngang matakot ka kasi ibig sabihin nun nag-iisip ka. Hindi ka pabasta basta pumupunta sa kahit anong malaki ang interes.

Oo, maraming rural bank na ang nagsara at madalas na dahilan ay mismanaged ang mga ito. Sa totoo lang marami na din namang nagsarang malalaking bangko di ba. Kung tutuusin, tingin ko pareho lang ang stability issue ng commercial sa rural bank. Pero para mas safe ka, humanap ka ng rural bank na matagal na.Hindi ko sinasabi ito dahil nagtatrabaho ako sa isang rural bank ha. Pinag-aralan ko rin naman ang bangko ko.

Reasons bakit magandang mag rural bank.

1) Mas malaki ang interes.
2) Mas konti ang pila. Less customers = less pila
3) Mas personal na serbisyo - Ang mga empleyado sa rural bank, hindi naman malalaki ang sweldo. Nagtatrabaho sila based sa dugo and pawis nila dahil gusto talaga nila ang trabaho nila. Sila yung kukumustahin ang araw mo. Sila yung tipong nanonood din ng "Temptation of Wife" or kung ano mang telenovela sa tv shit.

O yan. Ikaw na magdecide. ^_^ Hindi naman ako namimilit pero mas malaki talaga potential sa rural banks as long as mag-iingat ka.


Tuesday, March 26, 2013

Anong Magandang Gawin Kapag Mahal na Araw?

Sakripisyo, Penitensya, Pagbayad sa mga Kasalanan.
Marami sa atin ang excited kapag mahal na araw. However, when you come to think of it, hindi ba naghihirap si Jesus Christ nun? Yung iba, nakaset na ang schedule nila para magbakasyon sa kung saan saang shit. For those na ayaw mag-celebrate, eto ang isang listahan ng mga bagay na pwede mong gawin. 

1. Visita Iglesia
Kasama na sa tradisyon ng mga Pinoy ang pag-visita iglesia. Ito ay ang pagdalaw sa pitong simbahan sa Huwebes Santo. Ginugunita dito ang paghihirap ni Jesus. Pero come one pokemon. Ang iba, ginagawa talagang bakasyon ang visita iglesia. Para mas may sacrifice ang pag visita iglesia mo, huwag kang magdala ng sasakyan. Mag-commute lang at huwag ka na ring magdala ng payong o pamaypay. Huwag mo na rin idahilan ang cancer o kung anong shit. Alam ko namang ang main reason mo ay masyadong mainit. 

2. Magbasa ng Bibliya
Guilty ako dito. Hindi ko pa rin natatapos basahin ang bibliya kahit 27 taong gulang na ako. Ang New Testament, kung tama ang pagkakaalala ko, nabasa ko na. Ang Old Testament hindi ko pa natatapos. Baka its time na para makabawi ka di ba? Ako rin babawi ako. Read and reflect. 

3. Mag Ayuno
O, eto na ang chance na magdiet ka. Well, paminsan napipilitan ka lang talagang magdiet eh. Kasi ang mga magulang mo, ibabawal ang pagkain mo ng karne. Wahehehehe. Pero just to be realistic about it, you can share the Christ's suffering in your own little way e. Ang pagbabawas sa kung ano mang sobra ay mabuti. 

4. Magpenitensya
I used to hate yung mga nagpepenitensya. Kasi naman messy and nakakainis yung pagkatapos nilang magpenitensya, naliligo sa ilog and then nakikipag-inuman na. But then again, meron din sigurong panata talaga ang papepenitensya. Kung advocacy ng simbahang Katoliko ang pagsasakripisyo sa mahal na araw, sana naman tumulong sila sa mahihirap dito sa Pilipinas at huwag bili ng bili ng putang-inang SUV. Si Jesus Christ nga naglalakad lang minsan. Kanya kanyang trip lang yan ng sakripisyo. Ang importante, ang pagsisisi sa kasalanan ay may kaakibat na pagbabago. Magbago pagkatapos mong magsisi. 

5. Iwasan ang mga bagay na palagi mong kinatutuwang gawin.
Patayin muna ang celphone, huwag munang mag-internet, huwag kumain ng masasarap sa Biyernes Santo. Magbasa ka na lang ng bible o manood ng palabas na pang mahal na araw. 

Friday, March 8, 2013

Paano Magtipid?


