Night Run sa Highway |
Minsan, bigla na lang pumapasok sa isip ko kung ano ang gusto kong gawin. Minsan wala sa oras.. Parang kani-kanina lang, naisipan kong mag-jogging. Bandang 10pm ko naisip 'yun. Kaso Kumain ako ng 9:30pm at naparami ang kain ko so I decided na tatakbo na lang ako ng 11:30pm.
Yep, pinagbigyan ko ang scumbag brain ko na tumakbo ng ganung ka-late. But then again, it's not that bad na tumakbo ka sa gabi. Marami din naman reasons kung bakit mas prefer kong tumakbo sa gabi. Mailista nga:
1. Around 9pm onwards, konti lang ang tumatakbo. Walang haharang harang sa dinadaanan mo. Hindi masisira ang momentum. Less din ang sasakyan (I partially jog sa tabi ng highway), less din ang pollution na malalanghap mo. Generally, mas mabilis nga lang ang takbo ng mga sasakyan so please be careful sa pagtakbo. Ideally, against the traffic ang pagtakbo.
2. Hirap akong bumangon ng maaga lately dahil madaling araw na akong natutulog. Less pressure na gumising ng maaga. Medyo malamig rin naman ang gabi. Hindi ka rin iitim kung sensitive ka sa araw. ^_^
3. Mas tahimik. Mas nakakapag isip isip ako. And then nagkakaroon pa ako ng runner's high. Sa mga nagtataka kung ano ang runner's high. 'Yun 'yung moment sa pagtakbo mo na bigla ka lang masaya kahit medyo pagod ka na. Plus, inspired ka na lang bigla. So kung hirap kang mag-isip, it helps a bit kung tumakbo ka kahit ilang minuto lang. Wala namang mawawala but you have everything to gain.
4. You get fit. Lumalakas endurance, nagagamit muscles mo, papayat ka, masaya ka pa.
5. It's a totally different experience. I can't explain it talaga all too well. Try it. Okay naman ang tumakbo ng maaga. You get to appreciate nature kasi nakikita mo. For me, ang night run makes me appreciate myself more dahil na rin siguro obviously hindi ko makita ang nature ng maayos kapag gabi. So I can only notice myself.
Ang walang kakwenta kwentang view kapag gabi. ^_^ |
That's all I can think of right now. I'll prolly update this later on. Pero for now, gusto ko ng quick post sa blog ko. Been a while na rin since my last post. Haha.
I miss blogging. Na-inspire siguro akong magsulat ulit dahil sa midnight run ko.
O ha!
No comments:
Post a Comment