Ano ang dahilan mo kanina? |
First off, nagpost ako last time about pag-gastos para makatipid. Hindi natuloy ang lagnat ko. Nawala rin ang sipon ko dahil sa Smart C. ^_^
Nalipat rin ako ng company pala. Hindi na'ko writer sa isang SEO firm. Corporate Writer na'ko ngayon sa isang green energy company at kaka-promote ko lang din as IT Coordinator. Temporarily, hawak ko rin ang SEO Department.
At, lately, laging nalelate yung mga bata ko sa SEO Department. Natatawa ako kasi kung anu-anong dahilan na lang naririnig ko sa kanila.
Paano nga ba dapat magdahilan?
Kung magdadahilan ka, make sure na ang taong kausap mo eh kilalang kilala mo ang ugali. May tipo ng taong madaling kausap. May tipo ng taong mahirap paniwalain. May tipo ng taong concerned. Kapag kilala mo ang ugali ng taong magdadahilan ka hindi ka mahihirapan o maguguilty.
Sample
Nung high school days ko. Lagi akong naglalakwatsa. Kung 4pm labas ko ng school, uuwi ako ng bandang 8pm. At ang laging tanong ni Mama eh ang usual na "Saan ka nanggaling?!"
Dahilan
Kung anu-ano na rin ang nasabi kong dahilan dati. Until naisip ko ang perfect excuse!
Mama: San ka nanggaling? Gabing gabi na. Kanina pa kita hinihintay!
Elnel: San ako nanggaling?!
Mama: Baka uminom ka?
Elnel: Umiinom ba ako?!
Mama: Baka nagsisigarilyo ka?
Elnel: Nagsisigarilyo ba ako?!
Mama: Baka nagdadrugs ka?
Elnel: Mukha ba akong nagda-drugs?!
Tuwing magtatanong si Mama, mas nilalakasan ko ang sagot ko. Dapat papakita mo na naiinsulto ka. And then start your litanya.
Elnel: Ma, umiinom ba ako?
Mama: Hindi.
Elnel: Naninagarilyo ba ako?
Mama: Hindi..
Elnel: Nagda-drugs ba ako?
Mama: Hindi...
By this time nakokonsensya na dapag kausap mo and then follow-up mo ng finishing blow...
Elnel: O, wala akong bisyo! Hindi ako umiinom, hindi ako naninigarilyo, hindi ako nagdadrugs! Ang ibang bata nga d'yan nasira na ang buhay! Ako naglakwatsa lang ako! Kasama ko ang mababait kong mga kaibigan!
Mama: ...sorry... :'c
Ayan po. Yan ang classic scene namin ni Mama. Gamitin ang utak para makapagdahilan ng mabuti. Tandaan, in any argument dapat ready ka. Ang kalaban mo ay prepared! And way para talunin siya ay mag maging prepared at mas maging mautak.
Sample
Nung college ako. May prof akong galit na galit sa mga late. Nung araw na yun, apat kaming late dumating at first day pa naman namin siyang na-meet.
Prof: Ikaw bakit ka na-late student 1?
Student 1: Sumakit po ulo ko.
Prof: Student 2?
Student 2: Si po ako agad nagising.
Prof: Student 3?
Student 3: Na-traffic po ako.
Prof: Elnel?
Elnel: Wala po akong dahilan. Late lang talaga ako.
Pinalabas yung tatlo.
Paminsan, sawang sawa na mga prof o mga boss sa mga usual na dahilan. Dahil sa huli, kaya ka nalate eh dahil na rin sa sarili mo. Wala naman talagang dahilan kung bakit ka nale-late.
Never lie because people aren't stupid. Kung nakalusot ka man dahil nagsinungaling ka sana maisip mo rin na baka kaya ka pinalagpas ng amo or teacher mo eh dahil he or she cares for you. Bibigyan ka n'ya ng chance. Baka sa susunod, hindi ka na magsisinungaling.
O baka gusto lang nyang malaman ang totoo para hindi siya mag-aalala para sa'yo.