Madalas, kapag alam nating meron tayong pera dun tayo nagiging mas magastos. Parang kapag malapit na ang sweldo, unconsciously inuubos mo ang natitirang pera dahil alam mong magkakaroon ka naman ng pera soon. Di ba? Di ba? Parang kapag may napadaan lang cutie sa background ng paningin mo, napapalingon ka na lang bigla. Parang reflex na yan eh. 

Kaya ang magandang paraan kung paano ka magtitipid eh gumawa ka ng paraan para hindi ka gagastos. 

Paano?

Gumawa ka ng estimate ng gagastusin mo sa isang araw. Huwag ka ng magpasobra. Yun lang ang perang dadalhin mo. This way, mapupwersa kang hindi gagastos ng extra. 

Paano kung may emergency?

Iwan ang emergency money sa locker or sa kung saan mang mapagtataguan mo ng pera, pwera sa bulsa.

Besides, ilang beses sa isang buwan ka ba nagkaka-emergency na kailangan mo pala ng extra pera? Kung may emergency na kelangan gastusin, umutang sa friend at bayaran agad kinabukasan (kung mababayad same day mas maganda).

Itabi ang naiipong pera sa isang lugar na tatamarin kang kunin. I-deposit mo sa mga bangko na walang atm. Ibig sabihin, kakailanganin mo pang magwithdraw old school style na pipila ka pa. Pwera pa dun yung pupunta ka pa dun. Hassle yun. Pero kung hirap ka talagang pigilan ang paggasta, epektib ito.  

Kung anu ano na iniisip ko.. Kaya pala, March 8, 2013 na. One week na lang! Malapit na sweldo!

Wednesday, January 23, 2013

Surprise

Si Lord mahilig mag-surprise. Siguro dahil alam niyang tayong mga Pinoy gustong gusto ng surprise. Lalo na kapag kailangang kailangan mo, dun Niya binibigay, huwag ka lang makulit sa kaka-dalangin. Kahit si Lord marunong din magsawa, nauubos din ang pasensya. Kahit minsan mo lang sabihin, or better, huwag mo ng hingin, ibibigay niya yun ng kusa. 

Last year, nangailangan ang tatay ko ng pera pampuhunan. Guess what, nanalo siya ng 100k sa jueteng. Dalawang beses nangyari yun. 

Recently, andami kong upcoming na gastos. 

Hindi ako nanalo sa jueteng (dahil hindi ako tumataya), pero may nakuha ng biglaan.

Ask and you will receive.

Saturday, December 8, 2012

Learning to Let Go

picture courtesy of http://lavistachurchofchrist.org

Not long ago, nagpaseminar ang company ko about risk management. Medyo napalihis ng topic yung resource speaker at nabanggit niya ang 70-20-10 rules sa personal finance. According kay Tito Wikipedia, ang personal finance ay: 


Personal finance refers to the financial decisions which an individual or a family unit is required to make to obtain, budget, save, and spend monetary resources over time, taking into account various financial risks and future life events. When planning personal finances the individual would consider the suitability to his or her needs of a range of banking products (checking, savings accounts, credit cards and consumer loans) or investment (stock market, bonds, mutual funds) and insurance (life insurance, health insurance, disability insurance) products or participation and monitoring of individual- or employer-sponsored retirement plans, social security benefits, and income tax management.

Sa 70-20-10 rule, 70% ng kinikita mo ang ilalaan mo sa pang-araw araw mong gastos, 20% ilalaan sa savings at 10% ay ido-donate. Kung mapapansin n'yo, si Tito Wikipedia walang binanggit na pamimigay mo yung pera mo. Puro management ng sarili mong pera. 

Ang sabi ng resource speaker namin, kaya daw merong 10% d'yan, pwera pa sa based din yan sa bible eh dahil we must learn to let go of money. Dahil, kung puro ko take ng pera at hindi ka marunong magbigay, nagiging alipin ka ng pera. Which is, may sense nga naman. 

