Hopefully Ngayong Nandito Ka sa Blog ko, Hindi Ka Nawawala. ^_^

Please don't forget to subscribe to my blog para pag may post ako automatic makikita nyo. Feel free to share my blog sa Facebook, Twitter, Google+ or any other social media.

Salamas!

Saturday, October 26, 2013

Opposites Attract, Likes Repel

Sabi ni Tita Alanis Morissette ang life daw ay IRONIC. 

Sabi nila "opposites attract" but "likes repel" sa Physics.
Sa tao daw ganun din. I object kasi mas naa-attract ako sa kapareho ko. 

Hindi naman tayo nakakakita ng isang taong halos kaugali at kaisip natin. 
You are my one in a million. 

Ni hindi man nga kita pinapansin dati. 
Makulit ka lang talagang magpa-pansin. 
Natatawa na lang ako sa pagpapapansin mo. 
Ikaw yung tipo ng babae na gumaganda lalo habang tumatagal mong kakilala. 
Kakaiba ka kasi.
Astig ka.

Hindi ka natatakot magshare ng kung anu anong istorya sa buhay mo. 
Kahit puno pa ng katangahan ang mga ginawa mo, nakakatuwa ka.
Kasi it takes courage to do that. 
Yung ibang babae masyadong makwento about kagandahan at mga kabutihan nilang nagagawa. 
Ikaw, kumpleto story mo.
May happy, may sad, may funny, may ewan.. Pati horror meron ka. 
Gago ka, nangilabot ako sa kwento mo. 
May sound effect ka pa ngang nalalaman. 
Ganun din naman ako. 
Pero hindi ako ganun kadalas mag-sound effect. 
Baliw ka kasi. 
Ikaw ang "Queen Baliw." 
Kaso ang tawag mo naman sa'kin "King Baliw."

Sabi mo hinding hindi ka nagsisinungaling sa'kin. 
You've been honest sa'kin simula pa nung umpisa.
Ganun din naman ako. 
Nagkakasundo tayo na sasabihin na lang ang totoo kahit na makakasakit kesa magsabi ng kasinungalingan para masaya. 
Kagaguhan ang saya kung puno naman ng kasinungalingan.

Kung makapag hot sauce ka para kang bagyo. Ang lakas ng taktak. 
Akala ko ako lang ang adik sa hot sauce sa mundo. 
At least wala ng tatawa sa'kin at magtatanong kung nalalasahan ko pa ang pizza. 
Mahirap palang kumain tayo ng pizza sa bahay. 
Mag-aagawan tayo sa paubos na pampa-anghang.

Kung tumawa ka wagas.
Para kang snooze alarm, habang tumatagal ang tawa, lalong lumalakas.
Wala kang paki sa mga taong nasa paligid mo.
Pakialam nga ba nila di ba?
Sa'kin okay lang kasi lalaki naman ako.
Ikaw, ewan ko sa'yo. 
Pero every time na ginagawa mo yun lalo lang akong nacu-cutan sa'yo. 

Ang mahirap pareho tayo ng isip.
Minsan magtinginan lang tayo natatawa na tayo.
Alam mo kung anong iniisip ko, alam ko kung anong iniisp mo.
Minsan hindi na kailangan ng tingin. 
Sabay na lang talaga tayong tatawa. 
Minsan iniisip ko baka baliw lang talaga tayo. 
Baka hindi naman talaga nating naiintindihan ang isa't isa. 
Basta na lang tayo natatawa. 

Mga madalas mong sinasabi, nababanggit ko na rin.
At ikaw, ganun ka rin naman. 
Nakaka-adik ka.
Para karing virus.. masyado kang contagious. 

Kapag hawak mo ang kamay ko, pakiramdam ko ayaw mo ng bumitaw.
Minsan tinanong mo na ako, kung pwede kitang iuwi sa bahay.
Kung pwede lang sana.. Dahil pinaka ayaw kong moment natin e yung part na kelangan ko ng sabihin ang "good bye."

Wala kang paki kung anong tingin sa'yo ng iba. 
Basta wala kang nasasaktan. 
Hahaha.. Ganun din naman ako di ba?
Kaso minsan hindi maiwasan, meron at meron tayong natatapakan.

Sabi mo sa'kin napapasaya kita.
Natutuwa ako na ganun din nararamdaman mo. 
Dahil hindi ko alam kung anong sunod na gagawin.
Relasyon nati'y medyo kakaiba din. 

