Sabi nila, kapag magsisimbang gabi ka raw, magwish ka araw araw at pag natapos mo ang lahat ng araw...
Matutupad ang wish mo.
Nakaka limang simbang gabi na ako at totoo nga namang lahat ng hiniling ko nagkatotoo. Ang huli kong wish, magkaroon ng sarili kong kotse.
At by May ngayong 2011, nagkaroon nga ako ng brand new second hand car! Dream car ko 'to dati. Isang Mitsubishi Lancer 98' GLXi A/T or commonly known as pizza pie. Korteng pizza pie kasi ang tail light nito. Mula bata ako gusto ko ng magkaroon ng ganitong kotse. Pinangalanan ko itong "Andrew Jr." dahil sa plate number niya. Sakto puti rin ang nakuha ko. Maalikabok kasi sa amin kaya gusto ko puti. Hindi halata ang alikabok sa puti eh. ^_^
Laking tuwa ko ng makuha ko ang kotse. Laking lungkot ko nung sunud sunod na masira ito. So far eto na napagawa ko sa kanya:
power window 500
radiator flushing 500
coolant 300
tire alignment 400
surplus radiator 4000
aircon 2500
Total 8200
Sobrang sakit sa bulsa. Tapos ang lakas sa gas. Once or twice ko lang siyang ginagamit kasi pag pupunta akong Clark, siguro 250-300 sa gas balikan. Nayupi pa yan sa harapan nung minsang sumagi siya habang nagpapark ako sa masikip naming gate. Buti na lang naawa sa'kin ang mekaniko at pinukpok nila for free!
Dalawang beses na rin akong nasiraan sa daan. Yung una, nag overheat siya sa harap ng Angeles University Foundation. Tumulong sa'kin Dutch national pa. Pinanood lang ako ng mga Pinoy. Ni wala man lang nag offer sa'kin ng tubig. Bumili pa ako ng distilled water. 80 pesos!
Pangalawang beses sa may Sacop, overheat na naman. This time yung mga jeep pang Angeles San Fernando, dinagdagan nila yung tubig na dala ko. Yung isa binigay pa ang container ng tubig niya sa'kin. Mga manong, pagpalain kayo ng Diyos!
So far puro nakikita ko ay gastos sa hiniling ko.
Pero sa isang banda, nagamit ko si Junior nung emergency na kailangan naming dalhin si Lolo sa Ospital. Namatay din si lolo kinabukasan pero it bought time for us to be with him kahit saglit lang. Nagkaroon ako ng friend na Dutch na alam kong "mabuting tao" kahit stranger ako tinulungan niya ako. Ganun din ang gagawin ko niyan kapag may nakita akong nasiraan at walang tumutulong sa kanila. Nawalan ako gana sa mga Pinoy nung unang beses na masiraan ako. Pero nabawi naman ito sa pangalawang overheat ni Junior. Ginagamit ko si Junior kapag sweldo para maisakay ko mga katrabaho ko pauwi. Delikado rin kasi pag sweldo, uwian namin alanganing oras kaya malaking tulong may sariling sasakyan.
Oo, magastos magkaroon ng sariling kotse. Pero, ito yung winish ko kay Lord. Naguguilty ako sa inis ko sa gastos at hindi ko naaappreciate yung tulong ni Junior sa'kin. Ang gastos ay gastos, ang tulong ay tulong. Dapat matuto kang magtimbang kung ano ang nakakabuti sa hindi.
Sa huli, payo ko na lang ay mag-ingat kung ano ang hinihiling mo.
Dapat ang hiniling ko brand new?
Hehehe. Hindi. Okay na si Junior!
Tagal naman ng susunod na simbang gabi! ^_^