Sa limited time ko dito sa mundo (27 years so far), napansin ko na tama yung kasabihang "The more you give, the more you receive." Case in point, nung magkaroon ako ng pagkakataong magtrabaho, kapag nag-sisimba, ang binibigay ko palagi ay 20 petot lang. Pero nung magbago na ang trabaho ko at tumaas ang sweldo ko, tinaas ko ng tinaas ang binibigay ko sa simbahan. At everytime na nagkaroon ako ng pagkakataon ng itaas ang binibigay, ambait ni Lord at binibigyan niya ako lagi ng mas marami pang pera! ^_^

Opcors, huwag ka namang magbigay para lang bigyan ka lalo ng mas maraming biyaya. Ang pagbibigay ay isang bagay na kusa. Parang pag-ibig lang yan. Hindi lahat may pagkakataong makapagtipid ng pera. Kung nakakapaglaan ka ng pera para sa sarili, siguro naman kaya mo ring maglaan ng konting bahagi nun para sa iba. 

Hindi ko tatapusin ang blogpost na'to sa kung anu anong shit. Tatapusin ko siya sa isang bible passage na sa tuwing babasahin ko, nanliliit ako. 


Luke 21: As Jesus looked up, he saw the rich putting their gifts into the temple treasury.  He also saw a poor widow put in two very small copper coins.  “Truly I tell you,” he said, “this poor widow has put in more than all the others.  All these people gave their gifts out of their wealth; but she out of her poverty put in all she had to live on.”

Tuesday, November 6, 2012

Never Say Never

Note: Hindi ko idol si Justin Bieber ha. Yak.

Right after graduating from college, I told myself I'll never work in a bank. I can't imagine myself doing the same stuff over and over again. Ayaw kong maging teller kasi I'm really clumsy rin paminsan. Baka ma-short ako. Ayaw ko ring nakatambay sa bangko, parang hospital ang dating. Tahimik ang atmosphere. Bawal ding magtext. At kahit hindi uso ang holdapan ng bangko sa Pampanga, takot pa rin akong maholdap. 

Look where I am now. I work in Rural Bank of Florida now. Opcors, yung mga iniimagine ko eh hindi naman nangyari. Sa executive office ako kaya I don't feel monotonous. Oo nga naman. Kapag sinabing bangko, syempre meron din namang executive office dapat yan na namamahala sa operations ng lahat ng branches. 



So far, masaya ako sa trabaho. Checkout our website: Bank of Florida website Okay ang sweldo, okaya din ang benefits. Ang dami ko ngang bagong natutuhan dito sa rural bank. Ang interest rate ng rural banks e mas mataas kesa sa commercial banks! Ang company ko ay majority owned ng isang family, and although magkakapatid at magkakamag-anak mga nakakasalamuha ko dito, very professional naman sila. Ang popular notion na "LAHAT BOSS" kapag magkakapatid ang boss mo e hindi totoo sa company ko. Hindi rin monotonous ang buhay ko dito. Araw araw merong bago. Nabubusog ako sa mga seminar. Ang dami kong natutuhan. Nakakaputi rin kasi hindi ko na kailangang pumasok ng 1 or 2pm. Hehehe.

Very simple lang blogpost ko today. Kasi napa-humble ako ng kasaraduhan ng isip ko dati. Baka ma-apply din ito sa buhay n'yo. 

So iun. 

Ang lesson for today ay "Never say never."  


Tuesday, June 26, 2012

School

Tomorrow, I start a new day again as an instructor sa isang sikat na university sa Pampanga. It's been a while na rin since last akong nagblog at ewan ko lang kung nasabi ko na'to o hindi pero magbibigay ako ulit ng points ko sa teaching career.

Hindi ako naging mabuting estudyante dati dahil I failed to connect the subject sa tunay na buhay. For example, hanggang ngayon, hindi ko pa rin naa-apply ang factorial sa tunay na buhay. Hindi ko pa rin nagagamit ang pagkuha ng area ng cone. Easy pa yung mga yan. Yung mahihirap talagang kinalimutan ko na. 

Hindi rin ako naging mabuting estudyante dahil muntik akong mapatay ng ibang teacher ko sa pagkaboring. Merong di marunong magturo, merong di marunong magjoke, merong sobrang labo kausap, merong di lang talaga marunong. But opcors, now that I've grown up na, hindi ko na masasabing dapat aasa ako sa teacher. Hindi na kasalanan ng teacher yung fufu siya. Sabagay, paminsan wala din namang pakialam ang teacher kung fufu tingin sa kanya.



Reasons kung bakit marami akong natutuhan sa isang subject:


1) Gusto ko talaga ang subject.

