Hopefully Ngayong Nandito Ka sa Blog ko, Hindi Ka Nawawala. ^_^

Please don't forget to subscribe to my blog para pag may post ako automatic makikita nyo. Feel free to share my blog sa Facebook, Twitter, Google+ or any other social media.

Salamas!

Tuesday, March 25, 2014

Tiwala sa Sarili

Kung gaano mo kailangan ng mga taong nagtitiwala sa'yo, ganun din kalaki ang atensyon na pwede mong ibigay sa mga taong hindi nagtitiwala sa'yo.

Matapos mapahiya sa 21k run ko sa 2013 La Salle Animo Run  (natapos ako ng lagpas tatlong oras, wala na yung crowd!), binalak kong sumali ulit sa susunod na taon. 

42k
Yun nga lang, biglang nagkaroon ng 42k run ang Animo Run V (five) 2014 kaya nagdalawang isip akong sumali sa full marathon. 

I've always been a risk taker. Hindi ko rin alam kung makakayanan ko ang full marathon. 42 kilometers un. Ang pinakamahabang natakbo ko is 21 kilometers. Sobrang sakit ng paa ko after ng run ko sa 21k paano pa kaya ang 42? 

Well.. Yun nga ang masaya e. Yung matapos mo ang isang bagay na hindi mo sigurado kung kakayanin mo. Ano bang thrill ng tinatapos mo ang isang bagay na alam mong kaya mo na 'di ba?


Training
Nung bandang December ko binalak mag-training. Kaso lang, inconsistent ako sa pagtakbo. Grabe kasi ang lamig nung December, ang hirap tumayo sa kama sa sobrang lamig. Tapos, pag nakatayo ka naman ng kama, ang hirap namang tumakbo dahil sa sobrang lamig din. Wahehehe.. Nanginging katawan ko, hindi ako makatakbo ng maayos. 

Paano ma-overcome ang katamaran?
Para ma-motivate pa akong mag-training, ang ginawa ko na lang is nag-sign-up na agad ako sa full marathon. Wahehehe.. Putanginang Php 1,500!!! Grabe, kung hindi ko tatapusin ang 42k para ko na ring sinabing pinamigay ko lang ang pera ko. 

By January, naging consistent ang pagtakbo ko. MWF ang training. Morning and night plus isang long run ng Sabado. May mga araw na hindi ako nakatakbo due to unavoidable circumstances, meron ding hindi ako nakatakbo kasi tamad ako. Pero more or less tuluy tuloy ang training ko. 

Sina Mama and Tita, ilang beses akong niremind na kung hindi ko na kaya e sumuko na ako. Ilang beses din akong tinanong kung kaya ko ba talaga.

Etong February, nag-improve na ng malaki ang endurance ko. Bumili ako ng bagong sapatos kasi yung luma kong sapatos masakit na sa paa. Masyadong manipis ang padding. Masakit ipangtakbo kapag matagalan na. Na-cutan din ako sa ad sa dyaryo ng Adidas Duramo 6. Very colorful kasi tska 3k lang. Wahehehe. Tapos nung tumingin ako sa mall, naka-sale pa bigla ng 10% kaya around 2.7k na lang ang shoes. Binili ko agad. ^_^


Start
March 9, 2014. Race day.

Si girlfriend medyo nagwo-worry para sa'kin. I assured her na titigil ako kapag di ko na kaya.Sinisipon kasi ako nun at medyo masama rin ang pakiramdam. Gumising ako ng 1am dahil 3:30 am ang gun start. Kelangang kumain ng maaga dahil mahaba habang takbuhan pa ang gagawin ko. Nauna na'kong pumunta sa start line at pinatulog ko pa ulit si gf. Sumali siya sa 10k run pero 5am pa ang takbo niya. 

Pagdating sa starting line. Nagbigay ng opening remarks ang host, nireview ang mapa. Pinagwarm up kami ng konti tapos binigyan kaming lahat ng glow stick para makita kami ng mga sasakyang dumadaan. In a few minutes tumunog na ang signal for the marathon.
 
Ang start ng takbo 42k e very tense. Walang halos nagsasalita. Lahat halos nagfo-focus lang. Since marami rami na rin akong nasubukang fun run, nasanay na rin ako na dapat e easy lang dapat ang run kapag umpisa. Dapat mag-conserve ng energy hanggang makalahati mo na ang run. Andaming tumakbo ng matulin either dahil matulin nga ang takbo nila o nagyayabang lang sila dahil ayaw nilang magpatalo. ^_^ After 30 minutes ng easy run ko, unti unting bumagal yung mga nakipag-unahan. Isa isa ko silang nilagpasan. 

