Sakripisyo, Penitensya, Pagbayad sa mga Kasalanan. |
Marami sa atin ang excited kapag mahal na araw. However, when you come to think of it, hindi ba naghihirap si Jesus Christ nun? Yung iba, nakaset na ang schedule nila para magbakasyon sa kung saan saang shit. For those na ayaw mag-celebrate, eto ang isang listahan ng mga bagay na pwede mong gawin.
1. Visita Iglesia
Kasama na sa tradisyon ng mga Pinoy ang pag-visita iglesia. Ito ay ang pagdalaw sa pitong simbahan sa Huwebes Santo. Ginugunita dito ang paghihirap ni Jesus. Pero come one pokemon. Ang iba, ginagawa talagang bakasyon ang visita iglesia. Para mas may sacrifice ang pag visita iglesia mo, huwag kang magdala ng sasakyan. Mag-commute lang at huwag ka na ring magdala ng payong o pamaypay. Huwag mo na rin idahilan ang cancer o kung anong shit. Alam ko namang ang main reason mo ay masyadong mainit.
2. Magbasa ng Bibliya
Guilty ako dito. Hindi ko pa rin natatapos basahin ang bibliya kahit 27 taong gulang na ako. Ang New Testament, kung tama ang pagkakaalala ko, nabasa ko na. Ang Old Testament hindi ko pa natatapos. Baka its time na para makabawi ka di ba? Ako rin babawi ako. Read and reflect.
3. Mag Ayuno
O, eto na ang chance na magdiet ka. Well, paminsan napipilitan ka lang talagang magdiet eh. Kasi ang mga magulang mo, ibabawal ang pagkain mo ng karne. Wahehehehe. Pero just to be realistic about it, you can share the Christ's suffering in your own little way e. Ang pagbabawas sa kung ano mang sobra ay mabuti.
4. Magpenitensya
I used to hate yung mga nagpepenitensya. Kasi naman messy and nakakainis yung pagkatapos nilang magpenitensya, naliligo sa ilog and then nakikipag-inuman na. But then again, meron din sigurong panata talaga ang papepenitensya. Kung advocacy ng simbahang Katoliko ang pagsasakripisyo sa mahal na araw, sana naman tumulong sila sa mahihirap dito sa Pilipinas at huwag bili ng bili ng putang-inang SUV. Si Jesus Christ nga naglalakad lang minsan. Kanya kanyang trip lang yan ng sakripisyo. Ang importante, ang pagsisisi sa kasalanan ay may kaakibat na pagbabago. Magbago pagkatapos mong magsisi.
5. Iwasan ang mga bagay na palagi mong kinatutuwang gawin.
Patayin muna ang celphone, huwag munang mag-internet, huwag kumain ng masasarap sa Biyernes Santo. Magbasa ka na lang ng bible o manood ng palabas na pang mahal na araw.
yeah...repent and believe in the Gospel.
ReplyDeleteThanks Binibining Wanderlust! Papako kaw? ^_^
Deletehaha....dependi keng paku sir! whahaha
ReplyDeleteLambing lang!
Delete