Hopefully Ngayong Nandito Ka sa Blog ko, Hindi Ka Nawawala. ^_^

Please don't forget to subscribe to my blog para pag may post ako automatic makikita nyo. Feel free to share my blog sa Facebook, Twitter, Google+ or any other social media.

Salamas!

Friday, December 25, 2015

Paano Pumayat?

I lost 24 lbs. in 3 months ng walang special na ginagawa! Sino ba yang chubby na nasa kaliwa? Wahehehe.


Around 3 months akong nagpapayat at 24 lbs. na ang nababawas sa'kin.  Wala akong secret diet o secret exercise na ginawa. Wala ding extra special na preparation. Sobrang dali lang ng ginawa ko na kayang kaya rin itong gawin ng ibang tao.So ano nga ba ang pwedeng gawin para pumayat?

One of the problems habang tumatanda e kumokonti ang fats na nabuburn ng katawan. Nagiging less active na rin dahil siguro pagod sa trabaho, stress o tamad na lang sa buhay. I can attest to d'yan. Ever since umapak ako sa late 20's at ngayon sa early 30's ko, ambilis ko ng tumaba. Kaya kailangan na ring mag-ayos buhay. I hope makatulong ang post ko na ito sa inyo. 

Simple lang ang formula para pumayat. Kung gusto mong pumayat, bawasan mo lang ang normal na dami ng kinakain mo araw araw. That's it. Wala ng pahirap pahirap pa. Walang laktaw laktaw ng putanginang meal. 'Pag naglaktaw ka ng meal, magugutom ka lang tapos mapapalamon ka sa susunod na kain. Wala ka ring ginawa.. Pinahirapan mo lang ang sarili mo. 

Pero merong paraan para mas lalo kang papayat. Samahan mo ang diet mo ng exercise para exponential ang pagpayat. Anong klaseng exercise? Bahala ka. As long as magpapawis ka for at least 15 minutes. Sigurado akong papayat ka. 

Ano bang ginawa ko para pumayat ng 24 lbs. sa loob lang ng tatlong buwan?

Unang una, ang diet ko is oat meal sa umaga. Consistent for 5-6 days a week na oat meal lang kinakain ko tuwing agahan. Pag merong prutas, sinasamahan ko nun. May kasamang gatas ang oat meal ko para may lasa pa rin. Nauumay ako kung oatmeal lang. Nagugutom ba'ko kasi walang kanin at ulam? Oo. Kumakain ako ng breakfast bandang 8 o 8:30am. Bandang 11 am nagugutom na'ko. Ang ginagawa ko, umiinom na lang ako ng tubig. Pag di matiis, nag Sky Flakes na lang ako. Lunch ko nun would be at 12:30 pm. 1-2 days a week, cheat day ko. Kumakain ako ng sinangag. Kasi masarap ang putanginang fried rice na maraming maraming bawang. 


Around 69 pesos lang may lasa na ang oatmeal mo. Nasa 64 pesos 'yung plain. Edi dun nako sa may lasa. ^_^


Next, lahat ng meal ko as long as binabawasan ko ang usual serving okay na. So kung dati, dalawang kanin kinakain ko, either isa or isa't kalahating cups na lang ng rice. Same din sa ulam. May times, hindi rin ako makatiis pag sobrang sarap ng ulam, napapadagdag ang kain. I make sure na lang na sa susunod na meal e babawi ako. 

Sa exercise, nung unang dalawang buwan.. Tumatakbo ako ng isang oras sa isang araw 3x a week. Matagal na rin akong tumatakbo kaya hindi rin advisable sa mga newbies na tumakbo ng ganun katagal. What you can do is mag-exercise ng sobrang nakakapagod for at least 15 minutes. Meron akong isang set ng dumbbell sa bahay. Check ka ng 15-minute workout sa YouTube tapos sundan mo lang. Gawin mo un ng 3-4x a week para pagpawisan ka at magdevelop muscles mo. Ay, tiyak kong papayat ka in no time. 