2) Gusto ko talaga ang teacher. Either crush ko siya or magaling talaga siyang magturo. Ang tunay na magaling na teacher, matatandaan mo ang lesson niya dahil... a) Praktikal ang turo niya. Hindi mo makakalimutan hanggang tumanda or nagka-amnesia ka. b) Matagal mo ng pinag-aaralan ang isang bagay at siya lang ang nakapagpaliwanag ng topic. Magaling siya magturo for short. c) Alam mong magagamit mo ang turo niya sa tunay na buhay. 

Yun lang ang reasons ba't ako natuto. Ang unang reason, wala akong kontrol dun. I can try to influence a student para mahalin n'ya ang subject. Pero kadalasan, pag di mo talaga hilig ang subject, wala talaga unless masipag kang mag-aral. 

Sa pangalawang reason ako magbabangko. ^_^ I think a lot of teachers fail to realize it minsan and focus on just discussing what's in the book. 

Yun ang tamang daan. 

Monday, June 4, 2012

Stars

She left me for a guy who promised her the stars.

Once upon a time, I loved a girl so much. 

I gave her everything she wanted...

As long as I can. 



One day, she looked up and saw how beautiful stars are. 

She asked for a STAR. 

I told her I can never afford to give her a star. 



She left me for a guy who promised her the stars.

I would've given her everything I had.

Including me.

Instead she chose the STARS.

I would never be able to understand her.

STARS ARE JUST BIG  BALLS OF FIRE...

Tuesday, May 8, 2012

Lumang Bayani

Sino ang bayani?

Sabi nila ang mga bagong bayani daw ay ang mga OFW na nagsasakripisyo mag-abroad, lalayo sa pamilya, makikipagsapalaran para umahon sa kahirapan. Hindi na bago sa'kin makarinig ng pangarap na "Gusto kong mag-abroad at kumita ng malaki." It seems most ng mga kapitbahay ko eh nag-aabroad ang isa sa mag-anak at isa isa niyang isasama ang mga kapatid para umahon din sila sa kahirapan? Hhmmm.. Kung ganun, karamihan sa mga kapitbahay ko ay puro mga bayani. My question now is, "Sino ba ang lumang bayani?"

I've always thought na ang mga teachers ko mula prep hanggang college eh mga bayani. I've always thought na ang mga naiiwan sa Pinas at hindi nangarap mag-abroad ay bayani. I've always thought na ang pagsasakripisyo kapalit ng yaman ay maganda para sa pamilya. Pero ang pagsasakripisyo ng malaking sweldo sa abroad para magtrabaho dito at magbigay ng karangalan sa bansa ay higit na malaking karangalan. Ganun na lang ang taas ng pagtingin ko sa mga mamaw teacher ko. Lalung lalo na nung college. Halos lahat UP Grad at cum laude pataas nung matapos sa pag-aaral pero pinili pa rin nilang magturo sa UP. Watdapak, kung tutuusin kayang kaya nilang magtrabaho sa ibang kumpanya at kikita sila ng higit na malaki. Lipat nga lang sila ng ibang skul mas malaki na agad ang kita... Pero hindi e. Karangalang makapagturo at maglingkod sa bayan muna iniisip nila bago ang sarili o kahit pa man ang pamilya.


And I choose to stay here in the Philippines kahit mabulok na ako dito.


Ayaw kong mag-abroad. Ayaw kong isakripisyo ang oras ko sa pamilya. Basta sama sama kami masaya na'ko. Hindi ako naniniwala sa ipon lang ng konti, bili ng bahay at lupa at kung anu anong shit and then after umuwi babalik din naman dun. Minsan, pag mas madali ang buhay sa ibang bansa, magmimigrate na sila. Hindi naman sa nambabasag ako ng trip. Yun gusto nila eh. Ang akin lang,kaya lang ba mag-aabroad para lang gumanda ang buhay? Yun na yun? Ang pangarap mo ba ay nananatiling para sa sarili lamang? Para sa pamilya mo lang? Wala para sa bayan? 

Maraming maraming salamat sa mga taong marunong tumanaw ng utang na loob. Yung mga balikbayan na naisipang mag-ipon lang ng pera, magbusiness at tumira na lang ulit sa Pinas. Silang mga hindi kumalimot sa bayan. Kayo talaga ang mga bagong bayani. 

Pero para sa mga bayaning Pinoy na nananatili sa bansa sa kakarampot na sweldo, maraming maraming salamat po. Kayo po ang lumang bayani. Pero hindi lumiliit ang pagtingin ko sa inyo. Lalo pang tumataas. At kayo ang aking pamamarisan...