Gusto ko yung hugs and kisses mo. 
Sabi mo gustong gusto mo rin. 
Gusto kong nakakasama kita ng solo.
Sabi mo parang panaginip lang itong lahat.
Gusto kong sabihin na madali lang mahulog sa'yo.
Kaso naunahan mo na ako.. 
Ay naku.. Pareho pala tayong easy to get. 
Putanginang tadhana 'yan...

Sa dinami dami ng pagkakapareho natin. 
Iisa lang ang alam kong pinagkaiba natin. 
Gusto ko ng commitment..










Ikaw naman ayaw mo.. 






At dahil lang dun, nawalan na ng timbang lahat ng pagkaka-pareho natin.

Siguro wala naman talagang "tayo."

Baka nga totoo yung "likes repel..."
Baka..  

Putanginang Physics yan.

Thursday, October 24, 2013

Kelan Ba Dapat Mag-asawa?

photo taken from www.pendoreilleco.org

I just turned 28 this October 2013. And, lately napadalas ang tanong sa'kin na "Bakit hindi ka pa nag-aasawa?" Alam naman nilang walang akong girlfriend. 

At bilib din ako sa dahilan ng iba kung bakit dapat mag-asawa ng maaga. Kasi daw baka hindi mo na abutang gumraduate ang mga anak mo. Wala naman akong pakialam kung ga-graduate o hindi ang anak ko. Ang importante maging mabuti siyang tao and maging masaya siya. Wala rin akong pakialam kung matanda na'ko pagka-graduate niya. Basta naging mabuti siyang tao, I won't be prouder. 

Sa society na sobrang taas ang pagtingin sa mga graduate or sa mga taong matataas ng grade, I find happiness in simply knowing I am not one of them. Kaya hindi ko rin alam kung maiinis ako sa mga school na nagsasamantala sa mga tatanga tangang magulang by giving students sky high grades. Perhaps they'll earn a lot of money ne? But then again, baka nagpapakatanga lang din ang mga magulang para lang maipagmalaki lang nila na ang anak nila e matataas ang grade. In the end, kaya nila inenroll ang mga anak dun hindi para matuto ang bata pero para maipagmalaki nila sa iba na magaling ang anak nila dahil manang mana sila sa magulang. 

But then, there are also people who tell me dapat mag-enjoy ako sa pagiging single at inggit sila sa'kin kasi nagagawa ko ang gusto ko. Dahil kapag nag-asawa daw, hinding hindi ko na pwedeng gawin ang mga bagay na nagagawa ko ng malaya. 

Going back sa topic.. Bakit wala pa akong narinig na advise sakin na huwag muna akong mag-asawa kasi dapat ko pang hanapin ang taong magmamahal sa'kin? Where am I living na? Why is society so eager to dictate na mag-asawa ka just to see your children graduate? Ayaw kong mag-asawa for the sake of mag-aasawa ako para may mag-aalaga sa'kin pagtanda. Although may obligasyon tayong humayo at magpakarami, marami rin tayong ibang obligasyon other than that. I do not want to be compelled to marry for the sake of magpaparami lang. Sana marami na'ko ginawang baby kasi madali lang naman yun.

Gusto kong mag-asawa dahil mahal ko ang isang tao at nakikita kong kasama ko siya pang-habambuhay. Yun lang.. Ganun lang kadali.

Yun nga lang.. Mahirap gawin.

 

Tuesday, October 22, 2013

Traydor

Sa dinami dami ng nagbibigay praise sa'kin sa mga posts ko dito sa blog at sa FB page ko, I wonder kung ilang tao ang tunay na natutuwa sa mga pinaglalalagay ko. Eto yung nakakatakot sa dumadami sa followers and mga kaibigan kuno sa FB..

Hindi lahat nagsasabi ng totoo. 

Haha.. Wala e. Part na rin yun ng pagiging tao siguro. Ta-traydurin ka rin ng iba. 

Pero kahit ganun, hindi pa rin ako nasasanay. Sino ba dito ang sanay na? Mahirap iwasan ang isang bagay na alam mong darating din. 

Yung mga traydor nand'yan lang sila sa tabi tabi.. 

Naghihintay lang tumalikod ka.

Ang hirap ng mag-ingat ngayon.