Kaso, after ng isang oras kong takbo. Ako naman ang nakaramdam ng sakit at pagod. Usually nafi-feel ko un sa unang 2 kilometers ng run. Hindi na bago sa'kin ang ganung feeling. Yung pagod bago mag-adjust ang katawan sa running pace. Kung anu ano ang pumasok sa isip ko habang nasa stage ako na ito. Iniisip ko bakit sumali ako ng 42k e hindi ko naman talaga kaya. Naalala ko yung pinanood ko sa Youtube. Naka dalawang marathon siya nakatapos ng unang marathon niya. Wahehehe.. Ang training ko halos 30 minutes at 1-2 hours lang. Paano pa kaya ang tumakbo lagpas 4 hours?! 

Kelangan ko na bang sumuko?  

Sa pagod ko, isa isa ring naka overtake sa'kin ang iba ibang tao. Dito ko na na-start ang aking super game plan. Run-walk! Since pagod na'ko at alam kong hindi ko kayang i-sustain ang pagtakbo. Pinlano kong mag-alternate ng takbo at lakad. 1 minute lakad then 1 minute takbo. Kapag kaya, 1.5 minute takbo and 1 minute lakad. Pag pagod 1.5 - 2 mins lakad, 1 minute takbo. Eto lang ginawa ko for the rest of the run and it helped a lot.

How?
Andami kong nakitang pinipilit na lang tumakbo kahit pagod na pagod na. Although admirable ang trait na yun, I saw people na pinulikat at na-injury ang paa along the run. Pinilit kasi nila e. Ang buong purpose ng paglakad ko ng 1 minute e para bumwelo para tumakbo ng mas mabilis sa steady pace ko. Kung tama ang tantya ko, ang steady running ko is katumbas lang ng run-walk strategy ko less ang pagod at sobrang sakit na paa. Kapag kasi matagal ka ng tumatakbo, unti unting magmamanhid ang paa mo which iniiwasan ko. 

Sa strategy ko, tinantya ko na matatapos ako between 5 and 6 hours. 

Inspiring
Kapag pare pareho na kayong pagod. Lahat ng kasama mong runners nagiging kaibigan mo na. Hindi ako nagsasawang naririnig ang tanong ng mga kasama ko kung malayo pa ba ang next turning point, next water station, finish line. They all kept going. Bilib pa nga ako dun sa mga matatandang runners. Grabe, puti na ang buhok sumasali pa rin sa marathon. Andami linagpasan lang ako. ^_^ San ka pa?

Meron ding mga nagdarasal habang tumatakbo. Nakakahiya kasi minsan nakakalimot ako kay Lord. I thank these runners kasi dahil sa kanila naaalala ko si Lord. 

Last 10 kilometers
Nung sabihin ng race marshal na last 10 kilometers na lang bigla akong nilakasan ng loob. Kayang kaya kong takbuhin yun! Biglang bumalik lakas ng paa ko. Yung pagod ko wala na rin. Pero I controlled myself and maintained my run-walk strategy. Hindi ko kasi talaga alam ang course. Kaya kong tumakbo ng 10 kilometers straight as long as flat lang ang terrain at fresh pa ako. Alas, 32 kilometers na natakbo ko, nakatirik na ang araw at hindi ko alam ang dadaanan so it was intelligent to just run the last leg ng safe. Baka bumigay paa ko e. 

The first 5 kms I had no trouble doing the run-walk strategy. I struggled sa last 5 kahit na yung terrain e downhill na. One of the runners I passed tinignan ang shoes ko na Adidas tapos biglang nag-comment. Ang sakit na daw ng paa niya kasi Adidas ang shoes niya. Wahehehe.. Biglang sinisi ang sapatos. But I guess that's pretty normal kapag pagod ka na. You find excuses to compensate bakit ang bagal mo. 




 
Finish Line
At the finish line, hinihintay ako ng ever patient kong girlfriend. I saw her malayo pa lang with open arms sa gitna ng finish line. At this point wala na yung pagod at hindi na rin masakit paa ko. I was just so happy to see my girlfriend and the finish line. I felt all the pain gone and was very thankful of that very moment. 

My official time is 05:32:33.193.  



Salamat sa lahat ng taong nagtiwala sa'kin. Dahil sa inyo lumakas ang loob ko.
Salamat sa lahat ng taong hindi nagtiwalang matatapos ko ang mathon, dahil sa inyo..

Lalong lumakas ang loob ko.  
 
Tiwala lang yan sa sarili. 



No comments:

Post a Comment