Also, try to make it a point na lagi kang kumikilos. Kahit may elevator, gumagamit ako lagi ng stairs. Kahit may sasakyan, lagi kong nilalakad ang grocery store sa kanto. Basta masingit ang exercise, sinisingit ko. It doesn't matter kung konti o malaki ang effort. Basta masingit ang exercise, sinisingit ko. Lakad is lakad. Nadidisappoint nga ako sa mga naka-hoverboard. But then again, choice nila yun e. Haha. Lilipas din ang pagkauso ng hoverboard. Iba pa rin ang lakad. 

Un lang, napasobra ang pagpapapayat ko. Yung mga pantalon ko, baggy na. Yung sinturon ko, from ikatlong butas ang pinagla-lock, naging unang una na. Ganun kalaki ang nawala sa tiyan ko. Buti, may nag-tag sa'kin ng pic namin at narealize kong sobrang payat ko na pala. Ang next project ko nito e magkalaman. Hehehe. 

So baka ang next post ko is "Paano Tumaba?"




Wednesday, October 28, 2015

Birthdays and Missed Goals

Mintis!


Kaka-30 ko lang nung October 9. Wahehehe. It's amazing how a number can make people think you're old. Pakyu sila. I still feel like 21. Ever since umapak ako sa 21, tuwing tatanungin ako sa age ko, napapaisip ako kung ilang taon na nga ba ako. I guess mag-iiba na ngayong umapak na ako sa line of 3. Haha. 

Anyway, tandang tanda ko pa nung nasa 20's pa lang ako. Very clear ang goals ko pagdating ng 30th birthday ko. Shine-share ko sa students ko kung ano ang mga gusto kong mangyari. Eto 'yung part ng list: 

- Magkaroon ng ipon na at least 1 million
- Magkaroon ng business
- Magkaroon ng bahay
- Magkaroon ng kotse
- Makakuha ng Master's Degree
- Start thinking about building a family

But then again, unti unti kong nakalimutan ang mga goal ko. Nagkaroon ako ng several startup businesses, iniwan ko din. Meron akong bahay pero bigay yun ni Daddy. Hindi rin ako tumitira dun kasi malayo sa sibilisasyon. Nagkaroon ako ng kotse, binenta ko din. Konti lang ipon ko, malayong malayo sa isang milyon. Meron na'kong Master's Degree. And well, 5 months pagkatapos kong ikasal.. Iniwan ako ng asawa ko. 

So yeah. Hindi ko sure kung anong nangyari pero wala naman akong dapat sisihing iba kundi ang sarili ko. But I guess I should still be happy kasi healthy pa din ako (siguro) and relatively, kaya ko pa naman ma-reach lahat ng naging goals ko. All I can do is to start all over. 

When I think about it, it was in my mid 20's nung marealize kong kaya kong ma-achieve lahat ng goals ko. Naging kampante ako hanggang makalimutan ko na kung ano talaga ang gusto ko. Akala ko, mag-automate na lang lahat. 

Hindi pala. 

Meron akong konting ipon. Meron akong LPG business ngayon. Konti pa lang mga suki ko pero dumarami naman sila. Yung kotse kaya ko binenta, sirain. It was a money drain kaya I decided to let go of it. I still have my motorcycle na super tipid. It goes for about 60+ kilometers per liter ng gas. Yung bahay ko, bahay pa din naman. Di'ko lang tinitirhan ngayon. Baka in the future pag marami ng establishments dun, pwede na'kong lumipat. Tapos na'ko sa graduate school, Master of Management. Nag-asawa na'ko nung March. But then, nilayasan ako ng asawa ko. Sakto buntis din siya and I don't know what to do about it.

So.. Yeah.. I need to start over. Medyo hirap ako ngayon dahil naubos pera ko sa kasal and pag-start ng negosyo. But at least I still have stuff. 'Yung iba diyan nagsisimula sa wala talaga. I'm thankful I still have some. 


Never forget what your goals are and do your best para ma-achieve mo yun. 
Please lang, huwag niyo akong pamarisan.You will meet adversity. Kahit saan naman merong hirap. Sabi nga ng Parokya ni Edgar "Wala naman nagsabi na malabo ang mundo.."

I better start thinking of new goals.. 

How about you?