Hopefully Ngayong Nandito Ka sa Blog ko, Hindi Ka Nawawala. ^_^

Please don't forget to subscribe to my blog para pag may post ako automatic makikita nyo. Feel free to share my blog sa Facebook, Twitter, Google+ or any other social media.

Salamas!

Monday, January 2, 2017

Inggit

Nung bata ako, kung anong meron ang mga kaibigan ko na wala ako.. kinaiinggitan ko. May kakaiba silang laruan, naiinggit ako. Mas maganda ang mga laruan ko, original . 'Yung kanila, fake. Pero naiinggit pa din ako. May sungki ang friend ko, inggit ako. Kahit ano na lang kinaiinggitan ko. Kahit na I almost always had something better, it felt like my friends were always happier. 

Pero ngayong tumanda na'ko at nag-mature (ng konti), hindi na'ko naiinggit kung meron man ang kaibigan ko. Naisip ko na siguro hindi sapat ang meron ka para maging masaya. Nasa iyo lang talaga kung paano ka magiging masaya. Kapag successful ang kaibigan ko sa trabaho niya, natutuwa ako para sa kanya. Kapag lumalago ang business ng kaibigan ko, masaya ako. Tapos na'ko sa stage na kapag meron ang iba ng mga bagay na wala ako, gusto ko na rin ng ganun. Finally, I realized na hindi ko kailangang magkaroon ng kung ano mang meron ang iba. Natuto na'kong makuntento. 

Dati habang tinatanong kami isa isa ng mga boss naming Amerikano kung saan namin gustong makapag travel. Merong nagsabi ng Alaska, tumawa sila. Wala naman daw meron dun kung hindi snow. Merong nagsabi ng mga lugar sa US, tumawa sila. Hindi naman daw ganun kaganda sa US. Merong nagsabi sa Paris, ayun! Maganda daw dun. Merong nagsabi sa Canada, tumawa sila. Ganun din, puro snow lang daw sa Canada. Sobrang lamig daw. Nagcomment sila sa mga gusto nilang mapuntahan someday kasi daw sobrang ganda, sobrang saya, sobrang kung anu anong shit. May mga lugar na hindi sila nag agree sa isa't isa. Pagdating sa'kin wala akong masagot. Sabi ko I haven't thought about travelling at all. Sabi ko happy na'ko sa Pilipinas. 

Lalo silang tumawa. 

Pag naiisip ko na ang nangyari dati natatawa na lang ako. 

Tinatawanan nila ako dahil wala akong pangarap na mapuntahan. Tinatawanan ko sila dahil it seems like, kahit kelan hindi sila magiging masaya.