Hopefully Ngayong Nandito Ka sa Blog ko, Hindi Ka Nawawala. ^_^

Please don't forget to subscribe to my blog para pag may post ako automatic makikita nyo. Feel free to share my blog sa Facebook, Twitter, Google+ or any other social media.

Salamas!

Sunday, July 7, 2013

Inggit

Inggit ka? Ganti ganti na lang? ^_^

Ever felt like naiinggit ka sa mga taong pinanganak na mayaman? Yung tipong nabibili nila lahat ng gusto nila kung kelan nila gusto? Mahilig ka rin ba sa mga telenovela? Yung tipong ampon pala siya at ang tunay niyang mga magulang ay sobrang yaman pala? Ever wished you were one? How about yung maging bf/gf ka ng matagal mo ng crush? 

Ako palagi akong naiinggit. Lalung lalo na nung bata. Winish kong ako si Cedie, may mayamang Lolo na may astiging aso. Winish kong maging superhero din. Naiinggit ako sa mga may super powers eh. Actually, from time to time, kahit bente siete na'ko sinusubukan ko pa rin i-check kung meron akong super powers. 

Wala talaga e.

Puta. 

Ngayon, hindi na'ko gaanong naiinggit. I learned na mas okay maging kuntento. But then again, naiinggit pa rin naman ako from time to time. What I learned from mga nakakatanda and the greater society though is masama ang mainggit. Yan yung palaging lesson sa simbahan 'pag ang topic ng pari e ang magkapatid na si "Cain at Abel." Mas madalas kong marinig lately ang kwentong ng "Prodigal Son." Kahit mga teachers, kaibigan etc. sasabihin nilang masama ang mainggit... Sa Pilipinas lang ba ganito? O sa ibang bansa din?

If you think about it, the only time na masama ang mainggit eh yung time na nananatili ka lang ng inggit and you are not doing anything about it. Okay, so naiinggit ka sa mga mayayaman, what are you going to do about it? We have tons of stories ng mga taong yumaman pero nanggaling sa kahirapan di ba? Don't you even wonder san nagsimula yun? Hindi ba sa inggit? 

So for me, hindi masama ang mainggit kung may gagawin ka about it. Currently, there are only a few people na kinaiinggitan ko. Yep, but I'm happy when I see them. One day, hihigitan ko silang lahat. And I don't have to feel inggit anymore. Hahaha.. 

Simple lang naman ang buhay 'di ba?